You are on page 1of 47

Magandang Araw!

Ano ang Pangungusap?

Ang pangungusap ay isang


sambitlang may patapos na
himig sa dulo.
Mga Halimbawa:
Nanay!
Aray!
May sunog!
Halika.
Umuunlad ang bayan.
SINTAKSIS
-Palaugnayan-
Mga tatalakayin:

A.Kahulugang ng Sintaksis
B.Ang Paksa at Panguri
C.Kayarian ng Paksa
Ano nga ba ang Sintaksis?
Ito ay Sistema ng pagsama-sama o
pag-uungay-ugnay ng mga salita
upang bumuo ng pangungusap.
Ang isang Pangungusap ay
karaniwang binubuo ng Paksa at
Panaguri
PAKSA
– Ang bahaging pingatutuunan ng pansin sa
loob ng pangungusap.
Halimbawa:

1. Tao ay may isip.


2. Kumain siya.
3. Mabuti ang batang may disiplina.
PANAGURI
- ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng
kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.

Halimbawa:
1. Si G. Perez ang pangulo ng kapisanan.
2. Ito ang babuyan ni Mang Jose.
3. Mabuti ang batang may disiplina.
KAYARIAN NG PAKSA
KAYARIAN NG PAKSA
Ang paksa ay maaaring tao, hayop, bagay,
lugar, o pangyayari.

Nag-aalaga si Inang ng mga baboy at



manok.
KAYARIAN NG PAKSA
Mayroon din namang paksa na sa kahulugan
ay siyang layon ng kilos na isinasaad sa
pandiwa.

Inalagaan ni Inang ang mga baboy at


manok na iyan.
KAYARIAN NG PAKSA
Maaari ring ang paksa ay lugar o pook na
ganapan ng kilos sa pandiwa.

Pinagpaksiwan ni Nanay ang bagong


palayok.
Unang Gawaiin:
Pangkatang-gawain
 PANUTO: Bumuo ng pangkat na binubuo ng
tatlong miyembro at gumawa ng labinlimang
pangungusap na tumatalakay sa inyo
pankasalukuyang nararanasan o
nararamdaman ukol sa pandemya. Pagkatapos
makabuo ng mga pangungusap ay tukuyin alin
dito ang Paksa at alin naman ang panaguri.
 *** Bilugan ang paksa, habang salangguhitan
ang panaguri.
Ikalawang Gawaiin:
Isahang Pagsasanay
Panuto: Bilugan ang paksa at salangguhitan ang
panaguri na makikita sa bawat pangungusap.

1.Huwag mong gambalain ang nananalangin.


2.Kami ay delegasyon ng Pilipinas.
3.Dinarayo ng mga turista ang Antipiolo.
4.Mahuhusay ang mga namumuno.
5.Kapuri-puri ang mga masisipag.
Wakas . . .

Maraming
Salamat 
PAKSA – ang bahaging pingatutuunan ng pansin sa loob
ng pangungusap.
1. Ang paksa ay maaaring tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari
na gumaganap ng kilos o pinagtutuuunan ng diwang isinasaad
sa pandiwa.
- Nag-aalaga si Inang ng mga baboy at manok.
2. Mayroon din namang paksa na sa kahulugan ay siyang layon
ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
- Inalagaan ni Inang ang mga baboy at manok na iyan.
3. Maaari ring ang paksa ay lugar o pook na ganapan ng kilos sa
pandiwa.
- Pinagpaksiwan ni Nanay ang bagong palayok.
PANAGURI – ang bahagi ng pangungusap na
nagbibigay ng kaalaman o impormasyon
tungkol sa paksa.
MGA URI NG PANAGURI
PANAGURING PANGNGALAN
PANAGURING PANGHALIP
PANAGURING PANG-URI
PANAGURING PANDIWA
PANAGURING PANG-ABAY
PANAGURING PAWATAS
1. Panaguring Pangngalan
 ITO AY MAY DALAWANG URI:
 TIYAK – kapag ang pangngalang ginagamit na
panaguri at pantangi.
- Si G. Perez ang pangulo ng kapisanan.
 DI-TIYAK – kapag ito ay nasa anyong pambalana,
maliban kung may kasamang panghalip na pamatlig.
Tao ay may isip.
Ang paborito niyang pagkain ay ang gulay na ito.
2. Panaguring Panghalip
Panghalip na Panao – hinahalili sa
pangngalang pantangi.
- Siya ang pinuno ng barangay.
Panghalip na Pamatlig – panghalip na
nagtuturo ng isang tao o bagay.
- Ito ang babuyan ni Mang Jose.
3. Panaguring Pang-uri
Ito ay maaaring isang salita o isang
parirala.
Mabuti ang batang may disiplina.
Sobrang ganda ng bestida ni Maria.

