You are on page 1of 86

Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Filipino


I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin
ang mga sumusunod na sitwasyon ng wika.Piliin ang tamang letra ng
inyong sagot.Gawin ito sa isang buong papel.
_____1. Isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang
maiparating ang mga nasa saloob na ideya at damdamin ng
isang tao.
A. salita B. ugali C. Wika D. prinsipyo
_____2. May pinakamalaking parte sa pagbabago ng iba’t
ibang bagay katulad ng wika dahil sila ay nabibilang sa
henerasyon na may malawak na kapasidad sa pagtuklas.
A. sangkatauhan C. mamamayan
B. kabataan D. dalubhasa
_____3. Ang pinakauso sa panahon ngayon
pinakamababang antas ng wika nakaraniwang
ginagamit ng mga kabataan.
A. hugot C. balbal
B. pick up lines B. makabago
_____4.. Ito ay isang aplikasyon na kung saan maaari
kang magpahayag ng iyong nararamdaman,
katanungan at nais mong malaman at ipost.
A. Facebook C. Instagram
B. Messenger D. Blogs
_____5. Ito ay parang pagtetext lamang ang tanging kaibahan
lamang ito ay konektado sa internet at Facebook. Maaari
mong padalhan ng mensahe ang sinumang nais mo kung siya
ay mayroong Facebook account.
A. Facebook C. Instagram
B. Messenger D. Blogs _____
6. Isang sistema na nilikha para komunikasyon ng mga tao.
Nagbibigay daan ito sa paglikha ng at pakikipagpalitan ng
kaisipan at kaalaman sa bawat mamamayan.
A. Facebook C. Vlogs
B. Messenger D. Social Media
_____7. Ang itinuturing na pinakamakapangyarihang
media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga
mamamayang naabot nito
A. Facebook C. Messenger
B. Telebisyon D. Instagram
_____8. Ang tawag sa mga taong gumagamit ng mga
makabagong teknolohiya at karaniwang may code
switching sa paggamit ng wika.
A. Kabataan C. Netizens
B. Makabago D. Moderno
_____9. Isa sa mga nagsisilbing daluyan ng wika at madalas
gumagamit ng wikang Filipino (lingua franca), wikang Ingles o
Taglish, upang mailahad ang mga balitang nakapaloob dito sa
iba’t-ibang tao sa iba’t-ibang sulok ng bansang Pilipinas.
A. Pahayagan C. Aklat
B. Magasin D.Tabloid
_____10. Mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas
naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito.
A. Pahayagan C. Aklat
B. Magasin D.Tabloid
Mga Sitwasyong Pangwika at
Kakayahang Pangkomunikatibo
Aralin 1
Isulat Mo

