You are on page 1of 14

PAGPAPATAAS NG ANTAS NG KASANAYAN SA PAGBIBIGAY KAHULUGAN

MG MGA IDYOMATIKONG PAGPAPAHAYAG NG MGA MAG-AARAL

SA STEM 11-C SA PAMAMAGITAN NG DIGI-BOOKLET

Isang Pananaliksik
na inilahad sa Kagawaran ng Senior High School
Luis Palad Integrated High School
Lungsod ng Tayabas

Bilang Bahagi ng mga Kinakailangan


sa Pagtamo ng Asignaturang
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:
Bulawan Thristhan A.
Martinez Lance Hillary C.
Oabel Albert D.
Tabernilla John Paul B.
Arrojo Marslyn C.
Villalva Myra Princess R.
Zubieta Mary Ariane Mae L.

Hulyo 2021
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Rasyonal at Kaligiran ng Pananaliksik

Ayon kay Tan (2011) mahalaga ang wika sa tao sapagkat ito ang pangunahing kailangan

upang maipahayag natin ang ating damdamin, kaisipan, at iba pa. Ang wika rin ay ang

instrumento ng komunikasyon na nagbubuklod sa bansa, nag-iingat at nagpapalaganap ng

kaalaman, at lumilinang sa malikhaing pag-iisip.

Bukod dito ginagamit din ang wika sa pag bibigay ng ideya o palagay sa tulong ng mga

salita na maaaring pagsasalita o pagsulat. Dahil dito

Ayon kay Carlo (2019) Ang panitikan ay maituturing ding sining na nabuo sa

pamamagitan ng grupo ng mga salita. Karamihan sa literatura ay naipapahayag sa pamamagitan

ng pagsulat, at ang iba naman ay naipasa sa pamamagitan ng paggamit ng bibig o

pagsasalita.Ang panitikan ay maaring mabuo sa anyong tuluyan (prose) o anyong patula (poetry).

Ito din ay maaring maging piksyon (kathang-isip) at di-piksyon (batay sa totoong pangyayari).

Ayon kay Arenal, (2018), masasabi na ang mga Idyomatikong Pahayag o Salitang

Matalinghaga, ay isang parirala o pangungusap na ang kahulugan ay kumpletong magkaiba sa

literal na kahulugan ng salitang gawa sa matalinghagang salita. Ito rin ay naging

pangmalawakang gamit dahil ito'y mayroong makahulugang at nakatagong mensahe. Samantala,

ang pagkakaroon ng matagumpay na idyomatikong pagsasalin ay kinakailangan isalin ang diwa


ng salita sa payak na kahulugan, ang wikang isinasalin na matayutay ay dapat maging payak sa

wikang pinagsasalinan.

Kung minsan ang mga salitang binabanggit ng mga tao ay hindi direkta o may nakatagong

mas angkop na pagpapakahulugan para sa salita o pahayag na kanilang binabanggit. Kalimitan

ay na matatalinhagang salita o pahayag. Isa sa katawagan para rito ay ang idomatikong

pagpapahayag.

Ayon kay Leonardo, (2014), sa makabagong panahon patuloy na umuunlad at nagbabago

ang wika. Gumagamit din ang mga tao ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas

at paggamit ng wika. Halimbawa ay ang pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa pamamagitan

nito pinapalitan ang mga makabagong salita ang mga salita na ginagamit noon upang mas

madaling gamitin at mas magandang bigkasin at pakinggan. Pangalawa ay ang pinakauso sa

panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita.

Sa kasalukuyan, ang mga kabataan ay na eengganyo o nahuhumaling sa pag-usbong ng

mga makabagong salita. Kaya naman ang ng mga mananaliksik ay magsasagawa ng isang

pananaliksik patungkol sa antas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan ng mga idyomatikong

pahayag, bilang pagpapahalaga rin sa Panitikang Pilipino.

