You are on page 1of 6

Modyul 1 Ang Pamamahayag

Panimula:

Panahon na naman ngayon na ganap na pagtuturo ng Pamahayagan.Sa

mahigpitang pagbibigay katuturan ayon sa makabagong pamamahayag na
isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay magpalimbag ng mga pahayagan at
magasin.

Ang pamahayagan ay nahahati sa bahagi, saklaw ng pamahayagan at

tungkulin nito. Upang mas mabisa ang pagkakakilanlan ng pamamahayag.

Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng modyular na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a) natatalakay ang katangian,katuturan at saklaw ng pamahayagan;

b) naiisa- isa ang tungkulin at bahagi ng pamahayagan;
c) naipapakilala ang mga uri ng pag-aanyo o pagfoforma ng pahina; at
d) nailalahad ang bawat larawan sa pahayagan.

Paksang-Aralin:

 Kahulugan at Saklaw ng Pamahayagan

 Tungkulin at Bahagi ng Pamahayagan
 Ang Pag-aanyo ng mga Pahina
 Mga Larawan sa Pahayagan
Modyul 1 Ang Pamamahayag
Aralin 1: Kahulugan at Saklaw ng Pamahayagan

Inaasahang Bunga
Sa aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang kahulugan at saklaw ng pamahayagan;

b. nailalahad ang mga kahulugan at saklaw ng pamahayagan; at
c. nawiwili sa pamamahayag o pamahayagan.

Nakalaang Oras: Isa at kalahating oras

Introduksyon

Sa pagpapakahulugan ng salitang journal ito ay nagmula sa latin na

diurnal na nangangahulugang “araw-araw”. Ayon sa Webster ang pamahayag
ay trabaho ng isang manunulat para gumawa ng mga pahayag at iba pa. Ngayon
ay tatalakayin na natin ang pamahayagang pangkampus at saklaw nito upang
mas lubos natin maintindihan ang kahulugan nito.
Modyul 1 Ang Pamamahayag

Gawaing Pampagkatuto

PANUTO: Gumawa ng sariling pagpapakahulugan ng

Pamahayagang Pangkampus.

Gawaing
Pampag-
katuto

Pagsusuri

1. Pag-aralan ang kasaysayan ng inyong paaralan, at ang pag-unlad nito ukol sa

kanilang pamamahayag.
_____________________________________________________

2. Ano sa tingin mo ang mas binabasa na pahayagan ng mga tao? Ito ba ay nasa
dyaryo o sa “social media”? Bakit, Ipaliwanag
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
Modyul 1 Ang Pamamahayag
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Abstraksyon

Kahulugan ng Pamamahayag

Ang salitang journal ay nagmula sa latin na diurnal na nangangahulugang

“araw-araw”.

Pamamahayag (journalism) – Iyong kaakit-akit na libangang pang-araw-araw na

taglay ng katotohanan ng buhay sa kasalukuyan; iyong nakalulugod bagamat sa
kalaunan ay nakapapagaan din sa pakiramdam na kasangkot sa mga pangyayari, na
ang iba’y tunay na mahalaga sa ating sarili sa darating na salin lahi. (Huddleston)
Sinasaklaw ng pamamahayag ang lahat ng uri ng bagay sa pamamagitan ng balita at
punang nakararating sa madla; lahat ng nagaganap sa mundo, kung ang mga
pangyayari’y nakawiwili sa madla; lahat ng kaisipan, gawa o kilos at mga diwa na
pinasisigla ng ganitong pangyayari ay nagiging saligan ng mga mamamahayag. (F.
Fraster Bond)
Pamahayagang Pangkampus (Campus Journalism) – Isang kawili wiling
gawaing pampaaralan ng mga kaanib sa patnugutan gay ang pangangalap, pagbuo at
paglalahad ng mga balita; pagsulat ng mga editoryal, pitak at mga lathalaing
pampanitikan; ang pagwawasto ng mga kopya o sipi, pag-aanyo, pagsulat ng ulo ng
balita, pagwawasto ng pruweba tungo sa hangaring makapagpalabas ng isang
pampaaralang pahayagan.
Saklaw ng Pamamahayag( Scope of Journalism)
1. Pasulat – Pahayagan, pulyeto, magasin, aklat. (Print Media)

2. Pasalita – Radyo, Karaniwang pabalita,Komentaryo ( Broadcast Media)

3. Pampaningin – Telibisyon, Pelikula, Betamax (Visual Media)

Modyul 1 Ang Pamamahayag

Paglalapat

PANUTO: Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng saklaw sa

pamamahayag na mababasa o makikita natin ngayon.
1. Pasulat
2. Pasalita
3. Pampaningin
Modyul 1 Ang Pamamahayag

Bilang pagtatapos, ilahad mo ang iyong natutunan sa araling ito.

Masasabi kong …

Naytuklasan kong…

Napag-alaman kong…

Hangad ko ang iyong tagumpay sa buhay! Hanggang

sa muli!

You might also like