You are on page 1of 2

Pagbubuod at Pag-uugnay ng Impormasyon - May iba’t ibang paraan ng pabubuod upang mapag-

ugnay ang mga impormasyon, datos at ideya, ito ay:

1. BUOD - sa pagbubuod dapat tinutukoy agad ang pangunahing detalyeng may kaugnayan sa
paksa, hindi tuwirang sinusulat ang sinabi ng may-akda bagkus ay isusulat ito sa sariling
pananalita at panghuli gawing maikli at komprehensibo ang pagsulat.

Mga Hakbang sa Pagbubuod:

• Basahin ang teksto, pakinggan o panoorin ang balita

• Tukuyin ang paksa, magtala ng mga mahahalagang impormasyon

• Pag-ugnay-ugnayin ang mga impormasyong nakalap upang makabuo ng pinakapunto o


paksa

• Isulat ang buod. Siguraduhing nasa lohikal o kronolohikal na ayos

• Huwag maglagay ng sariling impormasyon.

2. PRESI/PRECIS - ayon kay Castillo 2012 ang presi ay eksaktong replika ng orihinal na akda sa
pinaikling bersyon na naipahahayag nang kumpleto ang argumento. Kinakailangang
maintindihan ang kabuuan bago makasulat ng isang presi.

3. LAGOM O SINOPSIS - pinaikli ang pangunahing punto ng isang babasahin, karaniwan itong
ginagamit bilang pabalat sa mga nobela.

Hakbang sa pagsulat ng lagom o sinopsis

• Basahin mabuti ang bawat kabanat ng nobela

• Gumawa ng balangkas ng bawat kabanata isulat ang mahahalagang detalye patungkol


sa mga tauhan at pangyayari

• Gumawa ng buod o storyline

4. HAWIG - tinatawag na “paraphrase” sa ingles. Inilalahad sa sariling pangungusap ang mga datos
na nakalap. Mas detalyado ito kaysa sa buod sapagkat isinasama dito kung saan nanggaling ang
pahayag (ayon kay, sang-ayon ka, sinabi ni, nasusulat sa)

5. SINTESIS - pinagsama-sama ang mga impormasyong nakalap mula sa mga tao o manunulat
upang makabuo ng malinaw na pagbubuod mahalaga ang organisasyon ng mga datos.

6. ABSTRAK - Buod ng isang artikulo, ulat o pag-aaral na inilalagay bago ang introduksyon.
• Dalawang uri ng abstrak:

Deskriptibong abstrak mababasa rito ang kaligiran, layunin at tuon ng papel.


Inilalarawan ang angunahing ideya ng artikulo, ulat o pag-aaral.

Impormatibong abstrak ipinapahayag ang mga mahahalagang ideya


karaniwang maikli binubuo ito ng mga kaligiran,
layunin, metodolohiya, resulta at rekomendasyon ng mga mananaliksik.

Mga hakbang sa pagsulat ng abstrak

• Basahin ang papel o pag-aaral

• Isulat ang draf o burador

• Magsagawa ng pagrerebisa

• Muling basahin

URI NG PAGSULAT AYON SA ANYO

• PORMAL NA PAGSULAT -sumusunod sa pamantayan ng pagsulat

• DI PORMAL NA PAGSULAT - hindi ito sumusunod sa pamantayan ng pagsulat at hindi


nangangailangan ng pananaliksik sapagkat batay lamang sa karanasan at opinyon.

URI NG PAGSULAT AYON SA LAYON

• Pang-akademikong Sulatin - sumusukat sa kaalaman ng mag-aaral

• Malikhaing Pagsulat - may malawak na imahinasyon

• Sulating Journalistik o pampahayagan - tinaguriang responsableng pagsulat

• Sulating Pampropesyonal - gumagamit ng “jargon”

• Sulating Panteknikal - gumagamit ng mga teknikal na salita

Hakbang sa Pagsulat ayon kay Carpio 2012

• Pagpili ng paksa

• Pangangalap ng Impormasyon

• Pagsusuri ng mga nakalap na impormasyon

• Pagsulat

• Pag-eedit at pagrerebisa

You might also like