You are on page 1of 6

PAG-AARAL TUNGKOL SA EPEKTO NG PAGGAMIT NG MGA SALITANG BALBAL SA PILING MAG-AARAL

NG 11 ABM

Suliranin:

1.Ano ang propayl ng mga respondente batay sa:

a.Seksyon

2. Paano tinaya ng mga mananaliksik ang talatanungan batay sa kraytirya ng pagbuong modyul:

A. Karunungan sa paggamit ng mga salitang balbal


B. Epektong dulot ng paggamit ng mga salitang balbal
C. Pagpapasya ukol sa patuloy na paggamit ng mga salitang balbal.

3.Ano ang mungkahi ng eksperto ukol sa napapanahong paggamit ng mga salitang balbal?

Resulta at Konklusyon:

Mga nakalap nating resulta at konklusyon sa panukalang reserach na ito, makikita natin na ang
paggamit ng balbal sa 11-ABM ay pagkakaroon nito ng bagong lingwahe at salitang ikinabubuhay ng
mga mag-aaral at nakakaapekto din sa pakikipagtalastan at pagkabuhayan lalo’t na sila’y ipinanganak
at naninirahan sa modernong henerasyon tulad ngayon. Ang wika ay lubhang makapangyarihan
kaya naman maraming tao ang madaling maimpluwensiyahan sa paggamit ng salitang balbal. Ayon
sa ating nakalap, nakasanayang paggamit ng salitang balbal ay nagiging suliranin sa tamang
paggamit ng ating wika lalo’t sa mga tradisyonal na ating sinasalita at ubos ding magbabago ang diwa
ng ating pampanitikan sa paggamit nito ng iba’t ibang libangan. Sa pag-usbong ng mga salitang kalye,
salitang hiram, at ibang klase ng balbal na ginagamit sa iba’t ibang larangan, pangkaraniwang
ginagamit ng mga mga-aaral 11-ABM ang mga ito sa paglalahad ng kanilang reports at diskusyon, sa
pagkuha ng balbal na maiuugnay sa kanilang strand, at sa pakikipagtalastasan sa kanilang kaklase at
kasama nilang pinag-uusapan tungkol sa paksang kanilang ibubuga. Ibinabato nila nito sa
pagkikipagugnayan at pakikiusap sa kanilang kaklase at mga guro dahil namana at
naimpluwensyahan sila sa pangkaraniwang gamit ng social media at makabagong teknolohiya na
siyang nagbabago sa karanasan at pakikipagkomunikasyon sa mga mag-aaral na ito at isinasaad nito
ang pagiging makapangyarihan ng wika na mapabagsik ang mga stagnant at dating wika na nagiging
paglaho ng bagong wika dahilan sa anumang salik na nakakaapekto nito. Mayroon mang mag-aaral
na hindi nakakaintindi ang mga salitang ito, patuloy na lumolobo ang paggamit nito sa iba’t ibang
larangan kaya’t nakakaapekto din rito ang pagkakaintindihan nila sa pakikipagkomunikasyon.
Konklusyon nito ay dumarami ang mga mag-aaral ng 11-ABM na gumagamit ng salitang balbal na
iniuugnay sa kanilang karanasan ng modernong henerasyon tulad ngayon.

Rekomendasyon:

1. Ang makasining na paraan ng wastong pagpili at akmang paggamit ng mga salita sa loob ng
pangungusap sa kawili-wili at kasiyang-siyang pagpapahayag ng diwa.

2. Hiligin at tangkilikin natin ang mag-aaral nating Pilipino lalo’t ngayon panahong ito na hikayatin
silang palawakin ang kaalaman sa paggamit ng wikang Filipino at patunayan ng bawat mag-aaral na
sikaping buhayin ang kanilang kultura at tradisyong maikokonekta sa pagiging mamamayan nating
Pilipino.
3. Layon ang pananaliksik nating pasikapin at panatilihing tangkilikin ang linguahe natin para sa
susunod na henerasyong pahalagahin ang pananaliksik sa wika natin, ngunit hindi dapat
kinakailangan.

