You are on page 1of 18

SPARK SCHOOL

Centennial II B, Nagpayong, Pinagbuhatan


Pasig City

Pangkat V

“Antas ng kaalaman sa wastong paggamit


ng bantas sa pangungusap ng baitang
pito,walo at siyam ng mataas na
paaralan ng Spark School”

Ito ay iprinisinta para kay


Ginoong Lim

Ito ay iprinisinta nila:

Tiffany Noreen Delavin


Augustine Francis Cruz
John Pethuel Girado
Francisco Muescan
Karl Hamor
Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng


asignaturang Filipino 9, Pabasa at Pagsulat tungo sa
Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito ay pinamagatang
“Antas ng Kaalaman sa wastong paggamit ng mga bantas ng
baitang pito, walo at siyam ng mataas na paaralan ng Spark
School” ay buong puso na inihanda ng mga mananaliksik mula
sa isang grupo na binubuo nina:

Tiffany Noreen Delavin


Augustine Francis Cruz
John Pethuel Girado
Francisco Muescan
Karl Hamor

G. Reynante Lim
Guro sa asignaturang Filipino
Pasasalamat

Taus pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa mga


sumusunod na indibidwal at dahil sa mahahalagang tulong,
kontribusyon at suporta tungo sa matagumpay na reyalisasyon
ng pamanahong papel na ito.

G. Reynante Lim, salamat po sa oppportunidad na ibinigay


ninyo sa amin upang magawa ang pamanahong papel na ito.
Salamat din po sa inyong walang sawang paggabay at pagunawa
sa amin lalo na po sa mga panahong hindi na naming alam ang
dapat naming gawin.

Sa aming mga Guro, salamat po sa pagbibigay ng oras sa amin


sa tuwing kami ay magsasarbey. Salamat din po sa pagsuporta
sa amin habang ginagawa naming ang pamanahong papel na ito.

Mga Respondente, hindi man naming mabanggit ang pangalan ng


bawat isa sa inyo, sana ay malaman ninyong lubos ang aming
pasasalamat sa pakikilahok ninyo sa aming sarbey. Kung
hindi dahil sa inyong di matatawarang kooperasyon,
mawawalan ng kabuluhan ang pag-aaral na ito.

Panginoon, salamat po sa pagbibigay ninyo sa amin ng


pasensya at disiplina upang matapos ang pamanahong papel na
ito. Salamat din po sa pagbibigay ninyo ng lakas at
determinasyon sa bawat miyembro ng aming grupo upang magawa
ang dapat naming gawin sa kabila ng mga pagsubok. Higit sa
lahat, salamat po dahil hindi niyo kami pinababayaan.

Muli, maraming-maraming salamat po.


Talaan ng Nilalaman

Kabanata I
Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1
Layunin ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2
Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . 2
Saklaw at Limitasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3
Depinisyon ng mga Terminolohiya. . . . . . . . . . . . . 3

Kabanata II
Lokal na Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4
Pag-aaral ng Banyaga . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8

Kabanata III
Disenyo ng Pananaliksik. . . . . . . . . . . . . . . . . 9
Paraan ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . 9
Mga pokus ng pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . 9
Mga Instruentong Pananaliksik. . . . . . . . . . . . . . 10
Tritment ng mga datos. . . . . . . . . . . . . . . . . . 10

Kabanata IV
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos. . . . . . . 11

Kabanata V
Lagom. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13
Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14
Rekomendasyon. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14
Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran

Panimula
Paano natin nalalaman na patanong ang isang
Pangungusap? Paano natin naiintindihan ang bugso ng
damdamin na gustong ipahiwatig ng isang pangungusap? Ang
kasagutan sa tanong ay iilan lamang sa mga gamit ng bantas
pero ano nga ba ang bantas? Ang bantas ay simbolo na
ginagamit sa mga pangungusap,kuwento at iba pa. Ito ay
nakakatulong sa mga mambabasa upang malaman nila kung
kalian sila hihinto o kung ang binabasa ba nila ay patanong
o nagsasaad ng damdamin.

Mayroong iba’t ibang uri ng bantas na ginagamit sa


pangungusap. Ito ay ang tuldok (.), Tandang Pananong (?),
Tandang Padamdam (!), Kuwit (,), Kudlit (’), Gitling (-),
Tutuldok (:), Tuldok-Kuwit (;), Panipi (“”), Panaklong
(()), at Tutuldok-tuldok (…).

