You are on page 1of 35

WIKA: KAHULUGAN AT

KAHALAGAHAN BATAY SA
SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS
• Ang wika ay isang arbitraryong sistema ng
mga tunog o ponema na ginagamit ng tao. Ito
ay arbitraryo sapagkat ito’y hindi pinagtataluna
ngunit pinagkakasunduang gamitin.
• Ayon kay Grace de Guna, “ang tao ay
nagsasalita hindi lamang upang ihinga ang
kanyang saloobin kundi nanghihikayat at
naghihintay ng pagtugon o pagsang-ayon sa
kanyang mga iniisip o palagay”
Maituturing din na parang hininga ang wika, sa bawat
sandali ng buhay ay nariyan ito, palatandaan ito na tayo
ay buhay at may kakayahang umugnay sa kapwa nating
gumagamit din nito.
Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng
wika upang kamtin ang kailangan natin kung
nagugutom, humihingi ng pagkain, kung nasusugatan,
dumaraing upang mabigyan ng panlunas; kung
nangungulila, humahanap ng kausap na makakapawi sa
kalungkutan at iba pa.
•Ang wika ay hindi likas na bahagi ngpisikal na buhay natin.
Isa itong instrumenting hiwalay sa ating katawan, isang
konstruksyong panlipunan na kinagisnan nating nariyan na.
•Natututunan natin ang wika sa ating pamilya, paaralan, at
komunidad na kargado na ng kahulugan at pagpapahalaga
na galling sa ibang tao, ibang lugar at ibang panahon.
•Sa pagtanggap natin sa wika, pumapaloob tayo sa isang
lipunan at nagkakaisa sa mga taong naroon. Samakatuwid,
ang kamalayan natin bilang indibidwal ay karugtong ng
kamalayan nating bilang indibidwal ay karugtong ng
kamalayan ng iba sa lipunan na ating ginagalawan.
•Ayon kay Clyde Kluckhon, ang wika ay
isang uri ng ugaling pangkultura
•Ayon kay Bernales at Halliday, ang wika ay
instrument ng tao sa pagpapahayag ng
kanyang mga ideya, opinion, reaksyon at
pagpapakahulugan mula sa kanyang
pakikisalamuha sa lipunan
Ang wika ang pinakamakapangyarihang sandata sa
lahat ng pagkakataon sapagkat ito ang simula ng
pagkakabuo ng sanlibutan ayon sa Bibliya na
matatagpuan sa John 11:5
Wika ang instrument ng tao sa pagpapahayag ng
kanyang mga ideya, opinion, reaksyon at
pagpapakahuluganmula sa kanyang pakikisalamuha
sa lipunan at tanging ang wika ang may
ginagampanang tungkulin sa buhay ng tao ayon nga
kay Halliday (1975)
KONSEPTO NG WIKA
1. Mula sa kamalayan at damdamin ng tao –
pagbibigay reaksyon sa mga pangyayaring
nagaganap
2. Simbolo ng nagtatanong- pagpapalawak ng
kaalaman
3. Buhay na rasyonalisasyon- pagpapaliwang
sa isang bagay kung tama o mali
4. Pook ng Tunggalian- saan mang pook
ay gamit ang wika
5. Nagtuturo ng pag-ibig- pagpapahayag
ng damdamin
6. Nagpapalaya- maipahayag ang ideya at
saloobin
7. Sagradong simbolo- nilikha ng Diyos
8. May Mitolohiya- pagsisimula ng wika
9. May adaptasyon- pagpapayaman ng
talasalitaan
10. May kapangyarihan- nagpapakilos sa
tao
KAHALAGAHAN NG WIKA
1. Ito ang prinsipal na midyum na nagbibigkis sa mga tao hindi
lamang sa komunikasyon kundi maging sa pagkilala ng kultura.
2. Dahil sa wika, nagiging possible ang mga gawaing gusto
nating gawin, nasasabi natin ang ating mga iniisip at maging sa
pagsunod sa mga kautusang nasusulat.
3. Nagpapalawak ng kaalaman
4. Ang wika ay tagapagbuklod.
5. Ang wika ay tagapagpakilala ng isang katayuan sa lipunan.
KAHALAGAHAN NG WIKA
6. Ito rin ang nagbibigay turing kung ang isang tao ay may pinag-
aralan o wala.
7. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong gamit
na nagpapahayag sa isang natatangi at naiibang paraang iba-iba sa
pangkaraniwang gamit ng wika sa araw-araw.
8. Dahil sa wika, tayo ay nakakakilala ng mga tao sa loob at labas
ng ating bansa.
9. Maging sa balita, ito ay nagsisilbing tagapagbigay ng mga
impormasyong nagpapalawak sa ating kaalaman sa tulong ng mga
makabagong teknolohiyang ginagamit natin sa
pakikipagkomunikasyon.
SITWASYONG PANGWIKA SA
PILIPINAS
Mga Batas at batayan ng pagiging legal ng ating wika mula sa
konstitusyon ng Pilipinas
1. Seksyon 6 – Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino
samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

