You are on page 1of 39

PAGPOPROSESO NG

IMPORMASYON PARA SA
KOMUNIKASYON
PAGPILI NG BATIS
• Ang batis ng impormasyon ay mga
sources ng mga impormasyon na
nakukuha ng mga nagbabasa at
nakikinig. Ito ay mahalaga lalo na sa
aspeto ng edukasyon at paggawa ng
pormal na kasulatan
PAGPILI NG BATIS O SOURCES NG
IMPORMASYON
• PRIMARYANG BATIS- naglalaman ng
impormasyon na galing mismo sa bagay o taong
pinag-uusapan sa kasaysayan
• SEKONDARYANG BATIS- batayang ang
impormasyon ay mula sa pangunahing batis ng
kasaysayan
• PASALITANG KASAYSAYAN- kasaysayan na
sinambit ng bibig Kasaysayan
• LOKAL- kasaysayan na nagmula sa ating lugar
• NATIONALIST PERSPECTIVE- pagtingin o
perspektiba na naaayon o mas pabor sa isang
bansa
• HISTORY FROM BELOW- naglalayong kumuwa
ng kaalaman batay sa mga ordinaryong tao.
Binibigyang-pansin nito ang kanilang mga
karanasan at pananaw, kaibhan sa estereotipikong
tradisyonal na pampulitikang kasaysayan at
tumutuon sa gawa at aksyon ng mga dakilang tao
• PANTAYONG PANANAW- isang metodo ng
pagkilala sa kasaysayan at kalinangang Pilipino na
nakabatay sa panloob na pagkakaugnay-ugnay at
pag-uugnay ng mga katangian, kaugalian, pag-
aasal at karanasan ng iisang kabuuang
pangkalinangan- kabuuang nababalot sa
ipinapahayag sa pamamagitan ng iisang wika
• PANGKAMING PANANAW- nagawa ng hanay ng
mga Propagandista tulad nina Rizal, Luna atbp.
bilang pamamaraan sa paglilinang ng kabihasnan
natin
• PANSILANG PANANAW- ito na na-
absorb o ipinagpatuloy ng kasalukuyang
mga antropologong Pilipino
PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG
IMPORMASYON

• PAGBASA- isa sa mga apat na


kasanayang pangwika. Ito ay
pagkilala at pagkuha ng mga ideya at
mas ibahagi ng may-akda sa babasa
ng kanyang sinulat.
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
• Nakakapagpalawak ng Pananaw
• Gamot sa Pagkabagot
• Nakakapagbigay-aliw
• Nakakarating sa iba't ibang lugar
• Gamot sa suliraning personal
IBA PANG KAHALAGAHAN NG PAGBASA
1. Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagbasa
sa paglinang ng talino at kaisipan.
2. Sa pagbasa, nagiging ganap ang pagkatao ng
isang nilalang.
3. Ito ang susi at “life blood” ng mga research,
imbensyon, lektyur at pag-aaral.
4. Nagsisilbing salamin upang makita at masuri ng
tao ang sarili batay sa mga buhay ng ibang taong
kanilang nabasa.
PROSESO NG PAGBASA
APAT NA PROSESO NG PAGBASA ni William Gary:
1. PERSEPSYON- pagbasa sa akda o pagkilala
2. KOMPREHENSYON- pag-unawa sa binasa
3. AIMILASYON- pagsasama-sama at pag-uugnay
ng mga kaalaman mula sa binasa at sa mga dating
karanasan
4. REAKSYON sa binasa
DALAWANG PARAAN NG PAGBASA
• TAHIMIK- isinasaalang-alang lamang
ang sarili at layuning maunawaang
mabuti ang binabasa
• MALAKAS- isinasaalang-alang ay
tagapakinig o owdisyens upang
marinig ang binabasang teksto
IBA'T IBANG PATERN O URI NG
PAGBASA
• ISKANING- uri ng pagbasa na kung saan ang
nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa
materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi
na salita o keyword, pamagat at subtitles.
Binibigyang-pansin ang ganitong pagbasa ang
mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o
tinitignan. Halimbawa nito ay pagtingin sa dyaryo
upang alamin kung nakapasa sa isang Board
Examination.
• ISKIMING- ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang
makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya'y
pagpili ng materyal na babasahin.
• PREVIEWING- ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat
o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at estilo at register
ng wika ng sumulat.
• RE-READING o MULING PAGBASA- paulit na binabasa
kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng
mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag.
• PAGTATALA- ito'y pagbasang may kasamang pagtatala
ng mahahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng
impormasyon.
MGA SAGABAL SA MABISANG PAGBASA
• Kalagayan ng Isip
• Pagbasa nang walang direksyon
• Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para
bang magkatulad ang kanilang pagkakasulat
• Kawalan ng wastong pamamaraan sa pagbasa
batay sa layunin
• Hindi paggamit ng mga pananda
• Kulang sa katatagan ng damdamin
PAGBUBUO, PAGBUBUOD AT PAG-
UUGNAY-UGNAY NG IMPORMASYON

