You are on page 1of 2

QUARTER 2

MODULE 7

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA


AT KULTURANG PILIPINO

Bilang ng Sesyon: 40 sesyon/ apat na araw sa loob ng isang linggo


Introduksiyon
Ang modyul na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang matukoy ang kasaysayan ng Wikang Pambansa. Ang mga kasanayang
matutunan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ang mga mag-aaral sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang
interaksyon. Makatutulong ito sa mag-aaral upang madagdagan ang karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa
gayo’y mapakinabangan ito ng mga mag-aaral.
At ito ay batay sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)
Layunin:
 Nailalahad ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang pambansa.
 Natatalakay ang mga dahilan sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas.
 Nakabubuo ng sariling opinion tungkol sa pagpili sa Tagalog bilang ng pambansang wika ng Pilipinas.
 Nakapagsasagawa ng saliksik sa mga kasalukuyag isyung pangwika.
Aralin 7: Kasaysayan ng Wika-Ikalawang Bahagi
 Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit napakaraming wika at wikain sa bansa. Bagama’t may pagkakaiba
ang mga wika, malaki ang pagkakahawig nito sa isa’t isa bunga ng pagkakabilang sa iisang pamilya ng wika, ang wikang Austronesian.
Matatagpuan mula sa Formosa sa hilaga hanggang sa New Zealand sa timog; mula sa Eastern Island sa silangan hanggang sa
Madagascar sa kanluran , ang wikang Austronesian. Ang Tagalog na siyang batayan ng wikang pambansa, ayon sa pagaaral na ginawa
noong 1934 ni Otto Dempwolff, ay kabilang sa Indonesian subgroup ng Austronesian. Naging maliwanag ang landas sa hangaring ito
nang magkaroon ng Kapulungang Pansaligang – batas sa hanagaring ito nang magkaroon ng kapulungang Pansaligang- batas noong
1934.
 Hulyo 10, 1934 binuo ang kapulungang Pansaligang- batas bilang paghahanda sa itatatag na Malasariling Pamahalaan
(Commonwealth). Ang kapulungang ito ang umugit sa Saligang batas ng 1935. Sa Artikulo 14, Seksyon 3 ng Saligang –batas na ito,
inatasan ang Pambansang Asamblea na magsagawa ng kaukulang hakbang sa paglinang ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa
sa umiiral na wika sa Pilipinas. Ang pangulo ng Komonwelt noon na si Manuel L. Quezon, ang naging masugid na tagapagtaguyod na
magkaroon ng isang wikang pambansa.
 Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Pambanasang Asamblea ang Batas ng Komonwealth Blg. 184 na nagtatag sa Surian ng
Wikang Pambansa (SWP). Ang tanggapang ito ang magsasagawa ng pag-aaral hinggil sa pagpili ng wikang pambansa. Ginamit na
batayan sa pagpili ang wikang maunlad sa kayarian, mekanismo, literature at ginagamit ng nakararaming Pilipino.
 Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang unang mga kagawad ng tanggapang ito. Matapos maisagawa ng SWP ang iniaatas ng
batas, ipinahayag ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Disyembre 30, 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 na nagtatakda
sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Maraming patunay na nabibilang sa Austronesian ang mga wika sa Pilipinas. Ilan dito
ang paggamit ng panghalip na panao tulad ng tayo at kami;mga malapanghalip o pronominal system tulad ng ito, nito at dito ;
sistemang berbal na may pokus at aspekto ( hal. kumain , kumakain , kakain,kakakain ) ; sintaks o palaugnayan ( ng pangungusap ),
kabilang ang paggamit ng pantukoy na ang at si ; pang-angkop na na at ng ( tunay na Pilipino ); ( matalinong pinuno ) sistemang
numerikal na batay sa sistemang decimal; at mga leksikal o palasalitaan.
 Ang pagkakaroon ng maraming wika ang sinasabing ugat ng rehiyonalismo o pagkakapangkat-pangkat ng mga Pilipino, dagdag pa ang
kalagayang kapuluan ng bansa, na itinuturing na pisikal na sagabal sa pagkakaroon ng isang wikang bubuklod sa sambayanang Pilipino
sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga ito.
 Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga Pilipino. Ang pananakop sa pamamagitan ng pagbubukod-bukod ang
ginamit ng mga Espanyol upang magkalayo-layo ang mga Pilipino. Walang isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip ituro ang
wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga katutubong wika.
 Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa.
Ang wikang ayon sa paring Heswita na si Padre Pedro Chirino ang tinataglay ang talinghaga ng wikang Hebreo, ang katangi-tanging
katawagan ng Griyego, ang kaganapan at kinis ng Latin; at ang pagkamagalang at pagiging romantiko ng mga Espanyol.
 Ang kilusang propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga pahayagang isinulat nila. Sinundan ito ng Katipunan na Tagalog
din ang ginamit sa pagbuo 9 nila ng mga kautusan, gayundin sa pahayagan na inilathala nila. Pormal na nagkaroon ng kaganapan
sapagkat bukod sa mga ilustrado ang namayani noon sa Kapulungang Pansaligang-batas (Constitutional Assembly) , na ayaw sa wikang
Tagalog, hindi nagtagal (Constitutional assembly ) ang itinuturing na Unang Republika ng Pilipinas. Sinakop ang bansa ng bagong
manlulupig, ang mga Amerikano.
 Sa panahon ng mga Amerikano sapilitang ipinagamit ang Ingles bilang wikang panturo at ipinagbawal ang paggamit ng bernakular.
Ngunit batay sa pag-aaral na ginawa ng Monroe Educational Survey Commission, napatunayan na makaraan ng 25 taon na pagtututro
ng Ingles hindi ito nakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral na Pilipino. Sa kabilang dako, patuloy ang pagsusumikap ng ilang
makabayang lider na Pilipino na magkaroon ng wikang pambansa.
Mga Kautusang Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa
 Narito ang ilan sa mga kautusang pinairal sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang pambansa: Tagalog/ Pilipino/Filipino.
1. KautusangTagapagpalaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940) - Isinaad ang pagpapalimbag ng Tagalog English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang
Pambansa. Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.
2. Batas Komonwelt Blg. 570-Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946.
3. Proklamasyon Blg.12 – ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon Magsayasay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika
mula Marso 29-Abril 4 (Kapanganakan ni Francisco Balagtas).
4. Proklamasyon Blg.186 (1955) - inilalahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L.
Quezon).
5. Kautusang Pangkagawaran Blg.7 – ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng nooy kalihim ng Kagawaran ng Edukasyonna si Jose E. Romero na
nag-aatas na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino.
Mga Pambansang Samahang Pangwika:
1. Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF). Itinatag noong 1970, sa pangunguna ng mga propesor ng Filipino
(Pilipino pa noon) ng Philippine Normal College (Philippine Normal University ngayon), iba pang mga kolehiyo at unibersidad, at mga
kinatawan mula sa Surian ng Wikang Pambansa Samahan sa Linggwistikang Pilipino (PSLP). Nagging PSLf ito noong 1987 alinsunod sa
Konstitusyong 1987 na nagtakda sa Filipino bilang pambansa wika sa bagong alpabetong Filipino.
2. Pambansang Sosayon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS). Itinatag ito noong 2015 at pinangungunahan ng mga propesor at
praktisyoner ng salin mula sa iba’t ibang larang at displina.
3. Sangguniaan sa Filipino (SANGFIL). Pinangunahan ng Unibersidad ng Pilipinas Sentro ng Wikang Filipino (UP-SWF) ang pagbuo ng
Sanggunian sa Filipino (SANGFIL) noong 1994.
4. Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika. Itinatag ang Tanggl Wika noong Hunyo 2014 sa Pamantasang De La
Salle-Maynila kasabay ng isang konsultatibong forum.

