You are on page 1of 52

KKF 000:KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO A A A

MAGANDANG ARAW KLASE!

Forum, Lektyur, Seminar,


ARALIN 6:
Worksyap, , Kumperensiya, Mga Tiyak na
Roundtable at Small Group
Discussion, Pulong/Miting, Sitwasyong
Programa sa Radyo
Telebisyon at Social Media Pangkomunikasyon Simula
PUT YOUR FINGER
DOWN CHALLENGE!
PUT YOUR FINGER
DOWN CHALLENGE!

1. Minsan na akong nakadalo


ng isang seminar ukol sa wika.
PUT YOUR FINGER
DOWN CHALLENGE!

2. Minsan na akong nakadalo


ng isang worksyap sa
pagsayaw o pag-awit.
PUT YOUR FINGER
DOWN CHALLENGE!

3.Kung naniniwala kang dapat


isaalang-alang ang lugar at
oras sa pagpupulong.
PUT YOUR FINGER
DOWN CHALLENGE!

4. Napapadalas ang pagpo-


post at pagse-share ko sa
social media.
PUT YOUR FINGER
DOWN CHALLENGE!

5. Hilig ko ang panonood ng


telebisyon.
PUT YOUR FINGER
DOWN CHALLENGE!

6.Nakikinig ako ng mga


anomang programa sa radyo.
PUT YOUR FINGER
DOWN CHALLENGE!

7.Nakapagbahagi na ako sa
isang kumperensiya.
PUT YOUR FINGER
DOWN CHALLENGE!

8.Minsan na akong pinagawa


ng katitikan sa isang
pagpupulong.
PUT YOUR FINGER
DOWN CHALLENGE!

9. Madalas akong mag-post ng


aking mga nararamdaman sa
social media.
PUT YOUR FINGER
DOWN CHALLENGE!

10. Nagkokomento ako sa mga


forum sa social media.
ARALIN 6:
Mga Tiyak na Sitwasyong
Pangkomunikasyon
(Forum, Lektyur, Seminar,
Worksyap, Kumperensiya, Forum
Roundtable at Small Group
Discussion, Pulong/Miting,
Programa sa Radyo at Telebisyon,
Social Media)
Tara na!
Ang bawat pagpupulong ng forum ay
nilikha bilang tugon sa mga
partikular na prayoridad, paksa,at
interes ng mga kalahok. Kung saan
maaari kang umalis at asahan na
makakit ng mga tugon sa mga mensahe
na iyong naiwan.

Ito ay isang malaking pagtitipon


sa ilalim ng mga pinunong
maglalahad ng mahalagang suliranin.
Maaaring maglahad at magtalakay ng
maraming paksa at pagkatapos ay
malayang pagtatanong upang linawin
ang paksang tinalakay.
Ano ang layunin
sa pagsasagawa
ng isang Lektyur
Lektyur?
Tara na!
Layunin: Ito ay naglalayon na
makapagturo o makapagtanghal at
makapagbatid ng isang ideya sa
tao.

Ginagamit ang lektyur upang:


-Makapagpakilala ng bagong asignatura
-Makapagbuod ng isang tinalakay na
usapin
-Maiugnay ang mga teorya sa aktwal
na gawain
Susunod
Ano-ano nga ba
ang kabutihang
dulot ng Lektyur
Lektyur?
Ating sagutin!
•Ang lektyur ay nagbibigay ng orihinal
na ideya at mga pagtuturo na nagmula
sa materyal na nakikita sa libro.
•Mas kontrolado ng instruktor ang
pagdaloy ng pagtuturo at mas
nabibigyang kahalagahan niya ang
objektib, layon at daloy ng
presentasyon. Mas nabibigyang- pansin
din nila ang mga estudyante at mas
mabilis natutugunan and mga tanong ng
mga estudyante.

KABUTIHANG DULOT NG LEKTYUR


Ano-ano
naman ang uri Lektyur
ng Lektyur?

Ating sagutin!
Impormal na Talakayan
Malayang pagpapalitan ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at
walang pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng
lima hanggang sampung tao.

Pormal na Talakayan
Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong
mamamahala at mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga sa
kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng kuro-kuro.

Mga Uri ng lektyur


Ano-ano
ang mga
disadbentahe ng Lektyur
Lektyur?
Ating sagutin!
• Mas pasibo ang ganitong paraan, hindi ito
katulad ng pag-eeksperimento na matututo ang
lahat ng indibidwal.
• Dapat magaling ang lektyurer at dapat makuha
niya ang loob, isip at atensyon ng kanyang
klase. Kailangan niyang maintindihan ang
kanyang mga estudyante upang sila ay
makinig.
• Kailangan mataas ang pinag-aralan at alam ng lektyurer ang
kanyang mga sinasabi.

