Professional Documents
Culture Documents
Mga Layunin:
1. Natatalakay ang pinagmulan ng pagkabuo ng wikang pambansa sa mas lalong mataas
na antas nito;
2. Naihahambing ang kaibahan ng wikang Tagalog sa wikang Filipino sa iba’t ibang gamit
at konteksto; at
3. Nakabubuo ng diskursong may kinalaman sa mga usaping pangwika.
Mga Layunin
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon at sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong
bansa.
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino
sa iba’t ibang antas ng larangan.
Balik-Tugon
Uri ng Komunikasyon
1. Komunikasyong Berbal. Ginagamitan ng wika na maaaring pasulat o pasalita.
Halimbawa ng text messages, pakikipagtsismisan at pagbibigay ng mensahe sa mga
nakalimbag na teksto sa mga mambabasa.
1. Kinesics – pinapatunayan lamang sa bahaging ito na ang bawat kilos ay may kaakibat
na kahulugan na maaaring bigyang interpretasyon ng mga taong na kanyang paligid.
Ekspresyon ng mukha tulad ng pagkunot ng noo at pagtaas ng kilay.
2. Oculesics – gamit ang mata, maipahihiwatig ng isang tao ang kanyang nais iparating
sa kausap tulad ng pagkindat at pagpikit.
3. Proximics – gamit ang espasyo, pinaniniwalaang ang agwat ng tao sa kapwa ay may
kahulugan na maaaring mabuo sa pananaw ng tagatanggap ng mensahe tulad ng nag-
uusap na malapit ang distansya.
4. Chronemics – oras ang pinapahalagahan sa uring ito na nahahati sa apat: teknikal o
eksaktong oras, pormal na oras o kahulugan ng oras bilang kultura, impormal na oras
o o ras na walang katiyakan at sikolohikal na nakabatay sa estado sa lipunan at mga
personal na karanasan.
5. Haptics – karaniwang kinabibilangan ng paghaplos o pagdampi na maaaring bigyang
pakahulugan ng taong tumatanggap ng mensahe sa paraan ng paghaplos nito tulad
ng pagtapik sa balikat na waring nakikiramay o pagbati.
6. Paralanguage – tumutukoy sa di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa
pagsasalita tulad ng intonasyon, bilis at bagal sa pagsasalita o kalidad ng boses.
7. Mga Karagdagang Uri - Simbolo (Iconics) – mga simbolo sa bilding, lansangan,
bote, reseta atbp; Kulay (Chromatics) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o
oryentasyon; at Bagay (objectics) – paggamit ng mga bagay o objects sa
komunikasyon.
Anyo ng Komunikasyon
1. Intrapersonal – isang self-meditation na anyo ng komunikasyon na kinakausap ng
tao ang kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal.
2. Interpersonal – ito ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na
umaasa sa mensaheng inihatid at tugon sa kausap.
3. Pampubliko - sa komunikasyong ito nagaganap ang linyar na komunikasyon na ibig
sabihin, natatapos ang komunikasyon kapag naiparating na ng nagpapadala ng
mensahe sa kanyang tagapakinig. Dalawa o higit pang katao ang kasangkot. (seminar,
conference at miting de avance)
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 13
4. Pangmadla- magkatulad ito sa pampubliko ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan
sa paghahatid ng impormasyon dahil sa komunikasyong ito, ginagamitan ito ng
elektroniko tulad ng cellphone, telebisyon at radyo.
Konteksto sa Komunikasyon
Mahalaga ring malaman ng mga mag-aaral ang iba’t ibang konteksto o paningin sa
komunikasyon. Ito ay nahahati sa limang kategorya.
