You are on page 1of 12

KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

YUNIT 1 PANIMULA: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA LALONG MATAAS NA


EDUKASYON

Mga Layunin:

Ang mga sumusunod ay ang mga layunin na nais matamo sa bahaging ito ng pagaaral:

1. Natatalakay ang mga prinsipyong ipinaglaban ng mga tagapagtanggol ng wika upang maitaguyod ang
wikang pambansa sa lalong mataas na antas nito;

2. Nasusuri ang mga legal na pamantayan sa ipinaglalabang pagtataguyod sa wikang pambansa sa lalong
mataas na antas ng edukasyon;

3. Nakabubuo ng diskursong may kinalaman sa mga usaping pangwika.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Saligang-batas ang pinakapananaligang batas ng bawat bansa. Makapangyarihan ito sapagkat ito
ang nagdidikta ng mga prinsipyo at polisiyangkailangan para sa isang lipunang kaiga-igayang panahanan
ninuman. Kinapapalooban ito ng mahahalagang probisyong sanligan ng mga bagay at kilos na dapat na
igawi para sa isang mapayapang bansa.

Wikang Filipino ang tanikalang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit napitong libong isla sa Pilipinas.
Kinakatawan nito ang kultura at kabihasnan na minana natin sa mga ninuno at patuloy nating isasalin sa
ating mga anak at sa mga susunod kasaysayan, pang masasabi salinlahi. ng na istandardisasyon Ito hindi
ang naging wikang magiging at internalisasyon. kakampi Kung natin lilingunin sa ating mgaang
pakikibaka sa usapin Filipino upang makamtan ang rekognisyon madali ng pang-internasyunal ang mga
pinagdaanan na komunidadng wikang at maging sa ating mga kapwa Pilipino.

Ang pangangailangan na magkaroon ng wikang magbubuklod sa ating lahi ay unang nagkaroon ng


liwanag nang mapagkasunduan ng mga katipunero batay sa Saligang-batas ng Biak na Bato nang 1897 na
gawingopisyalnawikang rebolusyon ang Tagalog. Ayon sa Artikulo VIII ng Saligang-batas ng Biak na Bato
"Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Republika." Sina Isabelo Artacho at Felix Ferrer ang siyang
bumalangkas ng saligang-batas na ito.

Inatasan naman ng Saligang-batas 1935 ang Kongreso na gumawa ng mga hakbang upang
paunlarin at papagtibayin ang isang wikang pambansa na nakabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika. Ayonparin saSaligangbatas na ito, ang Ingles at Kastila ang mananatiling opisyal na wika hanggang
hindi hindi nagtatadhana ng iba ang batas.

Maliwanag na wala pang kinikilalalang pambansang wika sa ilalim ng Saligang-batas ng 1935 kung
hihimayin ang espisipikong probisyon hinggil dito. Tanging ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Kongreso
na gumawa ng mga hakbangin upang mapaunlad at mapagtibay ang pangkalahatang pambansang wika
na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika ang makikita sa pagbusisi ng probisyong ito. Mariing
isinasaad na habang isinasagawa ang proseso ng pagpili ay mananatili ang Ingles at Kastila bilang mga
opisyal na wika.Walaparing tiyak na ahensya ang tinukoy upang siyang mangasiwa sa proseso ng pagpili
ng pambansang wika.

Dama ng Pangulo ng Komonwelt na si Manuel L. Quezon ang pangangailangan ng isang wika na


sinasalita at nauunawaan ng lahat sa isang pamayanang may iisang nasyunalidad at estado. Ito ay
kanyang binigyang diin sa mensaheng kanyang ibinigay sa Unang Pambansang Asambleya noong 1936.

Si Norberto Romualdez ng Leyte, dating batikang mahistrado, ang sumulat ng Batas Komonwelt
Blg. 184. Sa pamamagitan ng batas na ito ay naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa na may tungkulin
na pag-aralan ang mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning mapaunlad at mapagtibay ang isang
pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.

Naging sanligan sa pagpili ng batayan ng pambansang wika ng Pilipinas ang mga sumusunod:

1. pagkaunlad ng estruktura,

2. mekanismo, at

3. panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Pilipino.

