You are on page 1of 35

Aralin 1: Wikang Filipino,

Wikang Panlahat
I. DALUMAT - SALITA: MGA SALITA NG TAON
Mga Nilalaman ng Aralin Ito:
• KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
• SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
• AMBAGAN
• SAWIKAAN: “PAGPILI NG SALITA NG TAON”
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o


pagteteorya.
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at
kapakipakinabang na sanggunian sa pagdadalumat at pananaliksik.
3. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa pagpapaliwanag at
pagpapalawak ng piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at
dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
4. Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa
pananaliksik.
TALAAN NG
KASAYSAYAN NG
WIKANG PAMBANSA

COLONIZATION
1. Espanyol – ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo.

Amerikano - sa simula ay dalawang wika: Ingles at Espanyol. Sa kalaunan,


napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.
Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na- Bato noong 1897, itinadhanang
Tagalog ang opisyal na wika.

2. Marso 24, 1934, pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng


Estados Unidos ang Batas Tydings- McDuffie na nagtatadhanang
pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-
iral ng Pamahalaang Komonwelt.
3. Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 Sa Saligang-Batas ng
Pilipinas: “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.” (Pebrero 8, 1935)

4. Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas: Cebuano Pangasinan


Hiligaynon Kapampangan Samar Leyte Tagalog Bikol Ilokano

5.Oktubre 27, 1936 (Pangulong Manuel Louis M. Quezon, Asemblea Nasyonal)


Surian ng Wikang Pambansa - gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang
katutubo sa Pilipinas.
6. Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt
Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin niyon.

7. Tungkulin ng SWP: 1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may


kalahating milyong Pilipino man lamang; 2. Paggawa ng paghahambing at pag- aaral
ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto; 3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika
at ortograpiyang Pilipino;

8. Tungkulin ng SWP: 4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan


ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa
panitikan, at (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
9. Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na
bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas
Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333

10. Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod: Jaime C. Veyra (Visayang
Samar) – Tagapangulo Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap
Santiago A. Fonacier (Ilokano) - Kagawad Filemon Sotto – (Visayang Cebu) - Kagawad
Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) – Kagawad Casamiro F. Perfecto (Bikol) –
Kagawad Hadji Butu (Muslim), Kagawad Mga Kagawad Lope k. Santos (Tagalog) Jose I.
Zulueta (Pangasinan) Zoilo Hilario (Kapampangan) Isidro Abad ( Visayang Cebu)

11. Nobyembre 9, 1937 (SWP, Batas Komonwelt Blg. 184) - Tagalog ang “siyang halos
na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”, kaya’t
itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang
pambansa.
12. Disyembre 30, 1937 (Pangulong Quezon, Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay batay sa Tagalog.

13. Noong Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263.
Ipinag-uutos nito ang: 1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at
ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa; at 2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa
mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
“GINTONG PANAHON NG TAGALOG”
Panahon ng Hapon (1942)
Purista - mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na
batayan lamang.

Prof. Leopoldo Yabes - Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa
konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika.

Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika.


Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang Panitikang nakasulat sa Tagalog.
Maraming manunulat sa wikang ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang
mga tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa.
PHILIPPINE INDEPENDENCE

SA PANAHON NG PAGSASARILI
Hunyo 7, 1940 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang
opisyal na ang pambansang wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940.

Marso 26, 1954, Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang


proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon.

Araw ni Balagtas (Abril 2).

Setyembre 23, 1955 (Pangulong Ramon Magsaysay, Proklama Blg. 186 - inililipat
ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon
simula Agosto 13 hanggang 19.
Agosto 19 - kaarawan ni Manuel Quezon (Ama ng Wikang Pambansa).

Agosto 13, 1959 - Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.

Oktubre 24, 1967 Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at
tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino.
Marso 27, 1968 Inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang
Memorandum Sirkular Blg. 172:
Letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng pamahalaan -
Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.
Pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado
ng pamahalaan - Pilipino

Hulyo 21, 1978 Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L.


Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang
Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang Antas/kolehiyo.
Magkakaroon ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa
kursong pang-edukasyon na dapat Kumuha ng labindalawang (12) yunit.
SA KASALUKUYANG PANAHON…
Pebrero 2, 1987 - Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 (Bagong Konstitusyon ng Pilipinas)
nasasaad ang mga sumusunod:
Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at
sa iba pang mga wika.
Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
1987 (kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon)
Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 - Filipino bilang wikang panturo sa
lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang
edukasyong bilinggwal.
1996 (Commision on Higher Education o CHED) - Memorandum Blg. 59
na nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino
sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at
nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan),
Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3
(Retorika).