Ang sinaunang Sistema ng pagsulat ay maaring


“logographic” (Isang bagay na naisusulat na nagrerepresenta
ng mga salita o mga parirala.) o kaya “syllabic” (Mga
simbolong nagrerepresenta ng mga patnig.) na hindi palaging
nangangailangan ng bantas, lalo na sa paglalagay ng
ispasyo. Ito ay dahil ang buong morpema o salita ay
karaniwang tinitipon sa loob ng iisang “glyph”, kaya ang
paglalagay ng ispasyo ay hindi makakatulong ng marami upang
makilala kung saan ang salita ay nagtatapos at ang iba pang
mga magsisimula. Ang paglilinaw at pagbibigay diin ay
madaling makakapag-ugnayan ng walang bantas sa pamamagitan
ng paglalagay ng isang hiwalay nanakasulat na anyo na
naiiba mula sa pasalitang anyo ng wika na gumagamit ng
bahagyang naiiba sa prasiyolohiya. Kahit ngayon, ang mga
pormal na nakasulat na modernong ingles ay naiiba mula sa
salitang ingles dahil hindi lahat ng diin at paglilinaw ay
posibleng ilahad, kahit na may bantas.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito na malaman ng mga


estudyante ang wastong paggamit ng bantas. Isasagawa ang
pag-aaral na ito upang malaman ng mga estudyante ang tamang
pagbuo ng gramatika. Ang gramatika ay binubuo ng bantas,
pangungusap at iba pa. Karamihan sa baitang pito, walo at
siyam sa mataas na paaraln ng Spark School ay hindi pa
masyadong marunong gumamit ng wastong bantas na dapat
ilagay sa isang pangungusap, Kaya’t isinasagawa naming ang
layunin na ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

“Ang pag-aaral na ito ay para sa mga mag-aaral na


nasa sekondarya ng mataas na paaralan ng Spark School.
Malalaman nila ang Ibat-ibang uri ng bantas at kung paano
ang wastong paggamit nito. Mapapakinabangan nila ang
kaalaman nila sa wastong paggamit ng bantas sa tuwing sila
ay gagawa ng pangungusap, kuwento at iba pa. Makakatulong
din ang kaaalaman nilang ito sa tuwing gagawa sila ng
iba’t-ibang uri ng liham sa kani-kanilang magiging
trabaho.”
Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay tungkol sa


wastong paggamit o paglagay ng bantas sa pangungusap,
kuwento at iba pa. Ang pag-aaral din na ito ay upang
malaman naming ang antas ng kaalaman ng mga nasa sekondarya
ng mataas na paaralan ng Spark School. Ang pag-aaral na ito
ay tanging yan lamang at hindi na sakop ng pag-aaral na ito
ang tamang pagbuo ng pangungusap o kuwento.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

1. Bantas – Ito ay ang mga simbolo na ginagamit sa


pangungusap, kuwento at iba pa,
2. Tuldok – Ito ay ginagamiit bago matapos ang
pangungusap. Isang marka na ginagamit para matapos ang
isang pangungusap.
3. Tandang Pananong –Ito ay ginagamit sa pangungusap na
patanong.
4. Tandang Padamdam - Ito ay ginagamit sa hulihan ng
isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng
matindi o masidhing damdamin.
5. Logographic – Bagay na nagrerepresenta ng mga salita o
parirala.
6. Syllabic – Mga simbolong nagrerepresenta ng mga
pantig.
7. Morpema – Mga salita
KABANATA II: Mga Kaugnay na Literatura at
Pag-aaral

Lokal na Pag-aaral (https://www.wattpad.com/31)

Ayon kay Lovely Ong (2015) Ang bantas (punctuation) ay mga


simbolo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat
na wika, pati na ang intonasyon at paghintong sandal
(pagtigil na sandali) na gagawin kapag nagbabasa nang
malakas. Sa nakasulat na tagalog, ang bantas ay mahalaga
upang maging malinaw ang kahulugan ng pangungusap.

