You are on page 1of 1

MB5 AB3 Roundtable at Small Group Discussion

ROUNDTABLE AT SMALL GROUP DISCUSSION

1. Uri ng talakayan kung saan ang mga kalahok ay nag-uusap tungkol sa partikular na
paksa.

2. Ang mga kalahok ay binibigyang pagkakataon upang talakayin ang kani-kanilang


opinyon o saloobin tungkol sa paksa o usapin.

3. Karaniwang ginagawa ang parehong uri ng talakayan sa akademya o kaya naman sa


pananaliksik na nangangailangan ng partisipasyon ng mga pangkat na kasama sa
sinusuri.

Kaibahan ng RoundTable at Small Group Discussion

ROUNDTABLE - maliit na talakayan ng grupo na kung saan merong pantay-pantay na


karapatan ang lahat na makikilahok bilang isang pamamaraan para sa komunidad at
pampublikong pakikipag-ugnayan at maaari ring gamitin ng mga organisasyon at mga
negosyo.

SMALL GROUP DISCUSSION - presentasyon ng mga napapanahong topiko, isyu, o


problemang may maihihinuhang mapakikinabangang diyalogo o debate at ito ay isang
ideyal na lugar para sa pagbabahagi ng mga ideya, stratehiya at opinyon.

Uri ng Small Group Discussion


1. Brainstorming - Proseso ng talakayan kung saan ang pinuno ay nagtatanghal ng
isang paksa o problema at hinihikayat ang LAHAT ng miyembrong magbahagi ng ideya.

2. Tutorial - Grupo ng dalawa hanggang apat na estudyante. Ang itinuturong mga


kasanayan ay ang hindi pinagkadalubhasaan sa pagtuturo ng klase ng malaking grupo.

3. Task Group - Maliit na grupo ng mga mag-aaral na nagtutulungan upang makumpleto


ang isang partikular na tungkulin o trabaho.

4. Role Playing - Proseso sa pag-aaral kung saan ang mga mag-aaral ay kumilos o
mangagaya ng sitwasyon sa totoong buhay.

5. Group Question - Ang mga estudyante ay bumuo ng mga katanungan at mga kasanayan
sa paglutas ng problema sa pamamagitan ng isang proseso ng pagtuklas.

Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay nag-uusap-usap at nagpapalitan ng mga ideya


patungkol sa kung ano ang gagawin nilang performans sa asignaturang filipino.

Ang mga magulang ay nag-uusap-usap kung anong akmang aktibiti para makalikom ng
fund para sa panukalang proyekto sa paaralan.

Kahalagahan:
1. Naririnig ang panig ng bawat kalahok.

2. Nagkakaroon ng malawak at bukas na pag-iisip ang bawat panig.

3. Naibabahagi ang mga opinyon at saloobin tungkol sa paksa o usapin.

Sanggunian: https://www.coursehero.com/u/file/73844807/MGA-TIYAK-NA-SITWASYONG-
PANGKOMUNIKASYONpptx/?justUnlocked=1#question

You might also like