You are on page 1of 11

YUNIT 1: BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN

1. Ano ang panitikan?

 Ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ito ay ang mainam na pagsulat na may anyo,
pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Ito ay buhay at pamumuhay.
Naglalarawan ng lahat ng anggulo ng buhay- pangkatawan, pangkaluluwa, panlipunan, pampolitika at
pangkalinangan.

2. Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang:

 Tulang liriko o tulang damdamin (lyric poetry)


 Tulang pasalaysay (narrative poetry)
 Tulang pantanghalan o padulaan

3. Ang bisang panitikan:

 Bisang pangkaisipan/Bisa sa isip na nagbubunsod sa mga mambabasa na mag-isip upang umunlad ang
diwa at kaisipan.
 Bisang pangkaasalan/Bisa sa kaasalan na nagbibigay ng aral at humuhubog ng katauhan ng mambabasa.
 Bisang pandamdamin/Bisa sa damdamin na tumutulong sa pagbabagong naganap sa damdamin ng
mambabasa.
KAYA MO YAN

Gawain Blg. 1
Gawain Blg. 3

Ang kahalagahan ng panitikan sa bawat buhay ng tao ay ito ang nagsisilbing gabay
para magkaroon ng kapayapaan sa bawat isa. Ito ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ay sumasalamin sa atin na
kadalasan ay hindi natin maipakita o masabi. Sa pamamagitan ng panitikan naipakilala ang ating pagka-Pilipino at
nalalaman natin ang mga nangyari noon sa ating bansa.
GAWAIN Blg.3
YUNIT 2: ANG PAMUMUNA/PANUNURING PAMPANITIKAN

SUBUKIN NATIN

1. Ano ang pamumuna o panunuri? Ito ba ay sining o agham?

 Ang pamumuna o panunuri ay isang sining na namumuna o nanunuri sa isang agham. Ito ay
pagbibigay puri sa kagandahan ng akdang may-akda at pagbibigay puna sa kahit na ano upang lalo
niyang mapaganda ang mga susunod na sulatin. Ito’y nagpapahalaga sa lalong ikauunlad ng
manunulat at panitikan na rin sa kabuuan.

2. LAGYAN NG TSEK

 Pagpipinta
 Pagsagot sa telepono
 Paguluto
 Pagkukuwento
 Pag-iwas sa sakuna
 Pagsasadula
 Pagsulat ng tula

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang kahulugan ng panitikan?

Panitikan: mahalagang pag-aralan ang panitikan sapagkat naging parte na ito ng ating ninuno noon
pa man at hanggang ngayon.

Sining: Nagpapakita ng emosyon at damdamin ng tao at pinapakita ang mga kaganapan sa lipunan
na ating ginagalawan.

Panunuring pampanitikan: Nagbibigay ng kakayahan upang mas Makita ang mas malalim na
kahulugan nilalaman ng akda at tumutulong ito na pahalagahan ng malalim ang isang kuwento.
MGA GAWAING PANGMAG-AARAL

GAWAIN 1

1. Si Alejandro Abadilla ay tubong Rosario, Cavite, isinilang noong 1908. Nahirang siyang maging Editor ng
Dahong Tagalog ng Pilipinas-Digest ng “Telephonegram” na napili ng Kritikong si Clodualdo Del Mundo na
pinakamagandang kwento ng buwang iyon.

2. Pumili ng tatlong katangian ng isang mahusay na kritiko at ipaliwanag sa sariling pangungusap.

 Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng
pagbuo o konstruksyon batay sa sumusunod na alituntunin ng batas.
 Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang
disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan,sikolohiya atbp.
 Ang kritiko ay dapat laging bukas sa pananaw sa mgapagbabagong nagaganap sa panitikan- dapat
na alam ng isang kritiko ang mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.

GAWAIN 2

A.

1. Dapat- dahil bilang isang mamamayan dapat makialam ka sa mga nangyayari sa iyong paligid. Ang
pagiging mapanuri ay makatutulong sa iyo upang magkaroon ng isang mapayapang lipunan.

2. Dapat- upang mas malaman nila ang totoong pangyayari sa akda at magkaroon ng kamalayan sa isipan.

3. Dapat- sapagkat lahat tayo ay may tungkulin na ginagampanan sa sining.

4. Dapat- upang mas mabigyan ng maganda at maayos na solusyon ang mga suliranin.

5. Hindi Dapat- ang dapat mo lang suriin sa isang akda ay ang takbo o organisasyon ng isang akda at dapat
magkakasunod-sunod ito.

6.Hindi Dapat- dapat na sabihin mo lahat ng dapat mong sabihin upang malaman ang kamalian sa isang
akda.

