You are on page 1of 2

Kahulugan ng Kuwentong Bayan

Ang mga kuwentong bayan ay bahagi na ng panitikan ng mga Pilipino bago pa man dumating ang
mga Kastila. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o
pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at
tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.
Maraming kuwentong bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng
nangingitlog ng ginto, o kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyos at
diyosa, mga anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy atbp. Masasalamin sa kuwentong bayan ang mga
kaugalian, pananampalataya at mga suliraning panlipunan sa panahon kung kailan ito nasulat.
May mga kuwentong bayang ang pangunahing layunin ay makapanlibang ng mga mambabasa o
tagapakining subalit ang karamihan sa mga ito ay kapupulutan ng mahahalagang aral sa buhay.
May mga tampok o kilalang kuwentong bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas. Nagkaroon na nga
lang ng iba’t ibang bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap ito nang pasalita, kaya’t minsay binabago ng
tagapagkuwento ang mga detalye na nagdudulot ng ibang bersyon dahil sa pagbabago sa banghay o
pagdaragdag ng mga tauhan bagamat nananatili ang mga pangungahing tauhan gayundin ang tagpuan
kung saan naganap ang kuwentong bayan.
Mga Kuwentong-Bayang Tagalog

 Si Maria Makiling

 Si Malakas at Maganda

 Mga Kuwento ni Juan Tamad

ANG BABAENG MAY HAWAK NA PANYO

Ang mga taong naninirahan sa paligid ng lawa ng Taal ay di pa nalilimutan ang mga nasalanta sa
pagputok ng Bulkang Taal noong 1911. Iyon ang dahilan ng pagkakaroon ng pagbabago sa mapa ng mga
lugar doon. Si Ka Andoy ang pinakamatanda sa mga nakatira sa malapit sa paanan ng bulkan. Hindi niya
malilimutan ang malagim na pangyayaring iyon.
Bata pa siya nang ang Bulkang Taal ay pumutok. Kararating pa lamang nila ng kanyang mga
kaibigan mula sa panghaharana. Hindi niya alintana ang sungit ng panahon. Maya-maya pa’y umuga nang
malakas ang kanilang tinitirhan. Ang nasa isip nila’y katapusan na iyon ng lahat. Nakabanaag sila ng
liwanag mula sa madilim na kalawakan. Nagsilabas sila upang mailigtas at makakita ng liwanag.
Bigla silang nakakita ng magandang anyo ng babae, nakadamit ng puti na may balabal na kulay
asul. Mabilis ang lakad nito habang pabalikbalik sa naglalakihang alon ng lawa. Nililibot din niya ang bulkan
habang iwinawagayway ang panyo sa bunganga ng bulkan.
Maya-maya pa’y kumalma na ang lawa at ang bulkan. Kasunod niyon ay ang pagkawala ng
magandang babae. Para kina Ka Andoy at sa naninirahan doon, ang babaeng kanilang nabanaagan ay
ang tinatawag na Lady of Caysasay. Siya rin ang nasa Subic, baryo ng Lemery na nakitang nagwagayway
ng panyo sa umuulang lava at apoy. Kung hindi dahil sa kanya, ang Subic daw ay wala na sa mapa
ngayon.
Mungkahing Estratehiya (GRAPHIC ORGANIZER)
Gamit ang graphic organizer ay suriin ang ugnayan ng tradisyon at akdang pampanitikan batay sa
napanood na kuwentong bayan.

tradisyon

JUAN TAMAD

kultura paniniwala

You might also like