Isinasagawa ang pananaliksik na ito upang maisakatuparan ang suliranin na lumalaganap

sa mga mamayang Pilipino lalo na sa mga kabataan, tulad na lamang ng kahirapan sa

pagbibigay kahulugan sa mga matatalinhaga o mga idyomatikong pagpapahayag. At upang

maisakatuparan ang pananaliksik na ito ang mga mananaliksik ay gagamit ng Digi-booklet upang

magsilbing gabay sa mga respondante at kakalap ng mga impormasyon o batayan na

makatutulong sa kanilang pananaliksik.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa pagpapataas ng antas ng kasanayan sa

pagbibigay ng kahulugan ng mga idyomatikong pagpapahayag ng mga mag-aaral ng STEM 11-C

sa pamamagitan ng Digi-booklet.

1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan ng mga idyomatikong

pagpapahayag ng mga mag-aaral ng STEM 11-C bago gamitin ang Digi-booklet?

2. Ano ang antas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan ng mga idyomatikong

pagpapahayag ng mag-aaral ng STEM 11-C matapos gamitin ang Digi-booklet?

3. Mayroon bang mahalagang magkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan

ng mga idyomatikong pagpapahayag ng mga mag-aaral ng STEM 11-C bago at matapos

gamitin ang Digi-booklet

Paradima ng Pananaliksik

Ipotesis

Ho: Walang mahalagang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan

ng mga Idyomatikong Pagpapahayag ng mga mag-aaral ng STEM 11-C bago at matapos mabasa

ang Digi-booklet sapagkat tinanggap ito ang null hypothesis.

Paradima ng Pananaliksik

INPUT PROSESO AWTPUT


 Pag iisp ng maaring maging
paksa
 Pananaliksik ng suliranin na
nangyayari sa kasalukuyan May mataas na
Paunang  Pananaliksik ng maaring
solusyon kasanayan sa
Pagtataya  Gumawa ng layunin at pagbibigay ng
kahalagahan ng pananaliksik
 Pananaliksik ng mga kaugnay idyomatikong
nua-literatura at pag pag-aaral pahayag
 Gumawa ng survey
 Gumawa ng talatanungan ukol sa
napiling paksa
 Gumawa ng Digi-booklet
 Ipakunsulta sa gurong tagapayo
sa pananaliksik.

PROSESO

Pigura 1. IPO sa Pagpapataas ng Kasanayan sa Pagbibigay Kahulugan ng mga Idyomatikong

Pagapapagayag .

Ang pigura 1 ay nagpapakita ng input na naglalaman ng paunang pagtataya (pre-test) o

mga tanong na gagamitin ng mga mananaliksik. Ang unang pagtataya ay ang talatanungan ng

mga idyomatikong pahayag o salita. Ito ay mayroong limampung (50) mga katanungan. Ginawa

ito para sa mga respondante upang masukat ang kanilang antas ng kasanayan at kung ito ba ay

kanilang nauunawaan.

Proseso, una ito ay naglalaman ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga kaugnay na

literatura at pag-aaral ukol sa idyomatikong pahayag. Pangalawa, pagsasagawa ng surbey.

Pangatlo, paggawa ng talatanungan tungkol sa paksa na nahahati sa dalawang bahagi. Pangatlo,


pagpapakunsulta sa gurong tagapayo sa pananaliksik. Pang-apat, paggawa ng Digi-booklet.

Panglima, pagpapasagot ng panghuling pagtataya at pagkalap ng mga datos para sa naging

resulta ng mga respondante.

Awtput,ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang mapataas ang kasanayan sa

pagbibigay kahulugan ng mga Idyomatikong Pagpapahayag ng mga mag-aaral sa STEM 11-C

upang mas maunawaan pa ang ibat ibang uri ng mga pahayag o salita na may nakatagong

kahulugan na hindi madalas maunawaan ng mga kabataan.

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay may mga layuning mag lalahad upang maging mabisa ang

pananaliksik.Una,makuha ang antas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan ng mga

idyomatikong pagpapahayag ng mga mag-aaral ng STEM 11C bago gamitin ang Digi-

booklet.Pangalawa,nakuha ang antas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan ng mga

idyomatikong pagpapahayag ng mga mag-aaral ng STEM 11C matapos gamitin ang Digi-

booklet.Ikatlo,makita kung mayroong mahalagang pag kakaiba ang antas ng kasanayan sa

pagbibigay kahulugan ng mga idyomatikong pagpapahayag nga mga mag-aaral ng STEM 11C

bago at matapos gamitin ang Digi-booklet.

