TSAPTER 1 INTRODUKSYON Kaligiran ng Pag-aaral Ang kasalukuyang panahon ay puno na ng modernong teknolohiya.

Naipapahatid na ang mensahe sa mas mabilis at mas madaling paraan gaya ng pagtetext. Ang text messaging sa panahon ngayon ay laganap na sa buong mundo. Lahat ng edad, kasarian at katayuan sa lipunan ay lantad sa paraang ito ng paghahatid ng mensahe sa cellphone. Bahagi na ng bawat buhay ng tao, lalo na ng mga propesyonal, ang pagtetext kaya hindi maitatangging malaki ang likha nitong impluwensiya sa sangkatauhan. Nagsimula ang salitang text sa wikang Pranses na “texte” at sa wikang Latin na “textus” na tumutukoy sa tissue, estruktura at konteksto ng isang bagay. Habang ang pormang pandiwa nito na “textere” ay nangangahulugang maghabi, maghubog o magbuo. Sa teknikal naming paggamit ng salitang textus at texte, tumutukoy ito sa nilalaman ng anumang nailimbag at naisulat at ang porma ng anumang sinusulat o binibigkas (Raymundo, 2003). Sa kabila ng kaginhawaang dulot nito, mayroong hindi mabuting dulot ang pagtetext lalo na sa pagbabaybay ng mga salitang pang-akademiko, Filipino man o Ingles, sa kadahilanang pinapaikli ang mga ito sa text messaging na sa kalaunan ay nakakasanayan ng gawin kahit sa aktwal na larangan ng pagaaral. Ang pinakanaaapektuhan sa problemang ito ay ang mga magaaral. Nakadidismaya ang epekto ng text messaging sa pag-aaral ng mga estudyante dahil nakakabobo rin umano ito. Sinabi ni dating Department of Education, Culture and Sports Secretary Raul Roco sa isang panayam na hindi niya gusto and epekto ng

“shortcut” ng mga salita na ginagamit sa text messages. Sinabi niya rin na bagaman wala pang opisyal na pag-aaral and DECS sa naturang usapin, maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng isang estudyante sa mga simpleng araling tulad ng spelling at grammar sa English subject ang istilo ng mga salitang ginagamit sa text. Dagdag pa ng dating kalihim na dahil sa pagmamadali at pagkakasya sa espasyo ng mensahe, ang ‘for’ ay ginagawa na lang ‘4’ para makatipid. Maaaring masanay dito ang mga magaaral lalo na sa grammar at mahirapan nang tuluyan sa English. Dahil hindi na mapigil ang mga estudyante sa paggamit ng cellphone, sinabi ni Roco na mahigpit na lang patututukan sa mga guro ang pagsasanay sa mga mag-aaral sa pagbabaybay at balarila para hindi masanay sa mga pinaiikling salita sa text messaging (Garcia, 2001). Hindi lamang sa pagbabaybay makikita ang hindi mabuting epekto ng pagtetext. Malaki rin ang hindi magandang naidudulot nito sa balarila at bokabularyo ng mga gumagamit nito. Patuloy ang pagdami ng mga taong dumedepende na sa pagtetext sa paghahatid ng impormasyon kaya naman hindi rin maiiwasan na ang kanilang personal na pakikibahagi sa iba ay apektado rin. Sa halip na ipahatid nila ang mensahe sa kumpletong pangungusap, pinapaikli pa ang mga ito na siyang bumabalewala sa mga alituntunin ng balarilang Filipino. Sa halip na “Maglalaro kayo?” ay pinapaikli pa ito sa “Laro kayo?” kaya naman nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan. Dahil sa layunin ng text messaging ay maipahatid ang mensahe sa mas mabilis na paraan, nawawalan na ng oras ang isang “texter” na makapagisip ng mas naaayon at makahulugang salita. Kabilang na dito ang kanilang paglimot sa pagsusulat ng kanilang sariling wika, ang Filipino. Madalas na mas mahaba ang salitang Filipino kaysa sa Ingles kaya naman madalas na gumagamit ang mga cellphone users ng mga salitang Ingles. Dito makikita na sa bilis ng “texting”, nalilimitahan ang mga bokabularyong ginagamit dahil paulit-ulit na ginagamit ang mga salitang simple at maiikli at hindi na nabibigyang pansin ang iba pang mga salita (Esperanza et.al.,