Tagalog ang pinili batay sa mga pamantayang binanggit sa itaas. Naging patas ang pagpili sa Tagalog
batay na rin sa komposisyon na pinamunuan ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte). Kinabibilangan ito ng
mga sumusunod na kasapi

- Santiago A. Fonancier (Ilokano),

- Filemon Sotto (sebwano),

- Casimiro F. Perfecto (Bikol),

- Felix S. Salas Rodriquez (Panay),

- Hadji Butu (Moro), at

- Cecilio Lopez (Tagalog)

Binigyang-diin sa ulat ng komite na ang Tagalog ay pinili sapagkat ginagamit ito ng nakararaming
bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan,
publikasyon, at manunulat. Samantala, sina Filemon Sotto (Sebuwano) at Hadji Butu (Moro) ay hindi
nakaganap ng tungkulin sapagkat ang una ay nagkaroon ng karamdaman samantalang ang huli naman
ay namatay sa hindi inaasahang kadahilanan.
Kinatigan ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 noong ika-13 ng Disyembre, 1937 ang
pagpapatibay sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas na magkakabisa lamang
makalipas ang dalawang taon.

Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay pinagtibay ng Pambansang Asambleya


ang Batas Komonwelt Blg. 570 (ika-07 ng Hunyo 1940) na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino
bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas sa pagsapit ng ika-4 ng Hulyo 1946. Kaalinsabay nito ay
ipinahayag noong 1942 ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas (Philippine Taft Commission) ang
Ordinansa Militar Bilang 13 na siyang nagtatakda sa Nihonggo at Tagalog bilang mga opisyal na wika sa
buong kapuluan. Kasabay ng pag-alis ng mga Hapon sa Pilipinas ay ang pagsasawalang- bisa ng
ordinansang nabanggit.

Muling nabuhay ang Ingles sa iba't ibang transaksyong pampamahalaan, negosyo, at akademya
nang ganap nang nawala ang mga Hapon sa Pilipinas.

Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagapagsulong ng Wikang Pambansang Filipino.

(1) Si Lope K. Santos, isang abogado, kritiko, lider obrero ay nanguna sa maraming palihang pangwika.
Siya ay naging punong-tagapangasiwa ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1941 hanggang 1946. Si
Lope K. Santos na kilala sa palayaw na Mang Openg ay pinarangalan bilang Paham ng Wika, Ama ng
Balarilang Pilipino, at Haligi ng Panitikang Pilipino.

(2) Paglalaan ng ilang seksyon ng mga pahayagang pampaaralan para wikang pambansa. Inasahan na ng
inisyatibong ito ang magiging daan upanghigitna magkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral sa
paggamit ng wikang Filipino;

(3) Ang disksyunaryong tagalog ay pinasimulan sa panahon ng panunungkulan ni Julian Cruz Balmaceda.

(4) Si Cirio H. Panganiban ang nanguna sa paglikha ng mga talasalitaan sa mga espesyalisadong larangan
katulad ng batas at aritmetika.

(5) Ang ay makailang Lupang Hinirang ulit na isinalin na orihinal sa Filipino na nakasulat sa bago sa
naging Espanyol, opisyal Patria noong Adorada,1956.

(6)Ang pagbigkas ng Panatang Makabayan ay ipinag-utos sa lahat ng pribado at pampublikong


institusyong pang-akademiko sa bisa ng RA 1265 at ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 08. Nagkaroon
ng rebisyon ang Panata (1956) sa inisyatibo ng dating Kalihim ng Edukasyon na si Raul Roco.

(7) Malaki ang papel na ginampanan ng Linggo ng Wika upang maipakita ng bawat mamamayan ang
kanilang pagtataguyod sa wikang Filipino bilang Wikang Pambansa. Sa buong linggo ng selebrasyon ay
naglulunsad ng iba't ibang gawain na katulad ng sabayang pagbigkas, balagtasan, paggawa ng slogan,
paggawa ng mga sanaysay pagbigkas ng mga tula, pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit ng
mga katutubong awit. Ang Linggo ng Wika ay unang idineklara ni dating Pangulong Sergio Osme?a.
Alinsunodsa Proklamasyon Bilang 35, ang Linggo ng Wika ay dapat gunitain tuwing ika27 ng Marso
hanggang ika-02 ng Abril bilang pagpapahalaga sa kaarawan ng kinikilalang tanyag na Pilipinong makata
na si Francisco Balagtas.

 Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 186 noong 1954 ay iniusog ni Pangulong Ramon


Magsaysay ang selebrasyon ng Linggo ng Wika sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto upang
maisama ito sa mga gawain sa paaralan. Kaugnay nito, ang huling araw naman ng selebrasyon
ay siya ring araw ng paggunita sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Pangulong
Manuel L. Quezon.
 Pinagtibay ng Proklamasyon Bilang 19 ni Pangulong Corazon Aquino ang selebrasyon ng
Linggo ng Wika sa Agosto 13-19. .
 Higit pang pinalawig ang selebrasyon noong 1997 sa pamamagitan ng Proklamasyon 1041 na
idineklara ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagsasabing ang selebrasyon ng wikang Filipino ay
magaganap sa buong buwan ng Agosto.

(8) Si Cecilio Lopez, ang pinakaunang linggwistang Pilipino ay nagtampokng lingguwistikang Pilipinas.
pag-aaral sa wikang pambansa at mga katutubong wika sa Pilipinas.

(9) Sa termino ni Jose Villa Panganiban ay nagsagawa naman ng iba’t ibang palihan sa korespondensiya
opisyal sa wikang pambansa. Nakapaglathala ng disyunaryo na Ingles-Tagalog at pagkatapos nito ay ang
diksyunaryong tesawro.

(10) Noong ika-13 ng Agosto, 1959 ay nagpalabas ng kautusang Pangkagawaran Bilang 7 ang kalihim ng
kagawaran ng Edukasyon at Kultura na si Jose E. Romero ng tanggapan ng Edukasyon na tatawging “
Pilipino” ang wikang pambansa upang maihiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog.

(11) Hakbang sa pag-alis ng rehiyonalismo ang paggamit ng “Pilipino” bilang wikang pambansa.

(12) Ang inisyatibong ito ng kalihim ay hindi rin gaanong nagging matagumpay sapagkat hindi pa rin
matanggap ng ibang sector ang Pilipino bilang pambansang wika. Nangibabaw pa rin sa puso ng mga di-
tagalog ang rehiyonalismo. Sa kanilang pakiramdam, sila ay nanatiling kolonya ng Tagalog sapagkat ang
“Pilipino” ay binagong anyo lamang ng wikang “Tagalog”.

Ang pagkakaroon ng Konstitusyonal na konbensyon noong 1971 ay nagbigay-daan upang


mapakinggan ang mga argumento ng mga di-tagalog hinggil sa kanilang usapin sa “Pilipino” bilang
pambansang wika. Binuo ang Komite sa Wikang Pambansa upang mamahala sa pagbuo ng mga polisiya
at rekomendasyon upang masolusyonan ang mga pakikibaka hinggil sa wika. Ang Komite ay
nagmungkahi na gamitin ang Filipino batay sa sa mga katutubong wika at maging ang asimilasyon ng
mga salita mula sa dayuhang wika. Kasama rin sa rekomendasyon ng komite ang pananatili ng Ingles at
Kastila bilang mga opisyal na wika.
https://www.coursehero.com/file/16021963/Wikang-Filipino/

Bilinggwalismo ay tumutukoy sa ipinakikitang kakayahan sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng


dalawang wika.

Lumabas sa pag-aaral na isinagawa ng Presidential Commission to Survey Philippine Education


(PCSPE) - ahensyang binuo sa pamamagitan ng E.O. 202 ni Pangulong Ferdinand E. Marcos upang
magsagawa ng pag-aaral sa mabuting sistema ng edukasyon, na wika ng pagtuturo ang siyang
nangangailangan ng agarang atensyon sa larangan ng edukasyon.

Pinagtibay ng PCSPE na: (1) ang Pilipino ang pangunahing midyum sa elementarya, at ang
bernakular ay pantulong na wika sa unang dalawang taon sa mga lugar na di-Tagalog (2) ang Pilipino
at Ingles ang mga midyum sa sekondarya at ters'yarya.

Noong 1973 ay pinagtibay ang polisiya ng edukasyon sa pamamagitan ng bagong saligang-batas.