Gawain 1
 Kopyahin sa buong papel at sagutin. Ipasa ang papel na may lagda at petsa ng iyong magulang. Ipapasa ang papel sa araw na itinakdang
ibinigay
 Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung nagpapahayag ito ng katotohanan. MALI
naman kung hindi.

__________1. Ang Tagalog na batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag-aaral na ginawa noong 1934 ni Otto Dempwolff ay kabilang sa Indonesian
subgroup ng Austronesian.
__________2. Walang isang wikang pinaiiral noon sapagkat sa halip na ituro ang wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga
katutubong wika.
__________3. Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa.
__________4. Ang Kilusang Propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Taglog sa mga pahayagang isinulat nila.
_________5. Buhat noong magkaroon ng Kapulungang Pansaligang Batas noong 1934, naging maliwanag ang landas sa hangaring magkaroon ng
wikang pambansa.
__________6. Ang pangulo ng Komonwelt noon na si Manuel Luis Quezon ang naging masugid na tagapagtaguyod na magkaroon ng isang wikang
pambansa.
__________7. Dahil sa pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa kung ano ang batayan ng magiging wikang pambansa, naging malinaw ang
katayuan na magkakaroon nito.
__________8. Bukod sa pagkakaroon ng wikang pambansa, kasama rin sa plano ang pagpapaunlad at patuloy na paglinang sa iba pang wika sa
PIlipinas.
__________9. Hinirang ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang unang mga kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa.
__________10. Tagalog ang sinasalita ng mayorya sa bansa, kaya ito ang napiling batayan ng pagkakaroon ng wikang pambansa.
__________11. Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga Pilipino.
__________12. Ang kilusang propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga pahayagang isinulat nila.
__________13. Ang pagkakaroon ng maraming wika ang sinasabing ugat ng rehiyonalismo o pagkakapangkat-pangkat ng mga Pilipino.
__________14. Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa.
__________15. Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit napakaraming wika at wikain sa bansa.

References: Rex Book, “KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO”


Mga May-Akda: Dolores R. Taylan
Jayson D. Petras
Jonathan V. Geronimo
Koordineytor: Aurora E. Batnag
https://pages.upd.edu.ph/sentrofilipino/kasaysayan-ng-sentro-ng-wikang-filipino-diliman

You might also like