You are on page 1of 1

Salamyaan ng Marikina

Ang Salamyaan ng Marikina ay “ isang silungan kung saan ang mga Marikenyo
partikular ang mga matatanda, ay nagsasama-sama upang magpahinga, magkuwentuhan,
magkainan at maglibang” (Florendo-Imao, 2002). May mahahabang mesa na gawa sa kawayan
at makikitid na upuan ngunit walang dingding, dito nagaganap ang kanilang umpukan at
kwentuhan, kung saan nagkakaroon sila ng komportableng pagkilos at pakiramdaman na
kabilang sila sa silungan. Namamayani ang pagkakapantay-pantay ng mga kalahok at pantay din
ang daloy ng usapan sa salamyaan. Malaya silang nakakapagbahagi ng kanilang nais sabihin
kaya napapasarap at napapahaba ang kanilang kwentuhan lalo na kung ang pinag-uusapan ay
patungkol sa politika.

Ito ay simbolong nagpapakilala sa Marikina na nagpapakita ng kanilang malalim na


kamalayan at kalinangan sa kanilang bayan, gayundin ipinapakita nito ang kanilang pagbibigay
halaga sa kanilang kapaligiran at kapwa. Dahil rin dito nabubuksan ang kaisipan ng mga
mamamayan patungkol sa lugar ng Marikina, kung paano sila makipag-kapwa at kung gaano
kasaya sa kanilang lugar.

Ub-ufon ng Barlig

Ang Ub-ufon ng Barlig ay isang kagawiang pangkomunikasyon ng Bontoc, Mt. Province


kung saan tampok ang umpukan. Sila ay may nakalaang takdang panahon kung saan magsasama-
sama ang mga magkabahayan, ngunit maaari rin itong maganap kahit na anong oras o kahit
saang lugar basta’t sila ay nagkakaroon ng pagkakatong magkita-kita at magsama-sama. Ma

dalas nila itong ginagawa upang magpakilala, mag-usap patungkol sa iba’t-ibang isyu,
magbigay ng mga payo at maresolba ang mga alitan. Kabilang din dito ang pagtuturo sa mga
bata ng kanilang tradisyon at kaugalian a. Napag-uusapan nila nag kanilang problema at sila ay
nagkaaroon ng pagtutulungan sa kanilang pangangailangan.Sa tulong nito, patuloy silang
napapanatili ang kanilang koneksyon sa pamayanan, maging ang diwa ng kanilang pagkakaisa at
pagtutulungan.

You might also like