Panuto: Gamitin mo ngayon ang iyong kaalaman sa


modernong teknolohiya.Bumuo ka ng isang makabuluhang
Facebook post na tatangkilik sa iba Aralin 1 Mga Sitwasyong
Pangwika at Kakayahang Pangkomunikatibo 3 lalo na sa mga
kapwa mo kabataan upang gamitin , ipagmalaki , at mahalin
ang ating Wikang Pambansa.Maaari mo itong lagyan ng
naaangkop o kaugnay na larawan upang higit na makakuha
sa atensyon ng iyong Facebook friends. Isulat ito sa isang
buong papel.
Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Marami ang
mga gamit o tungkulin ang wika sa lipunan. Ang wika din ay
isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga
tao. Hindi matatawaran ang mahalagang gamit nito sa
lipunan. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filipino ibig
sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay
ikinakahiya ang sariling wika?
Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng mga
mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man
lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya, at
kuro-kuro na nabuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga
tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling wika.
Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang Pambansa
ay gagamitin ito kahit kailan at saanman magpunta.
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na
ginagamit upang maiparating ang mga nasa saloob na ideya
at damdamin ng isang tao.
Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa
kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan,
makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t ibang opinyon at
kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay,
sitwasyon at pangyayari natumutukoy sa kahalagahan ng
wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.
Kasimbilis ng mga pagbabago sa buhay ang bilis ng
pagbabago sa wika. Walang tigil ang pagbabago sa
wika dahil walang tigil ang pagbabago ng kinalalagyan
at kinikilusan ng taong gumagamit nito. Dahil may
talino at galing na humanap ng paraan ang tao,
naibabagay niya ang kanyang wika sa pagbabago sa
kanyang kapaligiran at pangangailangan.
Ang mabilis na pagsulong at pag-unlad ng science
at teknolohiya ay sagot sa pangangailangan na gumaan
ang buhay ng tao. Kaagad itong nasasalamin sa wika.
Isipin na lang ang pagsulong ng teknolohiya sa isang
aspekto ng buhay, ang paglalakbay. Maraming bagong
salita ang maililista tungkol dito tulad ng bisikleta,
awto, jet, magjet, flayt, istuwardes, erport, pambot,
jip, motor, pasport, visa, at marami pang iba.
Sa sitwasyon na kinasasadlakan ng mundo ngayon,
makikita ang sarisaring pagbabago at pag-unlad ng iba’t
ibang bagay mula sa pananamit, pagkain, mga pelikula
hanggang sa wika at mga salitang ginagamit sa araw-
araw. Ilan sa mga sanhi nito ay ang mabilis na
pagbabago lalong lalo na sa teknolohiya, ang
pakikisabay sa uso ng karamihan at ang pag-abuso sa
karapatang kalayaan sa pagpapahayag.
Dahil sa impluwensya ng social media, hindi na
bago sa tenga ang mga salitang Selfie, Hashtag at Emoji
dahil ang mga ito ang karaniwang ginagamit ng mga
Pilipino sa panahon ngayon. Dahil maraming Pilipino
ang nakagagamit ng internet, nagkaroon ng
malawakang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin
at kaisipan, kasabay nito ay umusbong na rin ang mga
salitang bago sa ilan at tanging naiintindihan lamang ng
mga aktibo sa social media.
Ang mga kabataan ng modernong panahon ay saksi
sa mga pangyayari kung saan unti-unting naibaon ang
wika na ginagamit noong nakalipas na mga dekada. Ang
mga kabataan ang may pinakamalaking parte sa
pagbabago ng iba’t ibang bagay katulad ng wika dahil
sila ay nabibilang sa henerasyon na may malawak na
kapasidad sa pagtuklas.
Dahil dito, malinaw nilang nasusubaybayan ang
mga pagbabagong nagaganap sa paligidpartikular na
ang wika sa social media. Ang mga kabataan din ang
nagpapauso ng mga salitang hindi na angkop sa wikang
Filipino pero ang mga kabataan din ang may kapasidad
na pausbungin muli ang ating wikang pambansa kung
gagamitin sa tama ang social media.
Ang wika ang ginagamit ng mga tao sa pang-araw-
araw na pamumuhay upang magkaunawaan ang
bawat isa. Isa na rito ang paaralan kung saan ay dito
nahuhubog ang kaalaman at pag-uugali ng mga mag-
aaral at ito ang itinuturing na pangalawang tahanan.
Sa pormal na diskusyon ng mga aralin gumagamit ang
mga guro ng pormal na wika.
Gumagamit din ang mga guro ng di-pormal upang
higit na maipaliwanag ang aralin at higit na
maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin. Ang mga
mag-aaral ay gumagamit ng pormal ng wika sa
