You are on page 1of 13

10

KABANATA II

TEORETIKAL, KONSEPTWAL AT OPERASYONAL NA BATAYAN NG PAG-AARAL

Sa kabanatang ito inilalahad ang buod ng mga napiling

literatura at pag-aaral. Inilalahad din ang lagom ng sintesis,

gap, batayang koseptwal ng pag-aaral at hinuha ng pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa wastong paggamit ng

mga salita sa wikang Filipino. Karamihan sa mga Pilipino ay

nagsasalita ng ating sariling wika ngunit gumagamit sila ng mga

maling salita. Hindi perpekto ang gramatika, pagbaybay, at

paggamit ng mga tao sa wikang Filipino, maging ito ma’y sariling

wika natin.

Ang komunikasyon ay isang mahalagang salik na dapat

pagtuunan ng pansin ng mga taong gumagamit nito. Ang pakikipag–

usap ay dapat wasto at nauunawaan. Kinakailangang nasa tama at

wasto ang ayos ng mga salita, pangungusap o sa maging sa talata

man. Ang pag–aaral na ito ay batay sa kakayahang pangwika o

“language competence”.
11

Bayo (1994), ayon sa kanya ang wika ay isa lamang “code”

na binubuo ng istruktura. Ang kakayahang panlinggwistika ay ang

pagkabihasa at pagkatuto sa paggamit ng wika. Maraming gumagamit

ng wika ngunit hindi alam gamitin sa wasto at tamang pamamaraan.

Kaya hindi maunawaan ang kanilang kasanayan sa paggamit nito.

Holmes (1978), nagsabing ang isang tao ay hindi lang

nagtataglay ng kakayahang linggwista kundi nakauunawa ng

kontekstong sosyal ng isang wika. Ang mga kontekstong sosyal ng

isang wika ang nagbibigay daan upang maunawaan ang kaugnayan nito

sa ating lipunan. Ang wika ay parte ng lipunan dahil ito ang

sandata ng pagkakaunawaan ng lahat ng tao.

Wika ang nagbubugkos sa salinlahi upang manatili sa

kultura at tradisyon nito. Madaling sabihing mayaman ang ating

wika sapagkat napakaraming umusbong at umuusbong pa lamang tulad

ng mga salitang balbal ngunit sa kabila nito maraming tao sa

lipunang ito ang hindi marunong gumamit ng wastong salita. Ang

wika ay lipunan at ang lipunan ay wika. Walang ibang makakapitan

ang lipunan kundi ang wika at walang pupuntahan ang wika kung

wala naman ang lipunan. Kapwa mahalaga ang dalawang salik na ito

sa pagbuo ng isang matatag na lipunan.

Ayon naman sa Wikipedia (2015), ang sayusay o retorika ay

isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng

wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa


12

linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan

bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga

salita, o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng

isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong

maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na

siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa

rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita

ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sa

pakikipagtalastasan.

Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao

dahil ito ay nagbibigay daan sa mga gawain na ginagawa ng tao

tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-argumento at paghahanap ng

impormasyon at kaalaman. Sa pakikipag-usap, mahalagang sangkap

ang retorika upang maipahayag ng mabuti at komprehensibo ang mga

damdamin ng nag-uusap. Mahalaga rin ito sa pakikipag-argumento

dahil ito ay tanda ng pagbibigay diin sa mga puntong nais na

ipahayag. Mahalaga rin ito upang magkaroon ng maayos na

pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig na hindi

magkasundo sa iisang pamamaraan o paniniwala. Higit sa lahat, ang

retorika ay mainam na instrumento sa pagkakalap ng impormasyon at

pamamahagi nito. Sapagkat kinakailangan ng tao ang matuto at

malinang ang pag-iisip.


13

Mula sa salaysay ni Shark Shedie, ang kahalagahan ng

retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa isang

putahe. Ito'y nakapagbibgay lasa sa isang sulatin o kaya'y kapag

ang isang tao ay bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din

dito ang kalaliman ng isang tao. Ito'y pinag-iisipan. Napakasarap

pakinggan ng mga salitang ginamitan ng retorika. Nakakaaliw din

basahin ang isang sanaysay kapag ito'y ginamitan ng retorika.