Isinasaad dito sa ilalim ng Sek. 3, Artikulo XIV, na: (1) Gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na makikilalang Filipino ang
Pambansang Asambleya; (2) Ingles at Pilipino ang dapat na maging wikang opisyal hangga't walang
ibang itinadhana ang batas.

Noong ika 27 ng Pebrero, 1973 ay sinunod ng Lupon ng Pambansang Edukasyon ang Bilinggwal na
Patakaran sa Edukasyon batay sa probisyon ng Saligang Batas. Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 ng
Lupon pinagtibay noong Agosto 7, 1973 na ang Ingles at Pilipino ay magsisilbing midyum ng pagtuturo
at ituturo bilang mga asignatura sa kurikulum mula Baitang I hanggang sa unibersidad sa lahat ng mga
paaralang publiko at pribado.

Nilagdaan ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong ika- 19 ng Hunyo, 1974 sa pamamagitan


ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ang mga panuntunan bilinggwal sa panturo
pagpapatupad sa ay mga tumutukoy tiyak ng Patakarang sa magkahiwalay Edukasyong na
Bilingguwal. paggamit ng Sinabi Pilipino rito at na Ingles ang edukasyongbilang mga ito'y
kinakailangan na asignatura, sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito’y kinakailangan.

Nakasaad sa ilalimng Saligang-batas 1973 na ang Filipino ay lilinangin, pauunlarin, at pagtitibayin


alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita
mula sa mga dayuhang wika.
(13) Isinulong ni Ponciano B. Pineda ang pagtatag ng Komisyon sa Wikang Filipino batay sa Seksyon 9 ng
Saligang batas. Si Pineda na isa ring manunulat, guro, linggwista at abogado ay siyang itinuturing na
"Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino". Sa termino ni Pineda bilang komisyuner ng Surian ng Wikang
Pambansa ay nagkaroon ng maraming pananaliksik sa sosyo-lingguwistika. Pinalakas din ang patakarang
bilingguwal sa edukasyon sa kanyang termino.

Malaki ang papel na ginampanan ng Surian ng Wikang Pambansa sa paghahanda ng salin ng


Saligang-batas ng 1986 na kung saan ay kinilala ang Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas.
Nakasaad dito na "habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at pagyamanin nang
nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang Filipino at iba pang wika."

(14) Nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 117 na
lumikha sa Linangan ng Wika sa Pilipinas bilang kapalit ng Surian ng Wikang Pambansa. Nakatakda itong
malusaw matapos mapagtibay ang Saligang-batas 1987 na nag-aatas na magtatag ng isang komisyon ng
pambansang wika. Sa pamamagitan ng Batas Republika 7104 noong 1991 ay naitatag ang Komisyon sa
Wikang Filipino. Ang KWF ay ang ahensya ng gobyerno na binigyan ng kapangyarihan na
makapagmungkahi ng mga hakbang, plano, patakaran, at gawain hinggil sa wika, lalo na sa paggamit
ng Pambansang Wika, ang wikang Filipino.

Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA

SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng
mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.

SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na
mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod
ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang
mga wika.
Ipinaliliwanag ng kasaysayan na ang pambansang wika ay hindi lamang nakatuon sa rehiyon ng
Katagalugan bagamat Tagalog ang nagiging pamantayan sa pagbuo nito. Patuloy na umuunlad ang
wikang Filipino sa aspeto ng gramatika, palaugnayan, mga pahiwatig, at pakahulugan bunga na rin
paggamit dito sa panrehiyon at pandaigdigang ugnayan. Lumawak ang gamit ng Filipino sa mga
asignaturang Panitikan, Araling Panlipunan, Teknolohiya, Inhenyeriya, Medisina, Batas, Matematika, at
iba pang larangan.