Sistemang Pansilid-aklatan
Ang tamang retrieval system ng silid-aklatan ay makatutulong nang malaki upang higit
na mapadali at mapaghusay ng mag-aaral ang pangangalap ng mga impormasyon at datos
na kailangan sa pag-aaral. Madalas na gumagamit ng kompyuter sa sistemang ito bagamat
mayroon pa ring mga silid-aklatan na higit na pinanaligan ang makalumang sistema. Ang
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 15
retrieval system ay nakatutulong nang malaki para sa higit na sistematikong database ng mga
sanggunian na kinasasangkutan ng mga sumusunod: pangalan ng may-akda (author),
pamagat ng aklat o publikasyon at iba pa.
Plagiarismo (Plagiarism)
Mayroong nagaganap na plagiarism o pagnanakaw ng karunungan ng iba kung sa
iyong pagsusulat ay makikita ang alinman sa mga sumusunod na pangyayari.
(1) Mayroong paglalahad ng mga ideya na mistulang ikaw ang orihinal na may-akda,
bagama’t ang katotohanan, ito ay hinalaw o kinuha lamang sa iba. Dalawa ang anyo
ng ganitong uri ng plagiarismo o plagiarism: direkta at hindi direkta. Direkta ang
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 16
plagiarismo kung ang pagkopya ng mananaliksik sa akda ng iba ay buong buo, kasama
ang tama at maling mga baybay ng salita at wala itong pagkilala sa totoong may-akda
ng sulatin.
(2) Sa kabilang dako, ang di-direktang plagiarismo ay tumutukoy sa pangongopya ng
mahahalagang impormasyon sa iba bagama’t may kaunting modipikasyon sa orihinal
ay hindi pa rin nabigyan ng nararapat na rekognisyon ang orihinal na may-akda.
(3) Pagkopya at pagdikit (copy paste) ng mga teksto at imahe na hindi binibigyan ng
rekognisyon kung saan ang mga ito ay nanggaling.
(4) Hindi pagpapakita na ang sipi ay sipi;
(5) Pagbubuod ng impormasyon na hindi man lamang ipinapakita kung ano ang orihinal
na pinanggalingan nito;
(6) Pagpapalit ng ilang mga salita sa isang seksyon ng teksto na hindi man lamang
binibigyan ng pagkilala ang orihinal na may-akda.
p. tamang rekognisyon sa
may-akda
2. Pagpapakita ng kamao
6. Pagkagat ng labi
Mga Layunin:
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas
ng lipunan;
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad;
3. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino;
4. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa
iba’t ibang antas ng larangan.
Panimula
Mahalaga ang ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na
pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz sapagkat nag-iiwan ito ng kaintalanag maaaring may
malaking dulot sa karanasang agpapatakbo ng kanyang sariling buhay.
Ito ay sinang-ayunan sa Kodigo Penal ng Pilipinas sa Artikulo 353, ang Libelo na isang
pampubliko at malisyosong mga paratang sa isang krimen o sa isang bisyo o depekto na
maaaring makatotohanan o haka-haka, anumang kilos, pagkukulang, kondisyon katayuan o
kalagayan na dahilang ng kasiraang-puri, ngalan o pagpapasala sa isang likas na tao o upang
masira ang alaala ng isang namayapa na (Salin mula sa Article 353, RPC).
Sa barangay, may karampatang multa ang bawat tsismis. 300, 500 at 1000 sa una,
ikalawa at ikatlong paglabag na may kaakibat na community service.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 25
UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at Malapitang Salamuhaan
Ang umpukan ay tumutukoy sa isang maliit na grupo ng taong nag-uusap hinggil sa
mga usaping ang bawat kasapi ay may interes sa pag-uusapan na maaaring may kabuluhan
sa kani-kanilang personal na buhay, katangian, karanasan o kaganapan sa lipunan.
Mapapansin sa Kabanata 1 ng Noli Me Tangere, inilarawan ang maraming umpukang
naganap sa pagitan ng mga panauhin tulad ng asal ng katutubong Pilipino, monopolya ng
tabako, kapangyarihan ng Kapitan Heneral at marami pang iba.