4. Panaguring Pandiwa
Makikilala ang pandiwa dahil sa banghay
nito sa aspekto.
Nagtanim/Nagtatanim/Magtatanim ng gulay
si Manuel.
4. Panaguring Pandiwa
 May 3 uri ng panaguring pandiwa:
1. Pandiwang katawanin - pandiwang likas na di
nangangailangan o di malalagyan ng tuwirang layon.
Kumukulo ang tubig.
2. Pandiwang ganap na palipat – laging may kasamg
tuwirang layon. Hindi maaaring alisin ang tuwirang
layon sapagkat masisira ang diwa ng buong
pangungusap.
- Nagpatay ng baboy si Mang Jose.
4. Panaguring Pandiwa
 Mga uri ng panaguring pandiwa:
3. Di Sapilitang Palipat – maaaring mayroon o walang
tuwirang layon.
Kumain siya./ kumain siya ng pansit luglog sa
palengke.
5. Panaguring Pan-abay
Bukas ang alis ng mga turista.

DEFINE PANG-ABAY!

6. Panaguring Pawatas
 Manggagamot ang naging trabaho niya ngayon.
 Magbasa ang kinalilibangan ng lola.

 DEFINE PAWATAS!
KAYARIAN NG PANAGURI
Ang mga panaguri ay maaaring buuin ng isang
salita, isang parirala, o isang sugnay.
Ang panaguring isang salita lamang ay pangngalan,
panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa, o
pawatas.
Ang panaguring parirala ay maaaring pariralang
pang-ukol o pariralang pawatas na gumaganap
ng tungkulin ng pangngalan, pang-uri o pang-abay.
KAYARIAN NG PANAGURI
Halimbawa ng Pariralang Pang-ukol:
Hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap ang
kumperensya kahapon.

Halimbawa ng Pariralang Pawatas:


Mag-aral magmaneho ng awto ang aasikasuhin
niya ngayong bakasyon.
KAYARIAN NG PAKSA
Ang paksa ay maaari ring buuin ng isang
paksa, isang parirala, o isang sugnay.
1. HALIMBAWA NG PAKSANG IISAHING
SALITA:
Sila ay bibigyan ng seminar tunkol sa
pagpapalno ng pamilya.
2. HALIMBAWA NG PAKSANG PARIRALANG
PANG-UKOL:
- Ang para sa amin ay sa inyo na.
KAYARIAN NG PAKSA
3.HALIMBAWA NG PAKSANG PARIRALANG
PAWATAS:
Nakakawili ang paghuni ng ibon sa parang.

4. HALIMBAWA NG PAKSANG SUGNAY:


- Na may mayaman sa likas na kayamanan ang
Pilipinas ay hindi mapasusubalian.
KAYARIAN NG PAKSA
5. HALIMBAWA NG PAKSANG TAMBALAN ANG
SALITA:
Si Balagtas at si Haring Sisiw ay mga makatang
Pilipino.
Kahanga-hanga ang mabait, matalino at masipag.

