You are on page 1of 1

Search ,

# ' Download Now


210
Download to read offline

Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
$ Education % Nov. 12, 2017 & 747,035 views

Richelle Serano-Uy - Master Teacher II @ Reina


Mercedes Vocational Industrial and School

Report

Read more

Richelle Serano Follow

Recommended
Wika
orion108

Heograpikal,Morpolohikal at
Ponolohikal na Varayti ng Wika
Rochelle Nato

Kompan 1st Long Test


Tine Lachica

Register Bilang VARAYTI NG WIKA


Rochelle Nato

KOMPAN11_Kakayahang
Lingguwistiko
Tine Lachica

Wika
Cecilia Repalda

Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
Rochelle Nato

Mga Batayang Kaalaman sa Wika


Rochelle Nato

Kasaysayan at Pagkabuo ng Wikang


Pambansa
Rochelle Nato

KOMPAN11_Kakayahang
Sosyolingguwistiko at Pragmatik
Tine Lachica

! Kasaysayan ng Wikang Pambansa


1. Espanyol – ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo
2. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay
dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga
kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa kalaunan,
napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.
3. Dumami na ang natutong magbasa at Magsulat sa wikang
Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa
rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899.
Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga
batas ay nasa wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010)
4. Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan,
ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga
opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-
Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika.
5. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay Ni Pangulong Franklin D.
Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings- McDuffie na
nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas
matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang
Komonwelt.
6. Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 Sa Saligang-
Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa:
“…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Pebrero 8,
1935)
7. Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas: Cebuano
Pangasinan Hiligaynon Kapampangan Samar Leyte Tagalog Bikol
Ilokano
8. Oktubre 27, 1936 Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M.
Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang
paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng
isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning
makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat
na batay sa isang wikang umiiral.
9. Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang
Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at
tungkulin niyon.
10. Tungkulin ng SWP: 1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika
na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang; 2.
Paggawa ng paghahambing at pag- aaral ng talasalitaan ng mga
pangunahing dayalekto; 3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at
ortograpiyang Pilipino;
11. Tungkulin ng SWP: 4. Pagpili ng katutubong wika na siyang
magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a)
ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, at (b) ang wikang
tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
12. Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon
ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa
alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184,
sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333
13. Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod:
Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo Cecilio Lopez
(Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap Santiago A.
Fonacier (Ilokano) - Kagawad Filemon Sotto – (Visayang Cebu) -
Kagawad Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) – Kagawad
Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad Hadji Butu (Muslim),
Kagawad Mga Kagawad Lope k. Santos (Tagalog) Jose I. Zulueta
(Pangasinan) Zoilo Hilario (Kapampangan) Isidro Abad ( Visayang
Cebu)
14. Nobyembre 9, 1937 Bunga ng ginawang pag-aaral, at
alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian
ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na
roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ang “siyang halos na lubos na
nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”,
kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay
pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
15. Disyembre 30, 1937 Inilabas ng Pangulong Quezon ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tagalog ang
ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y
nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y
hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di- Tagalog dahil
kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos:
16. 59.6% sa Kapampangan 48.2% sa Cebuano 46.6% sa
Hiligaynon 49.5% sa Bikol 31.3% sa Ilokano 9 to 10 libong
salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at
kahulugan sa pangunahing wika natin
17. Noong Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang: 1.
pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang
aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa; at 2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo
19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong
kapuluan.
18. “Gintong Panahon ng Tagalog”
19. Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga
Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na
“purista”. Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo
ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking
tulong ang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang
nabanggit.
20. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon
ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at
gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Sa layunin ng mga
Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anomang kaisipang pang-
Amerikano at mawala ang impluwensya ng mga ito, Tagalog ang
kanilang itinaguyod.
21. Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging
opisyal na mga wika. Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang
Panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa wikang
ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling
kuwento, nobela, at iba pa.
22. Sa Panahon ng Pagsasarili
23. Hunyo 7, 1940 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na
nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika (Tagalog)
simula Hulyo 4, 1940. Nang matapos ang digmaan, ilang taon
ding hindi Napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa
Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang pangulo ng
bansa si Ramon Magsaysay. Marso 26, 1954, Nilagdaan ng
Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa
tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa
panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).
24. Setyembre 23, 1955 Nilagdaan ng Pangulong Ramon
Magsaysay ang Proklama Blg. 186 nagsususog sa Proklama Blg.
12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang
panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-
taon simula Agosto 13 hanggang 19. (bilang paggunita sa
kaarawan ni Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilala bilang “Ama
ng Wikang Pambansa”. Agosto 13, 1959 Inilabas ni Kalihim Jose
F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin
ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.
25. Oktubre 24, 1967 Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang
lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay
pangangalanan na sa Pilipino. Marso 27, 1968 Inilabas ni Kalihim
Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg.
172 na nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga tanggapan,
kagawaran at sangay ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa
Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniutos din ng
sirkular na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga
pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
26. Hulyo 21, 1978 Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at
Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na
nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang Antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na yunit
ng Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa kursong pang-
edukasyon na dapat Kumuha ng labindalawang (12) yunit.
27. Sa Kasalukuyang Panahon…
28. Pebrero 2, 1987 Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng
Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 nasasaad ang mga
sumusunod: Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
29. 1987 Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng
Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang
Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay
ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.
30. 1996 Pinalabas ng Commision on Higher Education ang
CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9) na
yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga
kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2
(Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3
(Retorika).
31. Hulyo, 1997 Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V.
Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng
Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan
at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay
sa taunang pagdiriwang.
32. Tagalog – katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang
wika ng Pilipinas (1935) Pilipino – unang tawag sa pambansang
wika ng Pilipinas Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang
wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga
opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)

# 210 Likes (

) Statistics (

* Notes (

About Support Terms


English +

Privacy Copyright

© 2021 SlideShare from Scribd ! "

You might also like