Ang dahilan ng pag-aaral na ito ay ang pagtutuwid ng hindi akmang paghahatid ng mensahe sa text messages sa pamamagitan ng pagpapaikli ng mga salita. Sa wikang Filipino b. Pagpapahayag ng Suliranin Sinikap na sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang mga karaniwang salita na may maling pagbabaybay sa text messaging? Anu-ano ang mga dahilan ng maling pagbabaybay sa text messages ng mga mag-aaral? a. Layunin ng Pag-aaral Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang maipakita ang epekto ng pagtetext sa balarilang Filipino. Isa pang dahilan ay upang ilantad sa mga mag-aaral ang mga maaaring bunga nito sa kanilang pag-aaral. Sa konteksto naman ng wika. Layunin din ng pag-aaral na ito na maiangat ang kalidad ng mga mag-aaral sa Pamantasang Baliuag na nasa kursong Edukasyon . ang anumang pagkakamali ngayon sa balarila’t ortograpiya ay maaaring maging tama sa hinaharap kung ang mga ito’y magkakaroon ng malawak na pagtanggap (Pinoy Weekly. Maging ang maagap na pagtugon sa masamang epekto ng pagtetext sa mga mag-aaral at maipakita rin ang maaaring bunga nito sa pag-aaral ng mga BEED students sa BU ay pinagtutuunan ng pansin.BEED na lantad sa modernong teknolohioyang ito. at sa pagbabaybay. Sa wikang Ingles Paano makaaapekto ang maling pagbabaybay sa text messages sa pang-akademikong gawain sa pagsulat ng mga mag-aaral ng BU? Paano maiiwasan ang mga kinasanayang maling pagbabaybay ng .2007). sa bokabularyo. 2009).

Para sa mga mananaliksik sa hinaharap. Para sa mga guro. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga epekto ng maling pagbabaybay sa text messaging sa pang-akademikong gawain sa . ang pag-aaral na ito ay magbubukas sa kanilang kaisipan tungkol sa mga epekto ng maling pagbabaybay sa text messaging sa pang-akademikong gawain sa pagsulat ng mga BEED sa BU. makatutulong ang pag-aaral na ito upang magabayan ang kanilang mga anak sa kanilang mga pangakademikong gawain. makatutulong ang pag-aaral na ito upang magkaroon sila ng kaugnay na pag-aaral sa kanilang isasagawang mga pananaliksik. mahalaga ang pag-aaral na ito upang mas masubaybayan pa ang mga mag-aaral at maiwasto ang kanilang mga karaniwang pagkakamali sa balarila at pagbabaybay.mga salita sa text messages? Kahalagahan ng Pag-aaral Ang bahaging ito ay naglalahad ng mga benipisyo na makukuha ng mga sumusunod na lupon ng populasyon kaugnay sa pag-aaral na ito. Para sa mga mananaliksik. Para sa mga mag-aarl. ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang lubusang maunawaan ang kahalagahan ng pagbabaybay. Makatutulong din ang pag-aaral na ito bilang bahagi ng pagtupad sa mga kakailanganin sa asignaturang Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina. Para sa mga magulang.

Cell phone – isang produkto ng teknolohiya na ginagamit pangkomunikasyon. Unlimited text – isang programa ng mga telecommunication . Depinisyon ng mga Termino Bachelor of Elementary Education– isang kurso kung saan ang kumukuha nito aydapat maging dalubhasa sa lahat ng asignatura .pagsulat ng mga BEED ng BU. Text message – isang uri ng komunikasyon sa pamamagitan ng paghatid ng mga mensahe. Saklaw lang ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng BEED na nasa unang taon sa pangalawang semestre 2009-2010.

