You are on page 1of 1

FILIPINO 7

Kaugalian at Kalagayang Panlipunan Batay


sa Kuwentong Bayan
I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA
Nahihinuha ang mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

KUWENTONG BAYAN

Ang mga kuwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man
dumating ang mga Español. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang
pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga luwentong-bayan at karaniwang naglalahad ng
kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.

Maraming kuwentong-bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng


ibong namgimgitlog ng ginto o kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mga
diyosa, mga anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy, at iba pa. Masasalamin sa mga kuwentong-bayan
ang kaugalian, pananampalataya, at mga suliraning panlipunan sa panahon kung kalian ito naisulat. May
mga kuwentong-bayang ang pangunahing layunin ay makapanlibang ng mga mambabasa o tagapakinig
subalit ang karamihan sa mga ito ay kapupulutan din ng mahahalagang aral sa buhay.

May mga tampok o kilalang kuwentong-bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas. Nagkaroon na nga
lang ng iba’t ibang bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap ito nang pasalita, kaya’t minsa’y binabago
ng tagapagkuwento ang mga detalye na nagdudulot ng ibang bersiyon dahil sa pagbabago sa banghay o
pagdaragdag ng mga tauhan bagama’t nananatili ang mga pangunahing tauhan gayundin ang tagpuan
kung saan naganap ang kuwentong-bayan.

Uri ng Kuwentong-bayan
1. Kuwentong-bayan Tagalog
 Si Mariang Makiling
 Si Malakas at Si Maganda
 Mga Kuwento ni Juan Tamad
2. Mga Kuwentong-bayan sa Bisaya
 Ang Bundok ng Kanlaon
 Ang Batik ng Buwan
3. Mga Kuwentong-bayan sa Mindanao
 Isang Aral Para sa Sultan
 Si Monki, si Makil, at ang mga Unggoy

You might also like