Ang pananaliksik na ito ay maglalahad ng mga kahalagahan ng pananaliksik at magiging

kapaki-pakinabang sa mga sumosunod.

Sa mga kabataan, mayroong mahalagang ambag ang pananaliksik na ito lalo na sa

pagiging pamilyar ng mga kabataan sa mga naririnig nila sa paligid. Makatutulong din ito upang
makadiskubre ang nga kabataan ng makabagong kaalaman ukol sa mga idyomatikong

pagpapahayag sa pamamagitan ng Digi-booklet. Makatutulong ang Digi-booklet upang mas

mapabilis ang pagbabahagi o pagpapasa ng mga impormasyon sa mga kabataan sa loob at labas

ng paaralan. Makatutulong ang Digi-booklet sa mga mag-aaral upang mahasa ang kanilang

kaalaman

Sa mga mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang maging gabay sa mga

mag-aaral. Makatutulong naman ang Digi-booklet sa mga mag-aaral upang mahasa ang kanilang

kaalaman sa mga idyomatikong pagpapahayag kasabay ng paggamit ng makabagong teknolohiya

na makatutulong sa kanilang pag-aaral.

Sa mga guro, ang pananaliksik na ito ay maaring maging basehan o batayan upang

magabayan ang mga mag-aaral ukol sa mga idyomatikong pagpapahayag sa tulong ng Digi-

booklet na magiging materyal sa pagtuturo.

Sa mga magulang, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing instrumento upang magabayan

ang kanilang mga anak na maibahagi ang mga idyomatikong pagpapahayag. Makatutulong ang

Digi-booklet sa mga magulang upang magkaroon sila ng kaalaman sa makabagong teknolohiya

kasabay ng kaalaman sa mga idyomatikong pagpapahayag.

Sa mga mananaliksik at sa mga susunod pang mananaliksik, ang pananaliksik na ito ay

makatutulong upang magkaroon ng basehan at gabay na mapagkukunan nila ng mga ideya na

may kaugnayan sa paksang ito.

Sa mga mananaliksik at sa mga susunod pang mananaliksik, ang pananaliksik na ito ay

makatutulong upang magkaroon ng basehan at gabayna mapagkukunan nila ng mga ideya na

may kaugnayan sa idyomatikong pagpapagpapahayag. Ang Digi-booklet na magsisilbing


materyal ay makakatutulong sa mga mananaliksik at susunod pang mananaliksik upang makuha

ang antas ng kasanayan sa idyomatikong pagpapahayag ng mga respondante.

REBYU NA KAUGNAY NA LITERATURA

Ito ay naglalaman ng mga literatura na may kaugnayan sa ginagawang pag-aaral ng mga

mananaliksik. Ang mga literaturang ito ay nag mula sa internet na sinuri upang mapanghawakan

ng mga manananiksik..

Ayon kay Bautista (2018), ang mga idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinghaga, ay

parirala o pangungusap na ang kahulugan ay kompletong magkaiba ang literal na kahulugan ng

salitang gawa sa matalinghagang salita. Gayunman ang idyomatikong pahayag ay naging

pangmalawakang gamit dahil itoy makahulugang mensahe.

Ayon kay Castro (2016),bahagi na ng wikang Filipino ang idyoma o sawikain. . Ang mga

ito ay nakatutulong at mabisang sangkap para maging maganda at makabuluhan ang bawat salita

na ginagamit.Nagpapatalas din ito ng kaisipan.Mga pahayag na di-tuwirang nag bibigay ng

kahulugan.Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa mga karanasan ng tao gaya ng mga

pangyayari sa buhay o mga bagay bagay sa paligid.

