You are on page 1of 30

FILI 6101

Leksyon 1
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng
Wikang Filipino
• Nobyembre 13, 1937 – nilikha ng unang
Pambansang Asemblea ang Surian ng Wikang
Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang
batayan ng isang bagong pambansang wika.
• Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng
mga sumusunod:
1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao
at ito ang wikang pinakauunawaan sa lahat
ng rehiyon ng Pilipinas
2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at
hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang
pinakamayaman at ang pinakamaunlad at
malawak. Higit na maraming aklat ang
nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga
katutubong wikang Austronesian.
4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang
pampulitika at pang-ekonomiya ng
Pilipinas.
5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng
Katipunan – dalawang mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
• Abril 1, 1940 – Sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 263 na nilagdaan ng
pangulong Manuel L. Quezon, na
nagpahintulot din sa pag-iimprenta ng
Diksyunaryo at ng Balarila ng Wikang
Pambansa, ang wikang pambansa ay itinuro
sa mga paaralang publiko at pribado
• Hulyo 7, 1940 – Sa bisa ng batas Komonwelt
Blg. 570 ang Wikang Pambansa ay
ipinahayag bilang isa sa mga opisyal na wika
ng bansa simula sa Hulyo 4, 1946.
• Marso 26, 1954 – Nagpalabas ng isang
kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay
sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa mula sa Marso 29 – Abril 4.
• Setyembre 23, 1955 – Nilagdaan ni
Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama
Blg. 12 na inililipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
taun-taon sa ika-13 hanggang ika-19 ng
Agosto
• Agosto 12, 1959 – tinawag na Pilipino ang
Wikang Pambansa nang lagdaan ni Kalihim
Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon
ang Kautusan Blg. 7. Nakilala ang wikang ito
bilang Pilipino upang mahiwalay ang
kaugnayan nito sa mga Tagalog
• Nagtakda naman ang Saligang Batas ng
1973 ng panibagong pambansang wikang
papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag
nitong Filipino.
• Noong Hulyo 1978, nilagdaan ng Kalihim
Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang
Kautusan Pangkagawaran Blg. 22, na
nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng
kurikulum na pangkolehiyo.
• Noong 1987, pinalabas ni Kalihim Lourdes
R. Quisumbing ng Departamento ng
Edukasyon, Kultura at isports ang Kautusan
Blg. 52 na nag-uutos ng paggamit ng
Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng
antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles
na nakatakda sa patakaran ng edukasyong
bilinggwal
• Agosto 25, 1988 – Ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at
nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na
nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong
Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-
aaral ng Filipino.
• Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan sa mga piling asignatura.
• Ayon sa survey ng Social Weather Station at
ng Ateneo de Manila University noong
Pebrero 1990, 92% ng mga mamamayan ang
nakakaunawa ng wikang Filipino, 88% ang
nakababasa nito, 83% ang nakapagsasalita at
82% ang nakasusulat.
Ang Pagkakaiba-iba ng Tagalog, Pilipino at
Filipino
• Tagalog – ito ang naging batayan ng Wikang
Pambansa noong 1937 sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134. Ito ay isa sa mga
pangunahing wika ng Pilipinas na siyang
sinasalita sa malaking bahagi ng Gitnang
Luzon, Timog Katagalugan at Kalakhang
Maynila
• Pilipino - sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 7 na kung saan
itinagubilin ng dating Kalihim Jose Romero,
ang salitang Pilipino ang siyang gagamitin na
kailanman ay tutukuyin ang Wikang
Pambansa
• Filipino – ito ang pambansang lingua franca
at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino
• Ang Pilipinas noong panahong pre-kolonyal
ay may sarili ng sistema ng pagsusulat na
tinawag na baybayin
• Sa pagdating ng mga Kastila sa bansa noong
ika-16 na siglo, pinalitan nila ng baybayin ng
mga simbolo ng alpabetong Romano.
Tinawag nila itong abecedario na binubuo ng
29 letra
• Noong 1940, ipinakilala ni Lope K. Santos
ang Abakada na binubuo ng 5 patinig at 15
katinig: a, b, k, d, e, g, h, i, l, m, n, ng, o, p,
r, s, t, u, w, y
• Noong 1976 ay nabago ang alpabetong
Pilipino at binubuo na ito ng 31 titik na ang
11 dito ay mula sa abecedario: c, ch, f, j, ll,
ñ, q, rr, v, x, z
• Ang alpabetong Filipino noong 1987 ay
nagbago rin kasabay ng pagbabago ng
konstitusyon. Mayroon itong 23 katinig at 5
patinig na nakabatay sa Ingles ang pagbigkas:
a, b, c, d ,e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ, ng, o, p,
q, r, s, t, u, v, w, x, y, z
Talakayin ang mga sumusunod:
1. Ano sa iyong palagay ang naging layunin ni
Manuel Quezon sa kanyang pag-iisip ng
pagkakaroon ng isang wikang pambansa?
2. Bakit may mga hindi sumang-ayon sa
pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa?
3. Ano ang naging basehan sa pagkakapili sa
Tagalog ayon sa isinagawang pag-aaral ng
Surian ng Wikang Pambansa?
4. Magkaiba ba ang Tagalog at Filipino?
Ipaliwanag
5. Bakit ang banyagang wikang Ingles ay
itinakda bilang ikalawang wikang opisyal ng
bansa? Ano ang katuturan nito?
6. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
isang wikang pambansa sa konteksto ng
Pilipinas?

You might also like