tandang pandamdam atbp. Cell phone number – grupo ng mga numero na ginagamit bilang address na patutunguhan o pangagalingan ng mensahe.companies para sa mga cell phone users upang makapaghatid ng maraming mensahe na hindi limitado dami ng load. Balarila –tamang pagkakaayos ng mga lipon ng salita kasama ang mga bantas. . Load – ito ay binibili at ginagamit para makapaghatid tayo ng mga mensahe gamit ang cellphone. Ito rin mahalagang hakbang sa lahat ng antas ng pagaaral. Keypads – bahagi ito ng cell phone na ginagamit upang makagawa ng isang mensahe. naglalaman ng kanyang natatanging mga serial number. Pagbaybay – proseso ng pagbubuo ng mga salita gamit ang mga letra. Ito ay ligtas na mapaglalagyan ng numero ng cellphone. Pagbasa – ay tunay na behikulo ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kayang kapwa saan mang panig ng mundo. Textmate – ito ang tao na pinagpapasahan ng mensahe. kuwit. Bokabularyo – ito ang lawak ng kaisipan ng mga tao tungkol sa mga salita at kanilang mga kahulugan. Salita – ito ang mga terminong ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. SIM – subscriber module identity. tandang pananong. Pagbabantas – paglalagay ng mga bantas sa mga mensahe. tulad ng tuldok.

“kaganapan. madalas itong marinig.” . hindi maganda ang epekto ng malawak na paggamit ng wikang Filipino. Ipinaliwanag ni Arao (2009) na sa konteksto ng wika. magkaiba ang “gobyerno” at “administrasyon.” Kung susuriin ang depinisyon ng “gobyerno” at ng “administrasyon” sa UP Diksiyonaryong Filipino. Ngunit sa larangan ng Agham Pampulitika (Political Science). mahalaga ang papel ng midya sa wikang ginagamit ng madla.” Sa panonood ng telebisyon o pakikinig sa radyo. Sa ngayon.TSAPTER 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Sa kabanatang ito nakalahad ang mga panitikang ginamit na may kaugnay sa pag-aaral sa Pilipinas ng magkaroon ng kaugnay sa isinasagwang pag-aaral ng mga kasalukuyang mananaliksik. Nararapat na gamitin ng mga peryodista ang salitang “pangyayari” sa halip na “kaganapan. buo. kumpleto o perpekto. Kaugnay na Literatura Ang sabi ni Kelith. Pangalawa. Una ay ang paggamit ng “gobyernong Arroyo. matagal na daw na nakakaranas ang mga magaaral na tulad niya ang makalimot ng tamang baybay ng salitang Ingles. nangangahulugang pamahalaan ang dalawang salita. Dagdag pa niya na bumaba daw ang kakayahang bumaybay kapag nasanay na daw sa pagtetext lalo na kung nagpapakatipid sa titik. ang anumang pagkakamali ngayon sa balarila’t ortograpiya ay maaaring maging tama sa hinaharap kung ang mga ito’y magkakaroon ng malawak na pagtanggap. Dagdag pa niya ang listahan ng 10 salita sa Filipino na karaniwang nagagamit nang mali. Samakatuwid.” Ang una ay nakatuon sa istruktura at ang ikalawa’y sa mga taong namamahala nito. “Ganap” ang salitang ugat na nangangahulugang lubos.

marami ang gumagamit ng “matututunan. “Tuldukan na natin ang isyung ito!” Mas mainam ang salitang “tapusin” o “wakasan?” Sa aking palagay. Ibig sabihin. Malinaw ang nakasaad sa Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (2004): ang mga salitang nasa anyong kolektibo ay hindi maaaring pangunahan ng pamilang.” Parehong tama ang dalawa. kaya naiisip tuloy ng ibang hindi nakakaalam na mali ang ”baranggay” na nakasulat sa ilang lugar. bangka ang kahulugan ng ”barangay.” Ang ”baranggay” naman ay ang “kapulungan ng mamamayan sa nayon at purok ng bayan. madalas marinig ang pahayag na.” Kinakabit bilang hulapi ang “-an” o “-han” at walang hulaping “nan. Kung gagamit ng pamilang.” at iba pang katulad na pormulasyon. mas malakas na mensahe ito kung iisiping ang “pagtutuldok” ay simpleng ”paghihinto” lamang. Para sa mga salitang hiram (na . “tuldukan. mga friends. mga kalalakihan. “mga kabataan. May malawak nang pagtanggap sa “barangay” bilang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan. Pang-apat.” at iba pang katulad na pormulasyon.” Pampito.” Ang salitang ugat ay “tuto” at hindi “tuton.” ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino. mga classmates.” Panlima.” Madalas na pagkakamali ito sa pagbaybay dahil ang tamang salita ay “matutuhan. ang kailangang gamitin ang “mga bata” o “sampung bata” sa halip na “mga kabataan” o “sampung kabataan”. “mga fathers. at ginagamit din iyon sa Rules and Regulations Implementing the Local Government Code of 1991. mga kababaihan. Pang-anim.Pangatlo. Sa panonood ng mga programa tungkol sa mga kontrobersiyang kinakaharap ng mga artista. Mali ang mga ito. Sa wikang Ilokano. Pero ang nakakagulo ay ang kawalan ng pagkakaisa sa mga yunit ng pamahalaan kung anong salita ang gagamitin. ang batayang anyo ng salita ang dapat gamitin.” Ang tuldok ay ang hinto sa pagsasalita o panandang ginagamit sa pangungusap (UP Diksiyonaryong Filipino). “barangay” at “baranggay.

