Professional Documents
Culture Documents
Tindahan ng pahayagan.
Ang tabloid ay isang uri ng dyaryo na mayroong masmaliit na sukat ng pahina kaysa sa broadsheet,
bagaman walang pamantayan na sukat para sa tabloid. Ang terminong tabloid journalism (o
periyodismong tabloid), kasama ang paggamit ng malalaking imahe, ay nagbibigay-diin sa mga
paksa tulad ng mga kahindik-hindik na kwento ng mga krimen, astrolohiya, tsismis, at telebisyon.
Gayunman, ang ibang respetadong dyaryo, tulad ng The Independent at ng The Times ay may
parehong sukat sa tabloid, at ang sukat na ito ay ginagamit sa United Kingdom ng halos lahat ng
lokal na dyaryo. Doon, ang sukat ng pahina ay humigit-kumulang na 430mm x 280 mm
(16.9 pulgada x 11.0 pulgada). Sa Estados Unidos, ito ang karaniwang porma na ginagamit ng mga
dyaryong alternatibo. Ang ilang dyaryong maliliit na umaangkin ng mas mataas na pamantayan ng
pamamahayag ay tumutukoy sa kanilang sarili bilang mga diyaryong compact.
Ang mga mas malalaking dyaryo na iniuugnay sa mas malaking kalidad ng pamamahayag ay
madalas ng tinatawag na mga broadsheet, at ang titulo na ito ay karaniwan paring ginagamit, kahit
man lumipat na ang mga dyaryo sa paglalathala sa mas maliliit na pahina tulad ng ginagawa na ng
maraming dyaryo sa mga nakalipas na taon. Sa gayon, ang terminong tabloid at broadsheet sa
panahong ito ay, sa di-teknikal na paggamit, mas naglalarawan ng posisyon ng isang dyaryo, kaysa
sa sukat nito.
Ang Berliner format na ginangamit ng mga pinakapopular na dyaryong Europeo ay may sukat na
namamagitan sa laki ng tabloid at broadsheet. Sa konteksto ng dyaryo, ang terminong Berliner ay
karaniwang ginagamit sa paglarawan ng sukat lang, at hindi sa paglarawan ng ibang katangian
ng pahayagan.
Komiks
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan ang Komiks (paglilinaw).
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang
salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba[1] ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang
katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na
kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang
kanilang sariling ekspresyon.
Magasin
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat nglohikal kaugnayang lohikal
B. Pamantayang Pagganap
Nasusuri ang isang dokumentaryong napanood. Nakagagawa ng isang dokumentaryo sa sariling lugar
Nauunawaan ang bawat paraan sa paggamit ng kaugnayang lohikal
F8ppON-IIIg-h-31
F8ppON-IIIe-f-32
F8ppON-IIIe-f-32
A. Sanggunian:
Pampagkatuto
IV. PAMAMARAAN:
A. Pangganyak/Balik-aral:
C. Paglalahad ng mga halimbawa para sa kahandaan ng aralin Iproseso ng guro ang sagot ng mga mag-
aaral
ipahayag ng mga mag-aaral kung ano ang kani-kanilang mga reaksiyon Pagpapaliwanag ng pamantayan
Pagsasanay sa paggamit ng ugnayang lohikal sa pangungusap Gamit ang diurnal isasagawa ang
gawin3.2.0 sa pahina 481-483
Isahang pag-unawa
Pag-uulat ng gawin
V. Puna
VI. Balik-tanaw
Inihanda ni:
KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento. Bagamat
walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng
pananakop ng mga Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan.
Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa
kilalang mga manunulat ng dagli
sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario
(Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong
1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K.
Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman,
hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga
Español dahil
hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang
himig.
Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng
1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa
antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936” ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa
isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang
babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga
damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga
pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento
(feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya,
“na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong
pangalan at katawagan—anekdota, slice-of-life, day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok
ng ganitong uri ng kwento sa media).”
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN
Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli. Nguni't
ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s)
bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong
nagmula sa anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa
mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na pinamatnugutan ni Vicente
Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga
Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William
Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil
simple lang ang paggamit ng wika.” Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli
ni Jack Alvarez na may pamagat na "Ang
Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa
isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa maliit
at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng bansa.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at proto-
fiction o micro-fiction sa Ingles.
Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros
"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking
ipinagkakaiba.”
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.”
"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”