Mga Disadbentahe ng lektyur


Ano-ano
ang mga
katangiang dapat
taglayin ng isang
Lektyur
lektyurer?
Ating sagutin!
1.May interes sa kapaligiran – Natural na niyang kinalulugdan
ang lahat sa kanyang kapaligiran. Ito ang nagbibigay sa
kanya ng likas na sigla sa anomang paksang tatalakayin
niya.
2.May angking kasanayan- Nakukuha ito sa pagbabasa at
pakikinig ng iba't ibang talumpati.
3.May pulso sa publiko- Naangkin ito sa pagkakaroon ng
karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla, sa gayon,
mapipigil na ang nerbiyos o takot sa entablado.

KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG LEKTYURER


4.May ganap na kaalaman sa paksa- Palabasa,
palakausap, mapagmasid, palaranas, sa
maikling salita, mapanaliksik dapat at bihasa
siya sa kanyang mga sasabihin.
5.Mapakiramdam at may pandamang palapatawa-
Mapagmasid dapat siya sa reaksyon ng madla
sa kanyang mga sinasabi, sa gayon, alam niya
ang pagkakataong kailangan niyang maging
mapamaraan sa pagsasalita.

KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG LEKTYURER


Ano-ano
seminar? Seminar

Ating sagutin!
SEMINAR
• Ang mga seminar ay isang interactive na paraan
ng pagtuturo ng pangkat, na karaniwang
nagbibigay-daan sa isang madla upang makakuha
ng pinakamataas na kaalaman.
• Ang pakikipag-ugnayan ng madla sa tagapagturo
ng seminar ay nagbibigay-daan para sa debate at
diskusyon batay sa mga bagong ideya na nabuo
mula sa mga tagapakinig.
• Ang mga seminar ay maaaring may dalawang uri -
binayaran o libre - at ang layunin ay maaaring
mag-promote ng isang tatak o pag-usapan lamang
ang isang paksa.

KAHULUGAN NG SEMINAR
1. Mini-Seminar
Karaniwan ay kakaunti ang bilang ng mga
dumadalo at simple lamang ang paksang tatalakayin
2. Medyor Seminar
Isinasagawa ito ng mga institusyon o mga
kagawaran tungkol sa isang partikular na paksa
3. Nasyonal Seminar
Isinasagawa ito sa antas na pambansa. Isang
dalubhasa ang karaniwang inaanyayahan na
magbahagi ng kanyang kaalamansa seminar na ito.
4. Internasyonal Seminar
Mga internasyonal na ahensya o organisasyon ang
nagsasagawa ng seminar na ito

MGA URI NG SEMINAR


Ano naman ang
worksyap? worksyap

Ating sagutin!
WORKSYAP
Ang mga worksyap ay mga maikling programa sa edukasyon (sa pagitan
ng 45 minuto hanggang 2 araw) na nagsasangkot sa mga kalahok, na
lumilikha ng pakikipag-ugnayan sa pagitan nila, para sa pagkuha ng ilang
mga teknikal o praktikal na kasanayan, o ang pag-aaral ng ilang konsepto
na bukas sa anumang saklaw.
Ang ilan sa mga katangian ng mga worksyap ay:
• Ang mga ito ay binubuo ng mga maliliit na pangkat ng
mga kalahok ng 6 hanggang 15. Ang mga ito ay
dinisenyo para sa mga tao na makihalubilo at
magtulungan. Pinamumunuan sila ng isa o higit pang
mga tao na may praktikal na karanasan sa paksa. May
impormasyong ito.

WORSYAP
Ano-ano Kumpere-
kumperen- siya
siya?
Ating sagutin!
KUMPERENSIYA
• Pagpupulong upang talakayin ang isang paksa

• Regular na pagpupulong para sa isang talakayan,


karaniwang isinasagawâ ng mga asosasyon o
organisasyon

• Ugnayan ng higit sa dalawang telepono, computer terminal,


at iba pa para sabay ang pag-uusap ng mga gumagamit.

KUMPERENSIYA
• Tumutukoy sa isang pormal na pulong kung saan ang mga kalahok ay
nagbago ng kanilang mga pananaw sa iba't ibang mga paksa. Maaaring
maganap ang kumperensya sa iba't ibang larangan, at hindi na
kailangang maging akademiko sa lahat ng oras. Kung gayon, mayroong
kumperensya ng guro ng magulang, kumperensya sa isport, isang
kumperensya sa kalakalan, isang pagpupulong ng mga mamamahayag,
kumperensya ng mga doktor, isang kumperensya ng mga iskolar sa
pananaliksik, at iba pa.
• Ang isang pagpupulong ay isang pulong na prearranged at
nagsasangkot ng konsultasyon at talakayan sa isang bilang ng mga
paksa ng mga delegado. Ang konklusyon at simposyum ay katulad na mga pangyayari kung
saan ang mga nagsasalita ay magkakasama at nagbibigay ng kanilang mga opinyon sa
isang piling paksa. Ang simposyum ay maaaring inilarawan bilang isang mas maliit na
kumperensya na nakukuha sa isang araw na may mas mababang bilang ng mga delegado.