2. Seksyon 7 – Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo,


ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
SITWASYONG PANGWIKA SA
PILIPINAS
3. Seksyon 8 – Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at Kastila.

4. Seksyon 9 – Dapat magtatag ang Kongreso ng isang


Komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan
ng iba’t-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili.
TAGALOG VS FILIPINO
TAGALOG – isa sa mga dayalekto o wikain sa Pilipinas na
sinasalita sa mga lalawigan. Isa itong wikang natural na mula
sa wikang Tagala na may katutubong tagapagsalita

FILIPINO – Ito ay hindi Tagalog. Ito ay galing sa Ingles na


Filipino bilang katawagan sa internasyunal na
pagkakakilanlan. Lingua Franca ng Pilipinas ang wikang
Filipino na nagsisilbing pangalawang wika ng higit na
nakararami sa buong bansa.
SITWASYONG PANGWIKA SA
PILIPINAS
Naging tahasan ang paggamit ng FILIPINAS para sa bansang
Pilipinas gayundin ang paggamit ng mga letrang C, F, J, N, Q,
V, X, Z sang-ayon sa kanilang panlasa ng ispeling at
idinadahilan na ang wikang pambansa ay di pa ganap dahil sa ito
ay nililinang.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino lamang ang tanging
ahensya na may karapatan na magtakda ng nararapat na maging
batayan sa paggamit ng wika.
Ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas– Pagyamanin at payabungin ang wika hindi
lamang batay sa wikang Tagalog o Pilipino
SITWASYONG PANGWIKA SA
PILIPINAS
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino- Gaya ng
pagbibigay pangalan sa isang tao, hindi na Tagalog o
Pilipino kundi Filipino ang siyang pangalan ngayon ng
wikang pambansa ng Pilipinas mula noong 1987.
Ang dati niyang pnagalang Tagalog (1896) at Pilipino
(1959) ay naisantabi na at kailangan nang gamitin ang
bagong pangalan na sumasailalim sa kanyang
kasalukuyang katayuan, katangian at kalagayan.
SITWASYONG PANGWIKA SA
PILIPINAS
Ang katagang SAMANTALANG NILILINANG, ay nagging
lisensya ng iba’t-ibang iskolar sa wikang Filipino upang sila
ay bumuo ng iba’t-ibang patakaran sa pagbigkas at pagsulat
lalo na sa paggamit ng ispeling sa Filipino dahil sa probisyong
ito na ang wika ay nililinang.
Maraming puristang Tagalog ang nagagalit sa mga mag-aaral
na nagsasalita ng ganito “Mam, may kwiz po ba tayo?” O kaya
“absent sa halip na liban at resiteysyon sa halip na pagsagot.
Pero ang mga ito ay natural na dumadaloy sa bibig ng mga
mag-aaral.
SITWASYONG PANGWIKA SA
PILIPINAS
Hindi lamang Tagalog ang umiiral na wika sa bansa. Mayroon
ding Iloko, Pampango, Ibanag, Pangasinan, Bikol, Waray,
Hiligaynon, Ingles o Kastila.
Maraming wika sa daigdig ang maaaring magamit sa Pilipinas
dala ng teknolohiya. Hindi naman isinasara ng probisyon ng
1987 konstitusyon ang maaring maiambag ng ibang wika sa
daigdig sa pagpapayabong at pagpapayaman ng wikang
pambansa.
TEORYANG PANGWIKA
1. Sosyolingwistikong Teorya – sa teoryang ito, ang wika ay
panlipunan at ang speech ay pang indibidwal. Ayon kay
Sapir, ang wika ay isang instrument o kasangkapan ng
sosyalisasyon.
2. Teorya ng Akomodasyon – linguistic convergence at
divergence
a. Teoryang Behaviorist – Batay kay Skinner, ang bawat isa sa atin ay may
kakayahang matuto ng wika sa pamamagitan ng pagkontrol ng kapaligiran
TEORYANG PANGWIKA
b. Teoryang Innative – Ayon kay Chomsky, ang kakayahan sa
pagkatuto ng wika ay kasama na mula sa pagsilang na umuunlad sa
pakikipag-interaksyon ng bata sa kanyang kapaligiran