Sistemang K to 12

Ang pagsusulong sa repormang pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of


Education-DepEd) kaugnay ng tinatawag na Programang K to 12 ay nagkaroon nang ganap na
katuparan noong 2011. Isinaalang-alang sa pagsusulong nito ang modelo na ginagamit sa edukasyon
ng mga kanluraning bansa.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng mga nagsusulong nito bago ito pormal na
naipatupad dahil na rin sa pagtutol ng maraming kasapi ng akademiya, mga mag-aaral, at mga
magulang. Itinuturing nila itong dagdag pasakit sa balikat ni Juan dela Cruz dahil sa dagdag na gastos
na gugulin ng mga mag-aaral para sa higit na matagal nilang pamamalagi sa eskwelahan. Mula sa
sampung taon na basikong edukasyon ay dinagdagan pa ito ng dalawang taon na hindi naman alam
ang patutunguhan. Naging malaking hamon ito para sa mga namumuno ng isang eskwelahan bunga
ng mataas nitong kahingian upang matugunan ang repormang kaakibat ng programang K to 12. Sa
kabila ng kaliwa't kanang demostrasyon at mga pagtutol ay nanaig pa rin ang inisyatibong ito ng
Pamahalaang Aquino na baguhin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Pormal na itinalaga ang Kagawaran ng Edukasyon (Deparment of EducationDepEd) bilang


tagapagpatupad at tagapamahala ng Edukasyong K to 12 noong taong 2013. Binigyan sila ng
eksklusibong kapangyarihan na mamahala sa mga pampublikong paaralan, at magbigay ng regulasyon
sa mga pribadong paaralan. Ang implementasyon ng programang K-12 at ang ratipikasyon ng
Kindergarten Education Act ng 2012 at Enhanced Basic Education Act ng 2013 ay nagbukas sa tatlong
taong dagdag sa basikong edukasyon ng mga mag-aaral. Mula 1945 hanggang 2011 ay anim (6) na
taon ang ginugugol ng magaaral sa kanyang elementarya at apat (4) na taon para sa kanyang
sekondarya. Dahil sa mga batas na nabanggit ay nabago ang panahon na dapat na gugulin ng isang
indibidwal bago makatungtong ng kolehiyo -- Isang taon ang kailangang gugulin sa kindergarten, 6 na
taon para sa elementarya, 4 na taon para sa junior high school at 2 taon para sa senior high school.

Ang Kahalagahan ng K-12 Kurikulum ng DepEd

Hindi naging madali para DepEd na mapagtagumpayan ang hamon ng sistemang K-12 dahil sa
laki ng pagbabagong dulot nito sa sistema ng edukasyon na matagal din nating inakap sa mahabang
panahon. Naging malaking hamon dito ang pag-akap at pagtanggap sa bagong sistema ng higit na
nakararami na kahit sa kasalukuyan ay nagbibigay pa rin ng kalituhan sa marami. Bukod pa ito sa
hamon ng kahandaan sa bahagi ng kanilang ahensya na magpapatupad dito.
Sa kabila ng mga isyung ito ay dumaan naman sa masusing pag-aaral ang bagong sistemang ito ng
edukasyon sa Pilipinas. Naging pursigido ang DepEd na maipatupad ito sa lalong madaling panahon
dahil na rin sa kabutihang maidudulot nito katulad ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral
na mapagtuunan ng pansin ang iba't ibang larangan ng espesyalisasyon katulad ng pagluluto, tour
guiding, animation, at marami pang iba. Ang labindalawang basikong edukasyon ay magbubukas ng
sapat na pagkakataon sa mga magaaral na higit na matutunan at mapaghusay ang mga kinakailangang
kasanayan sa kolehiyo at unibersidad, at maging sa mundo ng kalakalan at hanapbuhay.

Binigyang katwiran ng DepEd ang integrasyon ng edukasyon sa mga bansa na nasa Asya gayung
ang Pilipinas ay napag-iwanan na dahil sa pagtangkilik nito sa sampung taon na basikong edukasyon.
Sinasabi na ang labintatlong taon na programa ay lalong makatutulong sa pagpapatibay sa pundasyon
ng mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon, bukod sa ito rin ang sistema na tinatangkilik ng mga
mauunlad na bansa sa mundo.
Larangan ng Pagpapakadalubhasa

Inaasahan na ang mga mag-aaral na makapagtatapos sa bagong sistema ng edukasyon ay


makapagtataglay ng kahusayan na kailangan upang sila ay agad na makapaghanapbuhay. Maaari
itong magkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng mga electives na kanilang kukuhanin sa kanilang
ika-11 at 12 taong baitang ng pag-aaral. Ang mga electives na ito o pagkakadalubhasaan ay
kinabibilangan ng mga sumusunod:

(1) Academics para sa mga nais magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo;

(2) Technical-vocational para sa mga mag-aaral na nais na makapaghanapbuhay matapos ang kanilang
high school

(3) Sports and Arts para sa mga mag-aaral na mahilig sa dalawang larangan.

Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013

Isa sa mga pinaniniwalaan ng dating komisyuner ng CHED na si Dr. Patricia Licuanan na ang K-12
ang sagot sa usapin ng trabaho matapos ang labindalawang basikong edukasyon. Opsyon ang hindi
ipagpatuloy ang pagaaral sa kolehiyo sapagkat taglay na niya ang kinakailangang lakas at talino na
hinahanap ng mga kumpanya para sa kanyang serbisyo (https://www.youtube.
com/watch?v=k3000u71xdNM). Ang mga inasahang kasanayan na ito ng mga mag-aaral ay maaaring
makuha sa mga asignaturang kasama sa dalawang taong dagdag na pag-aaral (ika-11 at 12 baitang) mula
sa dating sampu (6 na taon sa elementarya at apat na taon sa sekondarya). Bukod pa dito ang tinatawag
na ASEAN integration o ang pagsabay ng Pilipinas sa sistema ng edukasyon na ginagamit sa halos lahat
ng bansa sa Asya.

Kaugnay nito ay ang paghahanda ng mga asignatura na kailangan ng mga mag-aaral kung sakali na
sila ay magpapasaya na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Naglabas ng Memo 20, Serye ng 2013 ang
Commission on Higher Education para sa katumbas na mga asignatura ng tatlumput anim (36) nay unit
ng Pangkalahatang Edukasyon (General Education) na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Understanding the self (Pag-unawa sa sarili; Readings in the Philippine HisTORY (Mga Babasahin hinggil
sa Kasaysayan ng Pilipinas); The Contemporary World ( Ang kasalukuyang Daigdig; Mathematics in the
Modern World (Matimatika sa Makabagong Daigdig); Purposive Communication (Malayuning
Komunikasyon); Art Appreciation (Pagpapahalaga sa Sining); Science, Technology, and Society (Agham,
Teknolohiya, at Lipunan), Ethics (Etika). Nabalot ng kontrobersiya ang kautusang ito ng CHED sapagkat
lantaran na tinanggal ang asignaturang Filipino n asana ay makaagapay natin sa pagsususlong ng
intelektwalisasyon at marketisasyon ng kultura at wikang Filipino.

Ipinaliwanag ni Licuanan na hindi naman daw naging tahasan ang pagkawala ng Filipino sa
kurikulum dahil may inilaan para rito sa ika-11 at 12 baitang ng pag-aaral sa Senior High School. Kanya
ring ipinaliwanag na ang bawat kolehiyo, pamantasan o unibersidad ay may opsiyon na gamitin ang
Filipino sa tatlumpu't anim na yunit ng General Education.

Kung susuriing mabuti ang mga naging pahayag ni Licuanan, makikita na para bang kanyang
inihalintulad ang mga tagapagtanggol ng wika sa isang batang inagawan lamang ng laruan at kayang
patahanin kung bibigyan ng bago at higit na kaakit-akit na laruan. Nakalulungkot sapagkat naging
mababaw ang kanyang pagtingin sa pakikibaka ng mga tagapagtanggol na wika sa kahalagahan ng
Filipino sa mas mataas na antas ng pagkatuto. Ang programang K-12 lalong higit ang mga probisyong
may kaugnayan sa ating kultura at wika ay hindi dapat maging isang laro o eksperimento lamang.
Kailangang ng masidhing pag-aaral bago ipatupad dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng indibidwal
na ang nais lamang naman ay mag-aral upang magkaroon ng sapat na kasanayan para sa higit na
magandang estado ng pamumuhay. Maging ang kanyang pahayag na ang bawat akademikong
institusyon sakolehiyo aymayopsiyonnagamitinang Filipino sa tatlumpu't anim na Pangkalahatang
Edukasyon (General Education) ay hindi rin katanggap-tanggap sapagkat ang salitang opsyon ay
nangangahulugan ng isang di-paborableng desisyon mula sa mga pribado at pampublikong akademikong
institusyon na ang karamihan ay nagsusulong ng Ingles bilang wikang panturo.

