You are on page 1of 4

ANG PANITIKAN NG TSINA

Hindi lamang sa laki ng bansa at bilang ng populasyon nangunguna ang Tsina. Hindi rinsila
pahuhuli sa larangan ng panitikan.Isa ang Tsina sa mga bansa sa Asia na may pinakamayamang
panitikan. Sinasabi ngasa mga pag-aaral na kung gaano katanda at kayaman ang sibilisasyon ng
mga Tsino ayganoon din katanda at kayaman 5. ang kanilang panitikan.Mayaman ang Tsina sa
iba’t ibang klase ng panitikan, maging ito man ay tuluyan opatula. Nagsimulang umusbong ang
panitikan ng mga Tsino noong panahon ng DinastiyangZhou (770-221 B.C.) at patuloy pa ring
yumayabong sa kasalukuyang panahon. Sinoba namanang hindi nakakikilala kay Confucius, isa
sa mga iginagalang na manunulat at pundasyon ngpanitikang Tsino. Sa kanya nagmula, o siya
ang nagsilbing inspirasyon sa paggawang mga Classics , isa sa mga tanyag na akda na nagmula
sa bansang ito.Patuloy ang pag-unlad ngpanitikan ng mga Tsino sa paglipas ng panahon. Kabila-
kabilaang mga nagsusulputang manunulat na galing sa Tsina na siyang nagbibigay ng bagong
dugoat bagong mukha sa panitikan ng bansa. Saksi sa pag-usbong ng panitikang Tsino ang
iba’tibang dinastiyang naghari sa Tsina noon. Minsan, lantarang pinipigilan ang pagkamalikhain
ngmga Tsino dahil na rin sa takot ng ilan na mawawala at tuluyang makalimutan ang
mayamangkasaysayan ng bansa.Isa si Lu Xun (na may tunay na pangalang Zhou Shuren) sa mga
manunulat na walangtakot na nagsulong ng makabagong tema at kaisipan sa panitikan ng mga
Tsino. Isa siya samga kinilalanglider ng The League of Left-Wing Writers noong taong 1930 na
siyang nagsulongna kaisipang socialist realm sa panitikan ng bansa.Sa kasalukuyan, kinikilala si
Lu Xun na ama ng modernongpanitikang Tsino. Angkanyang kuwentong A Madman’s Diary ay
isa sa mga patunay kung gaano siya kagalingsumulat gamit ang makabagong pamamaraan ng
pagsulat. Bukod dito, nakapagsulatna rin siyang iba’t ibang tula, sanaysay, kritisismong
pampanitikan na kalimitang mababasa sa mgapahayagan na kapag pinagsama-sama ay siya
namang bumubuo sa kanyang mga libro.

TATLONG TULANG KLASIKO MULA SA TSINA

HIMIG NG KALOOBAN
Hindi ako
makatulog sa gabi.
Babangon at uupo
ako para kalabitin
ang umaawit na laúd.

Sinisilip ko
sa manipis na kurtina
ang kinang ng buwan.
Humihihip ang dayaray
sa aking kasuotan.

Nanawagan sa gubat
ang nag-iisang gansa.
Sumigaw sa hilagang
kahuyan ang paikot-
ikot na mga ibon.

Naiinis at balisa,
ano ang inaasahang
masisilayan?
Lungkot at pighati
ang aking kapiling.

salin ng tula ni Li Bai, mula sa Dinastiyang Tang ng Tsina


salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo

ALAMAT NG PRINSESA NG MAKAPUNO

Noong unang panahon sa mismong Chinese Parian na kalapit ng hardin Botaniko, may lawa na
karugtong ng Ilog Pasig. Sa ilog ay naglutang ang mga halamang tubig na kung tawagi’y
Quiapo. Naglipana ang mga buwaya at mga ibon sa buong maghapon. Ang pampang ng ilog ay
natatamnan ng mga halamang sasa at mangrove. Nagyayaot dito sa ilog ang mga champan at
kasko ng mga Intsik.

Bago pumasok si Legaspi sa Look ng Maynila ang lagoon na ito ay tinitirahan ng pamilya ng
rahang ang pamilya ay tumakas dahil sa kalupitan ng sultan ng Borneo. Ito ay binubuo nina Raha
Madia, asawang si Kimay, at magandang anak na si Makapuno. Ang raha ay may kapatid na
lalaking ang ngala’y Tindoy. Si Tindoy ay may dalawang anak na sina Kamachile at Guanar na
nagbibinata. Katulad ng kanilang mga kapitbahay, wala silang pinagkukunan ng ikabubuhay
kundi ang Ilog Pasig.
Maraming nakakaibig kay Makapuno subali’t hindi magustuhan ng kanyang ama’t ina. Wala
siyang aliwan kundi gampanan ang mga gawaing bahay. Katulad ng dapat mangyari sa nilakad-
lakad ng panahon ang mag-asawa ay binawian ng buhay at inilibing ayon sa ugaling Borneo.

Ang magkapatid na Kamachile at Guanar, mga pinsan ni Makapuno, ang tanging


pinangagalingan ng ikabubuhay ng matandang Tindoy, pati na rin ng pamangkin niya.

Isang araw, isang binatang manlilibot galing Borneo ang dumaan at nakita ang di
pangkaraniwang kagandahan ni Makapuno. Kagyat na umibig ang binata sa dalaga. Gayon di
naman ang dalaga. Siya’y nagkaroon ng pagtatangi sa binata.