” at iba pang katulad na pormulasyon. Hindi na kailangan ang “mga” para sa pangmaramihang anyo ng salitang hiram.kds FTF. kay tamis.” may kanyakanyang gamit naman ang mga salitang ito. his GF & thr 3:. mga matatalino. we usd 2go2 NY 2C my bro. “magmaneho nang mabilis.” Ang sanaysay ng bata ay nagsimula sa: "My smmr hols wr CWOT. tama ang pahayag na “Ang mga friend ko. dumating na!” at “Ang friends ko. “ang ganda. Ang salitang ”nang” ay ginagamit bilang pang-angkop (ligature) para sa pang-abay (adverb) – halimbawa. Sa panulat.” at iba pang katulad na pormulasyon. ang tamis. we used to go to New ." Salin nito sa Ingles: "My summer holidays were a complete waste of time. ginagamit lang ang “mga” para sa batayan o pang-isahang anyo. Kung ang pang-uri (adjective) ay nasa pang-maramihang anyo. mga magaganda. ang dali.” Sinabi sa isang ulat ng isang korespondensyang Scottish (Cramb.kadalasa’y Ingles). 2006) na ang mga eksperto sa edukasyon ay nagbabala na ang paggamit ng mobile phone sa text messaging ay maaring makaapekto sa literasiya pagkatapos magpasa ng isang estudyante ng isang essay na kanyang sinulat. “mga magagaling. ang paggamit ng “ng” sa halip na “nang”. ILNY. dumating na!” Pangwalo. Pangsampu. mas mainam na gamitin ang tamang pormulasyon na ”kay ganda. walang masama kung pagsisikapang gamitin pa rin ang tamang pormulasyon. Pansiyam. Halimbawa. Nakakalito man at madalas na napapagpalit ang “ng” at “nang.” Kahit na sabihing lumalawak na ang pagtanggap ng mga katagang ”ang ganda” at iba pa sa pagsasalita. B4. Before. it's a gr8 plc. kay dali. hindi na kailangan ang “mga”. May isang 13-taong gulang na batang nagpasa ng isang sanaysay sa guro ng isang mataas na paaralan sa West ng Scotland at ipinaliwanag ang paksang “mas madali pa sa standard English.

2003). 2009) ang katulad ng nangyayari sa mga mag-aaral sa . ang mga pinaikling salita na ang nagagamit sa mga pormal na pagsulat kahit hindi man sinasaydya (Brown-Owens. nakatatanggap ang mga guro ng mga pinaikling salita. Samakatuwid. 2006) sa Glasgow Caledonian University na ang texting ay second nature ng henerasyon ng mga bata at sinabing nahihirapan ang mga mag-aaral sa paglikha ng isang sanaysay kaya sinusunod nila ang pamamaraang kung saan sila komportable at madali. maling bantas. pagbabantas at pamali-maling kontraksyon sa akademikong pagsulat. at iba’t ibang simbulo gaya ng &. his girlfriend and their three screaming kids face to face. Pinatunayan din ng isang guro ng Ingles sa Pilipinas (Tupas. Dagdag pa niya na maraming hayskul ang nahihirapang kumilala sa kaibahan ng “their” sa “there. at bilang bunga. Ang Scottish Qualification Authority ay nagsalita dumulog sa report noong nakaraang Standard Grade exams at sinabing ginamit ng mga bata ang istilo ng pagtetext sa pagsusulit sa English.York to see my brother. Ayon kay Lee (2002). Eason.” Kaugnay pa dito ang pahayag ng isang sikolohistang lektyurer (McVey. ang nakagawian sa pagtetext na ang ginagawa. $ at @ sa papel ng mga estudyante." Hindi nasiyahan ang guro sa nakita at binanggit pang parang isang hiroglipiko ang sanaysay na pinasa ng estudyante at waring hindi pa maintindihan ang mga nakasulat. & Lader. Sinabi ni Gillespie (2006) ng Konseho ng mga Guro at Magulang sa Scotland na nakakasama sa edukasyon sa wikang Ingles ang paglabag sa pamantayan ng balarila at pagsulat. Minsan ay hindi na nalalaman ng mga mag-aaral ang kaibahan ng pormal na pagsulat sa hindi pormal. I love New York. it's a great place. Patunay ay ang lumabas na mga artikulo sa Amerika tungkol sa hindi magandang balarila.

