You are on page 1of 17

SCRABBLE WORDS :

1. WAKI
2. PIONLIFI
3. SANLIFIPI
4. ERTHMO NGUETO
5. GUMALULTILIN
6. GLORIIVI ARMILOA
ARALIN 4

FILIPINO SA KONTEKSTONG LOKAL


AT NASYONAL
PAGPAPALAKAS SA FILIPINO SA KONTEKSTONG
LOKAL AT NASYONAL
- Pinapalakas paang wikang Filipino sa iba pang larang sa
kasalukuyang konteksto ng panahon at pamamahala sa pamamagitan ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na nasa ilalim ng tanggapan ng pangulo.

- Nauna nang hakbang sa sektor ng Batayang Edukasyon sa


pagsasakatuparan ng Multilinggwal na layon ng pagtuturo at pagkatuto.
Magkakatulong ang mga publiko at pribadong Institusyon upang maipatupad
ito.
MOTHER TOUNGE-BASED MULTILINGUAL EDUCATION
(MTBMLE)
- Ay bunga ng proyektong kalinga Mother Tounge/ First Language
Education Experiment.
- Gagamitin na unang wika bilang medyum mula pre-school hanggang
sa ikatlong baitang.
- Kasama ang Alternative Learning System (ALS).

●Stephen L. Walter at Diane E. Dekker (2008)


- Summer Institute of Linguistics International.
● Layunin ng Multilinggwalismo sa akademya
- Palakasin sa simula ng pag-aaral ang unang wika upang magkaroon ng
matibay na pundasyon sa paggamit ng wikang pambansa (Filipino) at ng iba
pang wika (Ingles).

● Thomas at Collier (1997)


- Pinatunayan nila na matataas abf pagkakataong maging ganap na
propesyonal sa hinaharap ang mga mag-aaral na dumaan sa edukasyong
gamit ang unang wika.
- Nagpapaunlad ng pagtuturo gamit ng unang wika ang kalidad ng
edukasyon na nakabatay sa kaalaman at karanasan ng magaaral at guro.

- Ang BILINGGAWAL at MULTILINGGWAL na edukasyon sa lahat ng


antas ay nakatutulong sa pagpapatuyod ng pagkapantay pantay sa lipunan at
kasarian. Ito rin ay susi sa pagkakabuklod ng magkakaibang lipunan na may
magkakaibang wika.

- Ang Wika ay napakahalagang elemento sa interkultural na edukasyon.


Sa pamamagitan nito, mahihikayat ng unawaan sa pagitan ng magkakaibang
lahi at makasisiguro na ang mga karapatan ay iginagalang.
Sa paniniwala ni Almario (2010), may dagdag na batas
tungkol sa multilingguwalismo kung magiging totoo sa diwa
ng multilingguwal na pagtuturo at hindi lamang sa ilang
assigned languages (particular sa walong wikang rehiyonal)
gagawin. Ayon parin sa kanya, sa totoo lamang naman na
kahit walang batas ang maisakatuparan/mapagtibay ay
matagal nang ginagawa iyon ng maraming guro sa ibat
ibang panig ng bansa.
Samantala, sa pagpasok ni Virgilio Almario, bilang
tagapangulo ng KWF (hanggang sa panahon ng
publikasyon ng aklat na ito), naging sigasig pa ang
komisyon sa pagbuo ng mga plano at programa at
pagpapataguyod ng Wikang Pambansa lalo sa ibat ibang
larangan.
- Sa layong makatulong sa pagpapabatid ng tungkol sa nagbabagong
panahon, katulong ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical
Services (PAG-ASA), tinipon ang mahahalagang termino (sa Filipino at iba
pang mga wika sa bansa) tungkol sa panahon sa Filipinas kaya nabuo ang
patnubay sa Weder Forkasting. Layunin nitong maipaliwanag ng mga pilipino
nang makatulong sa pagharap at pag-iwas sa banta ng mga sakunang
maaaring idulot ng pagbabagong panahon.

