You are on page 1of 2

Minsan, sa isang nayon sa La Mancha, nakatira ang isang payat at matandang ginoo na ang

paboritong pampalipas ng oras ay ang pagbasa ng mga libro tungkol sa mga kabalyero.
Gustung-gusto niyang magbasa tungkol sa kanilang mga mapangahas na paglalakbay,
kakaibang pakikipagsapalaran, pagliligtas ng mga prinsesa at iba pa.
Di nagtagal ay nawalan siya ng tamang pag-iisip dahil napuno na ng mga kuwento tungkol sa
pagiging kabalyero ang kaniyang isipan at dahil na rin sa kakulangan ng tulog mula sa
pagbabasa. Naniwala na siya na totoo ang mga kuwento at di kalaunan ay napagpasyahan niya
na gusto niyang maging isang kabalyero.
“Ako ay maglalakbay at magiging isang kabalyero!”
Gumawa siya ng kaniyang sariling sandata at helmet at pinangalanan ang kaniyang matandang
kabayo na Rocinante.
“Papangalanan ko ikaw ng Rocinante o tapat kong kabayo na kasinghanga ng Bulcephalus ni
Alexander the Great!”
“At ako naman ay tatawaging Don Quixote…”
At katulad ng mga kabalyero sa mga kuwento, dahil galing siya sa La Mancha ay…
“Don Quixote de la Mancha!”
Kaya naman siya ay nagsimulang maglakbay nang napagtanto niyang hindi pa siya opisyal na
kabalyero.
“Kailangan kong humanap ng isang hari na siyang babasbasan ako bilang isang kabalyero!”
Kaya naman humanap siya ng humanap ng palayso at ilang araw siyang hindi kumain sa
kaniyang paglalakbay hanggang sa nakakita siya ng tuluyan. Subalit ang tuluyan ay palasyo sa
kaniyang paningin at ang tagapangasiwa sa tuluyan bilang hari na magbabasbas sa kaniya.
Kaya matapos niya kumain at magpahinga ay nakiusap siya sa tagapangasiwa.
“Hindi ako babangon hanggat hindi ka pa papaya sa pabor na aking hihilingin, pabor na
magdadala sayo ng malaking papuri at pakikinabangan ng buong sangkatauhan. Hinihiling ko
na basbasan mo ako bilang isang kabalyero.”
Binasbasan naman siya ng tagapangasiwa.
Nagpatuloy pa ang paglalakbay ni Don Quixote at di kalaunan ay nakilala niya si Sancho
Panza. Siya ang magsisilbing squire at dahil sa panghihikayat ni Don Quixote ay iniwan ni
Sancho Panza ang kaniyang asawa at anak.
Nang dumaan sila sa kapatagan ng Montiel, may nakita silang maraming mga windmill.
“Ah! Higit sa tatlumpung kakilabot na higante! Bilang kabalyero, lalabanan at papatayin ko
silang lahat!” Sabi ni Don Quixote.
“Anong higante?” Tanong ni Sancho Panza
“Yang mga higanteng yan! Na may mahahabang kamay!” Sagot ni Don Quixote habang
nakaturo sa windmills.
“Ngunit hindi po yan higante kundi mga windmills.”
“Kung takot kaman ay magdasal ka, ngunit ako ay lalaban sa kanila!”
At inatake ni Don Quixote ang mga windmills. At marami pang paglalakbay na ganito ang
nagawa nila na kung saan napagkakamalan nila ang mga pastol, mga magsasaka at iba pa na
mga masasamang kabalyero, o mga babaeng nasa bingit ng panganib na kailangang iligtas ng
isang kabalyero.
Di man makatotohanan ang imahinasyon at paglalakbay ni Don Quixote ay natutuwa sa kanila
ang sangkatauhan kung kaya siya ay nagging kilala sa bilang ang galanteng kabalyero na si
Don Quixote de la Mancha.

You might also like