You are on page 1of 22

VERITAS COLLEGE OF IROSIN

IROSIN, SORSOGON
MajFil11 BARAYTI AT BARYASON NG WIKA
MODYUL 4
GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
(Unang Bahagi)
PANIMULA
Lubos na pinahahalagahan ang paggamit ng wika sa konteksto at mga gawing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino. Mahalagang malaman ang pinanggalingan ng mensahe
gamit ang wika tungo sa epektibong komunikasyon.
LAYUNIN
1. Nailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at
larangan.
2. Nagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino.
3. Nakapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamahitan ng tradisyunal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.

TALAKAYIN NATIN:
Komunikasyong Filipino at Sitwasyong Pangwika
Upang makapagpahayag nang epektibo gamit ang wikang Filipino, kinakailangang pag-
aralan at matutuhan ng mag-aaral ang kulturang Filipino (Mangahis, 2011). Ayon kay Covar
(1988; sa Mangahis, 2011), upang lalong maunawaan ang Filipinolohiya-sistematikong pagaaral
ng Filipinong kaisipan (psyche) at Filipinong kultura at Filipinong lipunan-iminumungkahi na
masusing pag- aralan ang teorya sa Filipinolohiya. Sa ganitong punto, sinipat ang aralin sa pag-
aaral ng komunikasyon na ginagawa ng mga Pilipino at sa kung saan nagkakaiba-iba ang
gawing ito sa kahulugan ng Pilipino.
Kahulugan ng Komunikasyon
Ayon kay Merriam-Webster, ang salitang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na
" communicare", na nangangahulugang magbanagi' o "magbigay". Ang komunikasyon ay
pagpapalitan ng ideya o opinyon, paghatid at pagtanggap ng mensahe sa sa pamamagitan ng
telepono, telegram, kompyuter, radyo telebisyon at iba pa.
Bukod sa etimolohikal na kahulugan ng komunikasyon, sa libro na Komunikasyon sa
Akademikong Flipino ni Aguilar (2014), maraming eksperto ang may iba pang kahulugan nito:
"Ito ay pagbabahagi ng ideya at damdamin sa estado ng pagakaunawaan." -Dale (1969
"Transmisyon mga impormasyon, ng ideya, pag-uugali, o damdamin at kasanayan... Sa
paggamit ng simbolo."-Berelson at Steiner (1964).
"Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, paguugali, o damdamin mula sa isang tao o
pangkat ng mga tao patungo sa kaniyang kapuwa...karaniwang isinasagawa sa pamamagitan
ng mga simbolo." -Theodorson (1969) Maliwanag na batay sa kahulugan ng komunikasyon, ang
kaisipang ipinahihiwatig nito ay makipag-ugnayan sa kapwa, pakikipagpalitan ng nais ipahayag
sa iba at makapagbahag ng impormasyon.
Sitwasyong Pangwika
Sapagkat patuloy na umuunlad at nagbabago ang mundo, nagbabago rin ang paggamit
ng wika sa iba't ibang sitwasyon. Sa komunikasyon, maraming pamamaraan upang ibahagi ang
kaalaman, ideya, damdamin at iba pa gamit ang wika. Sa ibaba, makikita ang iba't ibang
sitwaysong pangwika na kasalukuyan nating ginagamit.
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
Filipino ang karaniwang ginagamit na wika bilang midyum sa telebisyon sa bansa. Sa
mga local channel, karaniwang palabas ay gumagamit ng wikang Filipino. Sinasabing ang
telebisyon ang pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang
media nakaaabot nito (Dayag at Del Rosario, 2016).
Ang paggamit ng wikang Filipino ng mga nagungunang estasyon sa telebisyon gaya ng
GMA 7, ABSCBN at TV5 ay malaking impluwensya sa pakikipagkomunikasyon ng mga tao. Ang
paggamit ng wikang abot at madaling maintidihan ay salik sa pagkatuto nang nakararami sa
pamamagitan ng panggagaya sa paraan ng pagsasalita mula sa mga napapanood sa
telebisyon. Mula sa mga programang Its Showtime, kung paano bumanat si Vice Ganda o kung
paano magbiro si Joey de Leon, sa programang eat bulaga ay maaaring ginagaya ng halos
milyong tao na sumusubaybay sa kanilang programa. Mabuti man o masama isang
mahalagang isaalang-alang ang wika sa telebisyon bilang komunikasyong Filipino.
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet
Ingles ang nagungunang wika na ginagamit sa social media at internet. Sa
kasalukuyan, halos lahat ng tao sa mundo ay gumagamit ng social media o naka-access sa
internet. Isa ang social media sa pinakaepisyenteng paraan sa pagpapadala ng mensahe sa
mga malalayongl lugar at mahal sa buhay. Kabilang sa mga popular na "social media account"
na ginagamit ay "Facebook", “Twitter” at "Instagram" na halos kayang ipadala o magpost ng lar
larawan dokumento, video at mga impormasyon.
Karaniwang nagaganap ang code switching bilang lengguwahe sa social media. Ang
"code switching" ay paggamit ng magkaibang wika sa loob ng isang pahayag Madalas
nagaganap ito sa salitang pagpapahayag (Carpio ag at Castillo, et al., 2012). Sa Sa internet,
bagama't marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang
nasusulat sa Filipino o Tagalog, nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Ang
pangunahing website at sa iba pang impormasyong mababasa, maririnig at mapapanood sa
internet ay nananatiling Ingles (Dayag at Del Rosario, 2016).
Sitwasyong Pangwika sa Text
Ang text message o text ay pagpapadala ng mensahe o Short Messaging System (SMS)
gamit ang mobile/cellular phones na madalas gamitin sa pakikipagtalastasan sa kasalukuyan.
Dahil ang teknolohiya ay patuloy na nagbabago at bahagi ito ng kultura, malaki ang
impluwensya nito sa wika partikular sa paraan ng pagsusulat ng tao
Isa ang Pilipinas sa mga bansa na nanqunguna sa paggamit ng cellphone o
pagpapadala ng mensahe kaya kapansin-pansin din ang dami ng tao na naiimpluwensiyahan
ng wika sa text kapag sila ay nakikipagpalitan ng mensahe. Dahil ang gamit ng teknolohiya ay
upang mapadali ang gawain ng tao, ang pagpapaikli ng salita ay isang paraan para makatipid
ng oras at dami ng tina-type na letra na limitado lamang sa text. Ibig sabihin, mina-maximize ng
tao ang gamit ng teknolohiya na makikita sa paraan ng na kanilang pagsusulat. Ito ang Filipino
ng Text Messaging. Halimbawa na lamang ang "k" mula sa pinaikling "okay” o kaya naman ay
"nand2" o "d2" sa halip na nandito" o "dito". llan pa sa mga halimbawa ay gaya ng mga
Be Right Back BRB, Laughing Out Loud LOL, Go na Go o Game na Game G na G, Share ko
Lang SKL, Sorry Late Reply SLR, Share Mo Lang SML, Oh My Gosh o Oh My God OMG, On
the Way OTW, Make Out Make Out Lang MOMOL, See You Later SYL. Isa itong patunay sa
katangian ng wika na patuloy na nagbabago o dinamiko. At dahil papalawak ang tingin sa wika
at hindi pakitid, lumalabas na malikhain ang tao sa paggamit ng wika bagamat taliwas ito sa
istruktura ng pagsulat sa wikang Filipino.
Maraming paraan o midyum ng komunikasyon ang maaaring gamitin upang ipadala ang
mensahe. Ayon kay Labrador (2018), Naging malaking ambag na sa kulturang Filipino ang pag-
usbong at pag-unlad ng mass media. Gamit ang wika, pinadadali nito ang paghahatid ng berbal
na mensahe sa pamamagitan nito. Lalo pang pinabilis ang pagpaparating ng mensahe sa pag-
usbong ng mass media sa pagpapalaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng makabagong
teknolohiya. Sa kasalukuyan, sa araw- araw na pakikisalamuha ng tao, siya ay pinaliligiran na
nang mass media. Dinaranas niya ito sa pakikinig ng radyo, panonood ng telebisyon, pagiging
aktibo sa internet, at marami pang iba. Ginagamit din niya ang midya sa pamamagitan ng ibat
ibang midyum tulad ng cellphone, mga social networking sites at iba pang uri ng mga
elektronikong kagamitan. Naging malaking bahagi na ito ng pang-araw araw na gawain na siya
namang humuhulma sa kabuuang transaksiyon niya sa lipunan.
Kategorya ng Komunikasyon
May mga kategorya sa komunikasyon na hinati na maaaring sa dami ng nagsasalita o
nakikinig o kaya'y sangkot na sangkap sa komunikasyon (tsanel, midyum, at iba pa).

INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON-
Ito ay komunikasyong nagaganap sa sarili lamang. Kabilang ditto ang personal na
pagmumuni-muni, pagsasaulo ng mga ideya, pag-aanalisa o kaya naman ay pagsusulat para
sa sarili lamang.
INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON
Ang komunikasyong ito ay nagaganap sa pagitan ng higit sa isa na maaaring
kinasasangkutan ng nagsasalita at nakikinig o nagbabasa at nagsusulat. Kabilang sa anyong
interpersonal na komunikasyon ay dayadikong komunikasyon, pangkatang komunikasyon at
pampublikong komunikasyon.
a. Dayadikong komunikasyon- ito ay komunikasyong nagaganap sa dalawang tao
lamang. Hal. Pakikipagchat (hindi group chat), pakikipag-usap sa telepono, counselling.
b. Pangkatang Komunikasyon- ito ay binubuo ng higit sa dalawang taona sangkot sa
komunikasyon. Maaaring magkasindami ang bilang ng nakikinig at nagsasalita sa pangkatang
komunikasyon. Hal. Pagpupulong, inuman, kumperensiya. C. Pampublikong Komunikasyon- sa
komunikasyong ito, mas marami ang bilang ng nakikinig kumpara sa nagsasalita. Hal. Misa,
pagtuturo, talumpati gaya ng SONA.
KOMUNIKASYONG PANGMADLA o MASS COMMUNICATION
- ito ay kategorya ng komunikasyon na ginagamitan ng midya. Kabilang sa mga midyang
ginagamit Sa ganitong uri ng komunikasyon ang radyo, telebisyon, sa ganitong oyaryo o
pahayagan at social media.
VERITAS COLLEGE OF IROSIN
Irosin, Sorsogon

WORKSHEET- MODYUL 4
GAWING KOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
(Unang Bahagi)

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

Pangalan: Desiree D. Españo Petsa: Oktubre 22, 2022


Kurso at Taon: BSED III- FILIPINO Iskor: ____________

PAGSASANAY I

Ilarawan ang mga sumusunod:

1. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon


• Sa pakikipagtalastasan o pagpapahayag ng impormasyon kinakailangan na ang wikang
gagamitin ay mauunawaan ng tagapakinig. Upang magkaunawaan ang dalawa o higit pang nag-
uusap ay kinakailangan na ang wikang ginagamit ay muunawaan ng bawat isa, tulad na lamang
ng wikang Filipino na siyang ginagamit na medyum sa pakikipagtalastasan ng mga tao ito man ay
kaswal na pakikipag-usap o hindi. Sa telebisyon ang wikang ginagamit ay ang wikang Filipino
sapagkat ito ang wikang pambansa sa Pilipinas at dahil doon ay higit na mauunawaan ng mga
tagapanuod ang sinasabi sa telebisyon. Tulad na lamang sa mga palabas sa ABS-CBN, GMA, at
TV5 ang medyum na ginagamit ay ang wikang Filipino upang higit na maunawaan ng mga
tagapanuod ang mga pangyayari. Mahalagang isaalang-alang ang wikang gagamitin sa mga
ipinapalabas sa telebisyon upang higit na maunawaan ng mga tagapanuod ang pinapanuod nito.

2. Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet


• Sa paglipas ng panahon ang porsyento ng mga gumagamit ng social media at internet ay
patuloy na tumataas. Dahil sa mga benepisyong naibibigay nito sa tao ay mas lalo pa itong
nagugustuhan ng mga tao lalo na ang mga kabataan. Ang social media at internet ay malaking
tulong sa mga tao sa pagkakalap ng impormasyon, pakikipagkomunikasyon sa mga mahal sa
buhay na nasa malalayong lugar, nagbibigay aliw at iba pa. Karaniwang ginagamit na wika sa
social media ay ang wikang Ingles sa kadahilanang ang mga gumagamit ng websites o sites ay
mula sa iba't ibang panig ng mundo, bagaman ang ilan ay mayroong iniaalok kung anong
linggwahe ang nais mong gamitin ay kadalasan pa rin o ang pangunahing wika pa ring ginagamit
ay ang wikang Ingles. Ang halimbawa nito ay ang Facebook, Twitter, Instagram at iba pa.

3. Sitwasyong Pangwika sa Text


• Dahil sa pag-usbong ng teknolohiya ay mas lalo pang dumami ang gumagamit nito. Tulad
na lamang ng cellphone, ipad, tablet at iba pa. Kadalasang ginagamit ang mga teknolohiyang
cellphone, ipad at iba pa sa pagpapahayag o pagpapadala ng mensahe sa kauusap nitong nasa
malayo. Ang bansang Pilipinas ay tinaguriang "Texting Capital of the World" dahil sa dami ng
mensahe na ipinapadala ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtext sa kausap nito. Sa
pamamagitan ng pag text ay mas mabilis na naipapaabot ng tao ang mensahe na nais ipaabot sa
kausap nito. Ang wikang ginagamit sa pakikipag-text ay nagbabago o nag-iiba dahil sa limitado
lamang ang letra o salita na maaring ipadala sa text ay pinapaiksi ng mga ito ang salita. Tulad na
lamang ng salitang "okay" na naging "k", "Happy birthday" na naging "HBD" at marami pang iba.
Ang kadalasang wikang ginagamit ng mga tagapagpadala ng mensahe ay ang wikang kanyang
kadalasang ginagamit sa pakikipagtalastasan tulad na lamang ng paggamit ng dayalekto sa
kanilang lugar o paggamit ng wikang Filipino.

PAGSASANAY II

Ano ang impluwensya ng pagpapaikli ng mga salita sa wikang filipino bunga ng teknolohiya?

• Sa panahon ngayon, bahagi na ng buhay ng mga tao ang teknolohiya mula sa paggising
hanggang sa pagtulog. Kadalasang ginagamit ang teknolohiya tulad ng Cellphone, ipad at tablet sa
pagkikipagkomunikasyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Nakaktulong ang teknolohiya upang mas
mapabilis at magpadali ang gawain. Bunga ng teknolohiya ay nagkaroon ng mga pagbabago sa paraan ng
pagsasalita tulad na lamang ng pagpapaikli ng mga salita. Nagsimula ang pag-papaikli ng mga salita sa
pagpapadala ng mensahe o sa pamamagitan ng pagtext dahil limitado lamang dito ang salitang maaring
ipasok. Dahil doon ay nakagawian na ng mga ang pagpapaikli ng mga salita sa wikang Filipino. Isa rin sa
dahilan ng ibang tao sa pagpapaikli ng salita ay sila raw ay tinatamad mag type ng salita dahil sa haba
nito. Mayroon ding mga pangyayari kung saan ang paraan ng pagsasalita ng isang tao ay pinapaikli rin
ang pagbanggit sa buong salita tulad na lamang nga mga salitang "okay" na naging "k", "on the way" na
naging "otw" at iba pa. Bagaman nakagawian ng gawin ang pagpapaikli ng salita ay mahalaga pa ring
pahalagahan at itama ang paraan nang pagbanggit o pagsasalita ng mga salita upang hindi mawala ang
kahalagahan ng mga salita. Ang pagtama ng maling kinagawian ay paraan lamang upang ipakita ang
pagmamahal sa sariling wika at ito ang wikang Filipino.

Isinumite kay:

IMELDA G. NARVADEZ
Instruktor

VERITAS COLLEGE OF IROSIN


IROSIN, SORSOGON
MajFil11 BARAYTI AT BARYASON NG WIKA
MODYUL 5
GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
(Ikalawang Bahagi)
PANIMULA
Sa modyul na ito, sisimulan natin sa tanong na Ano-ano ang madalas na pinag-uusapan
ninyo ng iyong kaibigan? Kamag-aral? Pamilya? Guro? Sinasabing umunlad ang mundo bunga
ng pakikipagkomunikasyon ng tao sa kaniyang kapwa. Na walang taong nabubuhay nang mag-
isa. Lagi’t laging naghahanap ng pangangailangang makisalamuha sa iba.Dito papasok ang
komunikasyon,
LAYUNIN
1. Nailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa ibat’ ibang antas at
larangan.
2. Napalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan bilang Pilipino.
TALAKAYIN NATIN
Araw-araw nagaganap ang komunikasyon sa tao. Pasalita man o pasulat. Ang mga
bagay, bagama't hindi nakapagsasalita ay may sinasabing kahulugan na maaaring iba-iba sa
nagbibigay interpretasyon sa bagay na iyon. Tuwa ang hatid na kahulugan ng pagbibigay ng
bulaklak sa taong umiibig. Dalamhati naman sa taong nawalan ng mahal sa buhay.
Isa sa napapanahong usapin sa pagbibigay kahulugan ay ang Meme.
Ang terminolohiyang "Meme" ay sinimulang kinilala sa libro ng biologist na si Richard
Dawkins na The Selfish Gene noong 1976. Hango ito sa salitang "Mimeme" na ang ibig
sabihin ay mimicry. Inilahad ni Dawkins ang ‘Meme' bilang isang yunit ng pagsasalin, pagkopya
o limitasvon na kultura (ideya, paniniwala, pag- uugali atbp.) ng tao na maihahalintulad niya sa
isang “gene”. Tinukoy ni Dawkins ang Meme bilang yunit ng impormasyon na may kinalaman sa
cultural na ebolusyon ng tao.. Ika niya, ito ay nakapaloob sa pag-iisip ng tao patungo sa isa
pang "host" o pag-iisip ng tao. Dagdag pa niya, kaya nitong maimpluwensiyahan ang nasa
kanyang kapaligiran at kaya nitong lumago. Hindi lubusang naipaliwanag ni Dawkins kung
paanong ang pagkopya sa mga impormasyon ay nakaaapekto sa pag-uugali ng kaniyang
"hosf", dahil ang kabuuang paksa ng kaniyang libro ay nakapokus sa Genetics. Ang parte ng
pag-aaral niyang ito ay mas madaling natutukoy ang impluwensiya ng isang tao sa isa pang
katauhan sa pamamagitan ng isa pang tagakopya o "idea replicator" na mas kilala bilang
'Meme' (Dawkins, 1976 sa Alegado, et al., 2018).
Sa isinagawang pag-aaral nina Ponayo. et al (2018) tungkol sa impluwensiya ng Meme
sa mga mag-aaral, lumabas na maaaring ikonsidera ng mga mag-aaral ang Meme bilang
paraan ng pagpapahayag ng kanilang mga ideya sa online world. Dahil ang Memes ay
itinuturing na lingua franca ng mga internet user. Sa pagkababatid nito at sa paggamit nito,
madaling nakikipag-ugnayan ang bawat isa sa loob ng online world. At dahil ang meme ay
kasangkapan sa pagpapahayag ng ideya, nagiging daan din ito upang manghamak ng
personalidad ng iba. Bukod sa meme, ang mga Pilipino ay likas na mahilig sa pakikipag-
ugnayan gamit ang iba't ibang uri ng pakikipagusap o pakikisalamuha. Pansinin ang ilang
halimbawa.
TSISMISAN
Noong ikalabindalawang siglo, ang salitang gossip o tsismis sa Tagalog ay hango sa
sinaunang Ingles na kung saan ang pinagmulan ng salitang ito ay "god-sibbs". Ang God-sibbs
ay tumutukoy sa mga ninong o ninang na pinag-uusapan ang mga nangyari sa binyag o kahit
anong okasyon ng kamag-anak (Berkos, 2003). Pagkalipas ng ng ikaapat na siglo, ang
terminonng ito ay nagkaroon ng panibagong kahulugan na tinawag na idle chat o
pagkukuwento dahil walang magawa. Ito ay karaniwang naiuugnay sa mga kababaihan na
mahilig magsabi ng mga pahayag na hindi naman dapat na ikalat.
Noong panahon naman ng Kastila, ang tsismis ang tsismis ay may mabuting naidudulot
sa mga tao. Ito ay dahil sa pagkakalat at pagsasalin ng mga nasagap na impormasyon sa iba't
ibang tao upang mahuli ang magnanakaw sa magnanakaw sa espesipikong bayan. Lilitisin ng
hukuman ang sinoman na nasangkot sa tsismis batay sa kuro-kuro na nalikom. Ang tsismis ay
naging laganap na gawain nang nakararami noong panahon ng mga Kastila dahil sa represyon
sa pagpapahayag ng saloobin laban sa mananakop at dahil at dahil ang mga Kastila mismo ay
mahilig sa tsismis. Kaya hango sa. salitang Kastila "chisme" ang salitang tsismis (Castronuevo
at Regala, 2015).
Ang tsismis, bagama't isang negatibo ang pagtingin nang nakararami dahil sa gawaing
pag-usapan ang buhay ng isang tao nang puro kasiraan, hindi maitatanggi na bahagi ito ng
komunikasyon.
Lumabas sa pag-aaral nina Castronuevo at Regala (2015), na nahati sa dalawang
pananaw ang kababaihan tungkol sa tsismis bilang isang pamumuhay. Positibo at negatibo.
Positibo sapagkat naging daan ang tsisimis sa pagkakaroon ng kaibigan at nakapagbibigay-
aliw. Negatibo naman sapagkat ang tsismis para sa kanila ay isang masamang libangan na
naglalaman ng buhay ng tao.
UMPUKAN
Sa katunayan, ang umpukan ay gawain na nakabubuo ng maliit na grupo. Ayon sa
pinoydictionary.com, ang umpukan ay malit na grupo ng tao. Sa komunikasyon, ang umpukan
ay nakagawiang paraan ng pakikipagkuwentuhan na binubuo ng maliliit na pangkat. Maaaring
ang salitang umpukan ay kasingkahulugan ng pakikipagkuwentuhan.
May mga pag-aaral na ginagamit ang umpukan bilang metodolohiya ng pananaliksik.
Epektibo ito sa mga kuwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik. Ayon kay De Vera (nasa Pe-
Pua, 1989), ang pakikipagkuwentuhan ay waring mahusay na paraan na pagkuha ng datos
tungkol sa mga bagay na mahirap aminin ng tao, sapagkat sa pakikipagkuwentuhan, malaya
ang isa magpahayag ng anumang opinyon o karanasan. Ngunit, ayon pa rin kay DeVera ang
ganitong pamamaraan ng pananaliksik, ang magpatangay ang iba sa opinyon ng nakararami.

VERITAS COLLEGE OF IROSIN


Irosin, Sorsogon
WORKSHEET- MODYUL 5
GAWING KOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
(Ikalawang Bahagi)

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ____________


Kurso at Taon: ____________________________ Iskor: ____________

PAGSASANAY I

A. Ilarawan ang gawing komunikasyon ng mga Pilipino sa mga sumusunod:

Tsismis

1. Umpukan

2. Meme

B. Ano ang impluwensya ng Meme sa paghahatid ng impormasyon?

PAGSASANAY II

Pangatwiranan:

1. Ano ang kahalagahan at gamit ng meme?

2. Paano mo pinahahalagahan ang Filipino gamit ang mga gawing pangkomunikasyon gaya ng
tsismisan at umpukan?

3. Ang pag-usapan ba ang buhay ni Pangulong Duterte ay maituturing na tsismis?

Isinumite kay:

IMELDA G. NARVADEZ
Iinstruktor

VERITAS COLLEGE OF IROSIN


IROSIN, SORSOGON
MajFil11 BARAYTI AT BARYASON NG WIKA
MODYUL 6
KOMUNIKASYONG DI- BERBAL
PANIMULA
Lubos na pinapahalagahan ang gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ang
komunikasyong di-berbal. Lubhang mahalagang malaman ang isinasaad ng oras, distansya o
espasyo, paggamit ng simbolo at iba pa na nagbibigay ng kahulugan na walang gamit na
berbal.
LAYUNIN
1. Nagkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng komunikasyong di-berbal.
2. Nailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa di- berbala na
komunikasyon.
3. Nalaman kung paano nakatutulong sa pagkakaunawaan at pagpapahayag ng ideya o
impormasyon ang di- berbal na komunikasyon.
TALAKAYIN NATIN
May dalawang uri ang ang komunikasyon. Ang berbal na komunikasyon at di-berbal na
komunikasyon.
1. Komunikasyong berbal – ito ay uri ng komunikasyon na ginagamit ang wika.
Maaaring nasa anyong pasalita o pasulat.

2. Komunikasyong di-berbal – ito ay komunikasyong hindi gumagamit ng wika.


Kabilang sa komunikasyong ito ang kilos, amoy, kulay at iba pa na nagbibigay ng
kahulugan.

a. Chronemics – ito ay paggamit ng oras bilang mensahe sa komunikasyon.


Halimbawa, ang pagdalo sa unang araw ng klase ng maaga ay nagbibigay
kahulugan ng mas importanteng pagkikita. Gayundin ang pagtawag sa cellphone ng
kakilala sa kalaliman ng gabi ay maaaring makapagdulot ng kaisipang
pangangamba, pagkabahal o pagkatuwa dahil sa mensaheng ipinahihiwatig ng oras
na tiyak na mahalaga.

b. Proxemics – ito ay paggamit ng distansya o espasyo sa sarili sa iabng tao. Ayon sa


aklat na Wika at Komunikasyon nina Bernales, et al(2013), may mga pagkakaibang
kultural kaugnay ng distansyang pisikal at pag-aayos ng pisikal na seting ng mga
bagay- bagay. Sa Britanya, halimbawa, bibihira ang pisikal na kontak sa pagitan ng
mga tao. Maliban kung sila ay magkakaibigan, pakikipagkamay ang pinakatanggap
na anyo ng kontak.
c. Kinesics – ito ay tinatawag ding body language. Ito ay komunikasyong gumagamit
ng katawan bilang mensahe. Ilang halimbawa ng kinesics, ang paghawak sa ating
tiyan ay maaaring nangangahulugang tayo ay nagugutom o masakit ang tiyan. Gaya
ng kumpas kapag nagtatalumpati, may mga kahulugan ding ipinararating ang bawat
kilos kapag nagsasalita sa harap ng maraming tao.

d. Haptics – ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch kapag nagpapahatid ng


mensahe. Halimbawa, iba ang kahulugan ng mga salitang hawak, haplos, pisil,
hablot, himas at pindot. Bawat isa ay may angking kahulugan na hindi gumagamit ng
salita o berbal.

e. Iconics – ito ay paggamit ng simbolo bilang mensahe sa pagpapahayag ng


ko,umikasyon. Halimbawa, mga simbolong ginagamit sa kalsada bilang babala, mga
simbolong ginagamit sa gamot.upang tukuyin kung lason o hindi at mga simbolong
ginagamit sa pinto ng palikuran sa pagtukoy ng kasarian.

f. Colorics – ito ay komunikasyong ginagamitan ng kulay sa pagpapahayag ng


mensahe. Sa iba, may political na kahulugan ang kulay. Iba rin ang kahulugan ng
kulay na makikita sa kalsada, sa putting bandilang iwinawagayway at kahit sa itim na
damit.

g. Paralanguage – ito aykomunikasyong batay sa paraan ng pagbigkas ng pahayag.


May pagkakataong sumasang-ayon tayo sa kausap pero pagtanggi ang tono ng
pagkakasagot. Kabilang dito ang bilis, tono o intonasyon ng boses at diin ng
pagbigkas ng mga pahayag.

h. Oculesics – tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa pagpapahayag ng mensahe,


may kahulugan ang panliliiit ng mata, panlalaki at kahit pagkindat.

i. Olfactorics – komunikasyong gumagamit ng pang-amoy sa pagpaparating ng


mensahe.

j. Pictics – ito ay ekspresyon ng mukha sa pagpapahayag ng mensahe. Sa mukha


makikita kung ang tao ay malungkot, masaya, galit, nangangamba, natatakot at iba
pang uri ng damdamin.

k. Vocalics – paggamit ng tunog sa pagpapahayag ng mensahe. Hindi sakop sa


komunikasyong ito ang mga tunog na pasalita. Halimbawa ay pag- ehem o kaya ay
pag-tsk-tsk.
VERITAS COLLEGE OF IROSIN
Irosin, Sorsogon

WORKSHEET- MODYUL 6
KOMUNIKASYONG DI- BERBAL

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ____________


Kurso at Taon: ____________________________ Iskor: ____________

PAGSASANAY I

Bigyan ng tig-tatlong (3) konkretong halimbawa ang mga sumusunod:

1. Proxemics

2. Kinesics

3. Iconics

4. Colorics

5. Olfactorics

PAGSASANAY II

Paano nakatutulong ang di-berbal na komunikasyon sa mga sumusunod:

1. Sa pagkakaunawaan

2. Sa pagpapahayag ng ideya o impormasyon

Isinumite kay:

IMELDA G. NARVADEZ
Instruktor
VERITAS COLLEGE OF IROSIN
IROSIN, SORSOGON
MajFil11 BARAYTI AT BARYASON NG WIKA
MODYUL 7
MGA EKSPRESYONG LOKAL
PANIMULA
May mga pagkakataong nagkakaroon nang hindi pagkakaunawaan ang ilan dulot ng
impluwensya ng social media. Partilular ang mga ekspresyong ginagamit sa pagsasalita na
nagmumula sa social media. Tatalakayin sa modyul na ito ang mga nakagawiang pakikipag-
ugnayan ng tao sa kapwa na likas lamang sa isang particular na lugar.
LAYUNIN
1. Naipahayag ang mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
2. Nakagawa ng mga malikhain at mapaghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis..
TALAKAYIN NATIN
Ayon kina Garcia, et al. (2012), ang mga wikang pasenyas, wikang paaksyon at wikang
ginagamitan ng bagay ay mga uri rin ng di- berbal na komunikasyon na maaaring ituring bilang
ekspresyong local.
Ang ekspresyong local ay nakagawiang pakikipag- ugnayan ng tao sa kapwa na likas
lamang sa isang particular na lugar. Gaya ng wikang pasalita na bagama’t pareho sa baybay ay
nag-iiba-iba rin ito ng kahulugan batay sa kultura ng konteksto nito.
Ilan pa sa mga gawing pangkomunikasyon ay pakikipagkwentuhan, pagtatanong-
tanong, pagbabahaybahay at pulong- bayan. Lahat ng gawing pangkomunikasyon ay maaaring
pamamaraan sa pananaliksik o pangangalap ng datos. Sapagkat ang henerasyon sa
kasalukuyan ay pinalilibutan ng teknolohiya, halos lahat ng tao ay nagmamay-ari ng iba’t ibang
social media account.
Hindi kataka- taka na ang ekspresyong ginagamit sa pagsasalita ay nagmumula sa
social media. Noong 2016, may inilabas ang rappler. com na mga salita at pahayag na popular
sa social media at nadagdagan pa. Ito ay mga ekspresyong karaniwang ginagamit sa social
media. Ilan rito ay:
1. Lodi, petmalu, werpa, orbs
Likas sa wika ang pagiging malikhain. Ito ay kakayahan ng wika na bumuo ng mga
salita na may pinagbabatayan. Mula sa mga salitang pinagbabali- baligtad, nabuo
ang mga salita LODI mula sa IDOL, PETMALU para sa MALUPI(E)T< WERPA at
ORBS para sa BRO.
2. Pagod c acoe
3. Kyah pembaryah
4. Qigil, qaqo

VERITAS COLLEGE OF IROSIN


Irosin, Sorsogon

WORKSHEET- MODYUL 7
MGA EKSPRESYONG LOKAL

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ____________


Kurso at Taon: ____________________________ Iskor: ____________

PAGSASANAY I

Sagutin o Gawin:

1. Sa paanong paraan makikilala ang mga local na ekspresyon bilang pagkakakilanlan ng mga
Pilipino?

2. Bumanggit o magtala ng ilang ekspresyong local sa inyong lugar.

PAGSASANAY II
Pumili ng isang awiting pinoy. Suriin kung anu-ano ang mga gawing pangkomunikasyon na
binanggit at bigyan ito ng kahulugan sang-ayon sa liriko ng kanta.

Isinumite kay:

IMELDA G. NARVADEZ
Instruktor
VERITAS COLLEGE OF IROSIN
IROSIN, SORSOGON
MajFil11 BARAYTI AT BARYASON NG WIKA
MODYUL 8
WIKA AT WIKAIN NA UMIIRAL SA PILIPINAS
PANIMULA
Ang Wikang Pambansa ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa pang-araw- araw na
pamumuhay ng mga mamamayan. Sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan ang wikang
ginagamit ay ang opisyal na wika. Kung ating babalikan, noong Enero 12, 1937, ang dating
Pangulong Manuel L. Quezon ang nagsagawa ng pag-aaral hinggil sa pagpili ng wikang
Pambansa. Bawat kasapi ng lupong kumakatawan sa walong pangunahing rehiyon ng bansa
ang nagsasalita ng walong pangunahing wika. Mapagtatanto natin na ang rehiyunal na barayti
ay nagtataglay ng barayti depende sa lugar kung saan ito sinasalita.
LAYUNIN
1. Natutukoy ang pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika.
2. Natitiyak ang iba’t ibang kaantasan ng wika na nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan sa
kung saang lugar ito sinasalita.
TALAKAYIN NATIN
BARAYTI NG MGA WIKA SA PILIPINAS
1. Dayalekto
May pagkakaiba- iba o baryasyon sa loob ng isang wika. Ang Tagalog ay isang
wika sa Pilipinas na ginagamit ng mga tagarehiyong Tagalog sa Luzon. Sinasalita ito sa
Maynila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Bataan at
Quezon. Ang wikang tagalog ay mga barayti nito ang Tagalog- Maynia, Tagalog-
Bulacan, Tagalog- Cavite, Tagalog- Laguna, Tagalog- Batangas, Tagalog- Rizal,
Tagalog- Nueva Ecija, Tagalog- Tarlac, Tagalog- Bataan at Tagalog- Quezon.
Hindi lamang sa leksikon nagkakaroon ng pagkakaiba- iba sa loob ng isang wika.
Maaari ring sa pagbigkas ng mga tunog, intonasyon, pagbubuo ng mga salita o sap ag-
uugnay ng mga pangungusap. Sa linggwistika ay may tiyak na bilang ng baryasyon sa
talasalitaan, pagbubuo ng salita at pag- uugnay ng mga pangungusap para
madeklarang hiwalay na wika ang isang dayalekto.
2. Idyolek
Nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang pangkat ng
mga tao na gumagamit ng isang komon na wika ang idyolek. Napapansin natin sa ating
pakikipag-usap na ang bawat tao ay may sari- sariling bukambibig na salita o pahayag.