Naniniwala si Ramon Guillermo ng Philippine Studies sa UP Departamento ng Filipino at Panitikan


sa Pilipinas na ang pagtanggal ng CHED sa asignaturang Filipino sa kolehiyo batay sa CMO 20, Serye ng
2013 ay magbubunga ng kawalang malay ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Wala na ring
magpapatuloy ng mas mataas na pananaliksik sa Filipino kung mananaig ang memorandum na ito ng
CHED. Kanyang tahasang sinabi na ang memorandum na ito ng CHED ay nangangahulugan ng
panganganib sa wikang Filipino at pagpatay sa intelektwalisasyon nito. Ang mga epektong ito ay bukod
pa sa pagsasara ng maraming departamento sa pribadong kolehiyo na maaaring magbunga ng
kontraktwalisasyon at kagyat na kawalan ng trabaho para sa karamihan (https://
www.youtube.com/watch?v=k3000u7lxdNM).

Idinagdag pa rin ni Guillermo sa https://www.youtube.com/ watch?v=k3000u7lxdNMkolehiyo ng


manatili aaral. wikang Binigyang bilang ay Filipino nangangahulugan isang diin simbolo ni Guillermo na
ang ng ng pagkabansa. hindi pagkawala na ang pagbibigay-galang Filipino ng Dapat Filipino itong ay at
maging bilang o respeto akademikong asignatura isang sa maaabotwika pag-nasa bilang larangan ng
isang siyentipiko hindi lamang dapat na ginagamit natin sa mga larangan ng ating kaalaman.

Maganda rin (https://www.youtube.com/watch?v=k3000u7lxdNM). ang mga naging argumento ni


Antonio Tinio, ating kinatawanAyon sa kanya, ang K-12 ay isang pagsusulong sa labor-export policy na
ang layunin ay manghikayat ng foreign investors para sa mga serbisyong katulad ng business courses,
outsourcing, call center, at iba pa. Hindi sinusuportahan ng K-12ang industriyalisasyon at pagpapaunlad
ng agrikultura.

Idinagdag pa ni Tinio na ang programang K-12 ay mas nakatuon sa pangangailangan ng ibang bansa
(higit na mayayamang bansa) kaysa pangangailangan ng higit na nakararaming mga Pilipino. Iginiit ni
Tinio na ito ang dahilan kung bakit Ingles ang wikang na isinusulong sa ilalim ng kurikulum habang ang
Filipino naman ay patuloy na pinahihina.

Sinabi pa ni Tinio na obligasyon ng administrasyong Aquino na paunlarin ang Filipino bilang wikang
panturo at wikang pambansa ayon na rin sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1987.

Argumento ng Tanggol Wika at iba pa Laban sa CMO 20, Serye ng 2013

Suprema Kanilang inihain Ang sa petisyon ng iginiit kanilang Temporary ng kapasidad Tanggol
Restraining bilang Wika namumuwisan at Order iba pa o Permanent sa agarang at mga Restraining
mamamayang paglalabas Orderng Pilipino.Korteay na ang pagpapatupad ng CMO 20, Serye ng 2013 at
iba inilalatag hakbang na kaugnay nito ay tahasang paglabag sa polisiya at mandatongpang sa mga
probisyong ng Konstitusyon may kaugnayan ng Pilipinas, sa wika, lalong edukasyon, higit sa
pagsasalansang at pampaggawa nitong Konstitusyon. sa Batas Republika Kanila pang 7104 idinagdag
(Ang Batas na ang na CMO Lumilikha 20, Seryesa Komisyon ng2013ayng lumalabagWikang din Filipino,
at ang Pagbibigay Dito ng Kapangyarihan, Tungkulin, at para sa Iba pang Layunin), Batas Pambansa 232
(Ang Batas na Nilikha para sa Pagtatag at Pagpapanatili ng Sistemang Integratibo ng Edukasyon), at
Batas Republika 7356 (Ang Batas na Lumilikha sa Pambansang Komisyon ng Kultura at Sining - National
Commission for Culture and the Arts ... ). Kanila ding sinabi na ang paglabag sa kanilang karapatan na
makilahok sa mga dayalogo na may kaugnayan dito ay di mababayaran o matutumbasan ng anumang
danyos na maaaring ibigay ngmga respondente.
Ang mga sumusunod ay ilan din sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner
laban sa CMO 20, Series 2013:

(1) ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura, kasaysayan, at
pambansang pagkakakilanlan.