Federico B. Sebastian, wika niya ang balarila ay isang

agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang pagkakaugnay-

ugnay. Bagumbaran (2016), ang kawastuhang pambalarila ay kaalaman

sa wastong gamit ng mga salita gaya ng mga katha, pasulat man o

pasalita. Upang maging malinaw at tama ang isang pagpapahayag ito

ay ginagamitan ng wastong gamit ng mga salita. Sa

pakikipagtalastasan, hindi mapasusubalian na madalas nagkakamali

ang maraming tao sa paggamit ng mga salita.

Malaki ang kaugnayan ng retorika sa balarila dahil hindi

magiging maganda ang isang akda kung wala itong kaayusan

pagdating sa wastong gamit ng salita. Isang sangkap sa magandang

akda ang tamang pagpili ng salitang gagamitin dahil katulad ng

retorika ito rin ay nakadadagdag sa lasa o sa kagandahan ng isang

sulatin. Madaling magpahayag ng saloobin sa masining na

pamamaraan pero dapat isaalang-alang pa rin ang mga salitang

gagamitin.
14

Kaugnay na Pag–aaral

Ang mga mananaliksik ay sumuri rin ng mga naunang pag-

aaral na mayroong kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.

Ayon kay Finochiarro, nararapat isaalang–alang ang

sikolohikal na aspeto ng mga kasangkot sa komunikasyon. Ang pag–

aaral ng wika ay masusing pinag–aaralan ng mga mananaliksik at

ito ay kanilang isinasaayos upang madaling maunawaan ng mga

susunod na mag–aaral. Kailangan isaalang–alang sa pag–aaral ng

wika ang kakayahang sikolohikal ng mga tao upang matamo nang

lubusan ang wastong pang–unawa at paggamit ng wika. Maraming tao

ang mahirap umunawa ng isang tuntunin ng wika sa kadahilang

sikolohikal. Sila ang mga “slow learner” at dahil dito madalas

silang nagkakamali sa paggamit ng salita at wika. Kadalasan

nahihirapan silang marunong gumawa at bumuo ng tamang salita at

pangungusap.

Kaunay nito, bumuo si Skinner (1957) ng isang pag–aaral

tungkol sa nasimulan ni Finochiarro. Isa siyang behaviorist na

may kakayahang sumuri sa pag–uugali ng isang tao sa mabilis na

pagkatuto. Ayon sa kanya, ang pagkatuto ng tao sa wika ay

nakadepende sa kaniyang kapaligiran. Maraming salik ang


15

nakakaapekto ng kapaligiran sa paggamit ng wika at pagbuo ng mga

salita at pangungusap.

Unang–una sa mga salik na nakakaapekto sa kapaligiran ay

ang mga taong nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pamilya,

kaibigan, at iba pa. Malaki ang kanilang impluwensya sa

pagkalinang sa ating kasanayang pangwika. Natututunan natin ang

kanilang mga karaniwang ginagamit na mga lenggwahe. Ginagamit

natin ang mga maling salita na nagmula sa kanila. Karamihan sa

mga salitang maling nagagamit ay ang mga daw, din, raw, rin, at

ang mga salitang may pangatnig. Ang mga salitang ito ay

nagdudulot ng malaking kamalian sa istruktura ng wikang Filipino.

Binuo naman ni Stern (1983) ang isang pananaliksik na may

kaugnayan sa naunang pag–aaral ni Skinner at Finochiarro. Ito ay

tungkol sa “behavior” ng isang mag–aaral sa pagkatuto. Sinabi

niya na natututo nang natural ang isang mag–aaral sa labas ng

klasrum. Natututunan niya ang wastong paggamit ng mga salita at

pagbuo ng pangungusap. Ayon sa kanya, wala pang pormal na pag–

aaral ang isang tao kapag nagsimula ang kanyang pagkatuto sa

labas ng silid–aralan. Pinatunayan niyang malaki ang impluwensya

ng kapaligiran sa pagkatuto ng isang tao sa paggamit ng tamang

salita sa pakikipagtalastasan.

Palazo (2003), batay sa kanyang pag-aaral ang isang mag–

aaral ay maaaring matuto ng wastong paggamit ng salita kapag


16

nahaharap sa maraming pagkakataon na natural na ginagamit ang

wika. Ang palagiang paggamit ng wikang Flipino ay nagbibigay sa

isang mag–aaral ng mabilis na pagkatuto. Sa kabuuan, ang pag–

aaral ay nagbigay kalinawan sa mga maling salitang ginagamit ng

kasalukuyang henerasyon.

Batay sa mungkahi ni Allwright (1977), sa komunikasyon

ang tuon ng pagtuturo at pag–aaral ng wika, ngunit dapat unahing

mabuti ang kakayahang komunikatibo bago gumawa ng panibagong

hakbang. Ayon sa kanya, ang kakayahang komunikatibo ay proseso sa

pagitan ng tao.