Hindi maitatatwa na impormal ang naturang umpukan sapagkat malayang
nakapagpapahayag ng kani-kanilang sloobin ang bawat kasapi. Ito ay maaaring maganap sa
kalye tulad ng mga tumatambay sa tabi ng kalsada, sa tindahan o kahit sa harap lamang ng
bahay. Maaari rin itong makita sa trabahong pinapasukan na kalimitang paksa ay tungkol sa
sahod, polisiya, pamumuno at promosyon.
Tsismisan Umpukan
Ilustrasyon
Ilustrasyon
PAGSASANAY 7
Mga Layunin:
1. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa
buong bansa.
2. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan
sa mga komunidad at sa buong bansa batay sa pananaliksik.
3. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Flipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang
Pilipino, bilang lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan
ng ibang bansa.
Panimula: Globalisasyon
(Tandaan: Walang tao sa Pilipinas o sa ibang bansa man na labis-labis ang kapangyarihan.
Mayroon itong limitasyon at hangganan)
Ang pag-abuso sa kapangyarihan o diskresyon ay tumutukoy sa hindi angkop na
paggamit ng kapangyarihan o mga pasilidad sa mga desisyon na kailangan niyang ibigay.
Halimbawa:
2. Pakikipagsab’watan
Ang sab’watan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo
na nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng
iba upang tuparin ang kinakailangan o nais nilang gawin. Ito ay isang krimen ng pandaraya,
panloloko sa iba para sa kanilang mga karapatan upang makuha ang isang adhika na labag
sa batas na karaniwan ay sa pamamagitan ng pandaraya o paggamit ng hindi patas na
kamalayan.
Halimbawa:
3. Pandaraya sa Halalan
Ipinagkakatiwala ng taong bayan sa mga pulitiko ang kinabukasan ng bawat
mamamayan sa pamamagitan ng kanyang boto sa pambansa at lokal na halalan. Ang bawat
balota ay sumisimbolo ng pag-asa sa pagkakaroon ng magandang bansa at pananalig na ang
suportang kanilang ibinibigay sa pamamagitan nito ay makabuluhan at kailanman ay hindi
pagsisihan.
Sa kabila ng kahalagahan ng bawat balota para sa Pilipino at mandato sa Komisyon
ng Eleksyon na pangasiwaan ang malinis at maayos na halalan ay lantaranan ang mga
pandaraya at anomaly na ginagawa ang mga pulitiko at mga kasabwat na nagbubunga ng
paghalal sa mga taong hindi totoong napupusuan ng higit na nakakarami. Bunga nito ay ang
maraming kilos protesta at kawalan ng tiwala sa isang pamamahala.
Pinaniniwalaan ng may-akda na ang konsepto ng pandaraya sa halalan ay hindi lamang
umusbong sa kasalukuyan. Matagal ng kinakaharap ng bawat mamamayan ang suliraning ito,
na nagpasalin-salin at patuloy na magpapasalin-salin sa mga susund pang henerasyon.
Mga taong kilala dahil sa kanilang kabayanihan sa bansa. Dr. Jose Rizal, Andres
Bonifacio, Melchora Aquino, Manuel L. Quezon at marami pang iba.
7. Rebolusyong Pangkalikasan
Isa sa mga napapanahong isyu ang pakikipagsapalaran ng tao sa hamon ng kalikasan
na mahirap labanan kahit gamit pa ang makabagong kasangkapan o teknolohiya.
Sa Pilipinas, hindi malilimutan ang bagyong naminsala sa mga bayan ng Tacloban,
Leyte at karatig isla na kilala sa tawag na Bagyong Yolanda. Maraming namatay, nawalan ng
mahal sa buhay, nawalan ng tirahan, hindi maayos na tubig, kawalan ng kuryente at gayundin
ang kalusugan ng nakararami ay naapektuhan ngunit hindi maitatawa na sa kabila ng mga
pinsalang dulot ng kalikasan ay kakabit nito ang responsibilidad ng mga taong gumagamit
nito- ang Kalikasan.
