You are on page 1of 13

KASAYSAYAN NG

WIKANG PAMBANSA
FILIPINO

FILIPINO 101
M A S I N I N G N A PA K I K I PA G TA L A S TA S A N
• Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas
Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang
Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga
katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng
wikang pambansa.

• Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang
Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
• Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang
Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4.
Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19
tuwing taon.

• Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa


ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito,
kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang
gagamitin.
• Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang
kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga
tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

• Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael


Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham
ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat
sa Pilipino.
• Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika.

• Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod


sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng
Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13,
1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang
katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at
pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.
• Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C.
Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika
ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang
Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987.
• Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika
Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang
Komisyon na magsagawa, mag- ugnay at magtaguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng
Pilipinas.
EBOLUSYON NG
ALPABETONG
FILIPINO
• Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili
nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang Alibata o
Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig.
• Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano.
• Noong 1940, sa kanyang Balarila ng Wlkang Pumbansa,
binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik:

a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y

• Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng Sanggunian ng


SWP ang pinayamang alpabeto, na binubuo ng 31 letra:
a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n ñ ng
o p q r rr s t u v w x v z
• Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa
alpabetong Filipino upang tugunan ang patuloy na
development at/o istandardisasyon ng sistema ng
pagsulat sa Filipino. Dagdag na walong letra:
f, j, v, z, ñ, q, c, x
• Sa rebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng
walong dagdag na letra. Ipinagagamit ang mga ito sa
ispeling ng lahat ng hiram na salita anuman ang barayti
nito kasama ang hindi pormal at hindi teknikal na
barayti, o iyong tinatawag na karaniwang salita.
• Noong Agosto, 2007, inilabas ng KWF ang borador ng
Ortograpiya ng Wikang Pambansa na binuo ng KWF sa
pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga
guro, dalubhasa sa wika, superbisor sa Filipino at sa
mga larangang ito sa buong bansa noong 2007
hanggang 2007. Ang pinal na bersyon ng patnubay ay
ipalalabas ng KWF bago matapos ang 2007.
WAKAS. . .

You might also like