You are on page 1of 19

3

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 6:
Kahulugan ng “Official Hymn” at Iba
pang Sining na Nagpapakilala ng Sariling
Lalawigan at Rehiyon
ARALING PANLIPUNAN – Ikatlong Baitang
Ikalawang Markahan - Module 6: Kahulugan ng “Official Hymn” at Iba pang Sining na
Nagpapakilala ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Consultants:
Regional Director : Benjamin D. Paragas, CESO IV
Assistant Regional Director : Jessie L. Amin, CESO V
Schools Division Superintendent : Alfredo B. Gumaru, Jr., EdD, CESO VI
Asst. Schools Division Superintendent(s) : Marites L. Llanes, CESE
Chief Education Supervisor, CLMD : Octavio V. Cabasag, PhD
Chief Education Supervisor, CID : Ruby B. Maur, EdD

Development Team
Manunulat : Rosechiel Laciste, Milagros P. Roman, Helen Dela Calzada
Content Editor : Noimi L. Tattao, Lodesa G. Dulnuan
Language Editor : Joseph N. Dulnuan, Jean N. Cristobal
Tagaguhit : Rosechiel Laciste, Milagros P. Roman, Helen Dela Calzada
Tagalapat : Rosechiel Laciste, Milagros P. Roman, Helen Dela Calzada
Tagapamahala : Rizalino G. Caronan, Regional LRMS Supervisor
: Miraflor D. Mariano, Regional Learning Area Supervisor
: Cherry Grace D. Amin, Division LRMS Supervisor
: Hilario P. Lauigan, Division Learning Area Supervisor
: Alexander G. Geronimo, Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region 02

Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396 – 9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 6:
Kahulugan ng “Official Hymn” at Iba
pang Sining na Nagpapakilala ng
Sariling Lalawigan at Rehiyon
Alamin

Isang maligayang pagtuntong sa Ikatlong Baitang!

Ang modyul na ito ay ginawa upang mas mapalalawak pa ang


iyong kaalaman ukol sa Kahulugan ng “Official Hymn” at Iba pang
Sining na Nagpapakilala ng Sariling Lalawigan at Rehiyon. Ito ay
makatutulong sa iyo kung papaano mo makikilala ang Kahulugan
ng “Official Hymn” at Iba pang Sining na Nagpapakilala ng Sariling
Lalawigan at Rehiyon.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa


karunungan!

Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Kahulugan ng “Official Hymn” at Iba pang Sining na Nagpapakilala


ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

Sa pag-aaral ng lalawigan at rehiyon, mahalagang matutuhan


ang paggamit at paggawa ng mapa. Ito’y magsisilbing gabay sa
lubusang pagkilala ng katangiang-pisikal ng sariling lalawigan,
rehiyon, at ng karatig nito.

Sa araling ito, inaasahang:

1. Naibibigay ang kahulugan sa nilalaman ng opisyal na himno


ng sariling lalawigan;
2. Natutukoy ang iba pang mga sining na pagkakakilanlan ng
lalawigan;
3. Nakapagpapakita ng pagpapahalaga ng mga sining sa
sariling lalawigan.
Subukin

Piliin ang letra ng tamang sagot at Isulat ang iyong sagot sa


sagutang papael:
1. Ang mga lalawigan sa rehiyon ay may __________o
komposisyon na kinikilala bilang opisyal na himno nito.
a. awitin b. kultura c. mensahe d. produkto
2. Nararapat lamang na alamin ang tunay na kahulugan o
mensahe ng awitin sapagkat ito ay_____________ ng iyong
lalawigan.
a. opisyal b. sagisag c. lalawigan d. rehiyon
3. Ang opisyal na himno ng lalawigan ng Isabela ay _____________.
a. Bambanti b. Gawagawayan c. Isabela Hymn
d. Isabela March
4. Ang _________________ Festival ang itinuturing na mother of all
festivals sa Isabela.
a. Gawagawayan b. Bambanti c. Mangi d. Balatong
5. Ang _________________ ay isang uri ng sayaw pandigma
(War Dance) na sinasayaw ito tuwing kapistahan ng barangay,
bayan, at sa araw ng pagkatatag ng Batanes (Batanes Day )
a. Pattaradday b. Palo-Palo Dance c. La Estudyantina
Modyul Kahulugan ng “Official Hymn” at Iba

6 pang Sining na Nagpapakilala ng


Sariling Lalawigan at Rehiyon

Ang mga lalawigan sa rehiyon ay may awitin o komposisyon


na kinikilala bilang opisyal na himno at sining . Mahalagang
malaman mo ang nilalaman ng opisyal na himno at sining na
pagkakakilanlan upang higit mong makilala at maipagmamalaki
ang lalawigan na iyong kinabibilangan. Nararapat lamang na
alamin ang tunay na kahulugan o mensahe ng awitin at ang sining
na nagmula sa isang lalawigan at rehiyon sapagkat ito ay sagisag
ng iyong kinabibilangang lugar.