paggawa ng mga takdang-aralin at mga proyekto.
Nagkakaroon din ng di-pormal na paggamit ng wika
ang mag-aaral kung sila ay nasa labas ng silid-aralan at
tapos na ang klase at nakikipagkwentuhan sa kapwa
mag-aaral.
Sa panahon ngayon marami nang bagong salita
ang lumalabas at nadadala ng mga mag-aaral sa
paaralan tulad ng “pak ganern”,”boom panes” at
marami pang iba na maaring makaapekto at magamit
sa paggawa ng mga takdang-aralin o mga proyekto. Isa
rin sa nakakaapekto sa paggamit ng wika ay ang
pagtetext kung saan nagkakaroon ng pagdadaglat ng
mga letra ng salita dahil maaring ang nakasanayan sa
pagtetext ang maisagawa sa mga akademikong sulatin.
Mahalagang mapangalagaan ang wastong estado
ng wikang Filipino sa mga paaralan dahil ang itinuturo
sa paaralan ay maaaring dalhin ng mag-aaral sa
kanyang pagtanda
Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang
tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para sa
pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinion ,
obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay
isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto
ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay
kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa
iba ng panlipunang pagkakakilanlan.
Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na
mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at
pagkabansa ng isang bayan, mga personal na
obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay
isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto
ng isang komunidad o bansa.
Sa araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw ang
pakikipagtalastasan o pakikipagugnayan sa kanyang
kapwa. Halimbawa, sa loob ng klasrum ang
pagpapaliwanag ng guro ng mga leksyun habang
nakikinig ang mga estudyante at pagkatapos ay
magkaroon ng interaksyon batay sa paksa na kung
saan ang guro ay magtatanong at ang mag-aaral ay
sasagot. Ito’y isang pakikipagtalastasan.
Gayundin naman sa lansangan o sa palengke, ang
transaksyon na nagaganap sa mga mamimili o samga
nagtatanong upang magkaroon ng ugnayan, ito ay isang
paraan ng pakikipagtalastasan.Sa tanggapan o sa
opisina ng mga empleyado at kung may mga kliyente
silang kakausapin,ito ay isang pakikipagtalastasan. Ito
ang nagpapatunay na ang pakikipagtalastasan ay isang
gawaing pang-araw-araw kasabay ng modernisasyon at
paglunsad sa mga makabagong teknolohiya" ay patuloy
din ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino.
Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat-ibang
paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang
baybay ng wikang Filipino" ilang halimbawa ng
pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng
akronim o ang paggamit ng mga letra na sumasagisag
sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang
salita upang mas madaling maintindihan. Sumunod na
halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na
ginagamit noong unang panahon upang mas
magandang bigkasin at pakinggan.
At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang
paggamit ng mga balbal na salita" ang
pinakamababang antas ng wika nakaraniwang
ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral sa
urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng
bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang
pamumuhay maging salipunan at ekonomiya.
Ayon kay Jomar I. Empaynado ,
isang propesor at manunulat , isa sa
sitwasyong panwika ay anumang
panlipunang phenomenal sa
paggamit at paghulma ng wika .
Ayon kay Ryan Atezora , isang akademiko
sa Wikang Filipino ito na ang sitwasyon ng
wika ay kung gaanong wika ang goinagamit
sa iba’t ibang sektor ng lipunan at ang status
ng pagkagamit nito.Samakatuwid ang
sitwasyong pangwika ay mga pangyayaring
nagaganap sa lipunan namay kinalaman sa
patalaran sa Wika at Kultura.
Gamit ng Wika
Ang wika ang nagsisilbing tulay sa mabisang
komunikasyon, mas epektibong pakikipagtalastasan at
mas epektibong pakikipag- ugnayan. Sa pamamagitan
ng paggamit ng wika malaya nating naipapahayag ang
ating saloobin at kaisipan hinggil sa mga bagay- bagay.
Ang wika ay isa ring napakahalagang instrumento
sapagkat ito ang nagiging tulay sa pagkakabuklod
buklod ng mga mamamayan ng isang bansa.
Pinagtitibay nito ang diwa ng pagkakaisa at
pakakintindihan ng mga mamamayang nasasakupan.
Bukod dito, ang pagkakaroon din ng sariling wika ay
nakakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng isang
bansa. Kung kaya, bilang isang kabataan ng bagong
henerasyon dapat nating pangalagaan at tangkilikin
ang wikang sariling atin.
Social Media at Wikang Filipino sa
Akademikong Pag-aaral