EPEKTO NG PAGGAMIT NG SALITANG BALABL SA ARAW – ARAW NA PAMUMUHAY SA KAHUSAYAN


SA PAGSULAT NG AKADEMIKONG SUKATIN NG MGA MAG-AARAL IKA-11 BAITANG SA HOLY ROSARY
COLLEGE

Suliranin:

1. Ano-anong mga salitang balbal ang madalas na ginagamit ng mga mag-aaral?


2. Ano-anong sitwasyon kung bakit gumagamit ng salitang balbal ang mga mag-aaral?
3. Ano ang dahilan kung bakit ginagamit ang salitang balbal sa mga sitwasyon na ito?
4. Ano ang epekto nito sa pagsusulat ng akademikong sulatin?

Resulta And Konklusyon:

Resultang lumalabas na kinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap.
Maaari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipababatid pa
rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang plano sa hinaharap. Sa
paulit-ulit na pakikinig sa mga nagsasalita ng wika, unti-unti’y natututunan natin ang bagong wika
hanggang sa hindi natin namamalayang matatas na tayo rito at nagagamit na natin nang mabisa ang
bagong wika sa pakikipag-usap at kung wala nito ay makukulong pa rin tayo sa sinaunang paraan ng
pagbabaybay ng mga salita. Sa pagyabong ng henerasyon, kasabay din nito ang pagyabong ng
wikang Filipino. Nagkakaroon ng mas maraming uri ng wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga
panibagong balbal na lenggwahe katulad na lang ng beki language, jejemon at marami pang kalyeng
lenggwahe. Ang halimbawa pa ng balbal nasalita ay syota, datung, olats,purita, at marami pang iba
na kalimitang ginagamitsa araw-araw na pakikipagusap. Kapag gumamit tayo ng balbal, inilalantad
mo ang iyong mga ideya, iyong pakiramdam, iyong saloobin bilang kung paano mo nais na madama
ang mga taong nakikipag-usap sa iyo at kung paano mo nais na maramdaman ng mga taong iyon, na
mas mababa kung ano ang ibig mong sabihin. Ang salitang balbal ay nakahihina ng kakayahang
makapag ispel ng mga mag-aaral at lumalabo ang komunikasyon dahil hinahalo ito sa mga wastong
salita.

Rekomendasyon:

1. Inirerekomenda na magkaroon ng higit na lalim sa pag-aaral ng mga salitadahil isang malaking


aspeto ng wika ay salita. Ang pagkakaroon ng wastong kaalaman tungkol sa wika ay magsisilbing
gabay upang lubos na maunawaankung ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng pormal at
impormal na mgasalita.

2. Hindi nararapat na masanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng salitang balbal o maging malimit
ang pagsasalita nito. Ang paggamit ng ganitong uri ng salita ay maaaring magdulot ng hindi
pagkakaintindihan at maaaring makaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral o maaaring makaapekto
sa kasanayan ng mgamag-aaral sa pormal na salita.

3. Hinahango ng bawat mag-aaral na sikaping idaan ang pakikipagkaintindihan at


pakikipagkomunikasyon sa pormal at lebel na pagkakaunawaan para hindi pagkakaroon ng pagkalito
sa ating kinakausap lalo na kung matanda o mga taong wala pang kaalaman sa impormal na
pakikipagugnayan ng wika at kultura.

“EPEKTO NG PAGGAMIT NG BALBAL NA SALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKATLONG ANTAS NG


SEKONDARYA NG ST. THOMAS ACADEMY”

Suliranin:

A. Ang paggamit ng mga salitang balbal ng mga kabataan na nagdudulot ng kahinaan sa Ispeling.

B. Nakakasanayan na ng mga kabataan ang paggamit ng salitang balbal na nakakaapekto sa tamang


paggamit ng ating wika

Resulta At Konklusyon:

Lumalabas sa isinasagawang pag aaral na ang likhang salitang kanto, likhang salitang bakla at likhang
salitang sosyal ay madalas gamitin ng mga mag-aaral sa kanilang pang araw-araw. Batay sa
isinagawang pag-aaral tungkol sa Umiiral na balbal na salitang mga Millenials sa ST. THOMAS
ACADEMY , Nabuo ang mga sumusunod na konklusyon.

