You are on page 1of 73

Kontemporaneong

Panitikan Tungo sa Kultura


at Panitikang Popular

KABANATA III
Aralin 1

 Mga Dapat Maipabatid sa mga Social Media


User
 Mga Popular na Babasahin
 Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na
Komunikasyon
 Pagsulat ng balita o Komentaryo
Payabungin Natin B
Ang mga salitang nakasulat nang may
diin sa mga pahayag sa hanay A ay mga
salitang ginagamit sa mundo ng media.
Bigyang-kahulugan ang mga ito sa
pamamagitan ng pagpili ng kahulugan
nito sa mga salitang nakasulat sa hanay
B.
1. Epekto ng Social Media –
Sistema ng pakikipagunayan sa
mga tao kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi, at
nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa
isang Virtual na komunidad at
network.
2. Mga gawain ng blogger-
nagsusulat o gumagawa ng
mga sulatin, larawan, tunog,
musika, video, at iba pa
gamit ang isang tiyak na
website.
3. Paggamit ng hashtag- salita
o pariralang inuumpisahan
gamit ang simbolong # na
nakatutulong upang
mapagsama-sama sa isang
kategorya ang mga tweet sa
Twitter o maging posts sa
Facebook.
4. Responsableng netizens-
taong aktibong gumagamit
ng internet, mga taong
eksperto sa paggamit ng
social network.
5. Paggamit ng jejemon- tumutukoy
sa mga tao lalo na sa mga kabataang
mahilig gumamit ng mga simbolo at
mga kakaibang karakter ( titik at
simbolo) sa pagtetext na kadalasan ay
nagdudulot ng kalituhan; isang
paraan ng pakikipagtalastatasan ng
mga kabataan sa kasalukuyan.
6. Mahalaga ang netiquette sa
paggamit ng social media-
tamang kaasalan o pag-uugali
na dapat ipamalas sa paggamit
ng Internet o social media.
7. Trending ang post o
status- malawakang
nababanggit o napag-
uusapan sa internet
partikular sa social media
web sites.
Mga Dapat
Maipabatid Sa
Mga Social Media
User
Sagutin Natin B

Tukiyin ang tiyak na layon


ng teksto batay sa
mensaheng isinasaad ng
mga pahayag.
Sagutin Natin C
Sa katotohanan, isang malaking
kapakinabangan kung ang isang tao ay
marunong o bihasa sa paggamit ng mga
makabagong teknolohiya gaya ng iPad,
computer, multimedia gadget, at iba pa
sapagkat sa pamamagitan ng mga ito ay
nagiging madali ang pagkalap ng mga
impormasyon.
Subalit minsan, nagdudulot ito ng mga
negatibong epekto lalo na sa buhay ng mga
kabataan kung mali ang paggamit ng mga
ito. Sa pamamagitan ng pananaliksik gamit
ang mga aklat o Internet ay iyong alamin
ang mga positibo at negatibong epekto ng
paggamit ng media o teknolohiya sa buhay
ng mga kabataan. Gamit ang Fish Bone
Organizer ay ilahad mo nang maayos ang
mga ito saka sagutin ang iba pang tanong
sa ibaba.
Buoin Natin
Gamit ang graphic organizer sa ibaba ay
magtala ka ng tatlong maling gawaing
dapat iwasan sa paggamit ng social media
na binanggit sa akdang binasa. Maglahad
ka rin ng iyong sariling pananaw kung
paano mo maiiwasan ang mga gawaing ito
bilang isang responsableng netizen sa
kasalukuyan.
Mga Popular na
Babasahin
Pahayagan

Tunay na malaki ang ginagampanang


papel ng mga balita sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng mga Pilipino. Upang
tayo ay maging bukas at mulat sa mga
napapanahong pangyayari sa sinisikap ng
bawat isa na matutukan ang mga
pangyayari sa ating paligid o lipunan.
Bagama’t marami na ang
nagbabasa ng mga balita sa
Internet ay marami pa rin ang
patuloy na tumatangkilik sa
mga pahayagan na isang uri
ng print media na nananatiling
buhay at bahagi ng ating
kultura.
Komiks

Isang grapikong midyum na ang mga


salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento. Ito
ay ibinibilang ding isang makulay at
popular na babasahin na ang layunin ay
magbigay-aliw sa mga mambabasa,
magturo ng iba’t ibang kaalaman, at
magsulong ng kulturang Pilipino.
Magasin