c. Teoryang Kognitib – sa teoryang ito, ang pagkatuto ng wika ay


nagaganap matapos maunawaan ang isang bagay o kaganapan

d. Teoryang Makatao – mangyayari lamang ang pagkatuto kung may


kawilihan at positibong salooobin sa bagong kaalaman at
impormasyon
FILIPINO: MULA SA BIBILIYA
HANGGANG SA MODERNONG
PANAHON O LAGPAS PA
Pananampalatayang Kristyano- mababasa sa mga
talata sa bibliya na lahat ng nasa mundong
ginagalawan ng tao ay nalikha dahil sinabi ng
Diyos. Wika ang ginamit ng Diyos sa paglikha ng
sanlibutan. Samakatuwid, sa paglikha pa lamang
ng Diyos ay mayroon nan wikang umiiral na siyang
WIKA ng Diyos.
MULA HEBREO HANGGANG
TAGALOG
Nagsimulang dumami ang tao sa daigdig mula sa angkan nina Adan
at Eba ngunit dumating sa puntong sumobra ang kasamaan ng tao.
Nasumpungan ng Diyos si Noe na lalaking matuwid at inatasan niya
itong gumawa ng daong upang mailigtas sa paggunaw ng Diyos sa
mundo sa pamamagitan ng baha.
Mula sa angkan ni Noe ay ninais ng tao na huwag maghiwahiwalay
kaya naisip nilang magtayo ng tore kung saan sila magtitipon-tipon.
Hindi ito gusto ng Diyos kaya binigyan nya ng iba’t-ibang wika ang
tao. Si Ophir na mula sa angkan ni Sem na anak ni Noe ay nanahan sa
Silangan.
Si Gregorio F. Zaide (1959, Tabilog, 2008) sa kanyang aklat “History
of the Filipino people” ay nagsabi na ang manunulat na mga taga
Kanluran ay tinawag ang ating lupain sa pangalang Maniolas, Ophir,
Islas del Oriente, Islas del Poniente, Archipelago de San Lazaro, Islas
de Luzones, Archipelago de Magallanes at Archipelago de Legazpi.
Tahasan ding pinaninindigan ni Alfonso Datu-Aca Tabilog (2008) na
tinatawag ng mga Nabigador ang mga isla na Ophir na nakasulat sa
bibliya at sinasabi niya na ang mga inapo ni ophir ay ang mga Pilipino
at ang sinasalitang wika ay Wikang Hebreo.
Pinatutunayan rin ni Padre Pedro Chirino na ang wikang Tagalog ay
may katangian ng wikang Hebreo. Isa itong matibay na ebidensya na
mayroong nanirahang Hebreo sa bansa bago pa man ito pinangalanang
Pilipinas ng mga Kastila.
BARAYTI NG WIKA
– Ayon kay Rousseau, ang pagkakaiba-iba sa kultura at wika ay
nagbubunga sa bawat panahon at pag-uugali at kaasalan, na may
kaugnayan sa di pagkakapantay-pantay ng mga wika, sangkot ang
tagapagsalita, kultura at sibilisasyon
- pagiging uri, kalagayan, o kalidad ng pagiging iba-iba o pagkakaroon
ng dibersidad (New Webster Dictionary, 1995)
- iba’t-ibang uri ng wika
-Ayon kay Bickerton (1975), ang wika ay maaring magbago sa bawat
panahon ngunit lagging nakikita ang kanyang kataasan. Ang barayti ng
wika ay di maaring maiwasan sapagkat ito ay maaaring maging daan ng
tao sa pag-aangkop ng kanyang sarili sa mundong ginagalawan.
BARAYTI NG WIKA
 Ayon naman kay Hudson, ang barayti ay isang set ng mga
terminolohiyang panglinggwistika na may pare-parehong
distinksyon
Ayon naman kay Gleason, ang baryasyon ng wika ay isang
katotohanan sa lipunan na kakambal ng tradisyon ng mga tao
na samakatuwid ay nangangahulugang ang barayti ng wika ay
tahasang nakabatay sa kultura at Sistema ng pamumuhay ng
tao.
Sa pandaigdigang batayan, patuloy pa ring pinagtatalunan