ANG MGA KAANTASAN NG WIKA


Ang antas ng kalinangan na narrating ng isang lipunan ay nagluluwal din ng iba’t ibang
kaantasan sa wika tulad ng mga sumusunod:
1. Pabalbal/ Balbal/ Panlansangan
Itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika na ginagamit ng mga tao. Sa
wikang Ingles ay tinatawag itong “ slang” na madalas marinig sa mga lansangan.
Subalit hindi ito maituturing ito na “bulgar” o lenggwaheng nararapat na ipagbawal.
Akmang akma sa kategoryang ito ang lenggwahe ng mga bading (bakla o jokla) at
mga “kanto boy” o istambay sa kanto.
Halimbawa:
Salita Kahulugan
Batsi/ puga alis/ takas
Atik/ datung pera
Bebot babae/ dalaga
Toyo/ soy sauce may sumpong
Amats may tama

2. Lalawiganin/ Panlalawigan
Tinatawag din itong dayalektal na tumutukoy sa wikang ginagamit sa isang
particular na lugar o pook. Palasak ito sa wikang filipino na malimit ding tawagin
bilang “False Friends among Philippine Languages” sa kadahilanang ang iisang
salita ay nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan depende sa kung saang lugar ito
sinasalita.
Halimbawa:
Salita Wikang Tagalog Wikang Waray- Waray
Bukid sakahan (farm) bundok (uphill)
Putik putik (mud) puwit (butt)
Bantay bantay (guard) humanda (ready)
Apoy apoy (fire) lolo/ lola (grandparents)

Salita Wikang Tagalog Wikang Cebuano


Hubad hubad ( naked) magsalin (translate)
Habol habol ( pursue) kumot (blanket)
Hipon hipon (shrimp) bagoong (shrimp paste)

Salita Wikang Tagalog Wikang Hiligaynon


Pagong pagong (turtle) palaka (frog)
Salita Wikang Tagalog Wikang Kapampangan
ibon ibon (bird) ebon (itlog)/ (egg

3. Kolokyal
Tinatawag na Lingua Franca o wikang malawakang ginagamit ng tao sa pang-
araw-araw na pakikipagdiskurso ang una sa dalawang uri ng wikang kolokyal. Sa
wikang Filipino, kilala ang pagkakaroon ng Taglish o Enggalog na may bahagyang
pagkakaiba sa isa’t isa.
Taglish ang pangiungusap na “Paki-erase mo naman ang blackboard”, at
Enggalog naman ang pangungusap na “Why are you so matagal ba?”
Ayon sa Komisyuner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Dr. Ricardo
Ma. Duran Nolasco, tinitingnan ang pangyayaring ito bilang isang linguistic
phenomenon sa punto de bista ng mga linggwista sa ibayong dagat. Dito ay umani
ng paghanga ang mga Pilipino mula sa mga banyaga dahil sa nagawa nilang
lumikha ng panibagong wika buhat sa pagsasama ng dalawang wika.
Ikalawa, ang tinatawag nating repinado na tumutukoy sa uri ng wikang ginagamit
sa silid-aralan, sa paglilimbag ng mga aklat, sa pagsulat ng mga batas gayundin sa
mga intelektwal at iskolarling pagpapahayag.

4. Pormal/ Pampanitikan/ Pang- edukado


Ito ang antas ng wikang ginagamit sa pagsulat ng iba’t ibang akda o mga
genreng pampanitikan. Tinatawag din itong pang- edukado sa kadahilanang
nangangailangan ito ng natatanging kasanayan katulad ng paggamit ng mga idyoma
o tayutay na pawing mga sangkap ng masining, maganda at epektibong
pagpapahayag.

VERITAS COLLEGE OF IROSIN


Irosin, Sorsogon

WORKSHEET- MODYUL 9
LINGGWISTIKO AT HEOGRAPIKONG VARAYTI SA PILIPINAS

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ____________


Kurso at Taon: ____________________________ Iskor: ____________

PAGSASANAY I

Sagutin:

1. Paano nakaaapekto ang kakayahan, kahinaan, saloobin at personalidad sa paggamit at


pagkatuto ng wika.
2. Sa sariling opinyon, bigyan ng reaksyon ang nagging bahagi ng mga paring kastila sa pag-aaral ng
wika sa Pilipinas.

PAGSASANAY II

Magtala ng dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Linggwistika sa Pilipinas.

Isinumite kay:

IMELDA G. NARVADEZ
Instruktor

VERITAS COLLEGE OF IROSIN


IROSIN, SORSOGON
MajFil11 BARAYTI AT BARYASON NG WIKA
MODYUL 9
LINGGWISTIKO AT HEOGRAPIKONG VARAYTI SA PILIPINAS
PANIMULA
Linggwistika ang teknikal na katawagan sa maagham na paraan ng pag-aaral ng wika.
Ang pag-aaral ng agham ay isang karunungan bunga ng matalinong kaisipan ng tao, Sa lahat
ng aspekto ng pamumuhay ng tao ay may malaking bahagi ng agham. Ang wika ay sinasabing
isang maimpluwensyang aspekto ng pamumuhay ng tao, kung kaya’t nangyaring nagsanib ang
agham at wika at iniluwal nito ang agham ng wika.
LAYUNIN
1. Nagkaroon ng kabatiran tungkol sa mga pamamaraan sap ag-aaral ng linggwistika.
2. Nagtataglay ng kaalaman hinggil sa mga kaugnay nap ag-aaral ng linggwistika at ang
pahapyaw na kasaysayan ng Linggwistikang Filipino.
TALAKAYIN NATIN
Ang anumang maagham na pag-aaral, pagtingin, pagsusuri at kabatiran sa wika kung
paano ito kumikilos at ginagamit sa larangan ng agham ay tinatawag na Linggwistika. Ang
Linggwistika ay maihahanay sa aralin ng agham-panlipunan o social science. Ang siyentipikong
pag-aaral ng wika ay tinatawag na LInggwistika.
MGA PAMAMARAAN SA PAG-AARAL NG LINGGWISTIKA
1. Linggwistikang Teoretikal
Tinatawag din itong Pangkalahatang Linggwistika (General Linguistics). Ang
pamamamaraang ito ay nag-aaral at nagsusuri ng wika batay sa kanyang kabuuang
kakanyahan (Universal Linguistics) upang makapagpaunlad at makabuo ng mga hulawarang
kaalaman sa wika. Ang pag- aaral ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantikang laman o
core ng Linggwistikang Teoretikal ang kabuuang kakanyahan ng wika.
2. Linggwistikang Aplayd
Ang pamamaraang ito ay nagsusuri at nag- aaral kung paano nagagamit ang mga teoryang
pangwika at mga pananaliksik na pangwika at pagkatuto ng wika. Binibigyang pansin din
nito kung paano nakaaapekto ang kakayahan, kahinaan, saloobin, at personalidad sa
paggamit at pagkatuto ng wika.
Mga Kaugnay na Pag-aaral ng Linggwistika
1. Sosyolinggwistiks- ang pag- aaral sa pagkakaugnayan ng mga aspektong sosyal at
wika at kung paano gumaganap ang wika batay sa katayuan o kalagayang panlipunan
ng mga gumagamit ng wika.

