You are on page 1of 7

ARALIN 1: KAHULUGAN, KATANGIAN AT KASAYSAYAN

Nanggaling sa salitang panitikan sa unlaping-pang na nagiging pan kapag ang kasunod na


salitang-ugat ay nagsimula sa mga titik na d,l,r,s, at t sa salitang-ugat na titik o letra na nawawala ang
simula sa salitang panitikan na nangangahulugan sa ingles na literature at sa Kastila ay literatre na batay
sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.

ANO ANG PANITIKANG FILIPINO?


Ang Panitikang Filipino ay pahayag na Pasalita o Pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa
pamumuhay, pag-uugaling panlipunan,paniniwalang pampulitika at pananampalatayag niyakap ng mga
Pilipino.

MGA URI NG PANITIKAN


1. PANGGAWAING PAMPANITIKAN - Ang layunin ng panggawaing pampanitikan ay
mapalaganap ang kaalaman ukol sa ganitong uri ng gawain at karunungan.

2. MASINING NA PANITIKAN - Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag na
masining na panitikan. Ang masining na panitikan ay may kambal na layunin.
a) Pukawin ang guniguni’t gisingin ang damdamin; at
b) Magturo o manghikayat

3. MALIKHAING PANITIKAN - Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin


an gating guniguni at damdamin na nakikita ng saya sa isang paraluman (ideyal). Ito ay binansagan
gayon sapagkat;
a) Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari kundi pangyayaring binigyan-kulay ng isang
maalab na damdamin at muling hinubog ng guniguni ng kumatha.
b) Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin; iyon ang pangitain ukol sa
kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng panahon.
c) Sinisikap nitong pukawin ang guniguning ito at sa gayong paraa’y gisingin sa ating mga puso ang
damdaming nag-uudyok ditto upang lumikha at maghandog sa mambabasa.
d) Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulot ng isang kagalakan nagtataas sa ating
kalagayan sa buhay.

DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARAL NG ATING SARILING


PANITIKAN
1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.
2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.
3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong mapayabong.
5. Magkaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN


Maging tuluyan o patula man, ag apat na paraan ng pagpapahayag ay ayon sa hinihingi ng hangarin.
1. PAGLALAHAD - kung nais magpaliwanag
2. PAGLALARAWAN - kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis kulay at iba pa.
3. PAGSASALAYSAY - kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.
4. PANGAGATWIRAN - kung nais magpaniwala, manghikayat o magpaganap.

MGA KALAGAYAN NAKAPANGYAYAPI SA PANITIKAN


1. Klima
2. Gawaing Pang-araw-araw
3. Kinatitirahan
4. Lipunan at Pulitika
5. Relihiyon at Edukasyon

DALAWANG ANYO NG PANITIKAN


Ang Panitikan ay may dalawang anyo:
1. Patula
2. Tuluyan

 Ang PANITIKANG PATULA ay masining na pagsasama-sama ng mga piling kaisipan sa mga


taludtod, may sukat at tugma o malayang taludturan
 Ang PANITIKANG TULUYAN ay gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan at
maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangugusap.

MGA URI NG TULA


1. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin
2. Tulang Pasalaysay
3. Tulang Patnigan
4. Tulang Pandulaan

TULANG LIRIKO O TULANG DAMDAMIN


Ito ay matatawag din tula ng puso. Nagsasaad ito ng marubdob na karanasan, guniguni o damdamin ng
may-akda
1. DALIT - tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal.
2. SONETO - tulang may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay.
3. ELEHIYA - ang paksa nito ay ang isang namatay. Ito ay isang uri ng panaghoy o panangis.
4. ODA - tulang liriko na mapanuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.
5. AWIT - ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa kaligayahan at iba pa.

TULANG PASALAYSAY
Ito ay tulang may kwento at may mga pangunahing tauhang gumagalaw. Ang mga katangian ng mga
bayanisa pakikipagdigma ang paksang ito.
1. EPIKO - mahabang tulang pasalaysay ngpakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway.Ito ay
may mga tagpong kababalaghan hindi kapanipaniwala.
2. AWIT AT KORIDO - mga tuylang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa
kaharian gaya ng hari,reyna,duke, prinsesa at prinsipe. Ang awit ay may labingdalawang pantig
samantalang ang korido ay may wawaluhing pantig.
3. BALAD - tulang inaawit habang may sumasayaw.

TULANG PATNIGAN
1. KARAGATAN - paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay.
2. DUPLO - paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiym na gabi sa bakuran ng namatayan
matapos mailibing ang patay bilang pang-aliw sa naulila nito.
3. ENSILDA - isa pang paligsahan sa patula na ginagawa bilang pang-aliwsa namataayan. Ito ay
ginagawa gabi-gabi hangang ikasiyam na gabi.
4. BALAGTASAN - tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa paraang patula.

TULANG PANDULAAN
Ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at komedya.
MGA URI NG TULANG TULUYAN
1. Maikling Kwento
2. Sanaysay
3. Talambuhay
4. Dula

MAIKLING KWENTO
Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa
isang takdang panahon.

SANAYSAY
Ito ay naglalahad ng kuro-kuro at pansariling kaisipan ng manunulat hinggil sa anumang paksa.

MGA URI NG SANAYSAY


1. Pormal o Maanyo
2. Impormal o Personal

PORMAL O MAANYO
Ito ayisang seryosong tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at lumalayo sa katauhan ng manunulat.
Ito ay may malinaw na balangkas at ginagamitan ng maingat na mga salita at mabisang pangungusap.

IMPORMAL O PERSONAL
Nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi seryoso ang pagkakalahad ng paksa. Parang kaswal na
pakikipag-usap lamang ng awtor sa mambabasa.Ito ay tinatawag na malayang sanaysay.

TALAMBUHAY
Ito ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may akda o buhay ng isang tao na isinulat ng iba.

MGA URI NG TALAMBUHAY


1. MAIKLI - pinipili ang mga bahagi ng buhay na ilalakip at may tema bilang pokus sa lahat ng
gagamiting mga pangyayari.
2. MAHABA - lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ay isinasama. Ito ay nagsimula sa kanganakan ng
isang tao, pakikipagsapalaran at maging hanggang sa kanyang pagpanaw.

DULA
Ang dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mg tao sa pamamagitan ng mga
usapan o dayalogo at sa mga kinikilos ng mga pangunahing tauhan na ginaganap sa isang tanghalan.

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA NAGPAPAKILALA NG KASAYSAY AT KALINANGAN


NG BANSANG PINANGGALINGAN
1. Banal na kasulatan mula sa Palestina at Gresya
2. Koran mula sa Arabia
3. Uncle Toms Cabin mula sa Estados Unidos
4. Noli Metangere at El Filibusterismo
5. Sanlibo’t isang gabi mula sa Arabia at Persya
6. Canterbury Tales buhat sa Inglatera
7. Ilias at Odyssey mula sa Gresya
8. El CidCampedor mula sa Espanya

MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO


1. Panahon bago dumating ng mga Kastila (16 na siglo)
2. Ibanahon ng mga Kastila (1965-1898)
3. Panahon ng Propaganda at Himagsikan laban sa mga Kastila(1872-1898)
4. Panahon ng Amerikano(1898-1941)
5. Panahon ng Hapones (1942-1945)
6. Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946)
7. Panahon ng Aktibismo (Deakada 70)
8. Panahon ng Bagong Lipunan(1972-1976)
9. Panahon ng Bagong Demokrasya(Simula 1986)

ARALIN 2: MGA PAKSA NG PAG-AARAL AT PANANALIKSIK SA PANITIKAN


Ang Pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon ng ating gagawing pananaliksik. Ang paksa
ang pangunahing ideya sa gagawin pag-aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman n gating
pamanahunang papel/term paper/research, at ito ang magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay nating
datos. Mahalagang planuhin nating mabuti ang paksang nais nating pag-aralan o saliksikin. Sa pagpili ng
paksa mahalaga din makapagbigay tayo ng n gating gagawing pamagat kung saan dito papasok ang mga
saklaw at limitasyon n gating gagawing pag-aaral. Sa pagpili ng paksa madat tayong isaalang-alang upang
maisakatuparan ng maayos ang gagawing pananaliksik.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG PAKSA


1. KASAPATAN NG DATOS - Kinakailangan na may sapat na impormasyon na tungkol sa napiling
paksa.KApag kakaunti ang datos na iyong nakalap tungkol sa iyong paksa, maaaring kapusing ang
detalye sa gagawing pag-aaral.
2. LIMITASYON NG PAG-AARAL - Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang daeadline o oras ng kung
hanggang kalian lamang pwedeng gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang
gawin sa loob lamang ng semester kaya nangangailang ng mahabang panahon para maisakatuparan.
3. KAKAYAHANG PINANSYAL - Sa pagpii ng paksa, dapat isaalang alang ang iyong kakayahang
pinansyal. May mga paksang masyadong magasyos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral,
maaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik sapagkat ang pinili mong paksa ay ay masyadog
malaki ang mailalabas mong pera.
4. KABULUHAN NG PAKSA - Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa
halip dapat ito ay makatulong din sa iba pang mananaliksik at ibang tao.
5. INTERES NG MANANALIKSIK - May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat
ay gagawin mo para makuha ito. Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong
paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at matatapos mo ang pagpili mong paksa.
MGA HANGUAN NG PAKSA
Ngayon alam mo ang mga dapat isaalangalang sa pagpili, pwede kang humanap ng mga paksa iyong
sasaliksikin, Ngunit saan nga ba magandang kumuha ng paksa? Narito ang ilan na pwede mong
pagkuhanan.

