You are on page 1of 2

HULING OUTPUT SA KOMUNIKASYON

Pangalan ng miyembro: Diana Santianez


Stephanie Besiño
Andie Bengan
Paksa: Paggamit ng Wikang Filipino
Nilimitahang paksa: Kahusayan sa Pagbaybay ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino

INTRODUKSYON
Sanligan ng Pag-aaral
Ang wastong paggamit ng mga salita sa pagbaybay sa isang pangungusap o pagbigkas
sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa mga salita. Dahil sa wastong
paggamit dito, nakakagawa tayo ng mga salitang madaling maunawaan ng ating isipan.
Ang baybay ay ang pagbuo ng mga salita gamit ang mga letra na siyang ginagamit
natin sa pakikipag uganay. Dahil dito maykakayahan tayo na makagawa ng ibat ibang mga
salita na ating ginagamit sa Araw Araw upang tayo ay magkaunawaan.
Sa panahon ngayon Hindi na nagagamit ng mga magaaral Ang pagbaybay sa maayos
at tamang paraan, marami na ang nagbabaybay ng mga salita na binabawasan ang letra o di
Kaya ay binabalibaliktad. Unang nauso Ang paraan ng pagbaybay gaya nito sa social media
na kinagigiliwan ng marami hindi lamang mga mag aaral dahil ito daw ay astig. Ngunit ito
ngaba at nakakatuwa? Nawala na Ang tamang paraan ng pagbaybay ng mga salita na
nagsisimbulo sa ating wika. Maging sa paaralan ay nadadala na ng mga mag aaral Ang
maling pag bay bay ng salita. Kung Minsan pa nga ay maging sa paggawa nila nang kanilang
takdang araln o mga output sa paaralang gaya na lamang nang tula, at sanaysay, kanila nang
pinapaikli, binabawasan Ang mga salita o Kaya ay binabalibaliktad ito. Hindi ito Isang
magandang Gawain nang Isang mag aaral dahil dapat nilang sanayin Ang Sarili sa tamang
pag baybay dahil ito Ang tinuturo at ginagamit sa paaralan at nag sisimbolo din ito sa tamang
paggamit at pagpapahalaga sa ating wika.

Ang pagdiskubre ng mga uso ay likas sa tao, ito ay natural dahil kailangan natin ito
upang maki ugnay sa pagpababago ng panahon sa modernong sitwasyon. Ang kahusayan sa
pagbaybay sa wikang Filipino ay Isang mahalagang aspeto sa komunikasyon at edukasyon.
Nakakatulong ito upang masmaunawaan nating ang pangungusap, salita at mga konteksto,
ngunit Hindi lahat ng mag aaral ay mahusay na sa pag baybay may mga kailangan pang
sanayin at turuan sa tamang pag baybay.
Malaki Ang naitutulong ng edukasyon sa larang ng pagtuturo at pagkatuto sa
asignaturang Filipino Lalo na sa pagtatamo ng maayos at tamang kaalaman sa pagbaybay.
Dito ay mas napapalalim Ang kaalaman ng mga magaaral sa tamang pag gawa o pagbuo ng
mga salita gamit Ang ibat ibang letra. Mas nahahasa sila sa pagkatuto sa kung paano gumawa
ng mga salita at pangungusap na angkop ang mga letra sa pagbaybay.
Ang pagbaybay ay ginagamit sa pang araw-araw. Sa pamamagitan sa paggawa,
nalalaman at naipapahayag ang nais malaman ng ating isipan. Malawak ang pagbaybay sa
wikang Filipino at madami rin itong uri ngunit habang patagal nang patagal at paunlad nang
paunlad ang teknolohiya. Marami ang nakakalimot sa tunay na tawag o kahulugan sa
kadahilanang maraming pagbaybay ang pwedeng ipalit na mas maikli o di naman kaya’y mas
medaling basahin at bigkasin lalo na sa mga kabataan. Karamihan nang hindi
pagkakaintindihan ng mga tao ay bunga ng hindi maayos na paggamit ng salita. Lalo na sa
komunikasyon na ang tanging gamit ay pagsusulat, tanging mga salita at pangugusap lang na
umaasa ang mga tao para maihayag ang gusting sabihin. Kaya dito mapagtatanto kung gaano
kahalaga ang tamang paggamit ng mga salita at pagbaybay lalong-lalo na sa Wikang Filipino.
Ang pag aaral na ito ay isinagawa upang matukoy Ang kakayahang ng mga mag aaral
sa pagbaybay ng mga salita at pangungusap. Sa pagaaral na ito matutukoy ang antas ng
kahusayan ng mga magaaral sa tamang bagbaybay at kahalagahan nito sa paggawa nang mga
salita sa pasulat na paraan. Dito malalaman Ang importansya ng wastong paggamit ng mga
magaaral ng mga letra sa pagbabaybay.
Mahalagang matuto tayo ng tamang pagsulat o may kahusayan sa pagbaybay sa
wikang filipino sapagkat ito ay nakakatulong na mas maintindihan, organisado, at upang
maiwasang ang pagkakaroon ng mali na nais na ipahayag. Mahalaga ang tamang pagbaybay
upang maipakita rin ang tamang pagbigkas ng bawat salita. Ito ay isa sa mga napaka-
importanteng bahagi ng isang wika.

You might also like