You are on page 1of 3

Sitwasyong Pangwika sa Panahon ng Kastila

Panahon ng mga Espanyol


            Pagkatapos ng mga katutubo, ang mga Kastila naman ang nandayuhan sa Pilipinas. Mula
1565-1898  sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga
Katutubo ang Kristiyanismo. Subalit ang tunay na dahilan ay ang pagkamkam ng mga likas na
yaman at pagkuha ng panagkap o pampalasa. Naging malaking usapin ang wikang gagamitin sa
pagpapalawak ng Kristiyanismo. Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na
mas magiging mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan
kaysa sa libong sundalong Espanyol.
 
MAHAHALAGANG PANGYAYARI
1. Binago ang pananampalataya ng mga katutubo na diumano’y pagano tungo sa pagiging
Kristiyanismo;
2. Winasak ang mga tala  ng katutubong literatura ng mga sinaunang  Pilipino sa
pamamagitan ng pagsunog dito.
3. Itinuro ang Doctrina Cristiana gamit ang wikang Espanyol.
4. Napalapit ang mga katutubo sa mga prayle dahil sa wikang katutubo ang ginamit nila.
5. Pinalitan ang sinaunang sistema ng pagsulat ng alpabetong Romano.Isa sa
pinakamahalagang impluwensiya ng mga Kastila.
Ano ang sitwasyong pangwika  sa Panahon ng Kastila?
Mababatid sa parte na kasaysayang ito na nanganib ang wikang katutubo, Sa panahong ito lalong
watak- watak ang mga Pilipino. Ang  pagkakaroon ng rehiyunal na wika ang isa sa mga
positibong naidulot ng pagkakahati-hati ng mga katutubong Pilipino. Subalit sa kabila nito 
walang ginawang pagkilos ang mga Pilipino malinang at mapalaganap ang wikang panlahat na
wika sa Pilipinas.  Bagkus mas ninais o hinangad  pa ng ilang Pilipino na maituro sa kanila at
matutunan ang wikang Kastila.
Alam mo ba?
Sa mahigit na tatlong  daang taong pananakop nila sa bansa ay pinaniniwalaang wala pa
sa sampung porysyento ng populasyon  ang natuto nito.
 

Sitwasyong Pangwika sa Panahon ng Amerikano


PANAHON NG MGA AMERIKANO
            Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanayol, dumaying naman ang mga Amerikano sa
pamumuno ni Almirante Dewey. Nagsimula na naman ang pakikipabaka ng mga Pilipino.
Lalong nabago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na
nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino.
            Dumating ang mga Amerikano sa bansa at sinakop ito mula taong 1898 hanggang 1932.
Layunin ng kanilang pananakop ang pagtatayo ng mga Base Militar sa bansa gayundin ang
pagpapasigla sa kanluraning kalakalan at malawakang edukasyon.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI
1. Ipinatupad ang malawakang edukasyon.
2. Walang malawakang wikang katutubo ang ginamit sa midyum ng pagtuturo
3. Ang pagdating ng mga unang grupo ng Thomasites noong 1902 na siyang nagpasimula
ng malawkang edukasyon o mass education  sa wikang Ingles.
4. Sa paggamit ng wikang Ingles sa edukasyon ay tila napalitan ng Amerikanisasyon ang
Hispanisasyon.
5. Naging matagumpay ang maraming Pilipino sa larangan ng edukasyon at komersyo.
Dagdag pa dito ang prestihiyosong katayun sa lipunan sa kaalaman sa wikang Ingles at sa
paggamit nito.
Alam mo ba?
Masasabing naging iba an gang sitwasyon ng mga Pilipino sa panahon ito kaysa sa
panahon ng Kastila. Ang wikang Ingles ay buong-pusong  ipinagkaloob  ng mga Amerikano sa
mga Pilipino smantalang ang wikang Kastila ay hndi itinuro sa mga Pilipino kahit pa gusto ng
ilan matuto.
 

Sitwasyong Pangwika sa Panahon ng Komonwelt


PANAHON NG KOMONWELT
            Ang tinatawag na Panahon ng Komonwelt ay sumasaklaw sa mga taong 1934 hanggang
1942 ito ay nasa ilalim ng pamumuno ni Pang. Manuel Luis Quezon.
Mahahalagang Pangyayari
1. Pagtitibayin ng kongreso ng Amerika ang Batas Tydings na nangangakong
pagkakalooban ng ganap ng kalayaan ng Pilipinas pagkalipas ng sampung taon.
2. Pagbabalangkas ng konstitusyon at kabilnag dito ang pagbuo ng draft para sa probisyon
nito.
3. Nakita ang kahalaghan ng pagkakaroon ng isang wikang pambansang pagkakaisa at
pagkakakilanlan.
4. Nagkaroon ng maiinit na usapin sa pagkakaroon at pangangailangan ng wikang
pambansa
5. Nabigyang solusyon ang mga pagtatalo sa pagmumungkahi ni Delegadong Vinzons na
ibase ang wika sa kapuluan ang magiging pambansa wika.
Ating iugnay ang usaping ito sa aralin tungkol sa pag-unlad ng wikang pambansa na
natalakay na. May mga probsiyon na inilhad upang maitakda  ang iisang wika na
pagkakakilanlan ng ating bansa. Naging matagumpay si Pangulong Manuel L. Quezon sa
adhikain ito na patuloy natin nagagamit upang maiphayag an gating mga opiyon, mga puna at
maging ating mensahe upang higit tayong magkaunawaan gamit ang iisang wika ang wikang
Pilipino.

You might also like