- Kinikilala ng KWF ang gampanin ng pagsasalin upang maging daluyan


ng pag-unawa sa iba-ibang larang. Bukas ang komisyon sa pagsasalin ng mga
dokumento (batas, diploma, brochure at artikulo) para sa mga ahensya ng
pamahalaan at mga indibidwal.
- Nagpapatuloy ang publikasyon ng mga babasahin upang maipakalat
nang husto ang mga salin ng klasikong akda, akadang historiko, akdang
rehiyonal, muling-limbag, saliksik at programang palitang salin at nang
makatulong sa pananaliksik at nga pag -aaral sa iba pang larang. Ito ay sa
pamamagitan ng tinawag nilang Aklat ng Bayan. bilang pagtugon sa mabilis na
pagbabago ng teknolohiya, ginamit na rin KWF ang publikasyon sa kanilang
website ng mga kopya ng mga aklat sa ayos-PDF na maaari at libreng ma-
download ng maraming pilipino.

- Sa pamunuan din ni Almario, iniakda ang materyal na maglilinaw


tungkol sa mga usaping pangwika. Nabuo ang Madalas Itanong Hinggil sa
Wikang Pambansa (2017) na may kasalitang bersyon nito sa Ingles na
Frequently Asked Questions on the National Language mula sa pagsasalin ni
Marne L. Kilates. Malaki ang tulong nito na maitawid sa iba-ibang larang ang
pagkakakilanlan sa Wikang Pambansa.
MGA PAKSA NA MADALAS ITANONG HINGGIL SA WIKANG
PAMBANSA

• Ano ang tinawag na “ mga wika ng Filipinas? “

• Bakit sinasabing “ magkakamag-anak “ ang mga wikang katutubo ng


Filipinas?

• Bakit may tinatawag na mga “pangunahing wika” ng Filipinas?

• Ano ang tinatawag na “wikang opisyal”? “wikang panturo?” “wikang


pantulong?”

• Bakit may “wikang pambansa?”


• Bakit isang wikang katutubo ang naging wikang pambansa ng Filipinas?

• Bakit hindi Ingles ang naging wikang pambansa natin?

• Bakit tagalog ang hinirang na batayan ng Wikang Pambansa ng Filipinas?

• Totoo ba o hindi na “niluto” ni Pangulong Quezon ang paghirang sa Tagalog?

• Suportado ba ng mga mananaliksik ang rekomendasyon ng Surian ng

Wikang Pambansa?
• Bakit hindi bumuo ng wikang pambansa sa pamamagitan ng halo-halong

mga wikang katutubo sa Filipinas?

• Bakit itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa?

• Naiiba nga ba ang Pilipino sa Tagalog?

• Bakit tinawag na Wikang Filipino ang wikang pilipino?

• May bagong tungkulin ba ang komisyon sa Wikang Filipino?


• Sumulong ba ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa?

• Bakit may patuloy na tumututol saa pagpapatupad ng patakarang

makawikang Filipino?

• Bakit pinalitan ang abakada ng Alpabetong Filipino?

• Bakit kailangan ang “Ortograpiyang Pambansa” ?

• Bakit ipinagdiriwang ang “Linggo ng Wika” ?

• Ano pa ang kailangan para ganap na magtagumpay ang Wikang Filipino?


1. Anong ibig sabihin ng PAGASA ?
2. Anong ibig sabihin ng KWF ?
3. Sinong nag salin sa ingles ng “Frequently Asked
Question on the national Language”?
4. Anong Website na Libreng Mag-download ang maraming
pilipino?
5. Mag bigay ng Isang(1) Komisyon sa Pagsasalin ng mga
Dokumento.
6. Sino ang pangulo ng KWF?
7. Ito ay tinatawag na unang wika na gagamitim ng mag-
aaral mula pre-school hanggang Ikatlong baitang.
8. Anong pangalan ang mas kilala si Virgilio Almario?
9. Sa anong larangan kilala si Virgilio Almario?
10. Ano ang Pamagat ng Aralin 4?
PANAYAM KAY DR. VIRGILIO ALMARIO - NATIONAL ARTIST
LITERATURE

You might also like