isang blogger. Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay ang “ka”. Ngunit ang kasalukuyang problema ng mga mag-aaral sa sulating akademiko ay masosolusyonan pa din. Bilang bunga ng kanilang masugid na pagsisiyasat. ang numero ang ginagamit na pangsulat. Ikalima. Maaari pa din naming ipamulat ng mga guro sa mga estudyante ang bumubuo ng wastong paggamit ng wika (Helderman.” Una. kung ang isang pantig ay may tunog katumbas ng tunog kung paano binabasa ang isang numero. Ikatlo. “ba” at “sa” ay nagiging “k”. nakalikom sila ng ilan sa mga pangunahing pamamaraan ng pagpapaikli ng salita sa Filipino sa “text messaging. Tulad ng “inuulit” ay magiging “inulit”. “n”. Ayon pa sa pananaliksik ng ilang bloggers sa internet. at wan ay gagawin nalamang “1” ang mga nabangit ay ilan lamang sa mga halimbawa. na karaniwang binabawasan o tinatanggal na ang mga patinig sa text messaging ngayon. may mapapansing pagkakatulad ang mga istilo ng pagtetext ng mga Pilipino. tinakot niyang babagsak ang . “b” at “s” na lamang. Ikalawa . ate/eat (gaya sa gate at great) ay papalitan ng numerong “8”. karaniwan nang tinatanggal ang “a” sa mga pantig na may “a”. Ayon kay Kc (2009). ang salitang “si” ay magiging “c” nalamang . Tu/to ay papalitan ng “2”. Kadalasan pa daw ay nagkakamali na rin ang mga magaaral sa paggamit ng malaking titik. 2003). kapag inuulit ang isang patinig sa isang salita. isang patinig lamang ang ginagamit. Halimbawa nito ay ang “pi” ay nagiging “p” na lamang. at “th” (na tunog “d”) ay magiging “d” nalamang. kung ang isang pantig ay may katunog na isang letra o titik. Ayon sa personal na karanasan ng isa pang guro ng ika-siyam na baitang sa United States of America. Maging sa gitna daw ng mga salita ay may naglalagay na ng malaking titik. at “ alaala” ay magiging “alala” na lamang.Amerika. ang nasabing pantig ay papalitan ng kanyang katunong na letra o titik. “na”.

hindi magkakaroon ng masamang epekto ito. Cruz na maging sa Baybayin o Alibata ay may istruktura ng texting lalo pa sa Bisayang alibatang pagbabaybay. Binigyang diin din ni Dr. Naging maganda din naman ang mga sumunod na sulatin ng mga bata. 2003). . mga tsismis at iba pa. tiyak na ganito ito paiikliin sa PPUNTA AKO S BHY. may malaking pagkakatulad ang proseso ng paggamit ng salita sa cellphone at ang pagbabaybay gamit ang alibata. Halimbawa. na nagpapatunay lamang na maaari pang mapanumbalik ng mga mag-aaral ang kawastuhan ng mga salitang ginagamit sa sulating akademiko (Friess. Ngunit may mga pananaw ang ilan sa mga negatibong epekto ng pagtetext gaya ng pagkakalat ng mga hindi totoong balita. 2003). Magiging kumplikado ang lahat kung Taglish naman ang pagtetext. Tulad rin sa prinsipyo ng pagpapantig gamit ang baybayin ng mga salita ang ginagawa din sa pagtetext. kung gagamitin sa mabuti at sa tamang paraan ang paggamit ng cellphone. kung itatayp sa cellphone ang pangungusap na PUPUNTA AKO SA BAHAY. Ang nabago lang ay ang teknolohiya ng paggamit ng speedwriting sa cellphone. PPUNTA ME SA HAWS katumbas ng naunang halimbawa (Malabanan 2008). ang proseso ng texting ay walang ipinagkaiba sa speedwriting noon pa mang unang panahon sa England.mga marka ng mga magpapasa ng papel na may sulat gamit ang istilo ng sa text (Helderman. Malinaw na ang texting at ang paggamit ng alibata ay parehong nakabatay sa konsepto ng pagpapantig. Hinggil sa text messaging. Subalit. Ang cellphone din ay madalas gamitin sa texting. Kung paanong sa texting mas nagiging malaya ang isang tao sa paggamit ng wika at pagbaybay ng mga salita. Kaugnay na Pag-aaral Ayon sa pag-aaral ni Cruz (2002) sa kanyang pagsasaliksik na pinamagatang ANG TXTNG BLNG TXTO . Dapat isipin ng mga taong may cellphone kung ang ginagawa ba nila ay nakatutulong sa kanila at kung hindi naman ay huwag na gumamit ng cellphone. halimabawa.