Savignon (1972), nanaliksik tungkol sa tamang

pagbigkas, bokabularyo at gramatika. Ayon sa kanya ito ay isa

lamang sa mga pangunahing salik na bumubuo sa

pakikipagtalastasan. Ang pagbigkas ay binabatayan ng tamang

pakikipagtalastasan dahil ito ay nagbibigay pahayag sa kausap.

Ang tamang pagbigkas at paggamit ng mga salita ay nagbibigay ng

panibagong kahulugan dito. Kaya ayon sa mga pag–aaral ng mga

linggwista, ang paggamit ng mga maling salita ay nagdudulot ng

bagong kahulugan. Halimbawa ng mga salitang ito ay ang bitiwan,

bitawan, tanawin, at tanawan. Ang mga salitang ito ay magkapareho

ng nais ipakahulugan ngunit ang wastong kahulugan ay naiiba. Ang

paggamit ng mga salitang ito ay patuloy na namamayani sa ating

lipunan.
17

Nadiskubre sa pag–aaral ng ito ang mga salitang

palagiang mali kung gamitin. Ang mga salitang ito ay talagang

mahirap unawain at kailangan ng masusing pagtuklas. Sa paglapat

ng mga salita sa isang pangungusap, nais ipabatid ng mga naunang

nag–aral na kailangan ay isipin munang mabuti ang gamit ng salita

sa pangungusap bago gamitin sa komunikasyon.

Philippine Military Academy (2006), nagkaroon ng

pananaliksik ang Philippine Military Academy para sa pagsusuri ng

kakayahang panglinggwistika ng mga 4th class kadete ng Philippine

Military Academy. Layunin ng pananaliksik nila na masuri ang

kamalian sa gramatika at mekaniks na nagagawa ng mga kadete sa

pagsulat ng talaarawan.

Ang pagkakamali ng paggamit ng salita ay isang senyales

na nararapat ituon ng mga mananaliksik at dalubhasa ang pag–aaral

sa Filipino. Dapat na bigyang kasanayan ang asignaturang ito

dahil ito ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Ito ang

komunikasyon na nagbibigay sigla sa galaw ng mundo. Mula sa pag–

aaral na ito, napatunayang dapat pagtuunan ng pansin ang wastong

paggamit ng wikang Filipino.

Sintesis ng Pag–aaral
18

Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na nakalap ng

mga mananaliksik ay nagsilbing sandigan at nagbigay ng direksyon

sa kasalukuyang pag-aaral. Ang mga sumusunod ay binuod sa

pahinang ito.

Ayon kay Bayo, ang kakayahang panglinggwistika ay ang

pagkabihasa at pagkatuto sa paggamit ng wika. Maraming gumagamit

ng wika pero karamihan ay walang sapat na kaalaman sa paggamit

nito. Samantala, sabi naman ni Holmes, ang tao ay hindi lamang

nagtataglay ng kakayahang panglinggwistika kundi nauunawaan din

nito ang bahagi na ginagampanan ng wika sa lipunan. Dagdag pa

niya ang wika ang naging instrumento sa pagkakaunawaan ng lahat

ng tao. Ang mga pahayag na nabanggit ay indikasyon lamang na

napakahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman sa wastong paggamit

ng salita dahil napakahalaga ng bahaging ginagampanan ng wika sa

lipunan dahil ito ang nagbubuklod sa bawat isa.

Batay sa Wikipedia, sa salaysay ni Shedie, Sebastian at

Bagumbaran ang retorika at balarila ay ang pag-aaral patungkol sa

kaalaman ng tao sa mga salita. Ang mga ito’y ginagamit upang mas

maayos at mabisang maipahayag ng sinuman ang kanyang saloobin

patungo sa kanyang mga tagapakinig. Ang sapat na kakayahan sa

pagpili ng salitang gagamitin sa pagpapahayag ay napakahalaga

dahil sa pamamagitan nito mas magiging epektibo ang komunikasyon

ng dalawa o higit pang tao. Sa pasulat man o pasalitang


19

pagpapahayag hindi lamang mga mabubulaklak na salita ang

nakapagpapaganda dito kundi mahalaga ding isaalang-alang ang mga

wastong salitang gagamitin. Walang kabuluhan ang isang pahayag

kung ang mga salitang ginamit dito ay hindi naaangkop at taliwas

sa mensaheng nais ipabatid.