Hulyo, 1997 (Pangulong Fidel V. Ramos) Proklama Blg. 1041 -


nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng
Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng
pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain
kaugnay sa taunang pagdiriwang.
Tagalog – katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang
wika ng Pilipinas (1935)

Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas

Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng


Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na
wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
ANTAS NG WIKA
1. Pabalbal /Balbal - “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang
antas ng wika. Mga salitang Pangkalye o Panlansangan.

singaw ng panahon - bawat panahon ay may nabubuong mga salita.

Mga Halimbawa
PARAK ISTOKWA TIBOLI BROKEBACK
ESKAPO  JUDING  BALBONIK
KAHULUGAN:
Parak - Pulis
Eskapo - takas sa bilangguan
Istokwa - Naglayas
Juding - bakla
Tiboli - Tomboy
Balbonik - taong maraming balahibo sa katawan
Brokeback - lalaki sa lalaking relasyon
2. Kolokyal - Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal
na mga salita. Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang- alang dito ang salitang
madaling maintindihan.

Mga Halimbawa: alala | lika | naron | kanya-kanya | antay | lugal

3. Lalawiganin/Panlalawigan -Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo


sa lalawigan gaya ng mga Cebuano, Batangeno, Bicolano, at iba pa na may
tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita. Palatandaan ng lalawiganing
tatak ay ang punto o accent.
Mga Halimbawa:
KAIBIGAN
Kaibigan-Tagalog | Gayyem-Ilokano | Higala-Cebuano | Amiga-Bikolano
HALIK
Halik-Tagalog | Ungngo-Ilokano | Halok-Cebuano | Hadok-Bikolano

4. Pambansa/Lingua Franca - Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at


sirkulasyong pangmadla. Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa
pamahalaan.

Mga Halimbawa: aklat | ina | ama | dalaga | masaya


5. Pampanitikan - Pinakamayamang uri. Kadalasa’y ginagamit ang salita
sa ibang kahulugan. Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono,
tema, at punto.

Panitikan - “kapatid na babae ng kasaysayan.”


Wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang
lumikha ng piksyunal o kathang isip. Ito ay nagaganap sa tuwing ang
wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula,
katha, palabas, at iba pang likhang pampanitikan.

Mga Halimbawa: Mabulaklak ang dila | Di-maliparang uwak |


Kaututang dila |Balat sibuyas | Taingang kawali | Nagbukas ng dibdib
Sawikain At Salawikain
Sawikain - mga salitang lumalarawan sa isang bagay o pangyayaring
kadalasan ay mahirap malaman ang kahulugan.
Salawikain - mga salitang maituturing na pilosopiya sapagkat ito ay may
malalim na kahulugan at talaga namang matalinghaga.
Mga Kasabihan - mga salita o paniniwala ng mga tao at nakakaapekto
sa isa.
Mga halimbawa ng salawikain at ang
kahulugan ng mga ito:
1. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.
Kahulugan:
Sinasabi dito na huwag masyadong magastos at magwaldas ng pera sa
mga bagay na hindi kailangan at bukas ay wala ng natira o ipon para sa
sarili.Mas maganda na sabihan ka ng kuripot kesa naman pagdating ng
araw ay wala na sa iyong matira.
2. Pag di ukol ay hindi bubukol.
Kahulugan:
Ayon sa kahulugan nito kapag hindi nakalaan sayo ang isang bagay o
nakatakda ay hindi ito mangyayari o magaganap. Parang sa pag-ibig kung
hindi talaga para sayo ang isang tao huwag mo nang ipagpilitan,Manalig ka na
merong tao na talagang para sayo maghintay ka lamang. Huwag mon ang
ipagpilitan ang sarili mo taong hindi naman talaga naka laan para sa iyo.
3. Kung walang tiyaga,walang nilaga.
Kahulugan:
Ang kahulugan nito ay tungkol sa isang tao na walang pagsasakripisyo para sa
sarili at walang pagsisipag sa isang gawain at kinabukasan ay walang biyaya
na matatangap. Kaya huwag tatamad tamad,matutong magbanat ng buto
para sa magandang kinabukas ng iyong pamilya at para narin sa iyong sarili.
Mga halimbawa ng sawikain:
1. Bukas ang Palad = Matulungin
Talagang bukas ang palad ni Rodrigo pagdating sa mga kasama niyang
mangingisda.
2. Amoy Pinipig = Mabango
Palaging amoy pinipig ang guro nila sa Filipino.
3. Kabiyak ng Dibdib = Asawa
Sa bayan nagtratrabaho ang kabiyak ng dibdib ni Aling Myrna.
4. Butas ang bulsa = Walang pera
Maraming bayarin sa bahay nila kaya butas ang bulsa ni Kiko ngayon.
DALUMAT, AMBAGAN,
SAWIKAAN: “PAGPILI NG
SALITA NG TAON”, MGA
SUSING SALITA ATBP.
DALUMAT
- Malalim na pag-iisip at pagbibigay interpretasyon. Ito ay kaalaman at
abilidad
upang ihukom ang partikular na sitwasyon o paksa.
AMBAGAN
- Pinagyaman nito ang iba’t ibang wika sa Filipino sa pamamagitan ng
pagsangguni sa balarila’t leksikon ng mga wika sa bansa sa pagkuha ng mga
salita mula sa katutubong wika.
ANG MGA SUSING SALITA
-ito ang unang pambanasang palihan (hulmahan) ng wika na nakatuon sa
pagbuo ng kaalaman gamit ang mga konseptong nakapaloob sa isang susing
salita na hango sa anumang wika sa Pilipinas.
Layunin ng palihan ng mga susing salita:
1. Paunlarin ang mga inisyal na ideyang
nakapaloob sa piniling salita.
2. Alamin ang potensyal na ambag nito sa
larangan ng pag-aaral at pananaliksik tungo sa
produksyon ng kaalaman.
MGA SALITANG FILIPINO NA
KABILANG SA OXFORD DICTIONARY
Ayon kay Danica Salazar, Filipino lexicographer na
nagtatrabaho bilang Consultant editor ng EOD, sa June 2015
update ng Oxford Dictionary, mayroong 40 salita na hango sa
paggamit ng mga Pinoy sa ilang salitang Ingles.