. (Hulyo 2008). 2008... Friess. J. A. 2003. 2004. NEWSPAPER Associated Press.C. What effect does Computer-Mediated Communication. B.” The Charlotte Observer. “N. Eason.C educators say instant messaging helps students write.TALASANGGUNIAN A. Kasaysayan ng Wikang Pilipino. . (Hulyo 2003). 2004. Los Angeles City:Aesir Publishing Corporation. Pilipinas: Jelsoft Enterprises Ltd. p. 7. M. specifically Instant Messaging. A. (Abril 2003). S. “Yo. MGA AKLAT Brown-Owens. can u plz help me write English?”: Parents fear online chatting ruins kids' language skills. March 14. & Lader. have on 8th grade writing competencies? New York:USCA Publishing Corporation. (Marso 2003). Malabanan.

(Disyembre 2004). Nakakabobo ang text sa spelling. Kelith.S. “Teenage life online: The rise of the instant-message generation and the Internet's impact on friendships and family relationships. Girl Writes English Essay in Phone Text Shorthand..” New York Times. “Click by Click. (June 2006).asp? TID=1531&PN=3&TPN=1. “ Thesis. Massachusetts. Teens Polish Writing. p. 1. Therefore IM. 2002). D.com/journal/item/16 . (Agosto 2002). (Disyembre 2001).edu.1. Rainie. A.pup. L. Lee. Dr. (Mayo 2003). p. PUP Website Forum.Tesis. 28. INTERNET Cramb. Helderman. A..” I Think. (Hunyo 2007). I. ANG TXTNG BLNG TXTO. http://connect.. S. 2004. A. 2004. R. Retrieved ika-26 ng Setyembre 2009.http://kelithlising. Lenhart.. O.ph/forum/forum_posts. & Lewis. University of Manila. (ika-19 ng Setyembre. MIT. 2002. MGA DI NALATHALANG TESIS AT DISERTASYON Cruz.” The Washington Post. “What Corporate America Can't Build: A Sentence.multiply. Instant Messaging Teaches More Than TTYL and ROFL. J. Malay VII.” New York Times. p.Dillon. December 7. C.

Naglalaman ang surbey ng mga tanong tungkol sa balarila. Pinamahalaan ang pamamahagi ng questionnaire sa apatnapong (40) mag-aaral na kumukuha ng . Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng mga kaugnay na aralin at one-shot survey upang makalap ang mga datos na magpapaliwanag ng sagot sa mga tanong na nakalahad sa pagpapahayag ng suliranin.TSAPTER 3 PAMAMARAAN NG PAG – AARAL Naglalahad ang tsapter na ito ng mga pamamaraan at instrumentong gagamitin sa paglikha at pagsusuri ng mga datos na kakailanganin upang masagot ang mga suliranin sa pag-aaral na ito.pagkatapos ay binatay ang mga weighted mean sa sistema ng paggrado upang mabigyan iyon ng kaukulang interpretasyon. Dito malalaman ang implikasyon ng maling pagbabaybay ng mga salita sa text messaging patungkol sa epekto nito sa akademikong pagsulat ng mga kalahok. Mga Kalahok sa Pag-aaral Sa College of Education ng Baliuag University(BU) pumili ang mga risertser ng mga kalahok. Gagamitan ng weighted mean ang mga iskor na nakuha ng mga kalahok. at pagbabaybay ng wikang Filipino at Ingles na kadalasang nagagamit nang mali sa mga Pilipino sa pangaraw – araw na pakikipagtalastasan maging sa mga pasulat na uri ng komunikasyon. talasalitaan.

