You are on page 1of 4

A.

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag- aaral ay nakapagpapamalas ng kakayahang makapagsuri,
makaagbigay- kahulugan at nakapaghahambing ng impormasyong
inilalahad sa ibat ibang dokumentaryo ukol sa napapanahong paksa.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag- aaral ay nakalilikom, nakahahanap, nakapag- uuri at
nakapaglalagom ng mahalagang impormasyon mula sa ibat ibang
sanggunian at media upang makagawa ng isang dokumentaryo.
I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag- aaral ay
inaasahang:
a. makapagbabahagi ng mga akdang popular na sumasalamin sa
kultura at tradisyon ng kasalukuyang panahon
b. Naibibigay ang kaugnayan ng teksto sa sarili, kapwa at lipunan
c. Naipahahayag ang mga saloobin at damdamin gamit ang mga
komunikatibong pagpapahayag

II. PAKSANG- ARALIN:


a. Paksa: Dokumentaryong Pampelikula
b. Sanggunian: Panitikang Pilipino 8, pahina 168
c. Kagamitan: aklat, videoclips, speaker
III. Yugto ng Pagkatuto: (Ikalawang Araw- Linangin)
Gawaing Guro
a. Paghahanda
Magandang araw klas!

Gawaing Mag- aaral


Magandang araw po!

Tayo ay tumayo at manalangin.


( panalangin)
Bago kayo umupo, siguraduhing nakaayos
ang inyong mga upuan at walang kalat.
Pakilabas ang inyong takdang- aralin at
ipasa paharap.
Opo.
Ipapaskil ko sa harapan ang ilang mga
programa sa telebisyon sa kasalukuyan.
Pumili lamang ng isa at sagutin ang mga
katanungang nakasaad sa mga kahon.

Mga Programa sa Telebisyon


S.O.C.O
iWitness
Rated K
Kapuso mo, Jessica Soho
Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano
ang isang tanong na nais mong tanungin
sa mga tao sa likod ng pelikula o palabas
na ito?
iWitness. Gusto ko pong itanong kung
paano nila ginagawa ang dokumentaryo.
Rated K. Nais ko pong itanong kung anoano ang kanilang paksa sa dokumentaryo.
Salamat sa pagbabahagi ng inyong
kaisipan.
b. Paglalahad
Ngayon klas ay ipagpapatuloy natin ang
ating paksang dokumentaryong
pampelikula.
c. Pagtatalakay:
Anumang bagay na ating nakikita,
napakikinggan at napapanood ay may
malaking impluwensya sa ating kaisipan,
gawi, at pananaw sa buhay. Halimbawa,
nagkalat ang bali- balitang may sibrung o
mga nangingidnap ng tao. O kaya naman
ang isyu ng tanim bala sa airport.

Tama!
Ganoon din sa ating pagkahilig sa social
media. Hindi tayo nagpapahuli sa kung ano
ang trending na video, musika, at iba pang
napapanood.

Yes maam. Apektado kami dahil pati kami


ay natatakot na ring lumabas ng bahay na
mag- isa lalo na tuwing gabi.

Yes maam. Katulad na lamang ng sikat na


kwento ni Vince at Kath. Trending sa
facebook at twitter.

Ang mga nangyayari sa ating paligid ay


may kinalaman sa pag- usbong ng
kulturang popular. Ano ang kahulugan ng
pop culture?
Ang kulturang popular ay mga anyo na
panitikan na makabago ang pamamaraan,
estilo at anyo.
Ito ay nauugnay sa mga bagay na
kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao
sa kasalukuyang panahon.
Ano ang mga halimbawa ng mga kulturang
popular?
Halimbawa nito ay print media gaya ng
wattpad, broadcast media at ang
dokumentaryong pampelikula.
Ano sa palagay ninyo ang
pinakapangunahing layunin ng mga
ganitong uri ng panitikan.
Upang makapagbigay ng impormasyon at
ipakita ang katotohanan sa buhay
.
Para makahikayat sa mga tao.
Upang magpamulat ng kaisipan tungo sa
kamalayang panlipunan.
Lahat ng inyong kasagutan ay tama!
Bigyan natin sila ng GOOD JOB clap.
Tandaan niyo klas na isa sa mga
pangunahing instrumento sa pagtataguyod
sa kulturang popular ay ang integrasyon at
paggamit ng ICT upang lalong
mapalaganap ang ganitong akdang
pampanitikan.
d. Paglalahat:
Dugtungan ang pahayag:
Mahalaga ang dokumentaryong
pampelikula sa aking buhay
dahil____________________________.
V. Pagtataya:
Sagutin ang mga sumusunod:

1. Isang uri ng pelikula na aktwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong mas
maging makatotohanan.
2. Mga pelikulang page 96

You might also like