You are on page 1of 5

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Panahon ng Kastila
Espanyol – ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo
Panahon ng Amerikano
Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit
ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa
kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.
Dumami na ang natutong magbasa at Magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging
tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4,
1899. Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles
na. (Boras-Vega 2010).
Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga
katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng
Biak-na- Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika.
Noong Marso 24, 1934, pinagtibay Ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados
Unidos ang Batas Tydings- McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang
Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935
Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: “…ang
Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Pebrero 8, 1935).
Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas:
Cebuano, Pangasinan, Hiligaynon, Kapampangan
Samar, Leyte, Tagalog, Bikol, at Ilokano

Oktubre 27, 1936


Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea
Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng
mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang
wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.

Nobyembre 13, 1936


Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
Tungkulin ng SWP:
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong
Pilipino man lamang.
2. Paggawa ng paghahambing at pag- aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing
dayalekto.
3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino.
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na
dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, at (b) ang
wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.

Enero 12, 1937


Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng
Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa
pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333.

Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod:


Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo
Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap
Santiago A. Fonacier (Ilokano) – Kagawad
Filemon Sotto – (Visayang Cebu) – Kagawad
Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) – Kagawad
Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad
Hadji Butu (Muslim), Kagawad
MGA KAGAWAD
Lope k. Santos (Tagalog)
Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad ( Visayang Cebu)

Nobyembre 9, 1937
Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184,
ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na
ang Tagalog ang “siyang halos na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas
Komonwelt Blg. 184”, kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin
bilang saligan ng wikang pambansa.

Disyembre 30, 1937


Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.
Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa
maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga
di- Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos:
59.6% sa Kapampangan
48.2% sa Cebuano
46.6% sa Hiligaynon
49.5% sa Bikol
31.3% sa Ilokano
9 to 10 libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan sa
pangunahing wika natin

Abril 1, 1940
Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang:
1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na
pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa; at
2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at
Pribado sa buong kapuluan.
Panahon ng Pananakop ng mga Hapon (Gintong Panahon ng Tagalog)
Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang
isang grupong tinatawag na “purista”. Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo
ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang nagawa ng pananakop
ng mga Hapon sa kilusang nabanggit.
Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin
ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika.
Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anomang kaisipang pang-
Amerikano at mawala ang impluwensya ng mga ito, Tagalog ang kanilang itinaguyod.
Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Pinasigla
ng pamahalaang Hapon ang Panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa wikang
ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa.

Sa Panahon ng Pagsasarili

Hunyo 7, 1940
Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang
pambansang wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940.
Nang matapos ang digmaan, ilang taon ding hindi Napagtuunan ng panahon ang
pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang pangulo ng bansa si
Ramon Magsaysay.

Marso 26, 1954


Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na nagpapahayag
ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-
taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw
ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).

Setyembre 23, 1955


Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 nagsususog sa
Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13 hanggang 19. (bilang
paggunita sa kaarawan ni Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilala bilang “Ama ng Wikang
Pambansa”.

Agosto 13, 1959


Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang
salitang Pilipino ay siyang gagamitin.

Oktubre 24, 1967


Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan
na sa Pilipino.

Marso 27, 1968


Inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg.
172 na nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng
pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniutos
din ng sirkular na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng
pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
Hulyo 21, 1978
Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang
Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang Antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso,
maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat Kumuha ng labindalawang (12) yunit.

Sa Kasalukuyang Panahon

Pebrero 2, 1987
Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7
nasasaad ang mga sumusunod:
Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito
ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika.
Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.

1987
Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura
at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo
sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang
edukasyong bilinggwal.
1996
Pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na
nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng
Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3
(Retorika).

Hulyo, 1997
Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na
magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

Tagalog – katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935).


Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas.
Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino,
at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987).

Ipinasa ni:
JIREH JANE C. LAZARTE

You might also like