1. SARILI - Maaari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating sarili. Maaring ang maging paksa
natin ay batay mismo sa ating karanasan, nabasa,napakingganat maging sa ating mga kaalaman na
natutunan. Halimbawa, ikaw ay isang kabataan na lulong sa computer games, maaari mo itong
maging paksa sa iyong pananaliksik para mas malaman pa ang iyong kondisyon o magkaron pa ng
impormasyon ukol sa paksang ito.
2. DYARYO O MAGASIN - MAkikita at mababasa ang napapanahoh isyu sa loob at labas ng ating
bansa na maari nating pagbatayan sa pipiliin natin paksa.

3. RADYO AT TV - Katulad ng dyaryo at magasin, na tampok din sa mga program ng telebisyon at


radio ang mga napapanahong isyusa ating lipunan. Dito, maari din tayo makakuha ng ebidensya na
pwede nating gawing paksa sa gagawing pananaliksik tulad ng mga impormasyon sa isport,
edukasyon at maging sa mga balita. Halimbawa ng mga isyung napapanahon na napapanood natin sa
TV at napapakinggan sa radio ay tungkol sa Droga, Denvaxia, Train Law at COVID-19.

4. MGA AWTORIDAD, GURO AT KAIBIGAN - Sa pagtatanong sa kanila, maaari tayong


magkaroon at makabuo ng ideya batay sa mga impormasyong ibibigay nila tungkol sa gagawin nating
pananaliksik.

5. INTERNET - Dahil lumalago ang ating teknolohiya, mas mabilis na ang ating pangangalap ng
impormasyon. Sa pamamagitan ng browse sa internet, makakalap tayo ng ideya na pwede nating
gawing paksa. Maaari tayo makakuha ng ideya sa social media websited tulad ng Facebook, pagse-
search sa Esarch engine tulad ng Google at sa mga online web articles na ating nabasa.

6. AKLATAN - Pwede din tayong humango ng ating paksa mula sa aklatan. Magandang kumuha ng
paksa sa aklatan kung nais nating maging pangunaahing ideya ay may kaugnayan sa Edukasyon at
Akademya.

PAGLILIMITA NG PAKSA
Nakapili ka na ba ng paksa? Kung OO, lilimitahan naman natin ito para hindi maging masyadong
malawak ang ating pag-aarala.
Paano nga ba natin lilimitaha an gating paksa at paano tayomakagagawa ng epektibong pamagat sa ating
pananaliksik? Sa paglilimita ng paksa, maari tayong magkaroon ng tuyak na Pamagat kung saan, dito
lamang iikot ang ating pananaliksik. Narito ang ating pwedeng pagbatayan sa paglilimita n gating paksa.
Halimbawa ng Paksa : ”Droga” Epekto ng Droga

1. PAGLILIMITA NG PANAHON - Sa paglilimita ng panahon, pipili tayo ng taon kung hanggang


saan lamang ang sakop n gating pinag-aaralan.
Nalimitang Paksa: Epektong Droga noong Taong 2018-2018

2. KASARIAN - Lalaki o Babae ang target na respondante ng iyong gagawing pag-aaral.


Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa Kalalakihan nagamit nito.

3. EDAD - Edang ng mga gagawan ng pag-aaral.


Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa mga Kabataan may edea na 15-18

4. URI O ANYO
Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa Kalusugan

5. LUGAR -Saan isasagawa ang pananaliksik


Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa University of Example Manila
6. PANGKAT O GRUPO
Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa mga mag-aaral

7. PARTIKULAR NA HALIMBAWA NG KASO


Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa mga Estudyanteg nagsimula pa laman gumamit nito.

8. KOMBINASYON - Para mas maging tiyak o partikular an gating paksa, maaari pa natin
pagsamasamahin ang mga batayan.

Halimbawa:
 Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral ng University of Example,Manila 2017-2018
 Paksa+Anyo+Pangkat+Panahon
Epekto ng Droga sa Kalusugan ng mga Mag-aaral ng UOE, Manila sa taong 2017-2018
mapapansin mo sa nilimitahan mong paksa, may nabuo ka ng pangkat.

ANO ANG TALATA?


Ang Komposisyon ay binubuo ng mga talata. Mahalagang malaman, kung gayon, kung ano ang talata at
uri at katangian nito para sa epektibong pagsulat ng komposisyon. Ang talata ay binubuo ng isang
pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o
paksang diwa. Ang mga balita ay karaniwang isinusulat sa talatang iisahing pangungusap. Makakatagpo
rin ng mga talatang iisahing pangungusap sa maikling kwento.

