You are on page 1of 37

KASAYSAYAN NG WIKANG

PAMBANSA
PANAHON NG KASTILA
Espanyol – ang opisyal na wika
at ito rin ang wikang panturo.
PANAHON NG AMERIKANO
Nang sakupin ng mga Amerikano
ang Pilipinas, sa simula ay dalawang
wika ang ginamit ng mga bagong
mananakop sa mga kautusan at
proklamasyon, Ingles at Espanyol.
Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang
Espanyol bilang wikang opisyal.
Dumami na ang natutong magbasa at
Magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang
naging tanging wikang panturo batay sa
rekomendasyon ng Komisyong Schurman
noong Marso 4, 1899. Noong 1935 halos
lahat ng kautusan, proklamasyon at mga
batas ay nasa wikang Ingles na. (Boras-
Vega 2010)
Ngunit sa simula pa lamang ng
pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na
ng mga katipunero ang wikang Tagalog
sa mga opisyal na kasulatan. Sa
Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na
Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog
ang opisyal na wika.
Noong Marso 24, 1934, pinagtibay Ni
Pangulong Franklin D. Roosevelt ng
Estados Unidos ang Batas
TydingsMcDuffie na nagtatadhanang
pagkakalooban ng kalayaan ang
Pilipinas matapos ang sampung taong
pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon
ng 1935 Sa Saligang-Batas ng Pilipinas,
nagtadhana ng tungkol sa wikang
pambansa: “…ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika.” (Pebrero 8, 1935)
Katutubong wika/pangunahing
wika sa Pilipinas: Cebuano,
Pangasinan, Hiligaynon,
Kapampangan, Samar Leyte
Tagalog, Bikol, Ilokano.
Oktubre 27, 1936 Itinagubilin ng Pangulong
Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa
Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang
pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas,
sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay
ng isang wikang panlahat na batay sa isang
wikang umiiral.
Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng
Batasang-Pambansa ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na lumilikha
ng isang Surian ng Wikang
Pambansa, at itinakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin niyon.
Tungkulin ng SWP: 1. Pag-aaral ng mga
pangunahing wika na ginagamit ng may
kalahating milyong Pilipino man lamang;
2. Paggawa ng paghahambing at pag-
aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing
dayalekto; 3. Pagsusuri at pagtiyak sa
fonetika at ortograpiyang Pilipino;
4. Pagpili ng katutubong wika na
siyang magiging batayan ng wikang
pambansa na dapat umaayon sa (a)
ang pinakamaunlad at mayaman sa
panitikan, at (b) ang wikang
tinatanggap at ginagamit ng
pinakamaraming Pilipino.
Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulong
Manuel L. Quezon ang mga kagawad
na bubuo ng Surian ng Wikang
Pambansa alinsunod sa tadhana ng
Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184,
sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt
Blg. 333
Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga
sumusunod:
Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo
Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong
Tagapagpaganap
Santiago A. Fonacier (Ilokano) - Kagawad
Filemon Sotto – (Visayang Cebu) - Kagawad
Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) – Kagawad
Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad
Hadji Butu (Muslim) - Kagawad
Mga Kagawad
Lope K. Santos (Tagalog)
Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad ( Visayang Cebu)
Nobyembre 9, 1937 Bunga ng ginawang pag-
aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas
Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang
Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na
roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ang “siyang
halos na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng
Batas Komonwelt Blg. 184”, kaya’t itinagubilin
niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay
pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937 Inilabas ng Pangulong Quezon
ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
batay sa Tagalog. Tagalog ang ginawang saligan ng
Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa
maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y hindi
magiging mahirap ang Tagalog sa mga di-Tagalog
dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa
ganitong ayos:
59.6% sa Kapampangan
49.5% sa Bikol
48.2% sa Cebuano
46.6% sa Hiligaynon
31.3% sa Ilokano
9 to 10 libong salitang magkakatulad at magkakahawig
sa bigkas, baybay at kahulugan sa pangunahing wika
natin.
Noong Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito
ang: 1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English
Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na
pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa; at 2. pagtuturo ng Wikang Pambansa
simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang
Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
PANAHON NG MGA
PANANAKOP NG MGA
HAPON
(Gintong Panahon ng Tagalog)
Nang lumunsad sa dalampasigan ng
Pilipinas ang mga Hapon noong 1942,
nabuo ang isang grupong tinatawag na
“purista”. Sila ang mga nagnanais na
gawing Tagalog na mismo ang wikang
pambansa at hindi na batayan lamang.
Malaking tulong ang nagawa ng pananakop
ng mga Hapon sa kilusang nabanggit.
Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang
Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin
ang probisyon sa konstitusyon at gawing
Tagalog ang Pambansang Wika. Sa layunin ng
mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang
anomang kaisipang pang-Amerikano at mawala
ang impluwensya ng mga ito, Tagalog ang
kanilang itinaguyod.
Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog
ang naging opisyal na mga wika. Pinasigla
ng pamahalaang Hapon ang Panitikang
nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat
sa wikang ingles ang gumamit ng Tagalog
sa kanilang mga tula, maikling kuwento,
nobela, at iba pa.
Sa Panahon ng Pagsasarili
Hunyo 7, 1940 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na
nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika (Tagalog)
simula Hulyo 4, 1940. Nang matapos ang digmaan, ilang taon
ding hindi napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa
Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang pangulo ng
bansa si Ramon Magsaysay. Marso 26, 1954, Nilagdaan ng
Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa
tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa
panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).
Setyembre 23, 1955 Nilagdaan ng Pangulong Ramon
Magsaysay ang Proklama Blg. 186 nagsususog sa Proklama
Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat
ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa taon-taon simula Agosto 13 hanggang 19. (bilang
paggunita sa kaarawan ni Manuel Quezon (Agosto 19) na
kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa”. Agosto 13,
1959 Inilabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa,
ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.
Oktubre 24, 1967 Naglagda ang Pangulong Marcos ng
isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhanang ang lahat ng gusali, at tanggapan ng
pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino. Marso 27,
1968 Inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas
ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nag-aatas na ang
lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay
ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip
ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniutos din ng sirkular na
ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno
at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
Hulyo 21, 1978 Nilagdaan ng Ministro ng
Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na
isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang Antas/kolehiyo. Magkakaroon
ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso,
maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat
Kumuha ng labindalawang (12) yunit.
SA KASALUKUYANG
PANAHON
Pebrero 2, 1987 Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon
ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 nasasaad
ang mga sumusunod: Seksiyon 6 Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles.
1987 Pinalabas ng kalihim Lourdes R.
Quisumbing ng Departamento ng
Edukasyon, Kultura at Palakasan ang
Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit
ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat
ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng
Ingles na nakatakda sa patakarang
edukasyong bilinggwal.
1996 Pinalabas ng Commision on Higher
Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na
nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na
pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at
nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng
Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at
Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3
(Retorika).
Hulyo, 1997 Nilagdaan at ipinalabas ni
Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama
Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng
Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng
Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t
ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at
sa mga paaralan na magsasagawa ng mga
gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
Tagalog – katutubong Wikang pinagbatayan ng
pambansang wika ng Pilipinas. (1935)
Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas. (1959)
Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang
wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino,
at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas
kasama ng Ingles. (1987)
Maraming Salamat.

You might also like