You are on page 1of 62

Ang Pagpili ng Batis sa mga Impormasyon

Matapos ang araling ito inaasahang:

1. Malaman ang depenisyon at kahalagahan ng batis ng impormasyon


2. Matukoy ang mga uri ng sanggunian ayon sa tipo ng batis ng impormasyon
3. Malaman ang taglay na katangian ng iskorlarling batis
4. Malaman ang mga halimbawa ng iskorlarling batis

Ang batis ay pinagkukunan ng impormasyong binabahagi sa anumang binubuong produktong sulatin.


Sa operasyonal nitong depenisyon, ito ay pinagmulan ng anumang impormasyong umiiral na sa iba pang
pamayanan ng karunungan. Dapat pumili ng wasto, naaayon at balidong batis sapagkat ito ay batayan
sa kalidad at kredibilidad ng pag-aaral. Nararapat ng matalinong pagsasala ng impormasyong maaring
mailangkap sa sulatin.

Batis Batay sa Iskolarsyip nito:

- Iskolarling Batis – ang pagkakaiskolar ng isang batis ay ayon sa pagtitiyak na anumang


dokumentong nakabatay sa mga mananaliksik at pag-aaral ng mga iskolar, guro, at iba pang
dalubhasa at espesyalista sa isang tiyak na larang.

Pinagtitibay ito ng kahulugan ng University of Illinois Library (2018), na ang iskolarling batis o kilala
rin bilang sangguniang akademik, peer-reviewed, o refereed ay isinulat ng mga eksperto sa isang
particular na larang at naglilingkod upang gawing bago at dinamiko ang mga impormasyong
nababasa ng sinumang interesado sa larang tulong ng mga napapanahong saliksik, natuklasan at
akademikong dyornal.

Ang batis na ito ang makapagbibigay ng matibay na impormasyon para sa mga sulatin.

Taglay ng iskolarling batis ang mga ss. na katangin:

1. Inaasahang ang mga iskolarling artikulo ay nagtataglay ng mahigpit na pagsunod sa mga


tuntuning panggramatika;
2. Inaasahan din ang wastong pangungusap samakatuwid tinitimbang din dito ang ekonomiya ng
mga salita at katumpakan sa pagbabantas;
3. Ang wikang gagamitin ay maaring kompleks o akademik na maaring kakitaan ng mga disiplinari
at teyoretikal na wika at jargon;
4. Nilalagay rin dito ang mga oangalan ng mga iskolar/eksperting nagsasagawa ng peer-review o
tinatawag bilang mga referee;
5. Ang mga awtor ay iskolar o mananaliksik na kilala sa kanilang larangan.
6. Idinaragdag din sa dulong bahagi ng anumang iskolarling artikulo ang tala ng repensiya,
talababa, bibliyograpiya, at limbagan ng mga unibersidad. Hal UP at Ateneo Press at iskolarling
asosasyon hal Philippine Journal of Linguistics ng Linguistic Society of the Philippines

Halimbawa ng iskolarling batis ay mga:

1. Papel/saliksik na nagmula sa mga akademikong kumperensiya


2. Mga nalimbag na saliksik na nagdaan sa pagsusuri/peer-review
3. Mga dyornal na nilimbag sa publikasyon ng mga iskolarling asosasyon
4. Mga artikulong nagdaan sa pagsusuri/ peer-review;
5. Mga rebuy ng mga iskolarli at akademikong aklat at mga rebuy nito;
6. At iba pang sangguniang nagdaan sa proseso ng pagrerebyu ng iskolar

Kadalasan naming ginagamit ang mga ganitong uri ng batis sa mga ss.

1. Akademikong pananaliksik
2. Pamanahong papel
3. Pangkursong papel/pananaliksik
4. At iba pang uri ng pananaliksik gaya ng report sa mga organisasyon, tanggapan ng pamahalaan
at asosasyon

Di – iskolarling Batis

Nagbibigay impormasyon at nagbibigay aliw sa publiko (Central queensland University Library, 2018)

Kinakatha ng mga mamamahayag at nagtataglay ng mga advertisement

Naglalayag na kumite

Ang impormasyon sa ilalim ng batis na ito ay sumasaklaw sa mga balita at napapanahong pangyayari sa
isang larang, mga magasin, mga balita sa pangkalahatang interes, mga profile ng mga kilalang tao at mga
sulating nagtataglay ng political na opinion. Pinahihintulutan sa mga praktisyuner na magbahagi ng
industriya, praktika at produksyon ng impormasyon.

Professional or trade services o mga sangguniang sinulat ng at para sa mga propesyonal at praktisyoner
sa isang particular na larang o disiplina subalit wala naming ugnayang pampananaliksik.

Nagtataglay ang mga ito ng advertisement bagaman karamihan ay nakatuon sa tiyak na propesyon o
kalakalan (profession or trade specific).

Taglay nito ang mga biswal na para lamang sa estetika ng teksto.