Ano-ano ba ang iba’t ibang uri ng social


media at paano ito nakatutulong sa
akademikong pag-aaral?
Isa sa pinakakilala at pianakamaraming
gumagamit na social media ay ang Facebook. Ito ay
isang application na ung saan maari kang
magpahayag ng iyong nararamdaman, katanungan at
nais mong malaman at ipost. Maaari itong makita ng
mga friends o kaibigan mo sa app din na ito, maaari
silang magreact base sa kanilang nais hingil sa paksa
na iyong ipinahayag.
Maaari din silang magkumento rito at maaari
nila itong ibahagi sa iba. Ito ay nakatutulong sa
paraang maaari kang magpost ng mga katanungang
na nais mong alamin at maaari itong sagutin ng iyong
mga kaibigan. Dahil na rin sa maaari namang ibahagi
ang post ng iba mabilis na kumakalat ang isang
impormasyon na at nagiging dahilan ng pagkakabasa
ng mga estudyante na maaaring magdulot ng
pagkatuto ng mga bata.
Isa pa ay ang Messenger, ito naman ay parang
pagtetext lamang ang tanging kaibahan lamang ito
ay konektado sa internet at Facebook. Maaari mong
padalhan ng mensahe ang sinumang nais mo kung
siya ay mayroong Facebook account. Maaari ring
gumawa ng grupo na bawat mensaheng inilalagay
roon ay makikita ng lahat ng miyembro ng grupong
ito.
Dito ay maaari kang magtanong at mabilis ka
ring masasagot ng iyong kaibigan.Marami pang ibang
uri ng social media na maaaring makatulong sa
akademikong pagaaral. Isa itong magandang
senyales na ang mga app na ito ay nagagamit ng
tama. Ngunit laging tatandaan ang lahat ng sobra ay
maaaring makasama.
Sa makabagong henerasyon mababatid natin ang
mga epekto ng makabagong teknolohiya sa ating
wika at kultura. At dahil sa malikhaing pag-iisip at
pananaliksik nakakatuklas ang ang mga tao ng mga
bagong kaalaman tungkol sa teknolohiya katulad na
lamang ng mga “social media”. Ang social media ay
isang sistema na nilikha para komunikasyon ng mga
tao. Nagbibigay daan ito sa paglikha ng at
pakikipagpalitan ng kaisipa kaalaman sa bawat
mamamayan.
Sa pamamagitan din nito malayang
nakakapagpaskil at nakakapagbahagi ng kaalaman at
mga larawan ang isang indibidwal. Hindi na rin lingid sa
ating kaalaman na ang paggamit ng social media ay
may malaking ambag sa pag unlad ng pagkatao ng
isang mamamayan.Sa kasalukuyan maraming kabataan
ang 7 gumugugol ng oras sa paggamit ng iba’t ibang uri
ng “social media”. Isang halimbawa nito ay ang
“facebook”. Ang “facebook”. Ay isang uri ng aplikasyon
na kung saan maaring magbahgi ng mga ideya o
karanasan ang isang indididwal ng gumagamit nito.
Hindi rin natin maikakaila marami sa kabataan
ngayon ang gumagamit ng “facebook” sa
pakikipagtalastasan. Sa paggamit ng sistemang ito
malayang nilang naipapahayag ang mga kumentong
nais nilang iparating hinggil sa mga pahayag na