Sa mga nabanggit, makikita ang kultura ng pagdadamayan sa buong mundo para sa
agarang pagbangon ng isang bansa subalit ang pagsusumikap na makatulong ng iba ay
kailanagan din ng kasamang disiplina ng taong tinutulungan at maayos na sistema buhat sa
kanyang pamahalaan.
Mga halimbawa ng dahilan ng kalamidad ay ang paggalaw ng mundo (lindol), may
kaugnayan sa panahon, mga pagbaha, pagguho ng putik o lupa at taggutom.
Narito ang iba’t ibang isyung may kinalaman sa kalikasan.
8. Konsepto ng Kahirapan
Isa sa mga sakit ng lipunan ang kahirapan na hindi nalulunasan sa kasalukuyan na
inilalarawan sa kawalan ng pag-aaring materyal na maaari gamitin upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay.
Ang kahirapan ay tinitingnan sa dalawang kategorya: ang Ganap na Kahirapan na
tumutukoy sa mga sitwasyong ang isang indibidwal ay napagkakaitan ng mga payak na
pangangailangang pantao tulad ng maiinom na tubig, maayos na kasuotan, maginhawang
tirahan at pangangalagang pangkalusugan habang ang Relatibong Kahirapan naman ay
inilalarawan ng sitwasyong ang tao ay di sapat na salapi kung ihahambing sa ibang tao sa
kapaligiran na ang pinagkukunan ng suplay at naapektuhan ng balakid tulad ng lantarang
pagnanakaw o korupsyon sa gobyerno, mga hindi makatwirag kondisyon ng pagpapautang
ng gobyerno at marami pa.
Sa kabilang dako, mayroon naming dalawang teorya ang kahirapan. Ang una ay ang
indibidwalistikong pananaw na isinisisi sa indibidwal ang kakayahan na pagbangon sa
kahirapan tulad ng katamaran, kawalan ng sapat na edukasyon, kamangmangan at
mababang pagtingin sa sarili habang sa istrukturang pananaw, nakikita ng tao ang kailang
pagkasadlak sa kahirapn bunsod ng sistemang pang-ekonomiya na lalong pinaigting ng
kakulangan sa kanilang kita.
9. Usaping Pangkalusugan
(a) Malnutrisyon
Ang malnutrisyon ay isa sa mga kinakaharap na problema ng bbansa bunsod na rin ng
kahirapan at kawalan ng wastong pagkain. Dagdag pa rito ang kawalan ng sapat na kaalaman
ngbtao sa kahalagahan ng nutrisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Kagutuman at malnutrisyon ang pinakababahalang banta sa kalusugang pandaigdig
samantalang malnutrisyon naman ang may pinakamalaking ambag sa kamatayan ng mga
bata na makikita sa kalahati ng lahat ng kaso batay sa ulat ng World Health Organization
(The Starvelings, 2011).
Kung kaya’t, ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatibo upang
mapataas ang antas ng kaalaman ng tao sa wastong nnutrisyon halmbawa na lamang ng
feeding program, information drives, seminar at outreach programs upang mapababa lamang
ang kaso ng malnutrisyon sa bansa.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 45
(b) HIV o Human Immunodeficiency Virus
Isa sa pinakapangunahing usapin hinggil sa kalusugan ang HIV o Human
Immunodeficiency Virus na isang espektro ng kondisyon na sanhi ng inpeksyon. Walang
makikitang sintomas ng sakit ang taong may ganitong uri ng sakit maliban sa simpleng
trangkaso. Habang patuloy ang inpeksyon ay higit nitong sinasalakay ang immune system na
di kalaunan’y mararanasan ang mga sakit na tuberculosis, opportunistic infections at tumor.
Tinatawag na AIDS o Acquired Immunodeficiency Syndrome ang pinakahuling estado nito na
kinasasangkutan ng pagbaba ng timbang.
