You are on page 1of 1

KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA SA

PILIPINAS
Ang mga mahahalagang batas, proklama o kautusan ay ang mga sumusunod:
1935 Batay sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng 1935 Konstitusyon, “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isang umiiral na katutubong
wika.”
1936 (Nobyembre 13) Ayon sa tagubilin ni Pang. Manuel L. Quezon, pinagtibay ng Batasang Pambansa ang
Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa.
Tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay ang mga ss:
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika;
2. Paghahambing ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto;
3. Pagpili ng katutubong wika na magiging batayan ng wikang pambansa.

1937 (Disyembre 30) Sa rekomendasyon ng SWP at bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, iprinoklama
ni Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog.
Bakit sa Tagalog ibinatay ang Wikang Pambansa?
1. Ang wikang ginagamit sa Maynila-ang punong-lunsod at sentro ng kalakalan at edukasyon.
2. May pinakamayamang talasalitaan - binubuo ng 30,000 salitang-ugat at 700 mga panlapi; nagtataglay
ng mga salitang hiram, humigit-kumulang 5,000 sa Kastila, 1,500 sa Ingles, 1,500 sa Intsik at 3,000
sa Malay; at may pinakamaunlad ng panitikan.
3. Ang wikang ginagamit ng nakararami, madaling bigkasin, pag-aralan at matutuhan.
4. Malaki ang pagkakatulad sa maraming dayalekto- 59.6% sa Kapampangan, 48.2% sa Cebuano, 46.6%
sa Hiligaynon, 39.5% sa Bikol, 31.3% sa Ilokano at iba pa.

1940 (Hunyo 19) Nagsimulang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang publiko at
pribado.
1946 (Hulyo 4) Sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas, ipinahayag ding ang mga Wikang Opisyal ay Tagalog at
Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570.
1954 (Marso 26) Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsasaad ng pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Agosto 13-19.
1959 (Agosto 13) Pagkaraan ng 20 taon, nilagdaan ni Kalihim Jose Romero ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7, na nag-aatas ng paggamit ng katawagang “Pilipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa.
1972 (Disyembre) Alinsunod sa probisyon ng Artikulo XV, Seksiyon 3 ng 1973 Konstitusyon, inatasan ni Pang.
Ferdinand Marcos ang SWP na ang Konstitusyon ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino.
1986 (Agosto 12) Nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa Agosto
13-19 bilang Linggo ng Wikang Pambansa at si Pang. Manuel Quezon bilang Ama ng Wikang Pambansa.
1987 (Pebrero 2) Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6-9 ng 1987 Konstitusyon ang implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino.
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

1987 Sa rekomendasyon ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP), nilagdaan ni Kalihim Lourdes
Quisumbing ng DECS ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng bagong alpabeto at
patnubay sa pagbabaybay ng Wikang Pilipino.
1997 (Hulyo) Nilagdaan ni Pang. Fidel Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto
ay magiging Buwan ng Wikang Filipino.
2001 Tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF) ang 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino.

You might also like