nakapaskil sa “facebook” ng isang kaibigan o kakilala.
Nagsislibi itong tulay sa malayang
pakikipagkomunikasyon. Nakakatulong ito upang
mapaunlad ng isang indibidwal ang kakayahan sa
pakikipagkomunikasyon.
Dito naipapahayag nila ang positibo at
negatibong opinion hinggil sa isang paksa.
Natatalakay din at nabibigyang linaw ang mga isyung
napapanahon. Sa kabuuan ang paggamit ng social
media ay isang mainam na paraan upang mapalawak
ang pansariling kakayahan upang makapagpahayag
gamit ang sariling wika.
Sa panahon ngayon, mahalagang ding malaman ng
mga kabataan ang tamang paggamit ng social media
upang lalong mapalawak ang kaalaman atkakayahang
magpamalas ng saloobin hinggil gamit ang wikang
Filipino.
Sa kabila ng lahat ng pagbabago at paglaganap ng
iba’t ibang teknolohiya sa mundo, hindi pa rin
tuluyang mapalitan ang telebisyon bilang isang
pangunahing paraan ng telekomunikasyon. Ito’y
sistema para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga
gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.
Ito’y pangmasang panghatid ng libangan,
edukasyon, o mga balita. Ngunit ano ang nagagawa o
tulong ng telebisyon sa pag-unlad ng Wikang Filipino?
May masama ba itong dulot sa mga kabataan lalo’t
higit sa maling paraan ng pag-gamit nito? Sa Wika
Filipino?
Telebisyon sa pagpapaunlad ng
Wikang Filipino
Sa paggamit ng telebisyon ay nakakapagbigay ito
ng impormasyong pormal at di-pormal na mayroong
malaking epekto sa ating mga manonood. Hindi
katakatakang nagagawa nitong maipluwensiyahan
ang paraan ng pamumuhay ng masa, lalo na ang
wika. Nagdudulot ito ng madaling pagkakatuto at
madaling pagbigkas ng mga salita lalo na sa mga
kabataan ngayon.
Ngunit sa kabilang banda nito ay nagdudulot pa rin ito ng
masama o mga salitang hindi na-aangkop sa pagkakaroon
ng magandang lipunan, tulad ng pag-papaikli ng mga salita
at, ang mga binabanggit o naririnig sa telebisyon na mga
salitang hindi na masyadong makahulugan. Ngunit
nakakatulong pa rin ang telebisyon sa pag-unlad ng wika,
na mababakas sa pang-araw-araw nating pakikipag-
ugnayan sa ating kapwa. Sapagkat sa pagtangkilik sa
telebisyon ay syang pag-unlad rin ng Wikang Filipino..
Isang halimbawa, ay ang iba kulturang napapanood sa
telebisyon, na sa tulong nito’y madaling maintindihan dahil
sa mga larawan at sa pagbigkas nito. Nakakapagbigay rin
ito ng mga bagong salita na maaari nating gamitin sa
pangaraw-araw. Ngunit minsa’y may hindi ring magandang
kinakalabasan ang panonood ng telebisyon patungkol sa
pag-unlad ng Wikang Filipino, katulad ng mga mga salita,
parirala o kataga na pinasikat ng mga personalidad sa
telebisyon na naging bahagi na ng ating berbal na
komunikasyon.
At maging dahilan ng kakulangan ng kaalaman natin
sa wikang Filipino o sa hindi tamang pag-gamit nito.

