You are on page 1of 34

Mga

Barayti
ng Wika
“Lunes ng umaga, tulad ng dati, maraming
tao kang makasasalubong at makakausap.
Paano mo sila kakausapin o babatiin?
Ano ang sasabihin mo… . . .
-sa kaibigan mong conyo o sosyal at
pabebe
-sa isa sa mga guro mo
-sa kaibigan mong “beki o bakla”
-sa kaibigan mong jejemon
-sa lolo mong kagagaling sa probinsya
niyo.
Ano ang sasabihin mo… . . .
-sa kaibigan mong conyo o
sosyal at pabebe
-sa isa sa mga guro mo
-sa kaibigan mong “beki o
bakla”
-sa kaibigan mong jejemon
-sa lolo mong kagagaling sa
probinsya niyo.
1.Bakit kahit magkakapareho ang
sitwasyon ay magkakaiba ang
naging paraan mo ng pagbati o
pakikipag-usap sa mga taong
nabanggit?

2.Ano ang pinatutunayan nito sa


paggamit natin ng wika?
 
Homogenous

Heterogenous
Homogenous ang wika
kung pare-parehong
magsalita ang lahat ng
gumagamit ng isang
wika.
Nagkakaroon na ito ng
pagkakaiba-iba sanhi ng
ibat-ibang salik
panlipunan.
Edad,hanapbuhay/trabaho,
antas ng pinag-aralan,
kasarian,lugar atbp.
Heterogenous ang wika
kung nagpapakita ng ibat-
ibang salik panlipunan.
Ang ibat-ibang salik na ito
ay nagreresulta sa
pagkakaroon ng ibat-ibang
barayti ng wika.
Barayti
Hindi maiiwasan ang
pagkakaroon ng barayti ng
wika dahil sa pakikipag-
ugnayan ng tao sa kapwa
tao mula sa ibang lugar na
may naiibang kaugalian at
wika.
Mula sa pakikipag-
ugnayang ito ay may
nalilinang na wikang
may pagkakaiba sa
orihinal o istandard na
pinagmulan nito.
Barayti ng Wika
Barayti ng Wika

1.Dayalek-Wikang
ginagamit ng partikular na
pangkat ng mga tao mula
sa isang partikular na lugar
ng lalawigan, rehiyon, o
bayan.
Tagalog sa Rizal Tagalog sa Teresa,
Morong, Cardona
at Baras

palitaw dila-dila
mongo balatong
lola Inda, pupu, nanang
latek kalamay
ate kaka
2. Idyolek-sa barayting ito
lumulutang ang katangian at
kakanyahang natatangi sa taong
nagsasalita.

Madalas nakikilala o napababantog


ang isang tao nang dahil sa
kanyang natatanging paraan ng
pagsasalita o idyolek.
3.Sosyolek-ito ay
nakabatay sa katayuan o
antas panlipunan o
dimensyong sosyal ng mga
taong gumagamit ng wika.
Ang sosyolek ay isang
mahusay na palatandaan ng
istratipikasyon ng isang
lipunan na siyang nagsasaad sa
pagkakaiba ng paggamit ng
wika ng mga tao na
nakapaloob dito batay sa
kanilang katayuan at grupong
kinabibilangan.
a. Wika ng mga beki o gay
lingo
b. “cono”, “conotic” o
“conospeak”
-isang baryant ng
Taglish, may code
switching na nangyayari
c. “jejemon” o “jejespeak”
-isinusulat ng may pinaghalo-
halong numero, simbolo, at may
malalaki at maliliit na titik. Madalas
ginagamit ang titik na H at Z

d.jargon-natatanging bokabularyo ng
partikular na pangkat ay
makakapagpakilala sa kanilang
trabaho o gawain
4.Etnolek-Ito ay mula sa
etnolongguwistikong grupo. Ang
salitang etnolek ay nagmula sa
pinagsamang etniko at dialek.
Hal.
Vaccul-Ivatan-pantakip sa ulo
palangga-minamahal
bulanon-full moon
kalipay-ligaya
5. Register- wika kung saan
naiaangkop ng isang nagsasalita ang
uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at kausap.
A. pormal na pananalita
*paaralan, simbahan,seminar,
korte, talumpati, ulat atbp.
B. di-pormal na pananalita
*kaibigan, kaklase, matagal ng
kakilala, kapamilya atbp.
6. Pidgin at Creole- umusbong na
bagong wika o tinawag sa Ingles
na nobody’s native language o
katutubog wikang di pag-aari
ninuman.

Creole-ang wikang nagsimula


bilang pidgin at naging unang
wika sa isang lugar.
Gawain 1:
Punan ang mga
kahon gamit ang
mga hinihinging
kasagutan. P.47
p.48

What if Conyo
Lahat the People
here in ‘Pinas
1.Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong
paraan magsasalita ang lahat ng mga Pilipino?
2.Kung makakasanayan mo ang ganitong
paraan ng pagsasalita ay maaaring madala mo
na rin ito hanggang sa iyong pagtanda at
maging sa iyong paghahanapbuhay.Paano
maapektuhan nito ang kredibilidad mo sa
propesyon mo sa hinaharap?
3.Batay sa isinagot mo sa bilang 2, ano-ano
ang gagawin mo para hindi magyari ito sa iyo
at malinang sa iyo ang pagsasalita nang
maayos ngayon palang?
Pakinggan o panoorin ang
sumusunod na mga programang
panradyo.

1.
https://www.youtube.com/watch?v=mS7nQ-NC
R2c

2. https://www.youtube.com/watch?v=t23O2wrsso0

3.https://www.youtube.com/watch?
Mga gabay na tanong:
1.Ano-anong barayti ng
wika ang kapansin-pasin
sa paraan ng pagsasalita
ng host sa programang
napakinggan/napanood
mo?
2.Bakit kaya dayalek
ng mga Batanggenyo
ang napiling gamitin
para sa Batman Joke
time?
3.Bakit sina Boy Abunda,
Kris Aquino at Gloria ang
napiling gayahin o i-
spoof sa mga pinanood
mo? Ano ang masasabi
mo sa kanilang idyolek?
4.May mga nagamit
bang jargon ang host o
ang mga bisita/ Kung
mayroon ano-ano ang
mga ito?

You might also like