You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

CAPIZ STATE UNIVERSITY


FUENTES DRIVE ROXAS CITY, CAPIZ, PHILIPPINES
TEL:(036) 624-578 loc. or (036) 522-3845
Website:www.capsu.edu.ph
Email Adress:capsumaincoed@gmail.com

College of Education
Fil 102 Barayti at Baryasyon ng Wika

Tagapag-ulat: TagaPaglinang Guro:


Shaira B. Anonat Gng.Mary Jean Apuhin

Paksa: Heterogenous na Wika

Introduksyon: Sa buong daigdig, isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming wika. May
kabuuang 175 na wika ang ating bansa. Isang daan at pitompu’t isa dito ay ginagamit
pa at ang apat naman ay lumipas na o hindi na ginagamit ng mga Pilipino.
Sa kadahilanang ang Pilipinas ay isang kapuluan, ang mga Pilipino ay nahahati rin sa
ibat-ibang grupo, na may ibat-ibang uri ng dayalektong gamit. Ganun pa man tayo ay
pinagbubuklod pa rin ng iisang pangunahing wika – ang wikang Filipino.

Kahulugan ng Heterogeneous na Wika


Dahil sa masusing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa sosyolohikal at linggwistika,
nabuo ang teorya ng sosyolinggwistik. Ito ang naging batayan ng mga linggwistiko para
magkaroon ng heterogeneous na wika. Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita.
Mula sa salitang heterous (magkaiba) at genos (uri/lahi) nabuo ang heterogeneous.
Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan na kanyang
ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na natamasa at interes
sa buhay, nagkaroon ng ibat-ibang barayti ang ating wika. Una ay ang permanenteng
barayti kung saan ay nakasama dito ang mga idyolek at dayalektong uri ng wika.

Ito ay ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag-interaksyon sa araw-araw.


Bawat rehiyon o lugar ay may partikular na dayalektong ginagamit.

Ang mga posibilidad naman ng pagkakaroon ng heterogenous ay ang


mga sumusunod:
1.Ang sitwasyong mahihinuha ang pinagmulan ng pagiging hetero ng isang wika ay ang
pagtatagpo at pagtatalaban ng magkaibang wika. Halimbawa ang isang Intsik ay pumunta sa
Pilipinas, ang paraan ng pagsasalita niya ay madadala niya kahit pa ang gamit niyang wika ay
Filipino at dito na papasok ang pidgin. Magkaibang paraan ng paghahayag ngunit ang wika ay
iba rin ang disiplina.

2.Isang ring maaaring posibilidad ang tuluyang pagtanggap ng mga salita o wikang naihahalo
sa isa pang wika tulad ng nangyayari o nangyari sa wikang Filipino. Halimbawa ang wikang
Kastila na lagi nang ginagamit ang salitang ‘kamusta’na hango sa ‘como esta’.Ang baybay ay
nakalalapat ng wikang Tagalog ngunit katunog at katunog ng wikang Kastila.

Sa heterogeneous na katangian ng wika ay may dalawang uri o barayti: Ito ay ang


permanente at pansamantala.
Barayting Permanente
a. Dayalekto- Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang
tao.
b. Idyolek-Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng
wika.
Barayting Pansamantala
a. Register-Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika.
b. Istilo-Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa
kinakausap
c. Midyum-Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o
pasulat.
Mga halimbawa ng heterogeneous na katangian ng wika
Dayalektong heograpical
Halimbawa :
Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar dito ay may ibat-ibang
katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna, Tagalog Quezon.
Dayalektong Temporal
Halimbawa:
Ang Probinsyano na pelikula mayroon na noon ngunit may bagong pelikulang sumisikat ngayon ang mga
manunulat nito ay mag kaiba at ang barayti ng wika nito ay magkaiba sapagkat ito ay isinulat sa
magkaibang panahon.
Dayalektong Sosyal
Halimbawa:
Uri: Karaniwang naiuugnay sa masa ang mga salitang balbal gaya ng utol,ermats,dedma, epal
Edad: Ang tawag ng matatanda sa salamin sa mata ay antipara samantalang ang tawag sa mga kabataan
ngayon shades.
Kasarian: Hanggang ngayong patuloy pa rin paggamit ng salitang jowa (karelasyon) jubis (Mataba),
gander (maganda) at iba pang salita sa Gayspeak.
IDYOLEK
Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika.
Bukod sa panlipunang salik, nakikilala rin ang pananalita ng isang indibiduwal batay sa kaniyang bigkas,
tono, kalidad ng boses, at pisikal na katayuan.
Register
Ang register sa kalusugan ay iba sa palakasan
Estilo
Kapag iyong nakasalubong ay iyong nakasalubong ang isang kaibigan ay maari mong batiin sa pahayag
na "Hoy" kamusta ka na? Kapag bumisita ka sa iyong lolo at lola ay binabati natin sila ng kumusta po
kayo?
Midyum
Ang mga terminong gaya ng dalumat, dalisay at kaatiran ay mababasa sa mga disertasyon at ibat
ibang akademikong materyal na nakasulat, ngunit bihirang ginagamit ang mga ito pang araw-araw na
pasalitang pakikipag-usap.

Mga sanggunian:
Republic of the Philippines
CAPIZ STATE UNIVERSITY
FUENTES DRIVE ROXAS CITY, CAPIZ, PHILIPPINES
TEL:(036) 624-578 loc. or (036) 522-3845
Website:www.capsu.edu.ph
Email Adress:capsumaincoed@gmail.com

College of Education
Fil 102 Barayti at Baryasyon ng Wika

Tagapag-ulat: TagaPaglinang Guro:


Shaira B. Anonat Gng.Mary Jean Apuhin

1. Ano ang ibig sa sabihin ng salitang heterous?


a. Wika c. Lahi/Uri
b. Magkaiba d. Pangsamantala
2. Ano ang sabihin ng salitang genos?
a. Wika c. Lahi/Uri
b. Magkaiba d. Pangsamantala
3. Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao.
a. Idyolek c. Dayalekto
b. Register d. midyum
4. Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika.
a. Idyolek c. Dayalekto
b. Register d. midyum
5. Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat.
a. Idyolek c. Dayalekto
b. Register d. midyum
6. Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap.
a. Idyolek c. Dayalekto
b. Register d. Estilo
7. Sa heterogeneous na katangian ng wika ay may dalawang uri o barayti. Ito ay _______-
a. permanente at pansamantala c. temporal at sosyal
b. Heograpikal at temporal d. wala sa mga nabanggit
8-10. Mag bigay ng Mga halimbawa ng heterogeneous na katangian ng wika.

You might also like