Datapuwa’t ang telebisyon ay nakakatulong rin


sa magandang pagkaka-unawaan, dahil sa ibang mga
salitang ating naririnig. At mas napapalawak ang
ating kaalaman sa tulong ng mga larawang ating
nakikita.
Wika sa Pahayagan
Ang mga pahayagan ang isa sa mga nagsisilbing
daluyan ng wika. Ang mga pahayagan ay madalas
gumagamit ng wikang Filipino (lingua franca), wikang
Ingles o Taglish, upang mailahad ang mga balitang
nakapaloob dito sa iba’t-ibang tao sa iba’t-ibang
sulok ng bansang Pilipinas. Mula pa sa mga
sinaunang panahon ay malimit nang ginagamit ng
mga pahayagan upang magbigay-balita ukol sa mga
isyung naganap, nagaganap, o gaganapin.
Ngunit, ano ba ang mayroon sa wikang ginagamit
sa mga pahayagan na nakakaakit ng mga mambabasa
upang makapagbigay-balita?Kung ating papansinin, ay
napakakomersyal rin ang paraan ng pagbabalita sa
mga pahayagan kaya ang madalas na nakapaloob dito
ay ang mga interesanteng salita. Hindi kumbensyunal
ang paggamit ng salitang pormal sa isang pahayagan.
Samakatuwid, isang malamang na dahilan ng
pagusbong ng mga pahayagan ay ang paggamit ng
mga aggresibo at mararahas na salita dito.
Nakakapukaw ng pansin para sa ibang mga
Filipino ang pagbabasa ng mga salita tulad ng “dedo”,
“Niletson”,”inambus”,”winalwal”,atbp. Ang paggamit
ng mga salitang aggresibo ay isang malaking sangkap
sa pagiging marahas at kapansin-pansin ang isang
krimen lalo na sa headlines ng pahayagan.
Sa kabilang dako, ang kapalit ng paggamit ng mga
mararahas na salita sa paggawa ng pahayagan ay ang
pagiging “sensationalized” ng mga balita dito. Dahil
dito ay marapat lang na isaisip natin na ang
pahayagan ay isang negosyo, kung kaya’t hindi
maiiwasan na maging “exaggerated” ang mga balitang
nakapaloob dito. Mula dito, mahihinuha ko na ang
wikang Filipino ang isa sa mga natatanging wika na
nagtataglay ng mga agresibo at mararahas na salita na
nakakapukaw ng pansin ng mga masa.
Kahit impormal at marahas ang tono ng wikang
ginagamit sa mga pahayagan, ay napakalas ng dating
nito sa iba’t-ibang mga Filipino. Ngunit, marapat lang
na isaalaala natin na hindi lahat ng balita na naisulat
sa paggamit ng agresibong mga salita ay kapani-
paniwala.
Wika sa Teknolohiya
Sa pag-usbong ng teknolohiya, sa paggamit nito
ng wika hindi natin maitatanggi na malaki ang
epekto nito sa ating sariling wika. Sa modernong
panahon mas madali na ang kumunikasyon kaya’t,
mas madaling maipapasa ang mga wikang
dipormal. Nakakatawang isipin na kahit tayo ay
mga Pilipino may iilang tao parin ang hindi ganoon
ka bihasa gamitin ang wikang Tagalog.
Ang mga Pilipino ay lulong na lulong na sa
social media. Ayon sa aming pananaliksik
mayroong 30 milliong tao ang gumagamit ng
facebook, 4.9 million naman sa twetter 25 million
sa youtube noong 2014. Dahil nga ba sa
teknolohiya ay mas umosbong ang di-pormal na
mga salita? Heto ang mga halimbawa ng mga di-
pormal na salita o mga balbal:
Ang telebisyon ang itinuturing na
pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil
sa dami ng mga mamamayang naabot nito. Ang
mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite
connection para marating ang malalayong pulo at
ibang bansa. Wikang Filipino ang nangungunang
midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga
lokal na channel.
Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon
na gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye, mga
pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and
public affairs, reality show at iba pang programang
pantelebisyon. Ang pagdami ng mga palabas sa
telebisyon partikular ang mga teleserye o
pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos
lahat ng milyon-milyong manununood ang dahilan kung
bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay
nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.
Sitwasyong Pangwika sa Radyo at
pahayagan.
Wikang Filipino ang nangungunang wika saradyo sa AM
man o sa FM. Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit
ng rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila ay
karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap. Sa dyaryo ay
wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at Wikang Filipino
naman sa tabloid. Tabloid ang mas binibili ng masa o
karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang
ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid: –
Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na
naglalayong maakit agad ang mambabasa. Ang nilalaman ay
karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad.
Hindi pormal ang mga salita.
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang
Pilipino. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika
ang ginagamit. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng
mas maraming manunuod na malilibang sa kanilangmga
palabas at programa upang kumita ng malaki. Malawak
ang naging impluwensya dahil satulong nito mas
marami ng ng mamayan ng bansa ang nakauunawa at
nakapagsasalita ng wikang Filipino. Ang nananaig na
tono ay impormal at waring hindi gaanong istrikto sa
pamantayan ng propesyonalismo.
Sitwasyong Pangwika sa text
Ang pagpapadala ng sms (short messaging system)
ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa
bansa. Humigit kumulang 4 na bilyong text ang
ipinapadala at natatangap ng ating bansa kaya ito ay
kinilala bilang “Text Capital of the World”. Madalas ang
paggamit ng code switching at madalas pinaiikli ang
baybay ng mga salita. Walang sinusunod natuntunin o
rule
Siwasyong Pangwika sa Social
Media at Internet
Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay
netizen. Karaniwang may code switching. Mas pinag-
iisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago ipost.
Ingles ang pangunahing wika dito.
Sitwasyong Pangwika sa iba
pang anyo ng Kulturang Popular
Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa
patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang ibàt
ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin
sa impluwensya ng mga pagbabagong pinanalaganap
ng media. Pagyabong ng paggamit ng social media sites
kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Pinterest,
Tumblr atbp. Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada ang
social life at kabilang na rin sa mga netizen.
Daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng
magkakaibigan o mga mahal sa buhay. Madaling
makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa
pamamagitan ng mga nakapost na impormasyon,
larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe (pm)
gamit ang mga ito. Karaniwang code switching ang
wikang ginagamit sa social media o pagpapalit palit ng
Ingles at Filipino sa pagpapahayag.
Sa sitwasyon na kinasasadlakan ng mundo
ngayon, makikita ang sarisaring pagbabago at pag-
unlad ng iba’t ibang bagay mula sa pananamit,
pagkain, mga pelikula hanggang sa wika at mga
salitang ginagamit sa araw-araw. Ilan sa mga sanhi nito
ay ang mabilis na pagbabago lalong lalo na sa
teknolohiya, ang pakikisabay sa uso ng karamihan at
ang pag-abuso sa karapatang kalayaan sa
pagpapahayag.
Dahil sa impluwensya ng social media, hindi na
bago sa tenga ang mga salitang Selfie, Hashtag at
Emoji dahil ang mga ito ang karaniwang ginagamit ng
mga Pilipino sa panahon ngayon. Dahil maraming
Pilipino ang nakagagamit ng internet, nagkaroon ng
malawakang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin
at kaisipan, kasabay nito ay umusbong na rin ang mga
salitang bago sa ilan at tanging naiintindihan lamang
ng mga aktibo sa social media.
Alam mo ba?
Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng
broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay
ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at
sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino
ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa
paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa
oras na bago matulog sa mga prime time na mga
panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga
dokumentaryong pantelebisyon
Buuin Natin

Panuto : Sa isang buong bondpaper , gumawa ng


isang blog ng napapanahong isyung panlipunan
sa radyo at telebisyon, mga patok na linya sa mga
pelikula at post sa social media na nagpapakita
ng gamit ng wika.Gawing gabay ang
halimbawa.Huwag kalimutang lagyan ng mga
sanggunian o mga pinagkukunankaalaman
Magagawa Natin

Panuto: Gawin ito sa isang buong papel. Iugnay ang


mga natutuhang paggamit ng wika ayon sa iyong
sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan sa
pamamagitan ng pagsasagawa nito.
Hindi na nga maikakaila ang lawak at dami ng naabot ng social media at ang papel nito sa
pagpapadaloy ng impormasyon at balita sa panahon natin ngayon.Bilang isang kabataang
Pilipino , Papaano mo gagamitin nang tama ang social media lalo na sa ating pang-araw –
araw na gawain.Itala ang iyong mga saloobin kung papaano maging responsableng
mamamayan sa pagtugon nga panawagan ni Senator Win Gatchalian na maging
responsableng paggamit ng social media.

1._______________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________
4._______________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________

You might also like