Ayon kay Daigo (2016), hitik sa mga matatalinhagang salita ang wikang Filipino. Ito ang

mga pahayag na may malalim o hindi tiyak na kahgulugan ng salita kung hindi nag lalarawan

lamang ng makasagisag kung hindi nag lalarawan lamang ng makasagisag . Makikita rito ang

pagkamalikhain at kagandahan sa paggamit ng sariling wika sa pamamaraang pagsulat o

pagsasalita.
Ayon kay Ghadz (2018),ang mga salitang patalinhaga na nagsasaad ng hindi tuwirang

paglalarawan .sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon, o pangyayari ay tinatawag na sawikain o

idiom sa wikang ingles. Madalas itong may aral na ipinapahiwatig para sa sintemyento sa isa o

grupo ng mga tao. Ang mga malalaim na salita na ginagamit sa sawikain ay pinapalitan ng

pangkaraniwang tawag kung kaya’t ito ay nagiging matalimhagang pahayag.

Ayon kay Ki (2020), Ang isa sa mga unang paraan ng pakikipag komunikasyon noong

unang panahon pa ng ating ninuno ay ang paggamit ng idyoma na  mistulang nagbibigay kulay

sa mga simpleng salita at kadalasan ring humahango ng bagong pangkahulugan sa isang salita  o

grupo ng mga salita.

Ayon kay KI (2020), upang malaman kung nao ang importansya o kahalagahan ng

sawikain o idyoma. Kinakailangan nating malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Kung

minsan ay marami tayong nababasa na mga sawikain. Ito ay ang matatawag na mga idyoma o

kasabihan na ang kahulugan ay hindi komposisyonal.

Ayon kay Paguirigan (2015), ang sawikain o idyoma, ito ay isang pagpapahayag na ang

kahulugan ay hindi kompusisyunal sa ibang salita. Hindi ito binubuo ng tumpak na kahulugan na

may kanya-kanyang salita na nabuo. Ito rin ay hindi tuwirang nagbibigay ng kahulugan at

nagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Ayon kay Ramos (2016), isang kahulugan ng idyoma o tinatawag ding matalinhagang

pagpapahayag ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita. Ang ating wikang

Filipino ay puno ng mga matatalinhagang pahayag. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na kusang

nalinang at nabuo sa ating wika. Ang matatalinhagang pahayag ay mayroong malalim o di-tiyak
na kahulugan. Ang paggamit nito ay sumasalamin sa kagandahan at pagkamalikhain ng wikang

Filipino.

Ayon kay Rubies (2016), ang ditahasan o di-derektang pagpapahayag ng gustong sabihin

ang ay tinatawag na mga idyoma. Ang mga ito ay nag bibigay ng matalinhagang kahulugan ng

salita. Maari rin itong tawaging sawikain o idyomatikong pagpapahayag. Ang mga ito ay

ginagamit mula noon hanggang ngayon na nag papakulay,nagpapabisa,nagbibigay talinhaga sa

pagpapahayag.

Ayon kay Russel (2018), ang pag-aaral ng mga idyoma ay may kaugnayan sa kaalaman at

pangretorika. Ito ay ang nagpapabisa, nagpapakulay, at nag papakahulugan sa isang pahayag.

Ang mga idyoma ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng mga salita. Ito ay tinatawag

ding idyomatikong pahayag o sawikain sa ating wika.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagpapataas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan

ng mga idyomatikong pagpapahayag ng mga mag aaral ng STEM 11C. Ito ay sumasaklaw sa

mga respondante na mga mag aaral na nagmula sa ikalabing-isang baitang na nasa Integradong

Mataas na Paaralang Luis Palad sa Lungsod ng Tayabas pangkat STEM 11C taong 2021 na

binubuo ng dalawampu't apat (24) respondante na may labing-dalawa (12) na babae at labing-

dalawa (12) na lalaki. Ang pananaliksik na ito ay gagamitan ng instrumentong talatanungan na

pre-test o paunang pagtataya at post test panghuling pagtataya. Naglalaman ito ng limampu (50)

na aytem ng mga idyomatikong pagpapahayag. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang


bahagi, ang una ay ang tama o mali at ang ikalawa naman ay ang maramihang pamimilian. Ang

mga mananaliksik ay gagamit ng digi-booklet na naglalaman ng dalawamput lima(25) na pahina

na may limampung idyomatikong pagpapahayag ang mabubuo sa kabuuang pahinang ito.