Ang mga panuntunan ng pagbabantas ay pabago-


bago ayon sa wika,lokasyon,rehistro at panahon (oras) at
patuloy na umuunlad at nagbabago. Ang ilang particular na
mga aspekto ng bantas ay may estilo at sa kung sa gayon ay
ayon sa pagpiling ginawa ng may akda o ng patnugot. Ang mga
anyo ng wika na takigrapiko, katulad ng mga ginagamit sa
pagsasatsatan sa internet at mga mensaheng teksto, ay
maaring may malawakna kakaibang panuntuhan.
Paggamit ng Iba’t-Ibang bantas

1. Tuldok (.) – Ang tuldok ay ginagamiit bago matapos ang


pangungusap. Isang marka na ginagamit para matapos ang
isang pangungusap.

Halimbawa:
Ang mga bata ay naglalaro ng habulan sa parke.
- Ginagamit din ang tuldok upang umikli ang
isang pangalan.

Halimbawa:

Gn. (Ginoo) Bn. (Binibini) Gng. (Ginang)

Sr. (Senyor)

2. Kuwit (,) – Ito ay ginagamit sa ganitong kaparaanan:


A. Paghihiwalay ng isang sinipi.
B. Sa paghihiwalay ng magakakasunod na salita at lipon
ng mga salitang magkaka-uri.

Halimbawa:

Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang kahoy.

Shana, saan ka nag-aaral ngayon?

3. Tandang Pananong (?) – Ito a ginagamit sa pangungusap


na patanong.
Halimbawa:
Ano ang pangalan mo ?
Sasama ka ba ?
4. Tandang Padamdam (!) - Ito ay ginagamit sa hulihan ng
isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng
matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa:
Mabuhay ang Pangulo!
5. Kudlit (‘) – Ito a ginagamit na panghalili sa isang
titik na kina-kaltas.

Halimbawa:
Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako’y isang mamayang Pilipino at may tungkuling mahalin
at pangalagaan ang aking bayan.
6. Gitling (-) – Ito ay ginagamit sa loob ng salita sa
mga sumusunod na pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang ugat o mahigit sa isang
pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:

Araw-araw Isa-isa Apat-apat

7. Tutuldok (:) –Ito ay ginagamit matapos maipapuna ang


pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag, sa
ganitong mga paraan:
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.

Halimbawa:

Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng :


Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.

B. Pagkatapos ng bating panimula bg pormal ng liham o


liham pangangalakal.

Halimbawa:
Dr.Garcia:

8. Tuldok-Kuwit (;) – Ito ay naghuhudyat na pagtatapos ng


isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang
sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig, sa ganitong
mga paraan:
A. Maaring gumamit ng tuldok-kuwit sa halip na tutuldok
sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal.

Halimbawa:

Ginoo;

Bb;

9. Panipi (“”) – Ito ay inilalagay sa unahan at dulo ng


isang salita sa ganitong kaparaanan:
A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang
nagsasalita o ang tuwirang sipi.

Halimbawa

“Hindi kinukupkop ang kriminal, pinaparusahan”


sabi ng Pangulo.

10. Panaklong ( () ) – Ito ay ginagamit na pambukod


sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng
diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa
pangungusap na ito.
A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno..

Halimbawa:

Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may akda


ng Noli Me Tangere.
11. Tutuldok-tuldok o ellipsis (…) – Ito ay
nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang
karugtong ng nais sabihin.
A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita
sa siniping pahayag. Tatlong nawawalang salita,
subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala
ay sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa:

Ipinagpatibay ng Pangulong Arroyo…

Pag aaral ng Banyaga:


(https://en.m.wikipedia.org/wiki/Puntuation)

Ayon kay Captain Raju (2015) ang bantas o punctuation is


“the use of spacing, conventional signs, and certain
typographical devices as aids to the understanding and the
correct reading, both silently and aloud, of handwritten
and printed texts.” Another description is: “The practice,
action, or system of inserting points or other small marks
into texts, in order to aid interpretation; divison of text
into sentences, clauses, etc. by means of such marks.”

The rule of punctuation vary with language, location,


register, time, and are constantly evolving. Certain
aspects of punctuation ar stylistic and are thus the
author’s (or editor’s) choice, or typographic language
forms, such as those used in online chat and text message.
Kabanata III: Disenyo at Paraan ng
Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo


ng pamamaraang deskriptiv-analitik na pamamaraan.
Tatangkain ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang antas
ng kaalaman sa wastong paggamitn ng bantas ng baitang pito,
walo at siyam ng mataas na paaralan ng Spark School.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng


pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng sarbey
kwestyuner na naglalayong makahanap ng datos upang masukat
ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa wastong paggamit
ng bantas. Kukuha din ang mga mananaliksik ng ilang
impormasyon sa internet.