kung alin o ano ang masasabing Linggwa Franca ng daigdig.
Barayti ng Wika
I. Linggwa Franca
A. Yunibersal na Linggwa Franca
B. Pambansang Linggwa Franca
 1. Purong Tagalog
 2. Taglish/Englog
 3. Bertaglish
C. Rehiyonal na Linggwa Franca
D. Dayalek
E. Rehiyonal na Dayalek
F. Sosyak na Dayalek
G. Idyolek
H. Register na wika
I. Balbal na wika o Imbensyong mga salita
J. Gay lingo o Bekimon
Linggwa Franca – wikang sistematikong ginagamit sa
pakikipagtalastasan sa pagitan ng mga tao na hindi gumagamit
ng katutubong wika.
A. Yunibersal Linggwa Franca – wikang sinasalita o
ginagamit nang higit na nakararaming tao sa daigdig.
Tatlong wikang ginagamit sa sa daigdig
Ingles, Frances at Mandarin
B. Pambansang Linggwa Franca – wikang sinasalita o
ginagamit sa isang bansa. Filipino ang wikang pambansa ng
Pilipinas at ito ay ipinag-utos ng Artikulo 14 seksyon 6 at 7 ng
1987 Konstitusyon.
3 BARYASYON NG PAMBANSANG
LINGGWA FRANCA NG PILIPINAS AYON
KAY ALFONSO SANTIAGO
1. Purong Tagalog o Puristik Tagalog
-lumilikha ng mga salita sa halip na manghiram
-makabayan
-hindi naniniwala sa panghihiram ng mga salita sapagkat ito
raw ay makakasira sa ating wika
-mas nanaisin pa nilang lumikha ng mga makabagong salitang
aangkop sa katawagan kaysa humiram. Halimbawa nito ang
salitang salipawpaw sa halip na eroplano , buntala sa halip na
mundo at bilnuran sa halip na matematika atbp.
3 BARYASYON NG PAMBANSANG
LINGGWA FRANCA NG PILIPINAS AYON
KAY ALFONSO SANTIAGO
2. Taglish o Engalog
-sang-ayon sa programa ng UP sa Wikang Filipino, iba ang Taglish sa
Engalog bagamat parehong nanghihiram sa Ingles.
-Ang Taglish ay nangangahulugang mas maraming bahagi ng salita sa
pangungusap pati ng sintaks sa Wikang Tagalog. Samantalang ang
Engalog naman ay nangangahulugang mas maraming leksikon o salita
ang sa Ingles at kadalasan ang kabuoan ng pangungusap ay sa Ingles.
Halimbawa: Taglish (Pupunta ako sa bank para i-check ang aking
akawnt.)
Engalog (I will go sa bank na to check my akawnt.)
Bagamat maraming bumabatikos at nagsasabi na ang
Taglish ay makasisira sa wikang Filipino, hindi
maikakaila na ito ang umiiral na paraan at Sistema ng
pagsasalita ng mga tao sa Pilipinas bagamat hindi pa ito
tanggap sa pasulat na anyo.
Halimbawa: (Text message)
Nanjan na ba ang prof natin? Baka late na ako
makarating sa iskul kasi trafik dito. Paki-txt namn ako
kung may resiteysyon o kwiz ha. Nag-attendans na
ba? Pls. txtbk.
3 BARYASYON NG PAMBANSANG
LINGGWA FRANCA NG PILIPINAS AYON
KAY ALFONSO SANTIAGO
3. Bertaglish
- pinagsama-samang wikang Bernakular, Tagalog at Ingles
-Halimabawa: Cebuano + Tagalog + Ingles
Ilokano + Tagalog + Ingles
- Nangyayari at di maiiwasan ang ganitong mga pangyayari sa
pamamagitan ng pag-aasawahan at pagmimigrante ng mga tao na may
iba’t-ibang wika
-Ayon kay Dr. Santiago, hindi dapat ang walang limitasyong panghihiram
at paghahalo-halo ng mga salita at pariralang Tagalog, Ingles at Bernakular
C. Rehiyonal na Linggwa Franca – wikang sinasalita sa
iba’t-ibang rehiyon. Halimbawa nito ay ang Ilokos Norte,
Ilokos Sur, Cagayan, Isabela, Pangasinan, at CAR na ang
linggwa franca ay ILOKANO.

