You are on page 1of 18

Layunin

Naiuugnay ang mga


konseptong pangwika sa
sariling kaalaman,
pananaw, at mga
karanasan.
• Wikang katutubong pinagbatayan ng pambansang
wika ng Pilipinas.
TAGALOG
1935

• Unang tawag sa Pambansang wika ng Pilipinas..


PILIPINO
1959

• Kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng


Pilipinas, Lingua Franca ng mga Pilipino, at isa sa mga
opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles.
FILIPINO
1987
DUGTUNGAN TAYO!

TALAGANG
MASAYA ANG
KWENTUHAN ...
Mas uunlad pa ang
Pilipinas …
Kung may kaharap akong
genie ngayon, hihilingin
kong …
May Pag-asa ka …
WIKANG
PAMBANSA
Ang tawag sa wikang
magbubuklod sa atin bilang
mamamayan ng Bansang Pilipinas.
8 Pangunahing Wikang
Umiiral sa Pilipinas
BISAYA ILOKANO
WARAY-WARAY
BIKOLANO
PANGASINENSI/PANGALATOK

HILIGAYNON/ILONGGO

KAPAMPANGAN TAGALOG
Taong 1901

 Nang pagtibayin ng Philippine Commission sa


pamamagitan ng batas 74 na gawing panturo sa mga
paaralan ang wikang Ingles. Sa kabila ng mahigpit na
pagtutol ng mga samahang pangwika, mga
mambabatas, mamamahayag at gurong Pilipino.
Taong 1925

 Nakita sa isang sarbey na isinagawa ng Monroe


Educational Survey Commission na mabagal matuto
ang mga batang Pilipino kung Ingles ang Wikang
Panturo sa mga paaralan.
Panukalang Batas Blg. 577

 Nag-uutos “KALIHIM NG PUBLIC INSTRUCTION” na


gamitin bilang panturo sa mga paaralang primarya ag
katutubong wika mula sa taong panuruan 1932-1933
SAMAHANG NAGMALASAKIT SA WIKANG TAGALOG

a) Kapulungan ng Wikang Tagalog (1903)


b) Samahan ng mga Mananagalo (1908)
c) Akalang bayan (1900)
d) Akademya ng Wikang Pilipino (1915)
NAGPALAGANAP NG WIKA
a) Lope K. Santos
b) Faustino Aguilar
c) Patricio Mariano
d) Severino Reyes

NAGTAKWIL SA SARILING WIKA

a) Trinidad Pardo de Tarera


b) Pedro Paterno
c) Benito Legarda
d) Felipe Buencamino
Taong 1934
 Nagsimulang pagtalakay sa kumbensiyong konstitustyunal ang
pagpili ng wikang pambansa
 Iminungkahi ng grupo ni Lope K Santos na ang wikang
pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas.
Taong 1935
 Ang pagsusog ni Dating Pangulong Quezon na magkaroon ng
isang wikang Pambansa na nakasaad sa Artikulo XIV Seksyon 3
ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasaad :

“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas,
ang wikang Ingles at kastila ang siyang mananatiling opisyal na
wika.”
Batas Komonwelt Blg 184

 Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa na naisulat ni


NORBERTO ROMUALDEZ ng LEYTE.
Nobyembre 13, 1936
Pinagtibay ang nasabing batas na nagtatag sa
tanggapan ng Surian ng Wikang Pambansa an
binigyan ng kapangyarihang gumawa ng pag-
aaral sa lahat ng mga sinasalitang wika sa
kapalaran.

NAMUNO SA PAGPILI NG WIKANG PAMBANSA


1.Jaime C. De Veyra ( Bisayang Samar) Pangulo,
kalihim at Punong Tagapagpaganap
2.Cecilio Lopez ( Tagalog)
3.Santiago A. Fonacier ( Ilokano)
4.Felimon Sotto ( Bisayang Cebu)
5.Felix S. Salas Rodriguez (Bisayang Hiligaynon)
6.Casimiro F. Perfecto ( Bikolano)
7.Hadji Butu ( Muslim)
BATAYAN/ KRITERYA SA WIKANG
PIPILIIN

1.Ginagamit ng nakararaming
Pilipino, lalo na sa Maynila na siyang
sentro ng Kalakalan.
2.Ginagamit sa Pagsulat ng
Pinakadakilang panitikang Pilipino.
3.Wikang may pinakamaunlad na
balangkas at mayamang mekanismo
at madaling matutuhan ng mga
mamamayang Pilipino
Disyembre 30, 1937
 Iprinoklama ng Pang.Quezon na ang wikang Tagalog
ang magiging Batayan ng Wikang Pambansa base sa
rekomendasyon ng surian sa bisa ng kautusang
tagapagpaganap Blg. 134 .Magkakabisa ang kautusang
ito pagkalipas ng dalawang taon.
Taong 1940
 Nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa
tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
Taong 1956, Pebrero
 Renebisa ang salin sa Filipino ng Panatang Makabayan,
kasabay ang pagrebisa sa bersiyon sa Filipino ng
Pambansang Awit.
Taong 1959,Agosto 13
 Pinalitan ang tawag sa Wikang Pambansa mula
Tagalog ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang
Pangkagawaran Blg.7 na ipinalabas ni Jose E. Romero,
ang kalihim ng Edukasyon noon.
Taong 1972
Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo
sa kumbensiyong Konstitusyunal kaugnay ng
usaping Pangwika

Mayo 1973
Ayon sa Probisyong Pangwika sa Saligang
Batas ng 1973 Artikulo XV, Seksyon 3, Blg.
2
“Ang Batasang Pambansa ay dapat
magsagawa ng mga hakbang na
magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa
isang panlahat na wikang pambansang
kikilalaning FILIPINO.
Taong 1974-1975
 Sinimulang ipatupad ang patakarang Bilinggwal sa
Edukasyon
Taong 1978
 Lumabas ang Kautusang pangministri ng kagawaran ng
Edukasyon na siyang nag-utos ng pagkakaroon ng 6 na
yunit na Filipino sa lahat ng kurso sa tersarya at 12
yunit ng Filipino sa mga kursong pang-edukasyon.
Taong 1979
 Ipinagutos na ang mga estudyante ng mga kursong
Medisina, Dentista, Abogasya at paaralang gradwado
ay magkakaroon na rin ng Filipino sa kanilang
Kurikulum pati na rin ang mga dayuhang estudyante.

Taong 1980, Agosto


 Ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na
komunikasyon ay sinimulan sa kagagawaan ng
Edukasyon at Kultura.
PANUKALANG SALIGANG BATAS 1987
 Pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni
Dating Pang. Cory Aquino ang implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino.

 ART XIV SEK 6


--Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
FILIPINO. Samantalang nililinang ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at iba pang mga Wika.

 ART XIV SEK 7


--Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at
Pagtuturo, Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga Wikang opisyal sa mga relihiyon at magsisilbi
na pantulong sa mga wikang panturo roon.
----

You might also like