• Ang pagbubuod ng impormasyon ay


ang pagsiksik at pinaikling bersyon ng
teksto ng isang impormasyon. Ito ay
ang diwa, sumaryo, o pinaka-ideya ng
buong teksto.
KATANGIAN NG PAGBUBUOD
• Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o
punto kaugnay sa paksa.
• Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda
at gumagamit tayo ng sarili nating mga
salita.
• Ito ay pinaikling teksto.
• Ang pag-uugnay ng impormasyon ay
gianagawa upang mas maintindihan ang
tekstong nais ipahayag. Dito maaari
tayong maglagay ng sarili nating opinyon.
Maaari tayong magsadula dito para mas
malawakang maintindihan ang
impormasyon na ikinakalap.
PANGANGALAP NG
MGA DATOS,
IMPORMASYON AT
SANGGUNIAN
Mga Hanguan ng Impormasyon o
Datos
• Hanguang Primarya (Primary Sources)
-ayon kay Mosura, et al.1999 ay
a. Mga indibidwal o awtoridad
b. Mga grupo o orginisasyon
Halimbawa:(pamilya,
praternity,union,samahan,simbahan,gobyerno)
c. Mga kinagawaing kaugalian
Halimbawa:(relihiyon,pag-aasawa,sistemang legal)
d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento
Halimbawa:( konstitusyon,batas-kautusan,kontrata at ang
lahat ng orihinal na tala)
• Hanguang Sekundarya (Secondary Sources)
- ito naman ay ang mga
a. Mga aklat tulad ng
diksyonaryo,ensayklopidya,taunang-ulat o
yearbook, almanac, atlas
b. Mga nalathalang artikulo o journal,
magasin, pahayagan, at newsletter
c. Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng
pisibiliti
d. Mga monograp, manwal,polyeto,manuskrito
at iba pa
• Hanguang Elektroniko
–Maituturing ang internet ngayon
bilang isa sa pinakamalawak at
pinakamabilis na hanguan ng mga
impormasyon o datos. Ang
teknolohiyang ito ay nunga ng
kumbinasyon ng serbisyong postal,
telepono, at silid-aklatan.
Gaano kahalga ang impormasyong manggagaling sa
Internet? Ano-ano ang mga sukatan ng kahalaghan
nito?
a. Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?
1. Ang mga web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa
.edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko
Halimbawa: www.gcic.edu.ph/
2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com
ay mula sa komersyo o bisnes.
Halimbawa: www.samahanngmgainiwan.org
www.omegle.com
3. Ang .gov naman ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng
pamahalaan.
Halimbawa: www.batangaspio.gov
b. sino ang may akda?
Mahalagang malaman kung sino ay may
akda ng isang impormasyon sa internet nang
sa gayo'y masuri kung ang impormasyong
iyong nabasa o nakalap ay wasto o kumpleto.
Kadalasan ay kalakip ng impormasyon isinulat
ng may-akda ang kanilang kredensyal at
kwalipikasyon.
c. Ano ang layunin?
– Alamin ang layunin ng may akda kung bakit
naglunsad o naglabas ng website. Nais bang
magnahagi ng impormasyon o magbenta
lamang ng produkto? Alalahaning
napakaluwag ng pagpasok ng mga
impormasyon sa internet. Samakatuwid,
maari rin itong magamit sa pagpapakalat ng
maling propaganda at mga pansariling
interes.
d. Paano inilahad ang impormasyon?
–Ang teksto ba ay pang-advertising o
opinyon lamang? Alamin din kung
may bias at prejudice ang teksto.
e. Makatotohanan ba ang teksto?
Alamin kung opisyal o dokumented
ang teksto. Pag-aralan kung ang
pagkakasulat ay maayos o kung
wasto ang baybay at gramatika.
Subukan ding kung ang website ay
maaaring ihalintulad o iugnay sa
ibang website.
f. Ang impormasyon ba ay
napapanahon?
Mainam kung ang impormasyon
ay napapanahon. Marapat na
nakalagay ang petsa ng
pinakahuling rebisyon ng akda
nang sa gayon ay malaman kung
ang akda ba ay bago o hindi.
Pangangalap ng Impormasyon o Datos

