You are on page 1of 2

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

AUTONOMOUS STATUS - CHED PAARALANG GRADWADO


Lungsod ng Roxas
Tel No. (036) 6212-317, Fax No. (036) 6213-057
Website: http://www.filamer.edu.ph/

MAT-FILIPINO
FIL 411
PAHAMBING NA PAGSUSURI NG FILIPINO AT IBA’T IBANG WIKAIN SA PILIPINAS

REYCHEL H. EROJO GNG. MARIBEL BUENAVIDES


TAGA-ULAT PROPESORA

REHISTRO NG WIKA
Sinasabing ang wika upang ituring na buhay ay bukas sa pagpasok ng mga bagong
salita ayon sa pangangailangan ng panahon. Ayon nga sa isang kasabihan sa Ingles: “Variety
is the spice of life.” Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi
makasasama. Maaari itong tingnan bilang isang proseso ng pag-unlad at pagyabong, isang
magandang pangyayari sa pagpapayaman sa wika.
Ang isang lugar ay may dayalekto, ang isang pangkat sa lipunan ay may sosyolek, at
ang indibidwal ay may idyolek, may espesyal naman na barayti ng wika ang iba’t ibang
larangan. Ang barayting ito ay tinatawag na rehistro.
Ang isang salita o termino ay maaring magkaroon ng ibat-ibang kahulugan ayon sa
larangan o disiplinang pinaggagamitan nito. Register o rehistro ang tawag sa ganitong uri ng
mga termino.
TATLONG DAYMENSYON NG REHISTRO NG WIKA
1. TONO NG KAUSAP O TAGAPAKINIG: tenor
- Naaayon ang wika kung para kanino ito.
2. PAKSA NG PINAG-UUSAPAN: field
- Nakaukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon
3. PARAAN O PAANO NAG_UUSAP: mode
- Tungkol ito sa paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o
pasulat.
-
5 URI NG REGISTER NG WIKA BATAY KAY JOOS:

1. Nananatiling Register - Ito ang wikang ginagamit ngayon sa Saligang Batas ng


Pilipinas, himno ng paaralan, salita ng banal na kasulatan, at Panunumpa sa
Watawat. Taglay nito ang mataas na respeto at pagmamalaki.

2. Akademikong Register - Ito ay ginagamit rin sa paaralan kagaya ng Nanatiling


Register, sa balita or impormasyon sa publiko, sa debate, at talumpati. Parating
pormal ang istilo ng pananalita.

3. Konsultatibong Register
Ito ay ginagamit sa pagbigay ng maayos na payo, hatol, o opinyon. 
4. Karaniwang Register 
Ginagamit ito normal na pagkikipagkausap sa kakilala or di man kakilala. Hindi ito
pormal, malaya ang paggamit ng mga salita.

5. Intimasiyang Register
Ito ay karamiting ginagamit sa pagsusuyo at paglalambing. Hindi rin ito pormal.

SANGGUNIAN:
http: rehistro ng wika (slideshare.net)
http: Bakit mayroong ibat ibang rehistro at barayti ng wika ang ibat ibang larangan | Course Hero
http: Ang Register at Iba't Ibang Barayti ng Wika (elcomblus.com)
http: Register ng Wika (memafilipino.blogspot.com)
http: 5 uri ng register ng wika batay kay joos - Brainly.ph

You might also like