Tinatayang 36.7 milyong katao ang may kaso ng HIV na nagresulta ng kamatayan
noong 2016 na nasa isang milyon. Malaking usapin ito sa lipuanan na nagiging ugat ng
diskriminasyon at epektong png-ekonomiya na bunga ng maling edukasyon o kakulangan ng
kaalaman hinggil sa naturang sakit.
(c) Dengue
Nagmula ang sakit na dengue sa isang virus ng dengue na dala ng kagat ng lamok sa
isang tropikong bansa tulad ng Pilipinas. Ang sintomas nito ay karaniwang makikita simula
tatlo hanggang labing-apat na araw matapos ang inpeksyon tulad ng:
Maaaring gumaling ang may dengue sa loob ng dalawa hanggang pitong araw subalit
may mga pagkakataon na nauuwi ito sa kamatayan dahil sa lagnat na dengue hemorrhagic
na nagreresulta ng pagsusugo, pababa ng platelets at pag-awas ng blood plasma o ng dengue
shock syndrome na napakamapanganib na low blood pressure.
Mga Layunin:
1. Napaghahambing ang kani-kanilang kakanyahan ng mga tiyak na gawaing
pangkomunikasyon tulad ng lektyur, simposiyum, worksyap at pantas-aral;
2. Natatalakay ang mga tiyak na hakbang upang makabuo ng mga gawaing
pangkomunikasyon tulad ng lecture, symposium, workshop at seminar;
3. Nakapaglulunsad ng alinman sa mga sumusunod na gawaing pangkomunikasyon tulad
ng lecture, symposium, workshop at seminar sa paksang mapagpapasyahan ng klase.
Lektyur o Lecture
Simposyum o Symposium
Ito ay isang pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na kung saan ang mga
partisipant ay mga paham o eksperto sa kani-kanilang larangan. Dito tinatalakay ang mga
Pantas-aral o Seminar
Pormal na akademikong instruksyon na maaaring ibigay ng isang pamantasan o
kolehiyo, komersyal o propesyunal na organisasyon. Tungkulin nitong lipunin ang mga maliit
na pangkat para sa mahalagang pag-uusap sa isang paksa. Ang magsasagawa ng seminar
ay lagging handa upang maisguro ang pagiging epektibo sa iniaatas na paksa at sa madla.
Upang mapagtagumpayan ang naturang seminar, kinakailangan ang mga sumusunod
na sangkap tulad ng Layunin, Paksa, Tagapagsalita, Manonod/Tagapakinig o dadalo at
Pagdarausan.
Worksyap o Workshop
Kinabibilangan ng mga elementong taglay ng isang seminar bagamat ito ay nakapokus
sa “hands-on-practice” na idinisenyo upang aktwal a magabayan ng tagapagsalita o
tagapangasiwa ang mga partisipant sa pagbuo ng isahang output na bahagi ng pagtalakay.
Ayon nga kay Jolles (2005) aang training workshop ay mayroong dalawang anyo:
General workshop na ibinibigay sa magkakaibang partisipant at closed workshop na inihanda
batay sa pangangailangan ng espisipikong pangkat ng tao.
Sa proseso ng pagbuo ng worksyap mayroong tatlong hakbang na kailangang
matugunan at ito ang mga sumusunod:
1. Pagpaplano – kabilang na rito ang paksa, partisipant, bilang ng partisipant, oras na
laan, mga gawaing nakahanda, mga kagamitan at presentasyon.
2. Paghahanda – kabilang na ang lugar ng pagdarausan, kagamitan na kailangan sa
aktwal na worksyap, pagkain para sa partisipant at tagapagsanay, dokumentasyon
at ebalwasyon.
3. Implementasyon – na binubuo ng panimula, nilalaman at wakas.
Kumperensya o Conference
Ito ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong na kung saan ang partisipant ay
bibigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng kani-kanilang pagtalakay sa iba’t ibang paksa
sa iba’t ibang larangan. Mas malawak ang delegado ng kumperensiya kaysa simposyum.