• Una, tukuyin kung anong uri


ng impormasyon o datos ang
kailangan gayundin ang
klasipikasyon kung saan
maaring matagpuaan ang mga
ito.
Yugto 1. Panimulang Paghahanap

Bigyang tuon ang mga sumusunod:


a.Paksa
b. Awtor
C. Pamagat
Yugto 2: Pagsusuri
• Suriian ang mga akdang nakita pamamagitan
ng browsing,skimming at scanning
• Gamitin ang mga sumusunod na mga tanong
bilang gabay sa pagsusuri ng mga nakalap na
sanggunian:
a. Ano ang kaugnayan nito sa paksa?
b. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at
tagapag- lathala?
c. Makatotohanan ba ito?
Yugto 3: Pagbabasa at Pagtatala
• Ang ikatlalong yugto ay ang
pagbabasa at pagtatala ng mga
impormasyon o datos mula sa mga
napiling sanggunian. Mahalaga dito
sa ikatlong yugto ang pagsasagawa
at paghahanda ng mga tala ng
impormasyon o datos.
ANO ANG BIBLIOGRAPI?
• makikita sa huling pahina ng sulatin
• nagbibigay impormasyon sa mambabasa para
malaman ang pinagkukunan ng ideya sa sulatin
• tinatawag ding talaaklatan o talasanggunian ay
listahan o talaan ng aklat, peryodikal, jornal,
magasin, pahayagan, di-limbag na batis tulad ng
pelikula, programa sa telebisyon, at radyo, tape,
cassete, CD o VCD, website sa internet, at iba
pang sangguniang ginagamit sa pananaliksik
American Psychological Association (APA
System)
• isang samahan ng mga sikolohista
• binuo noong 1892
• si Stanley Hall ang unang naihalal bilang
presidente ng APA noong July 1892
• unang binuo ng 31 miyembro
• pinakamalaking organisasyon ng mga
sikolohista sa buong mundo
Pagsulat ng Bibliograpi Format na APA
1. AKLAT
Format: Mga may-akda(taon ng pagkakalimbag).
Pamagat ng aklat: Subtitle ng libro. Lungsod ng
Palimbagan: Pangalan ng Palimbagan.
HALIMBAWA:
Allen, T. (1974). Vanishing wildlife of North
America. Washington, D.C.: National Geographic
Society.
• Plath, S. (2000).The unabridged
journals.K. V. Kukil (Ed.). New York, NY:
Anchor.
• Miller, J., & Smith, T. (Eds.). (1996). Cape
Cod stories: Tales from Cape Cod,
Nantucket, and Martha’s Vineyard. San
Francisco, CA: Chronicle Books.
• Laplace, P. S. (1951).A philosophical
essay on probabilities. (F. W. Truscott &
F. L. Emory, Trans.). New York, NY: Dover.
(Original work published 1814)
• Drum, D., & Zierenberg, T. (2006). The
type 2 diabetes sourcebook (3rd ed.).
http://dx.doi.org/10.1036/0071462317

• Prairie oysters. (2002). In Rawson’s


dictionary of euphemisms and
otherdoubletalk. Retrieved from
http://crownpublishing.com
SANGGUNIAN
• https://prezi.com/mmfyqjrqnsao/pagbuo-ng-
bibliografiapa-
format/?fbclid=IwAR1HCz1QwVqn-
byFX6j_nXz30gZdKG9Ac28Jw5iwRMfDhB0Kjy4
gUvd0HpE
• https://apaformat.org/apa-book-citation/
• https://prezi.com/p/2_vifnd-3c83/fildis-
report/?fbclid=IwAR3w1C0Ou3YGKO-
tMxQZdXWXeagzZHr_AFx4FjdLA7cyPFZjSSNt8
znPobc
• https://brainly.ph/question/1869800?fbclid=IwA
R2nNVt-
kuntqjvtl9HYmgvOo3wMKDmB4CGK7ZEFW4cf
vGNgJoeGWgpYvIE
• https://www.slideshare.net/MaricelAlano/pagba
sa-komunikasyon-sa-akademikong-
filipino?fbclid=IwAR0r5b1CSJEcZ9bFCb4Nuso
RnpWplALZIqUajZM6HilqDY7aBBuolLRZeKE
• https://brainly.ph/question/1791736?fbclid=IwA
R1BiyA3YdoctZAd0vOKTwHSB3CpDAZCLN7A
GLzBoMGKZGJnT4kNZPIgVXc
• ANTONIO, JANINE CHARMIE M.
• BALITUSTOS, JOHN DARYL
PetE- 2103

You might also like