1. Ang naging pinaka madalas na pinaggagamitan ng mga salitang balbal ay ang eskwelahan.

2. Ang pinaka malakas mang impluwensiya ang mga kanilang kaibigan na kung saan mga
kaklase din nila.

3. Natuklasan na ang pinaka pangit na naidudulot ng umiiral na balbal ay nagiging hadlang ito
sa pag-unlad ng paggamit ng pormal na salita at gramatika maging sa pagsulat ng
komposisyon o pakikipagtalatasan.

4. At ang huli ay natuklasan na ang magandang gamit ng balbal ay mas madali naming
naiintindihan ng mga mellinials sapagkat sila ay ka-edad namin.

Ang paggamit ng salitang balbal ay nagdudulot ng kahinaan sa ispeling, malabong pakikipag


komunikasyon at pinang hahali sa mga wastong salita.

Rekomendasyon:

Batay sa mga natuklasan at nabuong kongklusyon sa isinagawang pananaliksik, inererekomenda ng


mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Gamitin sa tamang panahon ang mga salitang balbal.


2. Gamitin upang mabilis mag kaintindihan sa tamang panahon.

3. Wag kalimutang palalimin ang bokabularyo.

EPEKTO NG SALITANG BALABL SA PAG-AARAL NG MGA PILING MAG-AARAL SA IKALABING


DALAWANG BAITANG SA STRAND NA ABM

Suliranin:

1. Nagagamit ba ang mga salitang balbal sa pang araw-araw na buhay?


2. Ano-ano ang mga maaaring masamang epekto dulot ng paggamit ng salitang balbal?
3. Makatutulong ba ang salitang balbal sa pang araw-araw na pag-uusap?
4. Sa paanong konteksto nila ginagamit ang salita?

Resulta at Konklusyon:

Nakita sa pag-aaral na hindi basehan ang kasarian, edukasyon ng magulang, trabaho at ang pook ng
tirahan ng mga magulang para hindi matuto ang mga kabataan na gumamit ng salitang balbal. Ang
mga salitang balbal ay itinuturing na personal na pakikipagkomunikasyon sa lahat ng antas o uri ng
pamumuhay sa isang lipunan. Ang paggamit ng mga salitang ito ay isang mabisang paraan ng mga
magulang upang makasabay o makasunod sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga anak. Napatunayan
sa pag-aaral na sa mga kursong lumahok ay ang strand ng 11-ABM ang siyang may makabuluhang
(significant) korelasyon sa paggamit ng mga salitang balbal. Ang strand ng 11-ABM ay nakitaan ng
direktang relasyon nito sa mga salitang balbal. Dahil sa sariling katangian ng strand na tuwirang
tumatalakay sa komunikasyong panlipunan, ang paggamit ng salitang balbal ay hindi naging isyu o
suliranin sa mga mag-aaral nito. Ang salita ay lubhang makapangyarihan kung kaya’t maraming tao
partikular na ang mga kabataan na madaling maimpluwensiyahan gumamit ng salitang balbal
sapagkat ito ay napapanahon o tinatawag na “in” kung kaya’t hindi nila namamalayan na nagagamit
nila ang mga salitang ito sa isang pormal na sulatin. Ang mga salitang balbal ay nagagamit sa
alinmang mga pook o lokasyon. Ang paggamit ng mga salitang balbal ay nararapat lamang sa
personal na pakikipag-usap na parehong ang nagsasalita at nakikinig ay nagkakaunawaan. Ang mga
salitang ito ay may tamang pook na paggagamitan nito. Inilahad sa pagsasaliksik na ang mga salitang
balbal ay pangkaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral sa loob ng tahanan, kantina ng paaralan o
unibersidad, mall at lansangan.

Rekomendasyon:

1. Hindi nararapat masanay o maging malimit ang paggamit ng mga salitang balbal. Kung
maaari ay iwasan natin ang magsalita nito sapagkat ang bawat salita na ating binibigkas ay
kadalasan na nagpapakilala ng ating pagkatao, sapagkat ang salita o wika ay gamit din bilang
pakikipag-ugnayan sa pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng pakikioag-ugnayan
ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng kaalaman sa agham, industriya at teknolohiya.
2. Magkaroon ng higit na lalim sa pag-aaral ng mga salita dahil isang malaking aspeto ng wika
ay salita, ang pagkakaroon ng wastong kaalaman tungkol sa wika ay magsisilbing gabay
upang lubos na maunawaan kung ano ang pagkakapareho at pagkaka-iba ng pormal at
impormal na mga salita.