KUMPERENSIYA
Roundtable at
Small Group
Discussion
Mainam na balangkas ang roundtable at small
group discussion, na kalimitang
kinasasangkutan ng tatlo hanggang 12 kalahok, upang
makapagbahagi ng kaalaman tungo sa paglutas ng isang isyu
o suliranin.

Roundtable at Small Group Discussion


Pulong/
Miting
• Mahalaga sa kahit anong organisasyon
o samahan ang pagsasagawa ng pulong
upang talakayin ang mahahalagang agenda
nito.
• Tumatawag ng pagpupulong kung
kailangang kumalap ng impormasyon,
ideya, magbigay ng impormasyon o
hingin ng payo ng nakararami para sa
isang desisyon.

Pulong/Miting
Ayon sa University of California San
Diego Sixth College, may dalawang uri ng
pulong:
1. Executive or Committee meeting na
kung saan ang mga kalahok ay ang mga
namumuno at namamahala.
2. General body meeting na kung saan ang
lahat ng miyembro ng samahan ay
kasama sa pulong.

Pulong/Miting
1. Agenda – ito ang nagsisilbing gabay at balangkas ng
pulong. Upang maging maayos ang daloy ng talakayan
ay mainam na may ideya ang bawat kalahok tungkol sa
agenda.
2. Oras at lugar – dapat isaalang-alang ang oras ng
mga kalahok sa pagtatakda ng oras ng pulong.
Mahalaga ito upang matiyak na makadadalo sa oras na
itinalaga at makararating sa lugar na pagdarausan
ng pulong ang lahat ng kalahok.
3. Tagapangulo – kailangan ang nagpaplano ng pulong at
paghahanda ng agenda. Siya ang nagsisilbing
tagapamagitan at tagapagtaguyod ng ideya

Mga Elementong Dapat Isaalang-alang sa Paghahanda ng Pulong


4. Kalihim – katuwang siya ng tagapangulo sa
paghahanda ng agenda at sa pamamahagi ng mga
liham imbitasyon sa mga kalahok at tagapag-ulat.
5. Tagapag-ulat – maghahatid siya ng mga
kinakailangang datos na tatalakayin sa pulong
6. Kalahok – mahalaga ang pakikibahagi ng bawat
kalahok sa pulong na isasagawa.
7.Kagamitan – mahalagang nakahanda ang lahat ng
gagamitin sa pulong tulad ng visual aids,
projector, laptop at iba pa, sapagkat ang
kakulangan sa paghahanda ng mga kagamitan ay
maaring magdulot ng pagkaantala.

Mga Elementong Dapat Isaalang-alang sa Paghahanda ng Pulong


Programa sa
Radyo at
Telebisyon
• Itinuturing pa ring mapagkakatiwalaang batis
ng impormasyon
• Nakapag-ambag sa kultura sa pamamagitan
ng musika at pagpapalitan ng kuro-kuro
sa pagitan ng tagapanayam at eksperto
na inimbitahan sa palatuntunan
• may pinakamalaking ambag o hamon sa
pagpapalaganap at pag-unlad ng wikang
Filipino

Programa sa Radyo at Telebisyon


• Pagiging one-sided o hindi
demokratisado
• Pagiging corporate-driven - may
pinangangalagaang interes ang mga
istasyon

Mga Kahinaan ng Radyo at Telebisyon


Social Media
• 2015- 47 milyong Pilipino ang
active sa Facebook
• Pagiging online- itinuturing na
pundamental na pangangailangan ng
mga Pilipino
• Paggamit sa Facebook

Social Media
1.Propaganda o pagpapalaganap ng Kaisipan
tungkol sa isang paksa tulad ng pagpa-
pabango sa ngalan ng isang kandidato
2.Pagsusulong ng interes ng nakararami sa
pamamagitan ng adbokasiya
3.Pakikipagkaibigan
4.Pagbuo ng grupo upang mapabilis ang
pagpapalitan ng impormasyon

Dahilan sa Paggamit ng Facebook


5.Panliligaw
6.Pagbebenta ng produkto Pandaraya sa
pagbebenta ng mga gamit sa social media
7.Oversharing- ginagawa upang
kumalap ng simpatya sa iba imbes na
iresolba nag problema sa pribadong
pamamaraan
8. Madali at talamak ang fake news o
misimpormasyon

Dahilan sa Paggamit ng Facebook


Panuto:
Sagutin ang Pangkatang
Gawain sa VLE. Matatagpuan
sa Aralin 6.

Pangkatang Gawain
MARAMING SALAMAT!
KITAKITS SA SUSUNOD
NA PAGKIKITA!

You might also like