D. Dayalek – baryant o uri ng wikang sinasalita sa isang


tiyak na geograpikal na lokasyon. Ito rin ay sinasabing
mga pagkakaiba ng sa loob ng isang wika na madalas ay
nasa aksent, leksikograpiya at pagbibigkas ang
pagkakaiba.
E. Rehiyonal na Dayalek – wikang ginagamit sa isang lugar sa
loob ng maraming taon na kinakitaan ng pagkakaiba sa bigkas ,
anyo ng salita at sintaks nito (Wardaugh, 1972). Ang wikang
Ilokano ay may tatlong uri ng aksent: Ilokanong Iloko,
Ilokanong Caggi o Cagayan at Ilokanong Pangasinan.

F. Sosyal na Dayalek – pagkakaiba ng gamit ng wika batay sa


antas ng pamumuhay o uri ng grupo ng mga nagsasalita.

G. Idyolek – tawag sa indibidwal na paggamit ng isang tao sa


isang wika.
H. Register na Wika – tumutukoy ito sa paggamit ng wika ng iba’t-ibang
propesyonal sa iba’t-ibang propesyon na kanilang kinabibilangan. Iba ang
ginagamit na salita ng mga doctor kaysa sa mga abogado.

I. Balbal o Imbensyong mga salita – mga salitang nabubuo batay sa


layuning hindi maintindihan ng hindi nila kauri ang pananalita upang sa
gayon maitago nila ang mensahe sa ibang taong nakikinig.

J. Gay lingo o Bekimon – ang bekimon ay babaeng bakla na hardcore


gumamit ng gay lingo sa usapan
Halimbawa: wika – wikatchi
wala - witchikels
ISALIN ANG MGA
SUMUSUNOD NA PAHAYAG
1. Ayaw kong pumasok ngayon.
2. Ano ba yan! Hindi ka na naman naghugas ng
pinggan!
3. Hindi ka muna papasok sa school Cassie.
4. Ang mga mag aaral ay masiglang pumasok sa
paaralan.
5. Hindi ko malimutan ang kanyang kagandahan.

You might also like