You are on page 1of 20

ARALIN: 1 (DAY 1)

ANG MGA
SIMBOLO SA
MAPA
Magpalaro ng “scavenger’s hunt” gamit ang isang simpleng mapa. Sa
larong ito, maghanda ng 4-5 simplemeng mapa ng silid aralan kagaya
ng nasa ibaba.
Maglagay ng mga kendi sa iba’t
ibang sulok ng silid at markahan ito
sa mga mapang ginawa. Ibaibahin
ang mga marka sa mga mapa sa
bawat pangkat upang hindi
magkagulo ang klase. Siguraduhin
pareho ang bilang ng marka sa
bawat mapa. Ang pangkat na may
pinakamaraming kending nakuha
ang siyang panalo.
Paano ninyo natagpuan ang mga kendi?
Ano ang tiningnan ninyo sa papel na
binigay ko sa iyo?

Paano ito nakatulong sa paghahanap


ninyo ng kendi?
Anong mga bagay ang inyong
tinandaan?
Ano ang
tawag dito?

Map
a
Ano-ano ang
makikita sa mapa?

Mga
Simbolo
Ano kaya ang
ibig sabihin ng
mga simbolo sa
mapa?
Bakit kaya
kailangan
malaman ang
ibig sabihin ng
mga simbolo sa
mapa?
Ang mapa ay isang larawan o representasyon sa papel ng
isang lugar na maaaring kabuuan man o bahagi lamang nito, na
nagpapakita ng pisikal na katangian, mga lungsod, kabisera, mga
daan at iba pa.
Ang mapa ay gumagamit ng iba’t ibang simbolo upang
kumatawan sa iba pang bagay. Ginagamit ang mga simbolong ito
upang ipahiwatig ang ilang mga bagay, katangian, at iba pang
impormasyon ukol sa mga lugar. Nagtuturo ito ng eksaktong
kinalalagyan ng isang lugar o pook at ng mga natatagpuan dito.
Bago pa naimbento ang mapa, ang mga tao ay gumagawa na ng
sariling simbolo upang magamit nila sa pagtunton ng lugar. Tayo rin ay
maaaring mag-isip ng mga simbolo ng mga bagay upang ipakita sa
mapa ang kahalagahan nito. Ang mga imbentong simbolo ay hindi
ginagamit sa mga aktuwal na mapang nabibili. Ang mga imbentong
simbolo ay pananda lamang ng mga taong gumagamit nito. Gumuhit
ng mapa ng silid-aralan. Lagyan ito ng mga simbolo, halimbawa,
simbolo ng upuan o mesa ng guro. Ipabasa sa iyong kaklase ang
mapa. Matutukoy ba niya ang kinalalagyan ng mga upuan at mesa ng
iyong guro?
Ang mga simbolo o panandang ginagamit sa aktuwal na mapa
ay may mga taglay na kahulugan. Kailangang malaman at
maintindihan ang bawat simbolo sa mapa upang mas madaling
makilala o mapuntahan ang isang lugar.
Madali lamang kilalanin o intindihin ang mga simbolo sa mapa.
Karaniwang ginagamit na larawan sa mga simbolo ng mga bagay
ay ang mismong hugis nito. Isang halimbawa ay ang hugis ng
bundok na kagaya nito
Hulaan ninyo ang
pangalan ng simbolo ng
bawat larawan.

Kapatagan
bulkan
katubiga
Pangkatan
g Gawain:

Talakayin ang bawat simbolo na maaaring


makita sa isang mapa. Isulat sa kaukulang
kahon sa tabi ng simbolo ang kahulugan nito
batay sa talakayan. Ang mga simbolong ito
ay maaaring nagpapahayag ng isang
anyong lupa, anyong tubig, gusali at iba pa.
burol

lawa

bundok
lambak

talampas
talon
ilog

kabahayan
kagubatan
hospital

simbahan

Paaralan
TANDAA
N
Ang mapa ay isang representasyon sa
papel ng isang lugar, kabuuan man o
bahagi lamang. Ipinapakita sa mapa ang
pisikal na katangian, lungsod, kabisera,
daan, kalsada, at iba pa ng isang lugar. Ito
ay karaniwang gumagamit ng mga
pananda at simbolo. Ang bawat pananda o
simbolo ay may kahulugan na dapat
alamin
PAGTATAYA

You might also like