Isa rin uri ng babasahing popular


na kinahuhumalingan ng mga
Pilipino dahil sa aliw na hatid
nito at mga impormasyong
makukuha rito.
Kontemporaneong Dagli
Ang dagli ay isang anyong
pampanitikang maituturing na
maikling maikling kuwento. Bagamat
walang katiyakan ang pinagmulan nito
sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito
sa unang dekada ng pananakop ng
mga Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba
para masabing dagli ang isang akdang
pampanitikan. Subalit sinasabing
kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng
isang maikling kuwento. Kabilang sa
kilalang mga manunulat ng dagli ay sina
Ed. Regalado na may bansag na
Tengkeleng, Jose Coazon de Jesus,
Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio
Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K.
Santos.
Sa kasalukuyan, sinasabing
nagpapalit-palit ang anyo ng dagli
mula sa harap sa pahina ng mga
pahayagan hanggang sa maging
nakakahong kuwento sa mga
tabloid o tampok sa kuwento
(feature story) sa mga kolum,
pangunahing balita (headline) sa
pahayagan, at telebisyon.
Sa kasalukuyan, nagkaroon na ng
bagong kahulugan ang dagli, Hindi na
ito tinatawag ma dagli kundi
nagkaroon na ito ng ibang lehitimong
pangalan at katawagan- anekdota,
spice of life, day-in-life, at iba pa.
Mga Salitang
Ginagamit sa
Impormal na
Komunikasyon
Ang mga salitang karaniwan at palasak na
ginagamit sa mga pang-araw-araw na
pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa
mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa
impormal na mga salita. Ang impormal na
salita ay nauuri sa apat.
1. Lalawiganin
2. Balbal
3. Kolokyal
4. Banyaga
1. Lalawiganin (Provincialism)

Ito ang mga salitang kilala at saklaw


lamang ng pook na
pinaggagamitan nito. Kapansin-
pansin ang mga lalawiganing salita,
bukod sa iba ang bigkas, may
kakaiba pang tono ito.
2. Balbal (Slang)

Ang mga salitang ito ay tinatawag sa


Ingles na slang. Ang mga salitang ito
noong una ay hindi tinatanggap ng
matatada at mga may pinag-aralan
dahil hindi raw magandang pakinggan.
Ang mga salitang balbal ay tinatawag
ding salitang kanto o salitang kalye.
Palabuoan ng Salitang Balbal

1. Hinango mula sa mga salitang katutubo

gurang (matanda)
Utol (kapatid)
Buang (loko-loko)
Pabarabarabay (paharang-harang)
2. Hinango sa Wikang Banyaga

Tisoy,tisay – (mestizo, mestiza)


Tsimay, tsimoy (muchacha, muchacho)
Toma (tomar) inom
Kosa (Cosa Nostra)
Sikyo (security guard)
Orig (original)
Sisiw (Chicks)
3. Binaligtad

Bigat- gat-bi
Gutom- tom-guts
Dito- todits
Kotse- tsikot
Pulis-lespu
4. Nilikha

Paeklat- maarte
Hanep-papuri
Bonsai- maliit
5. Pinaghalo-halo

kilig- to the bones- paghanga


In-na-in – uso
6. Iningles

Weird- pambihira
Yes, yes yow- totoo
Bad trip- kawalang pag-asa
7. Dinaglat

 KSP- Kulang sa Pansin


 SMB- Style Mo Bulok
 JAPAN- Just Always Pray At Night
 SML- Share Mo Lang
 YOLO- You Only Live Once
8. Pagsasalarawan o
pagsasakatangian ng isang
Bagagy
Yoyo- (relo dahil ito ay hugis yoyo)
Lagay ( suhol dahil ito ay inilalagay )
Boga (baril dahil ito parang bumubuga)
Basag o durog ( nawawala sa sarili dahil
nakadroga)
3. Kolokyal( Colloquial)

Ito ay mga salitang ginagamit sa


pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan at pagkakabulgar,
bagama’t may anyong repinado at
malinis ayon sa kung sino ang
nagsasalita.
4. Banyaga
Ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang
ating wika ay mayaman sa wikang banyaga.
Walang salin sa Wikang Filipino.

You might also like