You are on page 1of 14

KUWENTONG BAYAN: MGA PAHAYAG

SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY


MGA LAYUNIN:
1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang
panlipunan ng Mindanao batay sa mga
pangyayari at usapan ng mga tauhan sa
kuwentong-bayan;
2. Nakapagbibigay ng mga katibayan o mga
patunay sa napapanahong isyung inilahad.
3. Napagtitibay ang pagkamagalang, matapat, at
mabuti sa kapwa upang mapagtibay ang
relasyon.
GAWAIN: AYUSIN ANG MGA
TITIK UPANG MABUO ANG
TAMANG SAGOT
1. YAMARADAN-MANDARAYA
2. NGITIGMAIN-
MAINGGITIN
3. TOMARAM- MARAMOT
ANG KUWENTONG-BAYAN
Ang mga kuwentong-bayan ay bahagi ng
ating katutubong panitikang nagsimula
bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa
iba’t ibang henerasyon sa paraang
pasalindila o pasalita. Nasa anyong
tuluyan ang mga kuwentong-bayan at
karaniwang naglalahad ng kaugalian at
tradisyon ng lugar kung saan ito
nagsimula at lumaganap.
Maraming kuwentong-bayan ang pumapaksa sa
mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng
ibong nangingitlog ng ginto o kaya’y mga
nilalang na may pambihirang kapangyarihan
tulad ng mga diyos at diyosa, diwata,
engkantada, sirena, siyokoy, at iba pa.
Masasalamin sa mga kuwentong-bayan ang
kaugalian, pananampalataya, at mga suliraning
panlipunan sa panahon kung kailan ito naisulat.
May mga kuwentong-bayang ang pangunahing
layunin ay makapanlibang ng mga mambabasa o
tagapakinig subalit ang karamihan sa mga ito ay
kapupulutan din ng mahahalagang aral sa buhay.
May mga tampok o kilalang kuwentong-
bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas.
Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang
bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap
ito nang pasalita, kaya’t minsa’y binabago
ng tagapagkuwento ang mga detalye na
nagdudulot ng ibang bersiyon dahil sa
pagbabago sa banghay o pagdaragdag ng
mga tauhan bagama’t nananatili ang mga
pangunahing tauhan gayundin ang
tagpuan kung saan naganap ang
kuwentong-bayan.
Narito ang ilang halimbawa ng mga
kuwentong-bayang lumaganap sa iba’t
ibang panig ng bansa:
Mga Kuwentong-bayang Tagalog
-Si Mariang Makiling
- Si Malakas at Si Maganda
-Mga Kuwento ni Juan Tamad
Mga Kuwentong-bayan sa Bisaya
-Ang Bundok ng Kanlaon
- Ang Batik ng Buwan
PANGKATANG GAWAIN:
Panuto: Magbigay ng iyong
hinuha sa kaugalian at
kalagayang panlipunan ng
Maranao batay sa mga
pangyayari o usapan ng mga
tauhan. Gamitin ang grapikong
pantulong sa ibaba. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1.Sino-sino ang mga tauhan sa
kwento?
2.Ano-anong mga katangian
ang ipinakita ng mga tauhan?
ALAMIN ANG
PAGKAKATULAD AT
PAGKAKAIBA NG MGA
MARANAO AT NAPANOOD
NA KWENTONG-BAYAN.
GUMAMIT NG “VENN
DIAGRAM” AT PAGKATAPOS
ILAHAN ITO SA KLASE.
Thank
yu !!

You might also like