You are on page 1of 8

“Kahalagahan ng Matatalinhagang Salita bilang pamamaraan sa

Pakikipagtalastasan”

Mga mananaliksik:

Ar-Jay G. Cantos

Gian Carlo S. Parza

Jomhar Kelly A. Catibog

Chester P. Furto

Albert James E. Borres

Shiela Mae E. Candor


Kabanata I

Ang Problema at Kaligiran nito

Panimula

Sa paglipas ng panahon at ang pag usbong ng modernong panahon ay

ganon rin ang pag-usbong ng makabagong wika at mga salita na ginagamit na

ngayon sa pakikipagtalastastasan. Tila nalilimutan ng mga Pilipino ang

matatalinhagang salita na pinamana ng mga sinaunang tao. Ngayon, mas pinipili

na ng mga Pilipino ang mga makabagong wika at salita kaysa sa mga

matatalinhagang salita para gamitin bilang pamamaraan sa pakikipagtalastasan.

Ang pakikipagtalastasan ay isang uri ng komunikasyon kung saan nag-

uusap at nagpapalitan ng mga ideya at opinyon ang dalawa o higit pang tao.

Mahalaga ang pakikipagtalastasan dahil dito naiibahagi ng isang tao ng malaya sa

ibang tao ang inaasam niyang sabihin at iparating.

Sa pagdating ng modernong panahon ganon rin ang pag-unlad ng

pakikipagatalastasan ng bawat Pilipino. Dahil sa makabagong naibentong

teknolohiya. Mas napalawak na ang pakikipagtalstasan ng bawat Pilipino sa buong

mundo. Kahit matatanda o mapabata ay ginagamit na ang makabagong

teknolohiya sa pakikipagtalatalastan. Kung noong una sa pamamagitan ng sulat o


liham lamang makakapagpadala ng mensahe sa malalayong kamag-anak o

kakilala. Ngayon sa simpleng pindot pindot lamang maaring makapagpadala ng

mensahe at makipag-usap sa mga malalayong kamag-anak o kakilala. Ngunit dahil

dito nakapag-imbento na ng mga makabagong wika at mga salita kung saan

pinapaikli, binabaliktad o binabago ang mga orihinal na mga salita. Na nagging

sanhi ng pagkalimot ng mga Pilipino sa paggamit ng mga matatalinhagang salita.

Ang matatalinhagang salita o malalalim na salita ay ang mga salitang may

malalalim na kahulugan. Kahit na maraming nag-uusabungang mga makabagong

mga wika at salita. Kahit na namatay na ang mga sinaunang tao na talagang

gumagamit ng mga salitang ito. Hindi dapat hindi ibaon sa limot ang

matatalinhagang salitang ito. Gamitin ito sa pakikipagtalastasan mapausap,

mapasulat, mapatext, o social media. Mahalaga na gamitin ang matatalinhagang

salita dahil dito naipapakita ng isang tao ang kanyang pagka-Pilipino. Dahil mas

napapalalim at napapalawak ng isang Pilipino ang kanyang kaalaman sa kulturang

Pilipino at wikang Tagalog.

Malaki rin ang tulong ng matatalinhagang salita sa pakikipagkomunikasyon

ng isang manunulat sa kaniyang mambabasa. Mas napapaganda at nagagawa

niyang kahali-halina ang kaniyang sinusulat na tula, kwento o sanaysay. Isang

halimbawa lamang nito ay isang lalaking gustong iparating ang kaniyang

nararamdaman sa isang babae. Sa pamamagitan ng matatalinhagang salita mas


napapaganda ang kaniyang isinulat at nakukukuha niya ang loob ng kaniyang

gustong babae dahil sa mamumulaklak na mga matatalinhagang salita. Binibigyan

rin ng matatalinhagang salita ng misteryo ang isang akdang sinusulat ng isang

manunulat. Dahil sa mga salitang ito may namumuong tanong sa isipan ng isang

mambabasa kung mababasa niya ang mga matatalinhagang salita na ito.

Maraming mga dahilan kung bakit unti-unting nakakalimutan ng mga

Pilipino ang matatalinhagang salita. Una, dahil sa mga naglalabasang makabagong

imbentong wika at mga salita. Pangalawa, dahil rin namatay na ang talagang

gumagamit nito kaya hindi na naiisabuhay at nagagamit sa kasalukuyang

henerasyon. Pangatlo, dahil na rin hindi na ito masyadong napapagtuunang pansin

sa paaralan, hindi na ito masyadong naiituro. At panghuli, mas pinipiling gamitin

ng mga Pilipino ang mga makabagong wika at mga salita kaysa sa mga

matatalinhagang salita dahil sabi ng iba sumasabay lamang ang mga Pilipino sa

uso.