(2) Dudulo ang panghihina at kamatayang ito sa panghihina at kamatayan ng mga Pilipino bilang
nagkakaisang mamamayan at may pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na bansa-mga
bagay na nilayong iwasan ng mga nagbalangkas ng Konstitusyon at ng sambayanang nagratipika nito.

(3) Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang implementasyon ng CMO
No. 20, Serye ng 2013 sa pamamagitan ng temporary restraining order at/o writ of preliminary
injunction , tuluytuloy na maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-Filipino, antinasyonalista,
at tahasang lumalabag sa Konstitusyon.

(4) Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura, pagkabansa, pagkakaisa,
at demokrasya.

Sagot ng Kataas-taasang Hukuman, Korte Suprema sa Petisyon laban sa CMO 20, Serye ng 2013

Inatasan ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema (Supreme Court)ang Komisyon sa


Lalong Mataas na Edukasyon (Commission on Higher EducationCHED) na bigyan ng ganap na
implementasyon ang kautusan nito na ibalik ang Filipino at Panitikan sa Antas Tersyarya sa pamamagitan
ng pagpapatupad sa bagong Pangkalahatang Kurikulum Pang-edukasyon (General Education Curriculum)
sa Taong Aralan 2018-2019.

Ang kautusang ito ng Korte Suprema ay bunga ng pagsusulong ng Alyansa ng mga


Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Alliance of Defenders of the National Language) o Tanggol Wika,
mga alyansa ng iba't ibang paaralan, kolehiyo, unibersidad, samahang pang-linggwistika at pang-kultura,
at ilang may pagpapahalagang mamayan, na makakuha ng paborableng desisyon para sa Filipino at
Panitikan. Napagtagumpayan ng Tanggol Wika at iba pang samahan ang kanilang ipinaglalaban nang
maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema laban sa pagtatanggal ng Filipino at
Panitikan (Literature) bilang mga mandatoryong asignatura sa bagong Pangkalahatang Kurikulum na
Pang-edukasyon (General Education Curriculum) alinsunod sa CHED Memo 20 Series 2013.

(Ang Temporary Restraining Order ay isang kautusan ng korte para sa limitadong panahon bilang (1)
bilang solusyon sa mga biglaang pangyayari- emergency remedy, (2) pagbabawal sa isang indibidwal na
gumawa ng aksyon na makapamiminsala ng iba, o (3) panatilihin ang dating estadostatus quo.
Ipinagkakaloob lamang ang TRO sa mga pambihirang pagkakataon at mananatili hanggang sa maisagawa
ang pagdinig sa preliminary o permanent injunction o sa pagtukoy ng tamang remedy o solusyon.)
MGA SANGGUNIAN Rodao,Florentino (1997). "Spanish Language in the Philippines: 1900-1940".
Philippine studies. 12 (Manila, Philippines: Ateneo de ManilaUniversity Press) 45 (1): 94-107. ISSN 0031-
7837. OCLC 612174151. Sininop mula sa orihinal napahina noong 13 Hul 2010. Hinango noong 14 Hul
2010. "History of The Republic of Zamboanga (May 1899 - March1903)".Zamboanga City, Philippines:
Zamboanga (zamboanga.com). 18 Hul 2009. Sininop mula sa orihinal na pahina noong 02 Ago 2010.
Hinango noong 13 Ago 2010 P. Constantino, L. Garcia at J. Ramos (2012) Sitwasyong Pangwika sa
Pilipinas. Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas https://www.facebook.com/notes/zyvicorleone/sitwasyong-
pangwika-sa-pilipinas/435120993188749/ https://www.coursehero.com/file/16021963/Wikang-
Filipino/ Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987 https://www.youtube.com/watch?v=k3000u7lxdNM. CMO
20, Serye ng 2013.

You might also like