7. Dapat- upang maging mabisa ang kanyang paglalapat ng karunungan sa paraan ng pagtuturo ng
panitikan.

8. Dapat- upang magkaroon ng mas magandang kaisipan.

9. Dapat upang mas maunawaan ng mambabasa ang mensahe ng akda.

10. Dapat- upang mas maging detalyado ang akda at magkaroon ng kaalaman na nararapat.
B.

1. May angkop na pag-uugali ang bawat tauhan

2. Dapat organisado ang bawat pangyayari

3. Dapat may katotohanan at angkop ang mga salitang gagamitin

4. Suriin ng malinaw ang mga salita bago gamitin

5. Magkaroon ng pagpapahalaga sa mga teoryang pampanitikan

6. Maging maayos sa paggamit ng iba’t ibang salita

7. gumamit ng masining na pamamaraan

8.Basahin ng maayos at may puso upang maunawaan ng mabuti

9. May mahusay na paraan ng pagbabalangkas

10. May naaangkop na emosyon sa bawat tagpo

C.

Mahalagang magkaroon ng mga batayang simulain sa panunuring pampanitikan dahil ito ang magiging
gabay ng bawat tao upang magkaroon ng pagpapahalaga sa panitikan at matamo ng bawat isa ang kaalaman na
higit sa gusto nilang malaman.

D.

P-anitikan

A-ang kaylangan

N-atin para

U-munlad ang yamang intelikwal at tradisyon

N-a

U-maagos at

R-esponsableng

I-kakagaganda nga ating lipunan


YUNIT 3: MGA ELEMENTONG DAPAT TANDAAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

GAWAIN 1
GAWAIN 2

Sa Dalampasigan Nitong Panaginip

Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng isang saknong ay lalabindalawahin.

Tugmang katinig o consonance ito dahil ang huling salita ay nagtatapos sa katinig.

GAWAIN 3

Lugmok na ang Nayon

ni Edgardo M. Reyes

1. Tagpuan- sa nayon ng San Miguel, Sapang Putol

2. Tauhan- ako, Vic, Tata Pilo, Kuya Selmon, Oding, Nana Buro at Ina

3. Banghay:

Panimula- Naglalakad patungong sapang putol si Vic at ako. Napakainit at idagdag pa ang
mainit na simoy ng hangin at iba pang nakakapagdagdag ng pagod sa mahabang
paglalakad. Saglit na kakintalan- nang malapit na silang mangalahit ay nagkukwentuhan
sila at nakalimutan ang layo ng kanilang nilalakad.

Papataas na aksyon- malapit na sila sa patutunguhan at marami siyang nakitang mga


batang nagtatrabaho imbes na mag-aral at iba pang mahirap na kalagayan ng mga
mamamayan doon.

Kasukdulan- narrating na nila ang sapang putol at napansin niyang magiliw at maaya ang
bisita nang magtungo sila doon.

Pababang aksyon- inanyayahan ni Vic nap umunta ang kanyang kamag-anak sa kasal ng
kanyang kapatid ngunit tumanggi ito kaya nagbigay na lang ng panghanda na siyang
pinunta nila doon.

Wakas- nakuha nila ang kanilang pakay at napakarami nito na kailangan pang hiramin niya
ang kariton ni Tata Pilo upang madala lang iyon.
4. Pananalita- ipinapakita dito ang bawat pangyayari. Detalyado ang bawat eksena, kahit
hindi eksakto ang mga salita aynaipapakita at napapadama ditto ang bawat pangyayari
kahit gaano kaikli ay buong-buo pa rin ang diwa at daloy ng kwento.

5. Tema- ito ay pagsasalamin sa tunay na kalagayan ng mga taga nayon.

6. Damdamin- ang mga tao doon ay mababait at may paggalang sa mga bisita lalo na sa mga
kamag-anak.

7. Pananaw- ipinapakita ditto ang tunay na kalagayan ng nayon o isang lugar sa kabila ng
mga nakikita ng ibang tao.

8. Simbolo- ang ilan lamang sa mga simbolo ng mga bagay na binanggit sa akda ay
kalahating kabang bigas na Millagrosa, dalawang kambing, isang litsuning baboy, walong
pato, isang kilong manok, dalawang bayong ng sari-saring gulay at dalawang pabo. Simbolo
ito sa pinapabaon natin sa ating mga bisita sa tuwing sila ay uuwi na. Tradisyon na ito sa
atin.

YUNIT 4: SIMULAIN/PILOSOPIYA/KASAYSAYAN NG IBA’T IBANG TEORYANG


PAMPANITIKAN

A.

1. Realismo

2. Humanismo

3. Klasisismo

4. Humanismo

5. Pormalismo

6. Historikal

7. Dekonstraksyon

8. Feminismo

9. Bayograpikal

10. Iskulturalismo
B.

Ang teoryang pampanitikan na napili ko ay ang Historikal dahil sinisiyasat nito ang pagbabagong
naganap sa wika at ang pag-unlad na nagaganap dito nang pana-panahon, katulad ng wikang ginamit at
patuloy na ginagamit ng mga manunulat sa bawat panahon.

GAWAIN 2

Teoryang Pampanitikan Mga Nanguna Halimbawa


1. Feminismo Virginia Woolfe, Joi Barrios Dekada ’70, Bata Bata Paano ka
Ginawa
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

You might also like