Narito ang ilan sa mga Filipino terms at expressions


(kumpletong listahan sa ating modyul):
advanced – of a clock or watch: indicating a time ahead of the correct
time

bahala na- expressing an attitude of optimistic acceptance or fatalistic


resignation, esp. in acknowledging that the outcome of an uncertain or
difficult
situation is beyond one’s control or is preordained; ‘que sera sera’. Hence
also as
noun (n): an approach to life characterized by this attitude.

balikbayan- a Filipino visiting or returning to the Philippines after a period


of
living in another country.
balikbayan box- a carton shipped or brought to the Philippines from another
country by a Filipino who has been living overseas, typically containing items
such as food, clothing, toys, and household products.
baon- money, food, or other provisions taken to school, work, or on a journey.
barangay- in the Philippines: a village, suburb, or other demarcated
neighborhood; a small territorial and administrative district forming the most local
level of government.
barkada- a group of friends.
barong- short for barong tagalog n.
WAKAS
SALAMAT SA PAKIKINIG!
MGA NAGPRISENTA (REPORTERS):
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN ENGLISH 3-1

Marie Russel Daquila Martin Sheila Mae Fabon


Dara Louise Lazaga Romulo Zabala Jr.
Haydee Gambala Aubrey Cedillo
Joselyn Tudo Ayessa Martinez
Rodelyn Gutay Mariz Antonette Redilla
MGA SANGGUNIAN:
• San Juan, et: al (2019). Saliksik Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Mutya Publishing. Malabon City
• Santiago, Alfonso. Panimulang Linggwistika sa Pilipino. Rex Book Store.Manila
• Santiago, Alfonso. Sining ng Pagsasaling-Wika (Sa Filipino mula sa Ingles). Rex Book Store. Manila
• De Laza, Crisel P. Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik
• Guillermo Ramon. Sariling atin: Ang nagsasariling komunidad na pangkomunikasyon sa disiplinang Araling Pilipino.
UP Diliman, 2016
• Buban, Racquel. Ang Pagsasaling Teknikal: Pagsipat sa Praktika at Pagpapahalaga / Technical Translation: Revisiting
the Practice and Essentials. De La Salle University, 2014
• Rodriguez, et: al. Ang Sawikaan at ang Pagbabanyuhay ng Wikang Filipino: Ilang Tala ukol sa Ugnayan ng Wika at
Kulturang Popular sa Kasalukuyan. Philippine E-Journals, 2014
• Abad, et: al. Mga Napiling salita ng Taon. Panitikan.ph, UP Diliman, 2018

Websites:
https://www.youtube.com/watch?v=hlVTpY077iA
https://www.slideshare.net
https://scribd.com

You might also like