Kung saan, ito ay babasahin ng mga respondante na sariling gawa ng mga mananaliksik. Ginawa

ito upang malaman ang kasanayan sa pagbibigay kahulugan ng mga idyomatikong pagpapahayag

sa mga mag aaral ng STEM11-C kung saan ito ay gagawin sa loob ng isang semester sa buwan

ng Pebrero 2021 hanggang Hulyo 2021.

SANGGUNIAN

Arenal, Z. (2018). Idyomatikong pagsasalin. Nakuha noong Marso 15, 2021

https://www.slideshare.net/ZyrienerArenal/idyomatikong-pagsasalin.

Binas, N. (2013), Kahulugan ng “idyoma” at mga halimbawa nito. Nakuha noong Marso 19,2021
mula sa https://philnews.ph/2019/06/27/idyoma-kahulugan-ng-idyoma-halimbawa/

Bautista, C.A. (2018). IDYOMATIKONG PAGPAPAHAYAG.Nakuha noong Marso19,2021


mula sa https://carlxx15.wordpress.com/2018/09/07/the-jpurney-begins/

Castro, J. (2016). Idyoma .Nakuha noong Marso 19,2021 mula sa


https://prezi.com/ohi03rvkr8cj/idyoma/?fallback=1

Diago, C. (2016). Ano ang kahulugan at halimbaa ng matalinhagang pahayag o salita


sapangungusap? Ano ang Sawikain, idyoma o idioms? Nakuha noong Marso 18, 2021 mula
sa https://www.buhayofw.com/blogs/blogs-filipino-language/sawikain-idyoma-o-idioms-
ano-mga-matalinhagang-pahayag-at-mga-halimb-5832s2bed1ffb#.YFM95B4RU0M
Ghadz, S. (2013). Idyoma. Nakuha noong Marso 18, 2021 mula sa
https://www.slideshare.net/mobile/nhoellinbinas/idyoma

Ghadz, S. (2018). Sawikain. Nakuha noong Marso 17, 2021 mula sa


https://www.coursehero.com/file/44691114/SAWIKAINdocx/

Gleason, H. (2015). Wika. Nakuha noong MArso 19, 2021 mula sa


https://alikadtalastaswika.blogspot.com/?m=1

KI, (2020). Kahalagahan ng idyoma–halimbaa at kahulugan nito. Nakuha noong Marso 16, 2021
mula sa https://newspaper.ph/2020/12/kahalagahan-ng-idyoma-halimbawa-at-kahulugan-
nito/

KI, (2020). Sawikain para sa edukasyon halimbawa at iba pa.Nakuha noong Maro 18,2021 mula
sa https://philnews.ph/2020/10/23/sawikain-para-sa-edukasyon-halimbawa-at-iba-pa/

Ramos, J. (2016). Matalinhagang_pahayag. Nakuha noong Marso 16,2021 mula sa


https://www.coursehero.com/file/63582619/MATALINHAGANG-PAHAYAG-
EBALWASYONG-PAN-2docx/

Rubiales, J. (2016). Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo. Nakuha noong Marso 16,
2021 mula sa https://www.slideshare.net/mobile/jhanuz02/pagpapahayag-ng-ideya-sa-
matalinhagang-istilo

Russel, D. (2018). Idyoma. Nakuha noong Marso 18, 2021 mula sa


https://prezi.com/p/pc7qbkrqmpgb/idyoma/?fallback=1

Paguirigan, A. (2015). Idyoma. Nakuha noong Marso 17, 2021 mula sa


https://www.scribd.com/doc/291217658/IDYOMA
Leonardo, A. (2014) wikang-filipino-sa-makabagong-panahon Marso 26,2021 mula sa
https://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-wikang-filipino-sa-makabagong-panahon

Tan C, (2011) /kahalagahan-ng-wika nakuha noong marso 26 mula sa


https://www..nslideshareet/xiaoxiaocamster/kahalagahan-ng-wika-2

You might also like