Professional Documents
Culture Documents
Panahon ng Espanyol
Mapalaganap ang Kristiyanismo
Kalagayang “barbariko”, “di sibilsado” at pagano”
Ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas ay naging katumbas na ng pagpapalagananp ng
Kristiyanismo.
Ang mga prayleng Espanyol ang siyang naging institusyon ng mga Pilipino
Upang maisakatuparan ang kanilang layunin, inuna nila ang paghahati ng mga isla ng
mga pamayanan.
Ang pamayanan ay hinati-hati sa apat na orden ng misyunerong Espanyol na pagkaraa’y
naging lima:
1. Agustino 4. Heswita
2. Pransikano 5. At Rekoleto
3. Dominiko
Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalstasan ng
mga katutubo:
Sinikil nila ang kalayaan ng mga katutubong makipagkalakalan sa ibang lugar upang hindi na rin
nila magamit ang wikang katutubo
Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong
Espanyol mismo ang nag-aaral ng mga wikang katutubo.
Nasa kamay ng mga misyunerong nasa ilalim ng pamamahala ng simabahn ang edukasyon ng
mamamayan noong panahon ng mga espanyol.
Nagmungkahi naman si Gobernador Tello na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol
Kailangang maging bilingguwal ang mga Pilipino. (Carlos I at Felipe II)
Iminungkahi naman ni Carlos I na ituro ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol
Ika-2 ng Marso, Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang
Espanyol sa lahat ng katutubo, ngunit nabigo ang nasabing kautusan kaya si Carlos II ang
lumagda ng isang dekrito na inuulit ang probisyon ng nabanggit na kautusan. Nagtakda rin sya
ng parusa para sa mga hindi susunod.
Noong Disyembre 29, 1972, si Carlos IV ay lumagda sa isa pang dekrito na nag-uutos na
gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa pamayanan ng mga Indio.
Matapos ang mahigit na 300 taong pananahimik dahil sa pananakop ng mga Espanyol,
namulat ang mga mamamayan sa kaapihang kanilang dinaranas.
Sa panahong ito, maraming mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming
nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
1872, nagkaroon ng kilusan ang propagandista na siyang naging simula ng kamalayan
upang maghimagsik.
Itinatag nina Andres Bonifacio ang Katipunan. Ang wikang Tagalog ang ginamit sa
kanilang mga kautusan at pahayagan. Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa
pagtataguyod ng wikang Tagalog.
Sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang “isang bansa, isang diwa”
Pinili nilang gamiting ang wikang Tagalog sa pagsulat ng sanaysay, tula, kuwento, liham,
at mga talumpati na punumpuno ng damdaming makabayan.
Konstitusyong Biak-na-Bato (1899)
Sa pamumuno ni Aguinaldo ay unang naitatag ang Republika, isinaad sa konstitusyon na
ang paggamit ng wikang Tagalog ay opisyal.
WIKA
SEK. 6. –angwikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
SEK. 7. –ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mgawikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat itaguyod
ng kusa at opsiyonal angKastila at Arabic.
SEK. 8. –Dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Kastila
SEK. 9. –Dapatmagtatag ang kongreso ng isang komisyonng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mgfa pananaliksik sa Filipino.
Tinupad ni Pangulong Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng Executive Order No. 335,
ito ay “Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya, at
instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa
layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at
korespondensiya.”
Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Aroyo –naglabas siya ng Execituve
Order No. 210 noong Mayo 2003 na nag-aatas ng pagbabalik sa isang monolingguwal na
wikang panturo –ang Ingles, sa halip na ang Filipino
Sa kasalukuyan –Mabilis ang paglaganap at paggamit ng wikang Filipino ; bunga ito ng
epektibong pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan ; resulta din ito ng patuloy at
dumaraming paglabas ng mga babasahin na nakasulat sa wikang Filipino, lalo na ang
komiks. ; Ilan pang dahilan ay ang patuloy na pambansang pagtangkilik sa mga
telenobela at pelikulang Pilipino, at ang paggamit ng Filipino sa radyo at telebisyon.
Noong ika-5 ng Agosto 2013, sa pamamagitan ng kapasiyahan Blg. 13-39 ay
magkasundo ang kaluponan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino: Ang
Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa
buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw
at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t
ibang antas ng saliksik sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at
kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa.