You are on page 1of 23

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang ikalawang kabanata ay binubuo ng limang bahagi: (1)

Kakayahan sa Pagtukoy Pangatnig (2) Kakayahan sa Pagtukoy ng

Pang-ukol (3) Kakayahan sa Pagtukoy ng Pang-angkop (4)

Paggamit sa Pangungusap (5) Sintesis.

Ang unang bahagi, kakayahan sa pagtukoy ng mga

pangatnig, paglalahad ng depinisyon, kahalagahan, at

katangian.

Ang ikalawang bahagi, kakayahan sa pagtukoy ng pang-

ukol, paglalahad ng depinisyon, kahalagahan, at katangian.

Ang ikatlong bahagi, kakayahan sa pagtukoy ng pang-

angkop - paglalahad ng depinisyon, kahalagahan, at

katangian.

Ang ikaapat na bahagi, paggamit nito sa pagbuo ng

pangungusap - paglalahad ng katuturan, kahalagahan at

wastong paraan sa paggamit ng mga pang-ugnay.

Ang ikalimang bahagi, sintesis. Ito ay ang


pangkalahatang nilalaman ng pag-aaral.

Kakayahan sa Pagtukoy ng Pangatnig

Sa pagtuturo ng wika gaya ng Filipino mula elementarya

hanggang sa kolehiyo, pangunahing layunin nito ang paglinang


23

sa kahusayan ng mga mag-aaral na makilala, mapagtuunang-

pansin, maunawaan at magamit ang wika sa lalong maayos,

masining, malikhain, makabuluhan, mabisa ang paraan ng

pagpapahayag, pasulat man o pasalita. (Maglaya (2013)

Sang-ayon kina Tumangan, Sr. et. Al. (2017), ang

balarila ay nagdudulot ng kawastuhan ng mga pahayag.

Ibinibigay nito ang wastong gamit ng mga salita sa pahayag.

Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa mga pangungusap, ang

mga tamang panuring, ang mga pang-ugnay na pangatnig, ang

mga tinig ng pandiwa at iba pa upang magkaroon ng kaisahan

at kakipilan ng mga pangungusap.

Ang kakayahan sa pagtukoy ng mga pangatnig ay

makatutulong nang malaki upang lubusang mabigyang-halaga ang

mga salita na nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng

dalawang yunit sapangungusap. Ang pangatnig ay ang anumang

salita na nag-uugnay, nagdudugtong o nagsasama sa mgasalita,

parirala, sugnay at pangungusap. Gaya na lamang ng pang-

angkop, pang-ukol at pangatnig.

https://www.coursehero.com/file/.(01/12/2023)

Ayon kay Heino (2010), ang mga pangatnig ay mahalagang

elemento sa paglikha ng organiasadong teksto; ang kanilang

presensya samakatuwid ay lumilikha ng kaisahan at mag-ambag

sa kalidad ng teksto ng pangatnig ay gumagana upang

magkaroon ng lohikal na relasyon sa isang teksto, tulungan


24

ang mambabasa na ikonekta ang iba't ibang mga yunit ng

talata, at magkaroon ng kahulugan ang teksto.

Dagdag pa ni Cook (2011), ang mga pangatnig ay

naghahanda sa mga mambabasa na mahulaan ang mga ideyang

kasunod nito. Kaya naman ang angkop na paggamit ng mga

pangatnig ay isang mahalagang kasanayang dapat matamo ng mga

mag-aaral upang maging mahusay sa pagsulat.

Ang kakayahan sa pagtukoy ng pangatnig ay ang

kagalingan sa pagkilala sa mga kataga o lipon ng mga

salitang nag-uugnay

sa dalawang salita, parirala sugnay upang mabuo ang diwa o

kaisipan ng isang pahayaq. Karaniwan itong makikita sa

simula

o kalagitnaan ng pangungusap.

(https://noypi.com.ph/pangatnig.01/12/2023)

Binanggit sa pag-aaral na isinagawa ni Epistola (2011),

sa “Pambalarilang Kamalian sa Pagsulat ng mga Mag-aaral sa

Unang Taon ng Kursong Edukasyon ng Baguio Colleges

Foundation” natuklasang palaging nagkakamali ang mga mag-

aaral sa aspekto ng pandiwa, sumunod ang kailanan ng

pandiwa. Sa sintaks ay sa wastong gamit ng salita,

pagkakaltas ng pangatnig partikular sa paggamit ng nang at

ng.
25

Natuklasan din sa pag-aaral ni Tibagcay (2011), na

panghuli sa ranggo hanay ng mga kamalian ng mga mag-aaral sa

pagkilala ng mga pangatnig. Naniniwala rin si Propesor

Renato Constantino sa kanyang akdang The Language Problem,

ang pinakaugat sa kahirapan sa pagkatuto sa anumang

asignaturang itinuturo sa wikang Filipino ay sa kadahilanang

ang mga Pilipino mismo ay hindi marunong magbigay halaga sa

ating sariling wika. Aniya, tumatak na sa isip ng mga tao na

ang edukasyon ay nakasandig sa English Proficiency dahil ang

mga Pilipino ay naniniwalang hindi nila kayang kumalas sa

Amerika at ang kagalingan sa pagbigkas ng wikang Ingles ay

nagiging batayan na ng kakayahang intelektwal ng isang

indibidwal.

Kakayahan sa Pagtukoy ng Pang-ukol

Pagdating sa Filipino bilang asignatura, isa sa mga

topiko na itinatalakay sa elementarya ay ang mga bahagi ng

pananalita. May walong (8) bahagi ng pananalita. Kabilang na

dito ang pang-ukol.

Ilan sa mga depinisyon ng pang-ukol ay ang mga

sumusunod:

Batay kay Diaz na binanggit sa pag-aaral ni Iglesias (2021),

ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng pangngalan o


26

panghalip sa ibang salita sa pangungusap. Ito ay

nagpapahayag ng kinauukulan ng isang kilos o gawa o kaya ay

pinangyarihan ng isang gawa rin o kilos.Ito ang salitang

ginagamit upang matukoy ang paksa o pinagbatayan ng

impormasyon.

Ang mga pang-ukol ay gumaganap bilang mga konektor, na

nag-uugnay ng isang salita sa isa pa sa loob ng isang

pangungusap. Pinapayagan nila ang isang tagapagsalita o

manunulat na ipahayag ang link sa pagitan ng magkahiwalay na

mga item. Ang mga pang-ukol ay maaaring maghatid ng

impormasyon tungkol sa lokasyon, oras, o direksyon o

magbigay ng mga detalye. Binabago ng mga pariralang pang-

ukol ang mga pangngalan at pandiwa habang nagsasaad ng iba't

ibang ugnayan sa pagitan ng mga paksa at pandiwa. Ginagamit

ang mga ito upang kulayan at ipaalam ang mga pangungusap sa

makapangyarihang paraan. (https://lwvworc.org/tl/why-

prepositional-phrases-are-important. (01/28/2023)

Tahasang sinabi ni Alejandro (2017) na nililimitahan ng

mga depinisyon na ito ang mga pang-ukol sa ilang kahulugan –

beneficiary, o purpose, location, at reference samantalang

mayroon pang maaaring tuklasin. Sa katunayan, limitadong

pagsusuri ang lumalabas sa mga gramar ng Tagalog o Filipino.

Halimbawa:
27

“There are only a few Tagalog prepositions. They are

tungkol sa (with things), tungkol kay (with particular

persons), hinggil sa (with things), hinggil kay (with

particular persons), sa (depending on the verb with which it

goes, this preposition may mean on, in, from, with, to.)”

May dalawang pangkat ng Pang-ukol. Una ay ang pang-ukol

na ginagamit bilang pangngalang pambalana (common noun) -

mga

pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa lahat o

balana. Halimbawa: Ang tema ng talakayan ay ukol sa

kahalagahan ng edukasyon. Pangalawa, Ginagamit na pantukoy

sa ngalan ng tanging tao - mga pantukoy na ang layon, gawa,

kilos o ari ay para sa tanging ngalan ng tao. Halimbawa: Ang

librong kanyang binabasa ay ukol kay Imelda Marcos.

(https://filipinotutorial.blogspot.com/2011/09/bahagi-ng-

pananalita-ang-pang-ukol.html. 01/28/2023)

Ang kakayahan sa pagtukoy ng mga pang-ukol ay may

mahalagang kontribusyon tungo sa wastong paggamit ng mga ito

bilang mga konektor, na nag-uugnay ng isang salita sa isa pa

sa loob ng isang pangungusap. Pinapayagan nito ang isang

tagapagsalita o manunulat na ipahayag ang link sa pagitan ng

magkahiwalay na mga aytem. Ang mga pang-ukol ay maaaring

maghatid ng impormasyon tungkol sa lokasyon, oras, o

direksyon o magbigay ng mga detalye. Binabago ng mga


28

pariralang pang-ukol ang mga pangngalan at pandiwa habang

nagsasaad ng iba't ibang ugnayan sa pagitan ng mga paksa at

pandiwa. Ginagamit ang mga ito upang kulayan at ipaalam ang

mga pangungusap sa makapangyarihang paraan.

https://lwvworc.org/tl/why-prepositional-phrases-are-

important. (01/28/2023)

Sa pag-aaral na isinagawa ni Epistola (2011), sa

“Pambalarilang Kamalian sa Pagsulat ng mga Mag-aaral sa

Unang Taon ng Kursong Edukasyon ng Baguio Colleges

Foundation”, natuklasan ding nagkakamali sa paggamit ng

kamalian sa wastong gamit ng pang-ukol at pantukoy.

Pahayag pa nina Loke at Anthony (2013) sa pag-aaral

tungkol sa kamalian sa paggamit ng pang-ukol sa bansang

Turkish, ang paggamit ng pang-ukol ay isa sa pinaka

mapaghamong aspeto ng balarila sa Ingles para makabisado

nang mahusay ng mga mag-aaral. Iginiit din ni Swan (2014) na

hindi madaling gawain ang matutong gumamit ng mga pang-ukol

nang tama.

Sinang-ayunan din ito ni Özışık (2014) na naglalayong

alamin kung anong antas ng kakayahan sa paggamit ng mga

pang-ukol ang mga estudyanteng Turkish. Nagbigay siya ng

animnapung (60) aytem na pagsusulit sa tatlumpung (30) mag-

aaral sa upper-intermediate level sa isang unibersidad. Sila


29

ay inatasang punan ang mga puwang ng angkop na pang-ukol o

lagyan ng (-) kung walang pang-ukol na kailangan. Ang

resulta ng pagsusulit ay nagpakita na kahit na sa antas na

ito, nahihirapan ang mga mag-aaral sa paghahanap ng tamang

pang-ukol.

Samakatuwid, hindi lang pangatnig ang dapat bigyan ng

pansin sa pag-aaral. Layunin ng pang-ukol ang paghahambing

ng mga ideya, pagkokonekta sa mga pangyayari. Sa paggamit

nito, ang mga ideya ay magiging ispesipik ang iyong nais

iparating o sinasabi. Dito, makikita ang kahusayan o

kawastuan sa mga pahayag na ginagamitan ng mga pang-ukol.

(http://wilmarvillarinalcoser.blogspot.com/2016/01/-pang-

ukol-pangatnig.html. 01/28/2023)

Kakayahan sa Pagtukoy ng Pang-angkop

Ang pang-angkop ay mga katagang idinudugtong sa pagitan

ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng

mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika. Ito ay

maaaring matagpuan sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang

mga pang-angkop ay ang mga katagang na, ng at g. Ang /na/ ay

ginagamit kung ang nauunang salita ay iuugnay sa sinusundang

salita ay nagtatapos sa katinig o consonant maliban sa titik

na /n/. Ito rin ang ginagamit sa mga salitang Ingles na

inuulit. Halimbawa, ang malalim-bangin ay nagiging malalim


30

na bangin. Samantala, ang pang-angkop na /-ng/ naman ay

ginagamit kung ang unang salita ay iuugnay nagtatapos sa

patinig o vowel. Halimbawa, ang malaya-tao ay nagiging

malayang tao. Sa /-g/ ay iuugnay na unang salita na

sinusundan nito ay nagtatapos sa katinig na /n/. Halimbawa,

ang aliwan-pambata ay nagiging aliwang pambata.

(https://filipinotutorial.blogspot.com/2011/09/ang-pang-

angkop-ligatures.html. 01/18/2023)

Sa isinagawang pag-aaral ni Galang (2017), sa bahaging

lingguistika na saklaw ang morpolohiya, ang karaniwang

kamalian ng mga mag-aaral ay ang paggamit ng pang-angkop na

-ng at na. Pinahihiwatig nito ang kakulangan ng kaalaman sa

wastong gamit ng naturang pang-angkop. Sa sintaksis

lumilitaw na madali para sa mag-aaral ang bumuo ng isang

pangungusap na kasingkahulugan ngnaibigay na pangungusap.

Nakikilala ang magkakaugnay na pangungusap at higit sa lahat

nauunawaan ang

talatang nabasa.

Ayon kay Bulaong na binanggit ni Pagayon (2018), ang

tao ay maaaring magtataglay ng isang mabisa at maayos na

paraan ng pagpapahayag na nararapat kung pauunlarin niya ang

mga kasanayang pangwika kagaya ng tamang paggamit ng mga

pang-ugnay tulad ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig. Ang

mga kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang


31

kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang

mensaheng nais niyang ipaabot.

Ayon sa pananaliksik ni Lozada (2016), napag-alaman na

nanguna ang hirap ng mga mag-aaral sa paggamit ng pang-

angkop sa pangungusap. Kompara sa pang-abay na isang

panuring din, lubos silang nahirapan sa paghahanap ng mga

angkop na pang-ugnay na gagamitin sa kanilang pagpapahayag

lalo na’t ito ay kalimitang ginagamit sa pagbuo ng sang

pangungusap.

Kung gayon, hindi lamang pangatnig at pang-ukol ang

dapat bigyan ng pansin sa pag-aaral. Saklaw din nito ang

pang-angkop na nag-uugnay sa mga panuring at salitang

tunituringan. Ito ay nagpapaganda ng mga pariralang

ginagamitan. Naging wasto ang mga pahayag kapag ang mga

pang-angkop na ginagamit nito ay angkop sa mga salita o

pangungusap. Marahil ang ideya dito ay magkatimbang o di-

magkatimbang. Ang pang angkop ay nagbibigay linaw at

nagpapaunlad sa ating kaalaman sa pagbuo ng mga artikulo.

(http://wilmarvillarinalcoser.blogspot.com/html. 01/28/2023)

Paggamit ng Pangatnig, Pang-ukol at

Pang-angkop sa Pangungusap
32

Ayon kay Macasmag (2011) kung natututo ang isang bata

sa gramatika na napabibilangan ng mga pang-ugnay nagiging

maalam ito at napapagyaman ang kanyang pahayag. Yumayabong

ang kaalaman nito kapag madalas ang pakikipag-usap. Sa

pakikipagkomunikasyon, nasusuri ang wasto at maling gamit ng

pag-uugnay ng m Nalilinang sa pakikipagtalasasan ang

kabihasaan ng isang mag-aaral. Dito ay nakikita kung ano ang

kanyang natutunan ukol sa larangan ng gramatika.

Sa pagpapaliwanag naman ni Manaol (2014) ang gramatika

ang tawag sa agham na tumatalakay sa mga salita at kanilang

ugnayan. Ito ang nagsisilbing kaayusan ng salita o sa pagbuo

ng mga pangungusap at organisasyon ng mga ideya. Ang wastong

pagkakasunod-sunod ang gampanin ng gramatika sa pangungusap.

Ito ang nagbibigay diin sa tamang pagpapakahulugan sa bawat

ideya. Ang gramatika ay tungkulin sa wastong paggamit ng mga

salita at sa kaibahan ng tama sa maling pangungusap upang

maging wasto at malinaw ang pagpapahayag.

Ayon naman kina Bisa at Cruz (2014) higit na mabisa at

masining ang isang pagpapahayag gamit ang tamang

pagkakaugnay-ugnay ng pangungusap kung isinasaalang-alang

ang higit na natural na istruktura. Mahalaga ang

pagkakasunod-sunod na posisyon ng bawat salita. Inilahad na

dapat ay wasto ang gamit sa mga salita sapagkat mahirap

unawain ang isang mensahe na hindi angkop ang mga salitang


33

ginamit. Di lubusang mauunawaan ang nais ipukol ng damdamin

maging ang lawak ng ideya kung walang kawastuhan ang gamit

nito. Marapat din na bigyang pansin ang paraan ng paghahanay

ng mga salita sa isang pahayag dahil hindi kanais-nais sa

pandinig sa isang pangungusap kung magulo ang mga hanay ng

salita.

Ang pangangailangan ng balarila sa pagtuturo, ito ang

ginawang pananaliksik ni Wang (2010), ang pagkakaroon ng

kasanayan o kagalingan sa balarila ay pundasyon ng

pagkakaroon ng kahusayan sa wika, mahalaga ang balarila

bilang bahagi ng wika sa pagtuturo, ang balarila ay

epektibong paraan para sanayin ang mga mag-aaral sa

pakikipagkomunikasyon gamit ang Ingles na wika, kaya sa

kanyang pag-aaral ang balarila at ang kakayahang

pangkomunikatibo ay iisa. Sang – ayon ang kasalukuyang

manaliksik sa pag-aaral na isinagawa ni Wang, kailangan

talagang maalam ang mga Pilipino sa Balarilang Filipino.

Hindi sapat ang kahandaan at kakayahang panggramatika

sa pagkatuto ng wika ng isang mag-aaral. Masasabing magaling

ang isang tao sa paggamit ng isang wika kung siya ay

nakabubuo ng mga pangungusap naangkop sa lipunang kanyang

ginagalawan. Ang kakayahan at kasanayan sa pagsasalita at

pasusulat ay hindi
34

lamang nakatuon sa kung ano ang kanyang alam at makabuo ng

pangungusap bagkus ay magamit ang mga pangungusap na angkop

at tinatanggap ng lipunan, Hymes, 2002 hinalaw nina Arca,

Epan, Gonzales at Minimo(2014).

Ayon naman kay Rubin, et. al. na binanggit ni Bayadog

(2016), ang gramatika ay pag-aaral ng mga uri ng mga salita

at ng kanilang tamang gamit at pagkakaugnay-ugnay kung

ginagamit sa pagpapahayag ng isang kaisipan. Samakatwid, sa

mga kaalamang panggramatika nakasalalay ang kawastuhan at

kalinangan ng ating pagsasalita at pagsusulat.

Sinabi ni J. Lee (2015) ang isang tao na maalam sa

larangan ng gramatika ay may kaangkupan sa paggamit ng

wastong deliberasyon ng kanyang balarila na kanya ring

magagamit sa pagsulat ng isang makabuluhang pangungusap at

may kahusayan sa komunikatibong pangwika tungo sa kanyang

pagpapahayag ng may kagalingan at kalinawan sa pagpapahayag.

Ayon sa ulat ni Impong Elyang sa Philippine Star

(2012), binanggit nina Abangan, Magno, Becero, at Gera

(2016) mga may akda ng “Masining na Pagpapahayag” (Filipino

3) “na ang wastong paggamit ng ng mga salita ay siyang tulay

sa isang masining na pagpapahayag. Nabangggit ng mga may-

akda na hindi maiiwasang magkaminsan akala natin ay maaring

makapagpalitan ang gamit ng ilang mga salita. Subalit kung


35

susuriing mabuti ang kawastuhan ng gamit nito, matutuklasan

nati’y na tayo ay nagkakamali”.

Ayon naman kay Bulaong na binanggit nina Iglesias

(2010), Delino (2017) at Pagayon (2018), ang kahusayan ng

tao sa pagpapahayag ay nakasalalay sa linaw ng mensaheng

nais niyang iparating sa kanyang kapwa. Ang tao ay mag-

aangkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag

na nararapat kung pauunlarin niya ang mga kasanayang

pangwika kagaya ng tamang paggamit ng mga pang-ugnay tulad

ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig. Ang mga kasanayang

pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao

upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang

ipaabot.

Ayon pa kay Dell Hymes, na binanggit sa pag-aaral ni

(Lozada 2016), isang lingguwista at antropologo. Hindi

lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan ang pagiging tama ng

pagkakabuo ng mga pangungusap, kundi ang pagiging angkop ng

mga ito depende sa isang sitwasyon.

Napakahalaga ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa

tama at wastong paggamit ng mga salita, pasulat man o

pasalita na paraan ng pagpapahayag. Maaaring maganda ang

ibig ipahatid, maaari rin namang may mabuting layon sa

pagpapahayag subalit hindi ito nagiging mabisa kung mali ang

pagkakapili ng mga salita at hindi tama ang pagkakaayos o


36

pagkakabuo ng mga salita. Ang pag-uugnayan ng mga salita sa

mga parirala, sugnay at pangungusap ng pahayag, ang tamang

mga panuring, mga pang-ugnay, at iba pa para sa kaayusan,

kaisahan at kakipilan ng mga pangungusap ay sinasaklaw ng

balarila. Samakatwid, nagiging maayos, mabisa at epektibo

ang pagpapahayag kung may sapat na kaalaman ang tao sa

balarila o gramatika. (Bacalia, 2019)

Ang mga mag-aaral ay nahihirapan sa paggamit ng mga

pang-ugnay na pangatnig, pang-ukol at pang-angkop kahit sa

mga payak na pangungusap. Mga simpleng salita lamang sa

Filipino ang naituro sa kanila at isinasalin pa ang mga ito

sa Ingles. Sa kanilang pagpapahayag din sa pasenyas sa wika,

hindi gaanong nabibigyang diin ang iba-ibang pang-ugnay

tulad ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig. Iisa lamang

ang palatandaan na kumakatawan sa mga ito kaya limitado

lamang ang kanilang bokabularyo pagdating sa pang-ugnay

(Lozada, 2009).

Sa pahayag nina Canale at Swain na binanggit ni Javier

(2013), kailangang magtaglay ang mga mag-aaral ng kaalaman

sa kayarian ng salita at pangungusap upang maipahayag ang

kahulugan nito. Dapat nilang maunawaan kung paano nabubuo

ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga

salita.
37

Ayon kay Santiago (2013), ang kakayahan ng mga mag-

aaral na magamit nang wasto ang mga pang-ugnay sa pagbuo ng

isang pangungusap o sanaysay ay makatutulong nang malaki sa

kanilang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan at

pagpapahayag ng kanilang kaisipan. Malilinang din ang

kanilang kasanayan sa pagsusulat ng iba’t ibang teksto.

Natuklasan sa pag-aaral ni Misa (2021) na pinamagatang

Kakayahan sa Panggramatikang Filipino ng mga Mag-aaral ng

Grade 9 Laboratory High School ng President Ramon Magsaysay

State University na ang antas ng kakayahan ng mga tagatugon

sa panggramatikang Filipino ay nakapagtamo ng "Beginning" sa

pagpili ng wastong salita, kayarian ng pangungusap at

lohikal na organisasyon. Ang antas ng kakayahan ng tagatugon

sa panggramatikang Filipino ay nakatamo ng "Developing" sa

wastong gamit ng salita, ayos ng pangungusap, pagbuo ng

pangungusap at mekaniks. Batay sa nakalap na datos na ayon

salebel ng kakayahan sa panggramatikang Filipino ng mga mag

– aaral. Ipinapakita na nasa unang (1st) ranggo sa

panggramatikang Filipino ang ayos ng pangungusap na may

average weighted mean na 79.10 na may average weighted mean

na 79.10, ikalawang (2nd) ranggo ang pagbuo ng pangungusap

na may average weighted mean na 77.85, nasa ikatlong (3rd)

ranggo ang wastong gamit ng pangungusap na may average


38

weighted mean na 77.08, ikaapat (4th) na ranggo ang mekaniks

na may average

weighted mean na 75.08, ikalima (5th) ranggo ang lohikal na

organisasyon na may average weighted mean na 74.12 at nas

ikaanim (6th) ranggo ang pagpili ng wastong salita na may

weighted mean na 70.78.

Dagdag pa, batay sa nakalap na datos ayon sa index ng

kahirapan ng tanong sa kakayahang pangramatikang Filipino ng

mga mag-aaral. Ang kakayang panggramatika na kayarian ng

pangungusap ay nakakuha ng 26.28% o 0.28% na

nangangahulugang

mahirap.Ang kakayang panggramatika na pagbuo ng pangungusap

ay nakakuha sa kabuuan nakakuha ng index ng kahirapan na

62.82 o .6282% katumbas na madali ang pagsusuri ayon sa

pagkakabuo ng pangungusap. Batay sa resulta, naging madali

ang pag-unawa ng mag-aaral ayon sa pagkakabuo ng

pangungusap. Ang index ng kahirapan ng tanong sa

panggramatikang Filipino ng mga mag – aaral ayon sa mekaniks

ng pagsulat ng sanaysay ay nakakuha ng 0.3923 katumbas na

mahirap. Gayundin ang lohikal na organisasyon nakakuha ng

index ng kahirapan na 0.3641 katumbas na mahirap.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Gerot at Wignell na

binanggit sa pag-aaral ni Iglesias (2021) natuklasan nilang

maraming kabataan ang nahihirapan sa paggamit ng mga pang-


39

ugnay sa pangungusap upang makabuo ng isang sanaysay. Ang

iba naman ay hindi tama ang paggamit ng mga pang-ugnay sa

pangungusap na nagpapabago sa gusto nilang iparating o

ipahayag na mensahe.

Dagdag pa nina Lartec at Perry (2011), madalas gamitin

ang pang-ugnay sa pagpapahayag lalo na sa pagsulat ng isang

sanaysay kaya dapat ay nasasanay ang mga mag-aaral sa

paggamit nito. Kapag nasasanay na ang mga mag-aaral sa

paggamit ng mga pang-ugnay, nadaragdagan ang kanilang

kaalaman tungkol dito at upang masuri rin ang pagkagamit

nito sa pasulat na anyo.

Gayunpaman, sa pananaliksik ni Lozada (2016), napag-

alaman na nanguna ang hirap ng mga mag-aaral sa paggamit ng

pang-angkop sa pangungusap. Kompara sa pang-abay na isang

panuring din, lubos silang nahirapan sa paghahanap ng mga

angkop na pang-ugnay na gagamitin sa kanilang pagpapahayag

lalo na’t ito ay kalimitang ginagamit sa pagbuo ng sang

pangungusap. Sa pagbuo ng pangungusap sa Filipino, ang mga

pang-ugnay na tulad ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig

ay ay ginagamit upang lalong mapalawak ang pangungusap. Sa

mga mag-aaral sa Grado 8, hindi pa sila sanay sa paggamit ng

pang-ugnay dahil mga payak na pangungusap pa lamang ang

kanilang alam at kadalasan ay hindi sila nakapagpapahayag sa

Filipino.
40

Ganoon din ang natuklasan nina Mintz at Gleitman

(2012), ang pagkatuto ng mga bata ng mga pang-ugnay ay isang

palaisipan. Ayon sa pag-aaral ng pagkatuto at pagkakaunawa

ng mga bata sa mga pang-ugnay, nakita na mas mabagal at

maraming pagkakamali ang nagagawa ng mga ito kung ihahambing

sa mabilis nilang pagkatuto ng pangalan ng mga bagay-bagay.

Ang mga pag-aaral tungkol sa kakayahan ng mga bata na matuto

ng mga pang-ugnay ay nagsasabi na ikinokonekta ng mga ito

ang mga pang-ugnay na ginamit sa kahulugan o kung paano nila

nauunawaan ang isang pangungusap.

Dagdag pa nila, ang pagbibigay atensyon ng mga bata sa

mga pangalan ng mga bagay-bagay ay maaaring maging hadlang

upang matuto silang gumamit ng mga pang-ugnay. Mas

mahihirapan ang mga bata na matuto ng mga pang-ugnay kung

palagi silang nakapokus sa pag-alam ng mga pangalan ng mga

nakikita.

Sa pag-aaral ni Nelson na binanggit sa pag-aaral ni

Iglesias (2021) , mas mababa o wala pa sa 7% sa limampung

(50) salitang binanggit ng mga kalahok ay mga pang-ugnay.

Nagpapahiwatig na lubhang nahihirapan ang mga mag-aaral sa

pagtukoy ng mga pang-ugnay na pangatnig, pang-ukol at pang-

angkop.

Napag-alaman din sa pag-aaral nina Golden-Meadow,

Seligman, and Gelman (2013), na ang mga batang 1-2 taon ay


41

nakauunawa at nakapagsasalita ng mga pangngalan, ngunit

kakaunti ang mga pandiwa at wala ni isa mang pang-ugnay. Ang

obserbasyong ito ay kinumpirma rin ng iba pang mananaliksik.

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na napakalawak

at napakarami ng mga salitang pang-ugnay na pwedeng magamit

at mapagpilian ng mga mag-aaral sa kanilang pagpapahayag ng

mga bagay-bagay sa paligid. Ang tamang paggamit ng mga pang-

ugnay na ito sa pagbuo ng isang pangungusap na nagiging

sanaysay ay sinasabing napakahalaga upang maipahayag nang

lubusan ng isang tao ang kanyang saloobin o iniisip sa iba’t

ibang sitwasyon at panahon, sa pasalita man o pasulat na

paraan. (Borjesson, 2014.)

Sa kabilang banda, Sa pagsusuri ng null hypothesis, ang

wika/wikaing ginagamit sa bahay, paboritong babasahing

Filipino, paboritong panooring pelikula, paboritong

asignatura, at grado sa ikatlong markahan ay may

makabuluhang kaugnayan sa kakayahan ng paggamit ng pandiwa

samantalang ang paboritong leksyon sa Filipino ay walang

kaugnayan sa paggamit ng pandiwa. Ang lahat ng salik na

nabanggit ay may malaking kaugnayan sa paggamit ng mga pang-

ugnay. Inirekomenda ng pag-aaral ang malimit na pagbibigay

ng guro ng pagsasanay sa pagsulat ng komposisyon o sanaysay.

Makatutulong din sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng diyaryo


42

at iba pang uri ng babasahing Filipino at ang panonood ng

mga programang tagalog o Filipino at pelikulang Filipino.

Ayon sa aklat na may pamagat na “Facilitating Learning:

A Metacognitive Process” nina Maria Rita D. Lucas at Benda

D. Corpuz(2010), may iba’t ibang teorya tungkol sa proseso

ng pagkatuto at mga salik na nakaaapekto dito pati na rin

mga pamamaraan sa pagtuturo. Una rito ay ang likas na

proseso ng pagkatuto, dito mas epektibo ang pagkatuto kung

ito ay intensyonal na proseso sa pagbuo ng kahulugan galing

sa impormasyon at karanasan. Pangalawa, ay hangad sa proseso

ng pagkatuto, ang tagumpay ng pagkatuto ay nakasalalay sa

maayos na representasyon ng kaalaman. Pangatlo, pagbuo ng

kaalaman, ang matagumpay na mag-aaral ay naipag-uugnay ang

bagong impormasyon sa dating alam sa mas makabuluhang

pamamaraan. Pang-apat, pag-iisip na may istratehiya, ang

matagumpay na mag-aaral ay nakabubuo at gumagamit ng

makatwirang paraan ng pag-iisip upang makamtam ang

pagkatuto. Panlima, ay ang pag-iisip kung ano ang iniisip,

mataas na antas ng estratehiya sa pagpili at pagmomonitor ng

mental na operasyon. Pang-anim, pagkatuto mula sa mga

konteksto, sinasabi na ang pagkatuto ng isang mag-aaral

naiimpluwensyahan ng kapaligiran, kabilang na ang kultura,

teknolohiya, at mga paniniwalang instruksiyonal. Sumunod

dito ay ang motibasyon at ang emosyonal na impluwensiya sa


43

pagkatuto, ito ay kung paano natututo ang isang mag-aaral sa

pamamagitan ng motibasyon. Sinasabing ang motibasyon ng

isang mag-aaral naiimpluwensiyahan ng indibidwal na emosyon,

paniniwala, interes, at kaugalian sa pag-iisip.

Ayon kay Bangon (2014), ang mga kagamitan o resources

ay isinaalang-alang ang kahandaan at kasapatan ng mga ito sa

pagtuturo. May mga bagay at aktibidades na ibinibigay ang

mga guro upang sa gayon ay hindi mabagal ang kanilang

pagkatuto lalo na sa paggamit ng mga pang-ugnay at hindi

mawalan ng interes sa pag-aaral ang mga ito.

Ayon naman kay Haiyang (2014) na binanggit sa pag-aaral

ni Iglesias 2021, walang makabuluhang kaugnayan sa pagitan

ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagkilala ng pang-ugnay at

paggamit ng mga ito sa pagbuo ng sanaysay. Ayon sa

pananaliksik na ito, karamihan sa mga mag-aaral ay

nakakikilala ng mga pang-ugnay sa isang babasahin o teksto

subalit nahihirapan sila sa paggamit ng mga ito sa pagbuo ng

sanaysay.

Sintesis

Dala ng modernong panahon at dalawang taon na karanasan

sa distance learning, nasasangkot sa maraming suliranin sa

pag-aaral ang mga mag-aaral. Isa na dito ang paglalahad ng

wastong pangungusap gamit ang pang-ugnay na pangatnig, pang-


44

ukol at pang-angkop. Marapat na magabayan, gumawa ng

interbensyon at mabisang estratehiya upang mahasa ang

kanilang kasanayan sa gramatika lalong-lalo na ang tamang

paggamit ng nabanggit na mga pang-ugnay. Ito ang

nagsisilbing gabay upang ang pagbubuo ng mga ideya ay

maayos, makahulugan at kronolohikal. Ang kasanayan sa

pagkilala ng mga pag-ugnay ay dapat matutunan ng bawat mag-

aaral upang magkaroon nang lubusang pag-unawa sa tekstong

babasahin dahil sa maling paggamit lamang ng isang salita ay

maaaring iba ang nais ipakahulugan nito. Sa oras na

magtaglay ng kahusayan ang mga mag-aaral sa paggamit nito,

sila ay magiging mabisang tagapaghatid at tagatanggap ng

mensahe, pasulat man o pasalita. Gayundin, magtataglay ng

kagandahan at kaisahan ang kanilang isusulat na pangungusap,

teksto at kahit sanaysay sapagkat marunong silang bumuo ng

pahayag na isinaalang-alang ang istruktura ng pangungusap.

Samakatuwid, ang tunay na diwa ng pangungusap ay mauunawaan

nang epektibo dahil sa pagdaragdag ng angkop na pang-ugnay.

You might also like