6. HALIMBAWA NG PAKSANG TAMBALANG


PARIRALA:
- Na may mayaman sa likas na kayamanan ang
Pilipinas ay hindi mapasusubalian.
KAYARIAN NG PAKSA
7. HALIMBAWA NG PAKSANG TAMBALAN ANG
SUGNAY:
Kung ikaw ay mag-aaral o ikaw ay
magbabakasyon ngayong tag-init ay pasyahan
mo na.
Kahanga-hanga ang mabait, matalino at
masipag.
MGA PANGUNGUSAP NA
WALANG PAKSA
1. MGA PANGUNGUSAP NA EKSISTENSYONAL
Ang mga pangungusap na eksistensyonal ay
nagpapahayag ng pagkamayroon ng isang o higit
pang tao, bagay,atb.
Pinapangunahan ito ng May o Mayroon.
Mayroong ganito rito.
May mga turista ngayon sa Liliw.
MGA PANGUNGUSAP NA
WALANG PAKSA
2. MGA PANGUNGUSAP NA PAHANGA
Nagpapahayag ng damdamin ng paghanga ang
ganitong pangungusap.
Ang tapang mo pala!
Kayganda ng Pilipinas.
MGA PANGUNGUSAP NA
WALANG PAKSA
3. MGA MAIKLING SAMBITLA
 Ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin
o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin.
Ay!
Aray!
Hay naku!
MGA PANGUNGUSAP NA
WALANG PAKSA
4. MGA PANGUNGUSAP NA PAMANAHON
 Nagsasaad ng oras o panahon ang mga
ganitong pangungusap.
Alas-dos na.
Mainit ngayon.
Maaga pa.
MGA PANGUNGUSAP NA
WALANG PAKSA
5. MGA PORMULASYONG PANLIPUNAN
 Mga pagbati, pagbibigay-galang, at iba pa, na
nakagawian na sa lipunang Pilipino.

Tao po?
Mano po..
MGA PAGPAPALAWAK NG
PANGUNGUSAP
ang panaguri at paksa ay siyang bumubuo sa
pangungusap. at bawat isa ay maaaring buuin
pa ng mga maliliit na bahagi, at dahil dito
napapalawak ang pangungusap dahil sa mga
ito.
Ang mga pampalawak ng pangungusap ay:
1. Pangingit, 2. Panuring (Pang-uri at pang-abay),
3. Pamuno, at mga kaganapang pansimuno.
Mga Paningit bilang
Pampalawak
Mga paningit ang tawag natin sa mga katagang
isinasama sa pangungusap upang higit na
maging malinaw ang kahulugan nito.
Ito ay may tiyak na posisyon sa loob ng
pangungusap.
Karaniwang ang paningit ay kasunod ng unang
salitang may diin.
Mga Paningit bilang
Pampalawak
Ang mga katagang ka, ko at mo ay mga
panghalip na kadalsan nangunguna sa mga
paningit. – Mga Panginit na Panghalip ang
tawag dito.
Ang tuntunin sa wastong gamit ng mga paningit
ay:
Unang salitang may diin + Paningit.
Unang salitang may diin + ka, ko, mo + paningit.
Halimbawa:
• Unang salitang may diin + paningit:
Ang bata na ang tawagin mo.
Hindi man kayo matuloy ay dapat kang
maghanda.
• Unang salitang may diin + ka/ko/mo +
paningit:
Bakit ka nga hindi dumating?
Hinihintay ko naman siya ngunit talagang
hindi siya dumating
Mga Panuring bilang
Pampalawak
May dalawang kategorya ng mga salita ang
magagamit na panuring:
Ang Pang-uri na panuring sa pangngalan o
panghalip.
At ang Pang-abay na panuring sa pandiwa,
pang-uri o kapwa pang-abay.
Halimbawa:
• Pang-uri:
Ang mag-aaral ay iskolar.
Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.

• Pang-abay:
Umalis ang mag-anak.
Umalis agad ang mag-anak.
Mga Kaganapang Pandiwa
bilang Pampalawak
• Ang mga ito ay:
1. Kaganapang ganapan ng kilos ng Pandiwa.
2. Kaganapang kagamitan sa Kilos ng
Pandiwa.
3. Kaganapang sanhi
4. Kaganapang Direksyunal
5. Kaganapang tagaganap
6. Kaganapang Layon
1. Kaganapang ganapan ng kilos ng
Pandiwa.
• Nagpiknik ang mag-anak sa tabing-dagat.

2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang


kagamitan sa kilos ng pandiwa.
• Sinugpo niya ang mga kulisap sa kanyang
pananim sa pamamagitan ng bagong gamut na
ito.
3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang sanhi.

• Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga.

4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang


direksyunal.
• Nagtanong si Linda kay Ben.
5. Pagpapalawak pamamagitan ng kaganapang
tagatanggap.
• Nagluto si Pinang para sa mga bata.

6. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang


layon.
• Namili ng mga alahas si Josefina.

You might also like