Mga material bilang uri ng Di iskolarling Batis

University of Southern California (2017)

1. Balita, pahayagan at mga material na time-based


2. Mga babasahing sinulat para sa pangmaramihang pagbasa o general readership
3. Mga sangguniang nakabatay sa adbokasya o opinion
4. Mga artikulong di nagtataglay ng sapat na reperensiya mula sa iba pang batis
5. Publikasyon at kompilyasyon ng mga datos at estatistika
6. Primarying batis (orihinal na katha)
7. Sangguninag pangkalakalan at pangpropesyonal
8. Rebyu ng mga di akademikong aklat, pelikula, dula, obra at iba pang pagtatanghal na hindi
nagtataglay ng sapat nah aba at walang bibliyograpiyang konteksto.
Bakit hindi hinaharap ng akademya ang pagsasalin dahil kawalan ito ng halaga at kalidad bilang gawaing
akademiko, hindi ito nakikitang kapantayan ng orihinal na pamamaraan na saliksik o pagsusulat,
binabalewala ng ating akademiko ang katotohanan ng higit kumulang kalahating intelektwal ng
pagsulong sa daigdig ng mambabasa sa ingles ay nangyari lamang sa isang sistematikong proseso ng
pagsasaling sa wikang ingles ng mga banyagang akda. Nalilimutan nila na hindi sa ingles orihinal na
sinulat ang marami sa mga aklat na pinag aaralan at tinuturo nila.

Layunin ng imitasyon at reproducksyon ay higit na tumutupad sa inakalang interes o pangangalaiangan


ng lipunan at panahon ng taga pagsalin. Nagbibigay ito ng Kalayaan at fleksibilidad sa proseso ng
pagsasalin
Halimbawa; orig – I am the apple of her eyes

Salita sa salita – ako ay mansanas ng mga kanyang mata

Diwa sa diwa – ako ang kanyang paborito


Kadalasang salitang banyaga nan aka italic
ang pagsasalin o pagsasaling wika ay gawaing pagpapaunawa ng mga kahulugan ng panitik o teksto at
kinalabasang likha ng katumbas ng teksto na tinawatawag na saling wika
unesco – united nation educational scientific and cultural organization – ay ang ahensya ng mga
nagkakaisang bansa na nangangalaga sa edukasyon, kalinangan at agham

nsdb – national science development board – na napangunguna nina dr. Rogelio relova at engr. Gonzalo
del rosario, tinangka ng lupon na bumuo ng mga katawagan o terminolohiyang pang agham sa filipino na
may internal consistency o pagiging maugnayin. Lansakan ang paglikha ng lupon ng mga
terminolohiyang pang agham – isang paraang matuturing na salungat sa normal na pagpapaunlad ng
wika.

Ang maugnaying prinsipyo ay pagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na


salita o terminolohiya sa magkakaugnay na morpolohiya. Hal. Mga salitang heat, hot temperature at
enthalpy. Ang mga ito ay may malapit na pagkakaugnay na kaisipan subalit ang mga salita ay hindi
magkakaugnay kaya mahirap maunawaan ng mga batang galling sa bansang hindi ingles. Sa maugnayin
ang mga kaisipan nito ay ipinahahayag sa mga salitang magkakaugnay sa morpolohiya tulad ng init,
mainit, kainitan at saktong init.

Ayon kay del rosario 1980 ang pagkakaroon ng salitang ugat ng init sa lahat ng terminong nababanggit sa
pagunawa sa kaisipan

Pag – agapay na gamit ng mga magkakahawig na salita sa ibat ibang wika sa pilipinas upang magkatulong
sa pagkakaisa sa halip na magkawatk watak
Ang mga salitang hihiramin ay baybayin ayon sa palabigkasan ata palatitikang pilipino
Sa bawat pagsasalin ating isasagawa ay dapat isa alang alang ang ating gusto ng ating mambabasa o ang
ating salin ay aangkop ba para sa kanila at pangalawa kung ang ating salin ba ay may benepisyong hatid
para sa kanila, dapat na maisalin natin nang tama ang ating isasalin at hindi magdudulot ng pagkalito
Upang maging isang epektibong manunulat, unang una na tayo ay dapat may sapat na kaalaman at
kasanayan sa pagsulat pangalawa ay dapat may sapat na kasanayan tungkol sa paksang isusulat o
isasalin, dapat may kasnaayan sa pagsasalik, maghing isang epektibong guro sa pagsasalin

Pagsasaling pampanitikan – isang uri ng pagsasaling naiiba sa pangkaraniwan at pangkalahatang


konseptop ng pagsalin. Saklaw ang mga elementong pragmatik, lingwistik at kulturta ng isasalin.
Sinasalamin nito ang imahinasyon, matayog na kaisipan at intuitibong panulat ng isang may – akda

Exposure o kaalamang cross cultural at pilolohikal o kaalamang linggwistika

Sa katunayan natutukoy kung ano ang isang akdang pampanitikan dahil sa taglay nitong estetika
Halimbawa ng salin “a street car named desire” tenesee William na isinalin ni Efren abueg na pamagat
na huling byahe – malayo ang bersyon sa original, nabago ang pangalan ng karakter at may mga hindi na
Nakita.
Sa paraphrasing maaaring magkaiba ang estrakture o pagkasulat ng pangungusap sa tektong
naparaprasis ng tekstong naparaprasis s abatis ngunit napapanatili rin nito ang orihinal na diwa ng
teksto

Sa pagpaparapharing muli nating isinusulat ang ating nabasang teksto gamit ang ating sariling
pananalita. Ito ay habang pinanatili nating ang kahulugan ang sentral na kahulugan na teksto

Nakaktulong sa pagbiibgay liwanag ang mga salitang mahirap unawain, nakaktulogn rin sap ag iwas sa
plagirarism, pinapakita nito ang kakayahan ng isang indibidwal sa larangan ng pagsulat nang hindi
kailangan kopyahin ang orihinal na akda.

Mapahyag sa simpleng at direktang pamamaran ang teksto, ginagamitan ng naiintindihanng ng mga


mababasa

You might also like