TALATA

 Magkakaugnay
 Balangkas
 Layunin
 Pagunlad ng kaisipang nakanabase sa pinakapaksang pangungusap

MGA URI NG TALATA


1. PANIMULANG TALATA - ito ang una at kung minsan ay hanggang ikalawang talata. Layunin nito
ay ilahat ang layunin ng isang teksto. Sinasaad rito kung ang mga isasalaysay, inilalarawan,
ipinapaliwanag o binibigyan-katwiran. Maraming buuin ng higit sa isang talata subalit kung maiksi
ang komposisyon ay maaring iisa lamang.

Ang tao ay nilalang ng Diyos. Kung ihahambing nga naman sa iba pang nilikha sa daigdig, walang
pag-aalinlangang masasabi na ang tao ang nakakahigit sa lahat. Ang paniniwalang ito ay maibabatay
sa pinakamataas na antas ng pag-iisip ng tao.

Bunga nito, ang iba pang tanging kakayahan ibinigay ng Diyos sa tao, may mga tungkuling iniatang
ng Diyos sa balikat ng bawat tao.

2. TALATANG GANAP - matatagpuan ito kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nito
ang mai-develop ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng paksang pangungusap at mga pangungusap
na tumutulong upang matalakay nang ganap ang bahagi ng komposisyon na nililiaw ng talata.

Ang pananampalataya sa Diyos y pangunahing tungkulin ng tao. Dapat niyang kilalanin na kung
hindi sa Diyos ay wala siya sa daigdig na ito. Kung gayon, dapat niyang ipagpasalamat sa Diyos ang
lahat ng biyayang kanyang natanggap. Ang pananampalataya sa Diyos ay dapat ding Makita sa
kabutihan sa kanyang kapwasapagkat Diyos ang nagsabi, “kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo,
siya ring ginawa mo sa akin.

3. TALATANG PAGLILIPAT DIWA - importante ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng


mga pahayag sa mga talaan ng komposisyon.Ginagamit ang talatang ito upang pag-uganayin ang
diwa ng dalawang magkasunod na talata. Sinasalungat ban g talatang sinusunda o dinaragdagan nito
ang isipan niyon? Ipahiwatig din nito ang development ng paksang tinalakay.

4. TALATANG PABUOD - kadalasan na ito ang pangwakas na talata o mga talatang komposisyon.
Ilagay rito ang mahahalagang kaisipan o pahayag na tinalakay sa gitna ng komposisyon. Maaari rin
gamitin ang talatang ito upang bigyan ng higit na linaw ang layunin ng awtor o may-akda ng isang
komposisyon.

ANO ANG SANHI AT BUNGA?


Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang depinisyon ng mga sanhi at bunga at ang mga halimbawa
nito.
1. Ang SANHI ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga
kadahilanan ng mga pangyayari
2. Ang BUNGA naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto at
kadahilanan ng pangyayari.
Ang dalawang ito ay laging inuugnay ng dalwang sumusunod na hudyat

 Dahil
 Kung kaya
 Kasi
 Sapagkat
 Kung
 Kapag

Halimbawa:
1. KAPAG NAUNA ANG SANHI
 Magdamag na umiiyak ang sanggol sa loob ng bahay(sanhi)kaya hindi nakatulog ng maayos si
aling ester(bunga)
 Hindi iningatan ni totoy ang kanyang “cellphone” (sanhi) kaya nasira ito agad (bunga).
 Dahil nag aral siyang mabuti(sanhi)kaya mataas ang nakuha niya sa pagsusulit(bunga)
 Dahil sa pagtatapon ng basura kung saan saan(sanhi)kaya naman nalason na an gating
kapaligiran(bunga)
 Labis na pagputol ng mga puno(sanhi kaya wala ng sumisipsip sa mga tubig ulan kaya nagkaroon
ng labis na pagbaha(bunga)

2. KAPAG NAUNA ANG BUNGA


 Nalason ang mga isda sa dagat,at nagkaroon ng mga baha (bunga) dahil sa walang disiplinang
pagtatapon ng basura kung saan saan (sanhi)
 Nagkamit siya ng iba’t ibang karangalan sa kaniyang paaralan (bunga) dahil nag-aral siyang
Mabuti (sanhi)
 Lumubog sa baha ang bayan ng Navotas (bunga) dahil sa kakulangan ng pagpaplano ng mga nasa
katungkulan (sanhi)
 Di makakain sa labis na kalungkutan at pagdaramdam ng isang lalaki (bunga) dahil iniwan siya
ng kaniyang asawa (sanhi)

You might also like