You are on page 1of 2

SURING BASA

BUOD NG NOBELA

Sa isang pook sa La Mancha ay mayroong nakatira na maginoong lalaki. Siya ay


si Alonzo Quixano na nasa 50 taong gulang na ang kaniyang ikinabubuhay ay
pamamahala sa mga lupain at hilig niya ang pangangaso. Ang kaniyang salapi ay
nakalaan para sa mga kaniyang pangangailangan kagaya ng pagkain at ang iba naman ay
para sa kaniyang maringal na kasuotan. Siya ay naninirahan kasama ang kaniyang
kasambahay na nasa 40 taong gulang na, kaniyang pamangkin na babae na wala pa sa 20
taong gulang ang edad at isang batang lalaking utusan sa pamilihan at sa bukid. Isang
araw, sinimulan na niyang ilaan ang kanyang oras sa pagbabasa. Dahil dito, napabayaan
niya ang pamamahala sa lupain at nawalan siya ng oras sa kaniyang hilig na pangangaso.
Sa lubos niyang pagkahumaling sa pagbabasa, ipinagbili niya ang malaking bahagi ng
kaniyang lupain upang makabili ng mga aklat na sinulat ni Feliciano de Silva. Dahil sa
labis na pagbabasa ng mga aklat ang kaniyang utak ay natuyot at itinuring na katotohanan
ang aklat na kaniyang binabasa.
Dahil sa kahibangan niya, nagpasya siyang libutin ang daigdig na parang isang
kabalyero kagaya ng nabasa niya sa aklat na dala-dala ang sariling sandata at kabayo.
Sinimulan niya ang lahat sa paglilinis ng lumang sandata na matagal nang nakatabi. Nang
malaman niyang kulang pala ang bahagi ng kalasag sa muka ay pinaltan niya ito ng
piraso na gawa sa karton. Agad niyang sinubukan ang tibay ng kalasag ngunit ito ay
nasira agad. Kaya naman gumawa na siya ng mas matibay na pamalit dito gamit ang
metal na tumagal ng isang lingo bago matapos. Pinangalanan niya ang kanyang sarili na
Don Quixote at siya ay kumuha rin ng kabayo at pinangalanan itong Riconante. Dahil
kumpleto na ang kanyang pangangailangan para sa sarili, humanap naman siya ng
babaeng iibigin. Nakahanap siya ng bababeng iibigin na nangngangalang Aldoza Lorenzo
ngunit ito ay pinangalanan niyang Dulcinea del Taboso. Nagsimula siyang mag-ikot sa
mga kalapit na lugar at nasa isip niya ay mayroong higanteng dragon silang
nakasalamuha.
Sa kanilang paglalakabay, kumuha siya ng sidekick na si Sancho Panza. Hindi
naman talaga naniniwala si Sancho sa mga kahibangan ni Alonzo Quixano ngunit
sinakyan niya na lamang ang mga ito dahil sa kayamanan ni Alonzo Quixano. Sa
kanyang paglalakbay ay may mga kaibigan siyang sinasabihan siya na umuwi na at
magpahinga ngunit hindi niya sinunod an mga ito. Huli na ang lahat ng magising siya sa
mga kahibangan niya dahil noon siya ay nagising, siya ay may mataas na lagnat na
kanyang ikinamatay. Ngunit bago siya mamatay, nasabi niya sa lahat kung paano siya
nahumaling at nagging hangal dahil sa kuwento tungkol sa mga kabalyero.

You might also like