Nakakalungkot na dahil sa mga modernong mga salita unti-unti na

nalilimutan ng mga Pilipino ang paggamit ng matatalinhagang salita. Mahalaga na

balikan at muling gamitin ang mga salitang ito kahit na marami na ang

naghihilerang makabagong wika at mga salita. Hindi lamang bilang pagbibigay

galang sa mga sinaunang tao kundi dahil ito ang isa sa pagkakakilanlan ng mga

Pilipino.
Ang isyung ito ay lubhang nakakaapekto sa kulturang kinagisnan ng mga

Pilipino, Tila nasakop na ng modernong mga salita ang isipan ng mga Pilipino. At

kung patuloy itong mangyayarin magdudulot ito ng pagkalito sa pagkakakilanlan

ng mga Pilipino. Hindi naman masama na gumamit ng mga makagong wika at

mga salita. Pero kung ito ang magiging dahilan upang malimutan ng mga Pilipino

ang paggamit ng matatalinhagang salita sa pakikipagtalastasan. Mas mabuting

pagtuunan muna ng pansin ang matatalinhagang salita bago ang mga makabagong

wika at mga salita.


Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-usbong ng mga makabagong wika ganon na rin ang unti-unti

pagkawala ng matatalinhagang salita. Unti- unti nang nalilimutan ng mga Pilipino

ang paggamit ng mga salitang ito sa pakikipagtalastasan.

Ang pananaliksik na ito ay sasagutin ang mga tanong na ito:

1. Ano ang pakikipagtalastasan?

2. Ano ang kahulugan ng matatalinhagang salita?

3. Bakit mahalaga na gamitin ang matatalinhagang salita?

4. Ano ang negatibong epekto ng pag-usbong ng mga makabagong wika?

5. Ano ang positibong epekto ng pag-usbong ng mga makabagong wika?

6. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng matatalinhagang salita sa

pakikipagtalatasan?

7. Ano ang mga dahilan ng pagkawala ng matatalinhagang salita?

8. Paano nakakatutulong ang matatalinhagang salita sa pakikipag-

komunikasyon ng isang manunulat sa mambabasa?

9. Paano nakakatulong ang matatalinhagang salita sa media?

10. Ano ang dapat gawin upang mapigilan ang unti-unting pagkawala ng

matatalinhagang salita?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang maipabatid ang

kahalagahan ng paggamit ng matatalinhagang salita sa susunod pang mga

henerasyon. Sa tamang paggamit ng matatalinhagang salita sa Filipino,

napapalawak ang kaalaman at napapataas ang antas ang kasanayan sa

pakikipagtalastasan. Layunin din ng pag-aaral na ito na maisabuhay pang muli ang

pag-aaral sa paggamit ng matatalinhagang salita. Gayundin, ang pananaliksik na

ito ang makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. sa tulong ng pananaliksik na ito mapapalawak ang kanilang

kaalaman at bokabularyo. Makakatulong rin ito upang maipamulat ang mga

estudyante sa mga kahalagahan ng paggamit ng matatalinhagang salita.

Sa mga guro. sa tulong ng pananaliksik na ito binibigyang ideya ang mga guro

tungkol sa pagkalimot ng mga estudyante sa paggamit ng matatalinhagang salita.

Sa pamamagitan ng ideyang napulot, maaaring isagawa ang mukhaing para

maiturong muli ang mga matatalinhagang salita.

Sa mga susunod na mananaliksik. ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay

upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nito ay mapapagkunan nila ito

ng karagdagang kaalaman at impormasyon.


Sa ibang mamamayang Pilipino. ang pananaliksik na ito ay magsisilbing

nagapamulat sa mga Pilipinong nasakop na ng modernong wika at mga salita.

Makakatulong ito upang maalala ng Pilipino na dapat gamitin ang

matatalinhagang salita.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tatalakay sa suliranin na lumaganap sa buong

bansa partikular sa pagkalimot sa paggamit ng matatalingang salita bilang

pamamaraan sa pakikipagtalastasan. Layunin ng pananaliksik na ito na malaman

ang Kahalagahan ng Matatalinghagang salita bilang pamamaraan sa

pakikipagtalastasan noon, ngayon at sa susunod pang henerasyon . Masasaklaw rin

rito ang mga nagging batayan, opinyon at reaksiyon na nakalap ng mga

mananaliksik patungkol sa kung paano nakakaapekto ang mga makabagong wika

at mga salita sa pagkawala ng matatalingang salita.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga estudyanteng Pilipino na Senior

High School ng Asian Institute of Computer Studies Batangas taong panuruan

2018-2019. Hinangad ng pag-aaral na ito na suriin ang pananaw at persepsyon ng

ilan sa mag aaral sa paaralang ito patungkol sa isyung tinatalakay.

You might also like