Ang pag-aaral na isinagawa nina Finochiarro at Skinner

ay nakatuon sa mga aspetong nakakaapekto sa pagkatutong

linggwistikal na isang tao. Ayon sa kanila malaki ang epekto ng

sikolohikal na aspeto ng tao sa kakayahang umunawa at gumamit ng

wika. Dagdag pa nila kaya nahihirapan ang isang tao na umunawa ng

tuntunin sa paggamit ng wastong salita ay dahil sa epekto ng

sikolohikal na aspeto ng isang tao na kung saan malaki ang

impluwensya ng kanilang kapaligiran sa kanilang antas ng

pagkatuto.

Sina Palazo, Allwright at Savignon, pinag-aralan ang

wastong pagsasanay sa paggamit ng tamang salita sa pagpapahayag.

Ayon sa kanila mahalagang sanayin ang sarili sa paggamit ng

wastong salita nang sa gayon mabilis ang pagkatuto ng bawat isa

at maiangat ang antas ng kaalaman sa wika. Sa pagsasalita o

maging sa pagsulat dapat sanayin ang sarili na iwasan ang

pagiging kontento sa pagpili at paggamit ng mga maling salita

dahil ayon sa pag-aaral isa ito sa mga kadahilanan kung bakit

hindi nasusulosyonan ang suliraning kaugnay dito. Dagdag pa nila


20

kailangang isipin muna ng mabuti ang gamit ng salita sa

pangungusap bago ito gamitin sa pagpapahayag.

Sa pag-aaral na ginawa ng Philippine Military Academy,

sinuri nila ang kakayahang panglinggwistika ng mga kadete sa

paggawa ng talaarawan. Sa pag-aaral na ito binigyan nila ng

pansin ang mga kamalian sa wastong paggamit ng salita. Isang

indikasyon ang pag-aaral na ito na kahit sinuman ay dapat may

sapat na kaalaman sa tamang paggamit ng salita o sa kakayahang

panglinggwistika.

Gap ng Pag–aaral

Karamihan sa mga kaugnay na pag-aaral na nakalap ay

nakatuon sa kahalagahan ng wastong gamit ng salita sa

komunikasyon. May mga nagsabi rin na malaki ang bahaging

ginagampanan ng kasanayang panglinggwistika sa lipunan. At may

mga pag-aaral din tungkol sa wastong pagsasanay sa paggamit ng

mga salita upang maiwasan ang mga kamalian.

Kakaunti lamang ang pag-aaral tungkol sa antas ng

kaalaman sa wastong paggamit ng ortograpiya ng mga

nagpapakadalubhasa sa Filipino at ang mga dahilan ng pagkakamali

sa wastong gamit ng salita batay sa pasulat at pasalitang

pamamaraan. Ito ang naging gap ng pag-aaral.


21

Batayang Konseptwal

Antas ng
Gumamit ang mga mananaliksik ng input-proseso-awtput na
kaalaman sa
wastong para sa pag-aaral na ito. Makikita sa balangkas
paradaym
paggamit ng
konseptwal
salita ngangmgamga baryabol na ginamit sa pag-aaral. Una, ay ang
nagpapakada-
antas ng sa
lubhasa kaalaman sa wastong paggamit ng salita ng mga
asignaturang
nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino na kung saan tinukoy
Filipino Tseklist
na mga mananaliksik ang mga Interbyu Modyul sa
salita na kadalasang nagkakamali ang
Wastong Gamit
mgaDahilan
mag-aaral
ng sa paggamit nito. ng
Pagsusuri Pangalawa, ang dahilan ng
ng Salita
pagkakamali sa mga datos
pagkakamali sa wastong paggamit ng salita batay sa pasulat at
wastong
paggamitpamamaraan.
pasalitang ng
salita batay
sa:
Sa pagkuha ng mga kasagutan sa mga nabanggit na
a.Pasulat
suliranin, gumamit ng tseklist at nagsagawa ng interbyu ang
b.Pasalita
mananaliksik sa pagkalap ng datos at matapos makuha ang mga datos

ay sinuri ito at binigyan ng interpretasyon. Batay sa mga nakalap


a. P
na resulta sa apag-aaral, isang modyul na makakatulong sa

pagsasanay ng wastong paggamit ng salita ang iminumungkahi ng mga

mananaliksik na maging awtput ng nasabing pag-aaral.

INPUT PROSESO AWTPUT


22

FIDBACK

Pigura 1. Batayang Konseptwal

You might also like