Balikan

Punan ang talahanayan upang mailarawan ang bawat lalawigan


ng rehiyon. Gawing gabay ang halimbawang naibigay sa unang
bilang.

Lalawigan Simbolo Mga Larawan Mga Katangian


na Nakikita sa na Nais Ipakita
Opisyal na ng Lalawigan
Simbolo
Ang isla ay
Watawat napapalibutan ng
Batanes Lamang - dagat malawak na
katubigan ng
Bashi Channel.
Mayaman ito sa
yamang-dagat,
kabilang na ang
pinakabihirang
corals sa mundo.
Cagayan

Isabela

Nueva
Vizcaya

Quirino

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay nagsisilbing gabay sa mga
guro sa pagtuturo sa araling ito. Hinihikayat po namin
kayo na gamitin ito ng buong puso upang maihatid
natin sa ating mag-aaral ang wastong kaalaman na
nararapat sa kanila.
Tuklasin

Sagutin ang mga katanungan:


1. Ano-ano ang mga katangian ng lalawigan na binanggit sa mga
awit?
2. Paano mo mailalarawan ang iba pang sining sa iyong rehiyon?
3. Bakit dapat na mahalin at ikarangal ang iyong lalawigan?
4. Bakit sinabing pinagpala ang iyong lalawigan? Naniniwala kaba
rito? Bakit?

Suriin

Ang mga lalawigan sa ating rehiyon ay may awitin o


komposisyon na kinikilala bilang opisyal na himno nito.
Mahalagang malaman mo ang nilalaman ng opisyal na himno
upang higit mong makilala at maipagmalaki ang lalawigan na
iyong kinabibilangan. Gayundin, nararapat lamang naalamin
moa ng tunay na kahulugan o mensahe ng awiting ito sapagkat
ito ay sagisag ng iyong lalawigan.
Karamihan sa mga lalawigan ay may sariling opisyal na
awitin. Karaniwang isinusulat ito upang pukawin ang damdamin
ng mga taga-lalawigan sa kagandahan ng kanilang lalawigan.
Ang ibang awit ay nag-uudyok na mahalin nila ang kanilang mga
lalawigan upang lalo itong umunlad. Pinapatugtog lamang ito
kung may pagdiriwang ang buong lalawigan o hindi kaya sa mga
mahahalagang okasyon ng lalawigan. Mahalagang awitin ito
nang may paggalang at pagpapahalaga.
Narito ang mga awitin o komposisyon na kinikilala bilang
opisyal na himno ng mga lalawigan ng rehiyon II.
1. Lalawigan ng Batanes - Beautiful Batanes Isles
Lyrics: Pedro Indunan
2. Lalawigan ng Cagayan – Cagayan Hymn
By: J.H.M. Butler
3. Lalawigan ng Isabela – Isabela Hymn
Lyrics: Avelina N. Cabasal
Music: Lucio San Pedro
4. Lalawigan ng Viscaya – Vizcaya Home [Vizcaya Hymn]
Lyrics and Melody: Jaime Macadangdang, 1953
5. Lalawigan ng Quirino – Quirino Hymn
By: Filemon V. Ranchez
Subukin nating pag-aralan ang awitin ng lalawigan ng Isabela.

ISABELA HYMN
By: Avelina N. Cabasal

Isabela a home, endeared by men


upright and free
A land where peace and love abide
where men of truth reside

Endowed with rich and glorious past


A heritage known and vast
From Palanan to Jones they stood
For freedom and for truth

Her shining rivers teem,


with fish and mountains lush with trees
Her fertile fields abound with yields
Are blessings for our meat.
Bless Isabela, Gracious Lord
And keep her in Your fold
In unison, we all proclaim,
Her providential fame.
Alam mo ba na maliban sa opisyal na himno, may iba pang
sining na pagkakakilanlan ang mga lalawigan? Ang mga ito ay
nagpapakita ng iba pang sining na nagmula sa isang lalawigan.
Mainam ding alamin ang ilang mga sining na nagpapakita ng
iyong lalawigan na iyong kinabibilangan, mahalagang malaman
ang iba’t ibang sining na nagmula rito. Bilang mamamayan ng
iyong lalawigan, nararapat lamang na ang mga sining na ito ay
iyong alamin, pahalagahan, at ipagmalaki. Kilalanin natin ang
sining at pagdiriwang sa Lambak Cagayan.

Saints Peter and Paul Cathedral

Saints Peter and Paul Cathedral ang luklukan ng Archdiocese ng


Tuguegarao. Ang simbahan at kampanaryo nito ang
pinakamalaking naipatayo ng mga Espanyol sa rehiyon. Noong
1761, si Fr. Antonio Lobato, O.P. ang namahala sa simbahang ito.
Makikita ang larawan ng simbahan ng Roma Basilica na
tumatayong isang napakagandang gawa ng sining sa Pilipinas at
sa buong mundo.

Palo-Palo Dance
Palo-Palo Dance ay isang uri ng sayaw pandigma (War Dance).
Ipinakikita ng sayaw ang pagdating ng mga Kastila at
pakikipaglaban ng mga katutubong Ivatan. Sinasayaw ito tuwing
kapistahan ng barangay, bayan, at sa araw ng pagkatatag ng
Batanes (Batanes Day). Sinasayaw ito ng mga kalalakihan.
Dalawang hanay ito ng mga mananayaw na magkaiba ang
kasuotan. Nagsusuot ng magagandang damit ang mga
gumaganap na Kastila samantalang ang mga gumaganap na
Ivatan ay nagsusuot ng yari sa lokal na materyales tulad ng
“kalayukay/kalaka”(dried banana leaves) o “avatug”(balat ng
kahoy”.Mayroong mahaba at maikling paraan ng pagsasayaw
nito.

Kasuotan ng Gaddang

Kasuotan ng Gaddang
Ang mga Gaddang na tinatawag ding Gadan o
Gaddanes ay isang pangkat etniko sa Rehiyon II. Makikita sa
kanilang sining ang mayaman nilang kultura pati na ang pagiging
malikhain. Kinagigiliwan nila ang pagpapalamuti sa kanilang mga
seremonyal na kasuotan na lalo nilang pinagaganda sa
pamamagitan ng paglalagay ng mga butones, barya, kabibe, at
beads. Maging ang kanilang mga tradisyonal na kasuotan ay
pinapalamutihan din ng maraming beads at mga mamahaling
bato.
Bambanti Festival

Bambanti Festival - ipinagdiriwang tuwing ika 27-31 ng Enero kada-


taon. Ang Bambanti Festival ay itinuturing na Mother of all Festivals
sa Isabela. Ang “bambanti” ay salitang Ilocano na ang kahulugan
ay scarecrow. Ang bambanti o scarecrow ay ginagawang bantay
at panakot sa mga peste, ibon o hayop sa mga taniman o palayan
para sa masaganang ani at sa selebrasyon naman ng nabanggit
na festival sa Isabela ay nagsisilbing atraksiyon dahil ginawa itong
makukulay ang mga palamuti. Kabilang din ang pagandahan ng
mga booth na naglalaman ng kani-kanilang produkto at
nagpapahiwatig ng kultura ng mga Isabelino.

Panagdadapun Festival

Ang Panagdadapun ay isang salitang Ilocano na ang


kahulugan ay pagtitipon.
Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika 8-10 ng Septyembre.
Madaming dumarayo sa lalawigan ng Quirino para lang
makidiwang sa Panagdarapun Festival. Bawat munisipalidad ay
may ihahandang presentasyon para sa street dancing
competition. Makikita natin dito ang makukulay at magagandang
kasuotan ng mga street dancers at musicians.

Ammungan Festival

Ang Ammungan ay isang Gaddang na salita na ang ibig


sabihin ay pagtitipon “Gathering”. Ipinagdiriwang ito tuwing ika
21-25 ng Mayo ng mga taga Nueva Vizcaya. Ito ay isang linggong
pagdiriwang na kung saan ito ay pokus sa mayamang kultura at
tradisyon ng mga Novo Vizcayanos. Mayroong parade of floats,
street dancing competition, Agri-Trade Fair, Laro ng Lahi, Gawang
Vizcayano Exhibit and landscaping Contest. Ito ay nagpapatunay
na isa sa mayaman at progresibong lalawigan ng rehiyong II.