Si Tandang Tindoy at sina Kamachile at Guanar ay nakipag-usap kay Makapuno. Sila’y nagkaisa
na ang binata ay isailalim sa pagsubok. Ang binatang si Luanbakar ay magsisilbi sa pamilya ni
Makapuno sa itinakdang panahon. Ang unang ipinatungkol sa kanya ay paggawa ng mahabang
dike na tumatalikop sa palaisdaang katabi ng lagoon. Ang Ilog Pasig ang pinagkukunan ng tubig
ng palaisdaan.

Kahit nag-iisa sa pagyari ng palaisdaan pagka’t si Luanbakar ay may angking sipag, siya’y may
pag-asang magtagumpay sa itinakdang pagsubok.

Ang palaisdaan ay malapit lamang sa bahay. Naging ugali ni Makapuno na dalhan ng pagkain si
Luanbakar pagka’t kanyang minamahal ito. Nagbanta ang magkapatid napinsan ni Makapuno na
patayin ang binata.

Nang si Luanbakar ay abalang-abala sa paggawa ng dike, dumating si Kamachile na


nagkunwaring may hinahabol na baboy-ramo. Dala niya ang kanyang matalim na sibat.
Nagtanong si Kamachile, “Mayroon bang baboy-ramong nagdaan dito? Dito naglagos sa bagnos
na ito. Siya’y aking hinahabol.”

“Wala akong nakita. Ang mga hayop ay karaniwang di nagtatago sa ilog,” sagot ng tinatanong.

Sa isang iglap ang matulis na sibat ni Kamachile ay tumino sa tagiliran ni Luanbakar sa ilalim ng
kaliwang dibdib. Gayong mapanganib ang sugat na lalang ng sibat, si Luanbakar ay nakagapang
at nakaahon pa rin sa dike. Nang anyong kakarimot ng takbo si Kamachile, yayamang batid niya
na katapusan na niya, buong lakas na inihagis ni Luanbakar ang kanyang sibat kay Kamachile na
noo’y narapa sa tuod ng isang mangrove. Natimbuang si Kamachile na may tama ng sibat.
Lumapit sa kanya si Luanbakar sa pamamagitan ng painut-inot na paggapang. Nagbilin si
Luanbakar, “Ang Bathala ang bahala sa atin! Pinatatawad kita sa iyong karuwagan at
kataksilan!” at tuloy nabulagta sa piling ni Kamachile. Kapuwa sila nalagutan ng hininga.

Natigatig ang loob ni Makapuno pagkat si Kamachile ay hindi pa umuuwi lalo’t nang ito’y
umalis ay kanyang kinamalasan ng bagabag na di mapagwari. Siya’y nagsadya sa dike.
Natagpuan ni Makapuno ang pinsan at ang kasintahang kapuwa bangkay nang malamig. Gayon
na lamang ang kanyang pagluha. Tinakpan niya ng mga dahon ang kanilang bangkay at
dinagtaan ng mga siit. Ipinaglihim kay Guanar ang malungkot na pangyayari.
“Bakit wala pa si Kamachile? Saan siya nagpunta? tanong ni Guanar sa pinsan.

“Magkasama sila ni Luanbakar na umalis. Sila’y nangangaso sa gubat,” ang sagot.

Kagyat na kinuha ni Guanar ang sibat at umalis.

Bumalik si Makapuno sa pook ng trahedya na may dalang pala.

Madilim ang gabi. Ang ulan ay tikatik. Wala siyang ilaw subali’t nagtiyaga siyang naghukay ng
butas na malalim. Dito niya inilibing ang dalawang kulang-palad.

Naglinis siya ng katawan at bumalik sa bahay. Naghanda ng pagkain kay Guanar. Hatinggabi na
nang dumating si Guanar na may dalang usang nasila sa gubat. “Hindi ko natagpuan ang dalawa.
Sinaliksik ko na ang kagubatan,” sabi niya.

Inaliw ng dalaga ang pinsan, “Hayaan mo’t sila’y walang-salang darating bukas.”

Kinaumagahan, si Guanar ang nagpatuloy sa pagtatapos ng dike. Nakita niyang may mga patak
ng dugo sa kalapit na palaisdaan. Ang sabi ni Makapuno ay iyon daw ay dugo ng hayop na
nagdaan doon nang sinundang araw.

Lumipas ang ilang buwan nguni’t walang balita tungkol sa pagbabalik ng dalawang hinihintay.
Ang mga naghihintay ay nangulilang lubos lalo na ang Matandang Tindoy.

Hindi matiis ni Makapuno ang pighating gumigimbal sa kanyang katauhan kaya isang araw
nagbihis ng pinakamagandang kasuotan. Ang lahat niyang damit ay iniayos. Kinamaya-maya’y
may kumalabog sa ilog. Nang malaman ni Guanar na wala sa bahay si Makapuno, ito’y kanyang
hinanap at doon natagpuan sa bunganga ng Pasig. Kanyang pinagyaman ang lunong katawan at
ibinaon sa may katamtamang lalim na hukay. Wala siyang maapuhap na pananda sa
pinagbaunan. Sa kabutihang palad, siya’y nakahagilap ng lumulutang na niyog na kanyang
sinungkit ng tikin. Ibinaon niya ito sa lupang pinaglibingan sa pinsan.

Ang mga taga-Kalilaya at Bai ay namili ng niyog na ito upang itanim sa kani-kanilang bukid.

Ang mga bunga ng niyog ay nagtataglay ng mga katangian ng prinsesa: matamis, malabo at
kahali-halina. Ito ang kasaysayan ng kauna-unahang niyog na makapuno.

You might also like