Mga Pokus ng Pag-aaral

Ang mga pipiliing respondenteesa pag-aaral na ito ay mga


nasa baitang pito, walo at siyam ng mataas na paaralan ng
Spark School.

Sa kasalukuyan ay may isang daan na respondentee kaming


papasagutin sa aming animnapung tanong tungkol sa bantas.
Mga Instrumentong Pananaliksik

Ang sarbey kwestyoneyr ay ginamit upang masukat ang


kaalaman ng mga estudyante tungkol sa wastong pagggamit ng
bantas. Ang mga katanungan ay pinasagot sa mga mag-aaral na
nasa baitang pito, walo at siyam ng mataas na paaralan ng
Spark School.

Tritment ng mga Datos

Ang pagkuha ng porsyento ay kinakailangan gawin ng mga


mananaliksik upang malaman kung anong baitang ang may
pinakamaraming mag-aaral na may sapat na kaaalaman sa
wastong paggamit ng bantas.
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon
ng mga Datos

Sa isang daan na repondentee may 23 tao lamang ang pumasa


sa sarbey kwestyuner o 23% porsyento sa 100% porsyento ang
may sapat na kaalaman sa wastong paggamit ng mga bantas.

1. Anong baitang at pangkat ang may pinakamaraming


estudyante na pumasa sa sarbey kwestyuner?

12

10

0
Grade 7-A Grade 7-B Grade 8-A Grade 8-B Grade 9-A Grade 9-B

Ipinapakita ng graph na ang Grade 7-A ang may


pinakamaraming pumasa na may ng 11 katao o 11% porsyento sa
23% porsyento ng kabuuan at sinusundan naman ng Grade 9-B
na may pumasa na 6 katao o 6% porsyento sa 23% porsyento ng
kabuuan.

2. Anong baitang at pangkat ang may pinakamaraming


bumagsak sa sarbey kwestyuner?

30

25

20

15

10

0
Grade 7-A Grade 7-B Grade 8-A Grade 8-B Grade 9-A Grade 9-B

Ipinapakita ng graph na ang Grade 8-A ang may


pinakamaraming estudyante na bumagsak sa sarbey kwestyuner
na may 25 katao na hindi pumasa at ito ay sinusundan ng
Grade 7-B na may 16 katao na hindi pumasa sa sarbey
kwestyuner. Ito ay nangagngahulugan na ang Grade 8-A at
Grade 7-B ang may pinakamaraming estudyante na walang sapat
na kaalaman tungkol sa wastong paggamit ng bantas.
Kabanata V:Lagom, Konklusyon at
Rekomendasyon

LAGOM

Ang pag-aaral tungkol sa antas ng kaalaman sa wastong


paggamit ng bantas ng baitang pito, walo at siyam ay
naganap. Isang daanna estudyante ang sumagot sa katanungan
na aming ibinigay. At ang resulta ay ang mga sumusunod:

1. Sa Isang daanna estudyante na aming pinasagot mayroon


lamang dalawampu’t tatlong estudyante ang may sapat
nakaalaman sa wastong paggamit ng bantas.
2. At ang baitang na may pinakamaraming estudyante na may
sapat na kaalaman ay ang baitang pito. Sa dalawampu’t
na may sapat na kaalaman ang labing tatlo ay
nanggaling sa baitang na ito. Ang baitang walo naman
ang may pinakamaraming estudyante na walang sapat na
kaalaman tungkol sa wastong paggamit ng bantas at sa
isang daan na estudyante na aming pinasagot ang
tatlompu’t walo ay nanggaling sa baitang na ito.
Konklusyon

Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay nakita.

1. Malinaw na nakita na mas kinakailangan pa ng mga


estudyante sa baitang walo ng pag-aaral tungkol sa
wastong paggamit ng bantas.
2. Malinaw na dalawampu’t tatlo katao lamang sa kabuuan
ng 100 estudyante ang may sapat na kaalaman sa wastong
paggamit ng bantas.

Rekomendasyon

Matapos ang aming masusing pag-aaral nabuo namin ang mga


rekomendasyong ito.

1. Iwasan ang masyadong pagkahilig sa mga makabagong


teknolohiya dahil ginugulo nito angating isipan.
2. Mag-aral ng mabuti at maging interesado sa mga
ganitong klase ng paksa.

You might also like