Pagyamanin
Gawain A
Suriin kung tama o mali ang sumusunod na mga pahayag. Isulat
ang sagot sa loob ng kahon.
1. Mahalagang malaman mo ang nilalaman ng
opisyal na himno upang higit mong makilala at
maipagmalaki ang iyong lalawigan na
kinabibilangan.
2. Ang bawat lalawigan ay may natatanging sining
na sadyang maipagmamalaki ng lalawigan.
3. Tangkilikin ang mga hip hop dance o sayaw ng
mga banyaga kasi ito ang uso sa panahon
ngayon.
4. Karamihan sa mga awit at sining ay tungkol sa
pangngalaga sa kagubatan.
5. Malaking bahagi ang awit at sining sa
pagpapatanyag ng kultura sa ating lalawigan.

Gawain B
Batay sa napag-aralang mga sining, paano mo maikukumpara
ang sariling sining at ang sining ng karatig na rehiyon? Punan ang
Venn diagram.

Sining ng
Sining ng Aming Dalawang Sining ng Ibang
Lalawigan Lalawigan Lalawigan
1._______________ 1.____________ 1._____________
2._______________ 2.____________ 2._____________
3._______________ 3.____________ 3._____________
4._______________ 4.____________ 4._____________
Gawain C
Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Letra lamang
ng tamang sagot ang isulat sa linya.
A B
_____1. Sumulat ng awiting a. Bambanti
Isabela Hymn
_____2. Pinakamalaking simbahan b. Bambanti Festival
na naipatayo ng mga Espanyol
sa rehiyon ll
_____3. Uri ng sayaw pandigma c. Palo-Palo Dance
(War Dance)
_____4. Salitang Ilocano na ang d. Avelina N. Cabasal
Kahulugan ay scarecrow e. Saints Peter and
Paul Cathedral
_____5. Tinaguriang Mother of all
Festivals

Isaisip

Punan ng tamang sagot ang patlang.


Ang mga lalawigan sa rehiyon ay may (1.) ________________ o
komposisyon na kinikilala bilang (2.) _________________ na himno
nito. Mahalagang malaman mo ang nilalaman ng opisyal na
himno upang higit mong (3.)__________________________ at (4.)
_______________________ ang lalawigan na iyong
kinabibilangan.Gayundin, nararapat lamang na alamin ang
tunay na kahulugan o (5.)_____________________ ng awiting ito.
Isagawa
Magbigay ng mga ilang katangian at impormasyon tungkol sa
larawan. Isulat ang iyong sagot sa mga linya.

_________________
_________________
_________________
_________________

________________
________________
________________
________________

________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________

Tayahin

Tukuyin ang inilalarawan ng mga pahayag. Piliin sa loob ng kahon


ang sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa linya.

Ivatan
Gawagawayan Festival
Filemon Ranchez
Ammungan Festival
Panagdadapun

1. Tawag sa mga naninirahan sa Batanes.____________________


2. Siya ang may akda sa opisyal na himno ng lalawigan ng
Quirino.________________
3. Ipinagdiriwang tuwing ika 8-10 ng Septyembre._______________
4. Idinaraos tuwing 30 ng Marso hangang 15 ng Abril.____________
5. Ito ay isang Gaddang na salita na ang ibig sabihin ay pagtitipon.
__________________

Karagdagang Gawain

Mag-isip ng Tatlong (3) tanyag na pagdiriwang sa sariling


lalawigan o rehiyon. Sumulat ng dalawa hanggang tatlong
pangungusap tungkol sa bawat pagdiriwang na nabanggit.

Halimbawa:

Gawagaway-yan Festival – ito ay taunang pagdiriwang at


paggunita sa pagiging lungsod ng Cauayan na idinaraos tuwing
30 ng Marso hanggang 15 ng Abril. Itinatampok dito ang
mayamang kultura ng Cauayenos gayundin ang mga produkto
ng lungsod. Ilan sa mga itinatanghal ditto ay ang agri-trade fair,
sportfest, cultural shows, streetdance competition, at float parade.
Susi sa Pagwawasto
5. B 5. Tama
4. A 4. Mali 5. Mensahe
3. C 3. Mali 4. Maipagmalaki
2. E 2. Tama 3. Makilala
1. D 1. Tama 2. Opisyal
Pagyamanin – Gawain A
1. Awitin
Isagawa
Isaisip
5. Ammungan Festival
B 5. 4. Gawagawayan Festival
B 4. Festival
C 3. 3. Panagdadapun
B 2. 2. Filemon Ranchez
A 1. 1. Ivatan
Subukin Tayahin

Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide,
Araling Panlipunan 3 Textbook

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like