You are on page 1of 12

KASAYSAYAN NG WIKANG

PAMBANSA

“ HANGGANG SA KASALUKUYAN”
Ang wika ay buhay at patuloy na
nagbabago, umaakma sa pagkakataon at
umaagpang sa paglipas ng panahon.
• Oktubre 24, 1967 - nilagdaan ni Pang. Marcos ang isang kautusanng
nagtadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan
ay pinangalan sa Pilipino.

• Marso , 1968 - ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap , Rafael Salas ang


isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran ,
tanggapan at mga sangay nito sa maisulat sa Pilipino.

• Agosto 7, 1973 - Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang


resolusyong nagsasaad na gamitin ang midyum sa pagtuturo ang wikang
Filipino.
• Hunyo 19, 1974 - nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa
pagpapatupad ng edukasyon bilingwal sa lahat ng kolehiyo at
pamantasan.

• Hulyo 30 , 1976 - sa pamamagitan ng Departamento Memo no. 194


na inisyu ng kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Pampalakasan, ang
20 titik ng abakada ay nadagdagan ng 11 banyagang-hiram na titik.
• Sa 1987 Constitution , bumuo muli ang pamahalaang
rebolusyunaryo ng Komisyong Konstitusyunal na
pinamunuan ni Cecilia Munoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon
ang Konstitusyon at dito'y nagkaroon muli ng pitak ang
tungkol sa Wika.
• 1987 - Ang Alpabetong Filipino ng 1987 , ang siyang pinagbago at
pinaghusay na Abakada at Alpabetong Filipino ng 1976 . Ito binubuo
ng 28 titik na kung saan ang pa gbabasa nito ay halintulad rin sa
pagbasa ng alpabetong Ingles .

• Agosto 25, 1988 - Ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay


ipinalabas at nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino na nagtatadhana ng
paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpatuloy ng pag-aaral
ng Filipino.
KALIKASAN NG LEKSIKAL NA
KORPUS NG FILIPINO
• Ortograpiya - representasyon ng mga tunog ng isang wika ng
nakasulat o nakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto.
• Taong 1940 o tatlong taon matapos buuin ang Wikang Pambansa o
Wikang Pambansa batay sa Tagalog ayon na rin sa nasasaad ng 1935
Constitution , isinilang ang kauna-unahang ortograpiya. Binuo ni Lope
K. Santos ang ABAKADA ( 15 katinig at 5 patinig) namay 20 letra:

a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y
• Noong Oktubre 4, 1971 o labindalawang taon matapos palitan ng
pangalang Pilipino ang Wikang Pambansa Batay sa Tagalog ,
ipinagtibay ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa ang
ortograpiyang Pilipino na tinaguriang '' pinayamang alpabeto” na
binubuo ng 31 letra.

a bc ch d e f g h i j k l ll m n ň ng o p q r rr s t u v w x y z

Idinagdag sa 20 letra ng Abakadang 11 letra at degrapo mula sa Kastila


(c ch f j ll ň q rr v x z )
• Sa 1973 Constitution , nasasaad ang pagdebelop at pagkakaroon ng
pambansang wikang tatawaging Filipino. Taong 1987 ay ipinakilala ang
tinaguriang ortograpiyang Filipino na tinaguriang “ makabagong
alpabeto” na binubuo ng 28 letra:

a b c d e f g h i j k l m n ň ng o p q r s t u v w x y z

Inalis ang mga degrapong ch ll at rr


• Noong 2001 , muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino
upang tugunan ang patuloy na pag-unlad at istandardisasyon ng
sistema ng pagsulat sa Filipino.

• Noong Agosto 2007 , inilabas ng KWF ang draft ng Ortograpiya ng


Wikang Pambansa na binuo ng KWF sa pamamagitan ng serye ng mga
kosultasyon sa mga guro, dalubhasa sa wika , superbisor sa Filipino at
sa mga larangang ito sa buong bansa noong 2007

You might also like