2. Historikal- Linggwistiks – ang pag- aaral ng pagbabago o ebolusyon at pagdedebelop


ng isang wika, gayundin ang pagkakaugnayan ng mga wikain.

3. Antropolohiyang Linggwistiks – ang pag- aaral ng wika at kultura at kung paanong


ang mga ito ay nagkakaugnayan; ginagamit ng antropolohiya ang wika upang
mabigyang linaw ang kaugnayan nito sa kultura.

4. Saykolinggwistiks – ang pagsasanib ng larangan ng sikolohiya at linggwistika upang


pag- aralan ang kakayahan at kalinangang pangwika batay sa kakayahang mental ng
gumagamit ng wika.

5. Pilisopikal- Linggwistiks – ang pag- aaral na nagsusuri sa pilisopiya ng wika;


tinitingnan ang prinsipyong gramatikal sa paggamit ng wika.

6. Nuero- Linggwistiks – ang pag-aaral ng pagproseso at representasyon ng wika sa utak


ng tao. Tinutukoy kung anong bahagi ng utak ang nagagamit sa pagbuo at pag- unawa
ng tao sa wika at tinitiyak kung nakalagak sa ating kaisipan ang kakanyahan ng wika
tulad ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at iba pa.
7. Pragmatiks – ang pag- aaral ng pagbibigay- kahulugan sa wika/ salita batay sa
konteksto.

PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKANG FILIPINO

Panahon ng pananakop ng Kastila, nagkaroon ng mga komprehensibong pag-


aaral sa agham ng wika. Masigasig na pinag- aralan ng mga paring Kastila ang mga
wikain ng mga Pilipino na nagbunga ng paglilimbag ng Doctrina Christiana(1953) at
nasundan pa ng mga babasahing pumapaksa sa Katolisismo. Sa panahong ito ay
lumalaganap ang imprenta sa Pilipinas na ginamit ng mga Kastila upang mabilis na
makabuo ng mga aklat sa gramatika at bokabularyo na nakalimbag sa iba’t ibang wikain
sa Pilipinas. Hindi maitatangging Malaki ang naiambag ng likhang ito ng mga paring
kastila sa panimulang pag- aaral ng wika sa pilipinas na naging gabay sa nga sumunod
nap ag- aaral sa wika.
Kung ang mga Kastilang pari ang nagsimula ng pag- aaral ng wika sa Pilipinas,
ang mga Amerikano naman ang sinasabing nagsimula ng maagham nap ag-aaral ng
wika sa Pilipinas dahil binibigyang- diin ang pag- aaral sa paggamit, istuktura, tunog,
bahagi ng pananalita at komparatibong pag-aaral ng mga wikain. Ang linggwistang si
Carlos Everett Conant ay isa sa naging tanyag sa pag-aaral ng wika sa Pilipinas.
Gumugol siya ng 18 taon mula 1908- 1916 upang pag- aralan ang mga piling paksa
tungkol sa wika tulad ng tunog ng /F/ at /V/ sa ilang wikain sa Pilipinas.
Ginawa rin niya ang pag-uuri- uri ng mga tunog na /R-G-H-Y/ at /R-L-D-G/ sa
mga wikain sa Pilipinas. Sina Frank R. Blake at Leonard Bloomfield, mga tanyag sa
larangan ng Linggwistika, ay ilan lamang sa tinaguriang haligi sa pagsisimula ng pag-
aaral ng linggwistika sa Pilipinas dahil sa mahuhusay nap ag-aaral at kontribusyon nila
sa larangan ng agham pangwika ng Pilipinas.
Ang inspirasyong dulot ng mga naunang pag-aaral sa wika sa Pilipinas ang
nagluwal sa tinaguriang kauna-unahang linggwistang Pilipino na si Cecilio Lopez. Siya
ay nagtaposs ng Ph.D, sa linggwistika sa Pamantasan ng Hamburg noong (labing siyam
dalawamput walo) 1928. Siya ang sumulat ng Gramatikang Tagalog (labing siyam apat
napu)(1940) bilang tugon niya sa pagpoproklama sa wikang Tagalog bilang batayan ng
wikang Pambansa. Nakagawa rin si Lopez ng maraming pag- aaral tungkol sa
ponolohiya, morpolohiya, at sintaks ng ilang wikain sa Pilipinas. Kahanay rin ni Lopez sa
katawagang Linggwista sina Ernesto A. Constantino, Consuelo J. Paz, Fe Otanes at
Teodoro Llamzon, dahil sa kanilang sipag at husay na pinamalas sap ag-aaral at
pagsusuri sa mga wikang umiiral sa Pilipinas.
VERITAS COLLEGE OF IROSIN
Irosin, Sorsogon

WORKSHEET- MODYUL 8
WIKA AT WIKAIN NA UMIIRAL SA PILIPINAS

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ____________


Kurso at Taon: ____________________________ Iskor: ____________

PAGSASANAY I

Bigyan ng Reaksyon:

1. Hindi kayang gayahin ng lahat ng mag-aaral ng pangalawang wika na gayahin ang idyolek ng
katutubong nagsasalita ng wika.

2. Kaugnayan ng kalagayang heograpikal ng bansa sa pagkakaroon nito ng iba’t ibang kultura.


PAGSASANAY II

Ipaliwanag:

“ Sinumang namimilosopiya sa pamamagitan ng pilosopiya ng ibang tao ay walang sariling


pilosopiya. Sinumang nasisiyahan na nag-iisip sa pamamagitan ng pag-iisip ng iba ay walang sariling
pag-iisip.”

- Prof. Florentino Timbrezo

Isinumite kay:

IMELDA G. NARVADEZ
Instruktor

You might also like