3. Magbigay ng paalaala na ang salita ay nagbibigay kapangyarihan na makapaglahad ng ating


mga saloobin at damdamin saan mang pook o lokasyon subalit ito ay hindi balidong dahilan
para kalimutan na ang wika ay may kaantasan din, kaantasan na nabibilang sa mga salitang
impormal na maaaring makaimpluwensya sa ating pagkatao.

4. Ang mga mananaliksik at mga guro ng wika ay nararapat na magsagawa ng higit na may lalim
na korelasyunal na pag-aaral na magpapakita ng kaugnayan ng mga resultang natamo sa
pag-aaral na ito sa pamagitan ng panayam o pagsusulit na nauukol sa mga salitang balbal.

MGA EPEKTO NG SALITANG BALBAL AT SALITANG KANTO SA WIKANG FILIPINO

Suliranin:

1.) Bakit madali lamang tayong nakakabuo ng mga salitang balbal sa ating arawaraw na buhay?

2.) Ano ano ang mga naging epekto ng salitang balbal sa wikang filipino?

3.) Paano natin masosolusyonan anng paggamit ng mga salitang balbal?

Resulta At Konklusyon:

Ang balbal o islang na salita ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang
partikular na grupo ng lipunan. Ang antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataan na
makasanayang bigkasing madalasang mga salitang ito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung
hindi natin pagbibigyan nasapat na lunas o solusyon ang suliraning ito. Lumalabas sa isinasagawang
pag aaral na ang likhang salitang kanto, likhang salitangbakla at likhang salitang sosyal ay madalas
gamitin ng mga mag-aaral sa kanilang pang araw-araw. Ang paggamit ng salitang balbal ay
nagdudulot ng kahinaan sa ispeling, malabongpakikipag komunikasyon at pinang hahali sa mga
wastong salita. Patunay na lamang ng bawat henerasyon ay may mga nauusong salita kagaya ng edi
wow, push mo yan te, boom panes, feels, hugot, bae, at sa ngayon ang salitang pabebe. Sinisira nito
ang pag-unlad ng wika dahil sa halip na ang pagayamanin ay sariling wika mas pinagyayaman pa ang
wikang balbal. Patunay na lamang din ang mga pagmumura, salitang kalye(yosi), jejemon(aq powzx),
salitang bakla/tomboy(baklush,dites), salitang malaswa, salitang binaliktad(tsekot,goli) at salitang
walang kabuluhan. Hindi naman bawal o masamang gumamit ng salitang balbal dahil ang mga
salitang ito ay hindi mo na maalis sa bokabularyo ng mga Pinoy. Ang wika ay pabagu-bago, tulad ng
panahon. Naidagdag na ito sa kultura ng bagong henerasyon.

Rekomendasyon:
1. Siguro ay dapat na lang maging balanse ang mga salitang ginagamit natin, upang hindi
malimutan ang mga salitang Filipino at hindi mawala ang importansya ng mga salitang ito.

2. Inirerekomenda ng mananaliksik na magsagawa pa ng ibayong pag-aaral sa mga


wikang ginagamit ng kabataan dahil sa mabilis magbago ang wika ayon sa
pangangailan ng kanilang henerasyon. Magkaroon ng bukas na isipan sa pag-unawa sa
kabataan dahil ang pag-unawa sa kanilang wika ay pagkilala sa kanilang mga natatanging
kakayahan at pagkatao. Gamitin sa pagtuturo ang mga salita ng kabataan bilang
ambag sa pagpapayaman ng diskursong Pilipino.

3. Napapanahon din na mapag-aralan ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa paggamit ng


wika upang mas malinang pa ang kanilang kahusayan pagdating sa kasanayan sa pagsasalita
sang-ayon sa mga layunin na kinakailangang inangin sa makrong kasanayang ito.

You might also like