1. Pagpapasya sa tema;
2. Magpasya sa mga maaaring makasama sa pangkat;
3. Ihanda ang plano para sa budget at paggugulan nito;
4. Paghahanap ng sponsor para sa mga gastusin;
5. Pagpapasya sa araw at lugar na pagdarausan;
6. Pagpapatala at promosyon; at
7. Pagpapasya sa mangangasiwa sa iba’t ibang komite;
Adams, Katherine L & Galanes, Gloria J. (2015). Communicating in groups (application and
skills-9th Edition). New York: McGraw Hill.
Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987
Faustino-Lazaro Precy (2017) DENR, Tutok sa Polusyon ng Hangin at Basura
Gallego, Julinda (2017) Tsismis: Paboritong Libangan ng mga Pilipino
Gonzales, Lydia F. & Ramos, Jesus Fer.(1980). Pambansang Kamalayan sa Wika at
Edukasyon, U.P., Diliman, Quezon City
Griffin, E. (2012). A first look at communication theory (8th Edition) Singapore:nMcGraw=Hill
Education (Asia)
Guerin, Bernard; Miyazaki, Yoshihiko (2006). Analyzing Rumors, Gossip, and Urban Legends
through their Conversational Properties. Psychological Record, v56 n1 p23 Win 2006. 11p.
Kodigo Sibil sa Artikulo 26 at Kodigo Penal ng Pilipinas sa Artikulo 353
Maranan, Mario H. (2013). Masining na Pagpapahayag. Mindshapers Co., Inc.
Maranan, Mario H. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Minshapers Co.,
Inc.
Rivoli, Pietra (2009). The Travels of A T-Shirt in the Global Economy.
San Juan, David Michael M. (2018). TALASTASAN: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino. Mutya Publishing House Inc.
Tubbs, Stewart L. (2013). Human Communication principles and context. 13th Edition. New
York: McGraw Hill.
Tubbs, Stewart L. (2012). A system approach to small group interaction, 11 th Edition. New
York: McGraw Hill.
Linggo Paksa
1 - 6 Introduksyon: Ang pagtataguyod ng Wikang Pambansasa Mas Mataas na Antas
ng Edukasyon at Lagpas pa
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Filipino bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at sa Mas Mataas na Antas
“Ano ang pagkakaiba ng Filipino sa Tagalog”ni Isagani Cruz
Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon
Komunikasyon – Elemento, Proseso, Uri at Anyo
Pagpili ng Batis – Kategorya ng Sanggunian
Mga Mungkahi sa Pagkuha ng Impormasyon Buhat sa mga Sanggunian
Sistemang Pansilid-aklatan
Internet bilang Sanggunian
Sanggunian buhat sa Bibliyograpiya
Plagiarismo (Plagiarism)
Pangangalap ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pagbabasa
Gawaing Pangkomunikasyon ng Pilipino
Tsismisan: Pakikipagkwento Ng Buhay-Buhay Ng Mga Kababayan
Umpukan: Usapan, Katuwaan At Malapitang Salamuhaan
Talakayan: Masinsinang Talaban Ng Kaalaman
Pagbabahay-Bahay: Pakikipag-Kapwa Sa Kanayang Tahana’t Kaligiran
Pulong Bayan: Marubdob na Usapang Pampamayanan
7-12 Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyunal
Pang-aabuso sa Kapangyarihan
Pakikipagsab’watan
Pandaraya sa Halalan
Pagnanakaw sa Kaban ng Bayan
Sistemang Padrino o Palakasan
Ang Konsepto ng Kabayanihan ng mga Pilipino
Rebolusyong Pangkalikasan
Konsepto ng Kahirapan
Usaping Pangkalusugan
13-18 Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon
Forum, Lektyur at Seminar
Worksyap
Symposium/Kumperensya
Round Table/Small Group Discussion
Kondukta ng Pagpupulong at Asembleya
Pasalitang Pag-uulat (Maliit at Malaking Pangkat)
Programa sa Radyo at Telebisyon
Video Conferencing
Komunikasyonsa Social Media