Norberto Pleno Baliuag University _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa mga kakailanganin sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina Seksyon: BEEDI . MGA EPEKTO NG MALING PAGBABAYBAY SA TEXT MESSAGING SA PANG-AKADEMIKONG GAWAIN SA PAGSULAT NG MGA BEED/BSED NG BU _ _ Isang Mungkahing Pananaliksik Na ipinasa kay G.BEEd at BSEd sa unang antas sa ikalawang semestre taon 20092010 . random sampling ang ginamit na sistema ng survey.

Filipino 200. Guro. sa paggamit ng mga libro. Marso 3. sa kanyang pagbibigay ng suporta at pagsusubaybay upang mabuo ang riserts na ito. Sa mga BEED/BSED students. Sa Poong Maykapal. sa kanilang partisipasyon sa pagsasagot sa mga questionnaire at pagpapahayag ng inpormasyon. 2010 PAGKILALA Taos pusong nagpapahatid ng pasasalamat ang mananaliksik sa mga sumusunod: Kay G._ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Nina: Ochoa. Sa Aming Mga Magulang na walang sawang sumusoporta sa aming pag-aaral. Sa Baliuag University (BU). Mercedes M. Norberto Pleno. na naging napakalaking parte sa pag-aaral na ito. . aklat at pasilidad na nagbigay ng napakalaking tulong upang matapos ang pananaliksik. na kung hindi dahil sakanila ay hindi mabubuo ang riserts na ito. na nagkaloob ng talento at matalas na pagiisip at nagbigay daan upang matiwasay na mabuo ang pag-aaral na ito.

. i Pagkilala ………………………………………………………………….5 Depinisyon ng Termino…………………………………………………….15 TALASANGGUNIAN ……………………………………………………...aaral…………………………………………………….19 TALATANUNGAN .3 Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………..14 Mga Kalahok sa Pag-aaral……………………………………………….6 TSAPTER 2 MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG AARAL Mga Kaugnayan na Literatura ……………………………………………7 Mga Kaugnayan na Pag – aaral …………………………………………12 TSAPTER 3 PAMAMARAAN NG PAG-AARAL Disenyo ng Pananaliksik………………………………………………… ..1 Layunin ng Pag ..4 Saklaw at Delimitasyon……………………………………………………. ii Mga nilalaman………………………………………………………….16 TALATANUNGAN…………………………………………………………18 CURRICULUM VITAE …………………………………………………….iii TSAPTER 1 INTRODUKSYON Kaligiran ng Pag-aaral …………………………………………………….3 Paglalahad ng suliranin……………………………………………………...MGA NILALAMAN Pahina Pahina ng titulo …………………………………………………………..

__________ II.Magbigay ng posibleng epekto ng maling pagbabaybay sa text messages sa pang-akademikong gawain sa pagsulat ng mga mag-aaral ng BU? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ . __________. Subalit nagsisilbi itong instrumento ng pagkuha ng datos kung gaano nakaaapekto ang maling pagbabaybay sa text messaging sa pang-akademikong gawain sa pagsulat ng mga BEED sa BU na nasa unang taon.Paunawa: Ang Talatanungang ito ay hindi isang pagsusulit na susukat sa talino ng kalahok. Magbigay ng tatlong salita na karaniwang may maling pagbabaybay sa text messaging. __________. Anu-ano ang mga dahilan ng maling pagbabaybay sa text messages ng mga mag-aaral? (Bilugan ang titik ng iyong mga sagot) pagpapaikli ng salita disenyo pagmamadaling makapag-reply hindi alam ang tamang pagbaybay sa salita pangungulit sa katext katamaran sa pagtetext upang hindi maintindihan para “in” sa teknolohiya III. I.

IV. Paano maiiwasan ang kinasanayang maling pagbabaybay ng mga salita sa text messaging? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ .

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful